Kinabukasan medyo late na ako nagising dulot nang panonood at pag-iisip na rin tungkol sa story ni Brayson. Hindi ko sya nagawang kausapin tungkol doon kasi hindi naman kami close? Nevertheless, here I am contemplating if I should or should not message him about that. I mean what answer could I possibly get from him? Oh because Haru likes me? Is that it? We don't even know each other yet!
Sa huli, natagpuan ko na lang ang sarili kong nagtatype ng message. Bago ko pa mapindot ang send button, nauna na syang magmessage.
Brayson:
You wanna see him daw? HAHAHAHAH
Jae:
Curious nga kasi ako, anyway let's talk about your story HAHAHAHAH
Brayson:
Ay nakita mo rin pala yun? HAHAHAHAHAH Brays kasi yun Raelyy
Ilang beses akong napakurap. What? Brays tas Raelyn? Anlayo ah? Anong klaseng palusot yun. And Raelyy? Really?
Instead of sending who tf is Haru, napunta ang usapan namin sa kanila ni Hestia. Sa mga gifts nila sa isa't isa na wala naman akong pake. Actually kating kati na ako magsabi ng 'back to the business tayo' but okay. Hinayaan ko na lang syang magchat tungkol sa kanila even tho they're already broke up ages ago. Kidding.
Jae:
Feed my curiosity pleaseee, promise stop na akoo
Brayson:
Sige later HAHAHAH promise.
Pang-ilang beses nya na bang sinabi yan? Hindi na ako nagreply at tumayo na para maligo dahil baka abutin ako ng syam syam sa kakahintay sa later nya. Parang magsesend lang ng pic eh andami pang sinasabi. And he's kind of emoji warrior and jeje slight like paano kaya 'to natalagan ni Hestia? I crossed my arms. Well, he's handsome and rich so no wonder.
Binilisan ko lang maligo dahil nga may pasok ako pero kung siguro sa normal na araw lang, inaabot ako nang isang oras. Bakit? Wala naman, nagkakaroon lang ako ng kung ano anong senaryo na naiisip habang naliligo. Minsan sumasabay ako sa mga kantang pinapatugtog ko and lastly, I just love water. Gustong gusto ko magbabad sa tubig hanggang sa maging kulubot na ang mga balat ko sa kamay at paa.
Nagbihis muna ako ng panloob na damit dahil maaga aga pa naman, mapapawisan ko lang ang uniform ko kung susuotin ko sya agad lalo na at napaka-init ng panahon ngayon at grabe ang pagkatirik ng araw.
"Jae! Kumain ka na dyan anong oras na! Dapat naligo ka muna eh!" I wanna roll my eyes, kung makasigaw si mama akala mo naman ang laki laki ng bahay namin at hindi ko sya marinig.
"Tapos na po!" Sinimulan ko na i-check ang mga gamit ko sa bag kung kumpleto na ba. Hindi na kasi bago sa akin ang may makalimutan, madalas yung mga importante pa ang naiiwan ko kaya as much as possible, ilang beses kong tinitignan lahat bago umalis.
"Ay boba," agad akong tumayo at lumayo sa mga gamit ko. Hindi ko pa pala pinapatuyo ang buhok ko kaya tumutulo pa ito paunti-unti. Hinawakan ko pataas ang buhok ko at naghanap ng towel para matuyo ito. Pumunta ako sa drawer at kumuha ng isang puting towel at sinimulang patuyuin ang basang buhok.
Habang nagpapatuyo, ilang beses na tumunog ang cellphone. It's either gc or Hestia. Wala naman kasi akong ibang nakakausap sa mga social media accounts ko kung hindi mga kaibigan lang. I'm not complaining though. Hindi naman kasi ako palachat talaga lalo na sa mga hindi kakilala or kaclose. Hindi ko kasi alam kung anong mga sasabihin and such. In short, wala akong kwenta kausap online, kabaligtaran kapag sa personal kung saan kaharap ko ang kausap ko. Pero nakadepende pa rin yun sa taong nasa harap ko.
Brayson:
Add mo sya later
Brayson:
Ay hindi, sya na lang pala
Brayson:
HAHAHAHHA sure na, add mo yung personal account nya.
Hayes Russell
Hindi naman sa pagmamadali pero agad kong tinype ang pangalan sa search box. Pinindot ko ang unang account na lumabas. Isang lalaking naka-upo ang bumungad sa profile picture. He's wearing a plain black shirt and he looks like -
- a damn child. Not literally a child but a boy who's not yet go through puberty or papuntang teenager phase pa lang.
Wait? Is this him? Ano toh picture nya when he's in his early adolescence?? Kasi there's no way na present picture toh. Kasi if ever, wow sana all baby face.
Jae:
Yung naka black ba?
Brayson:
Yes, yung bata HAHAHHAHA
Jae:
Don't tell me it's him? Like yung ngayon???? No way.
Brayson:
Of course not! HAHAHAH that's his picture from years ago.
Bumalik ako ulit sa profile nya para makita ng mabuti. From this picture pa lang, alam mo na talagang gwapo, he looks so innocent. Sa gilid ng pangalan nya ay ang nickname nyang 'Haru'. Hindi naman mahirap isipin kung saan nakuha ang palayaw nyang yun because the first letter of his first name is 'Ha' while the second is 'Ru' so yeah it's obvious. Napatitig ako sa add friend button. Nakita ko na sya, I mean his old pic but still, sya pa rin ito. Should I add him pa ba? Gusto ko lang naman sya makita hindi ba? Tapos na, nakita ko na.
"Wala naman atang masama kung magiging friend ko sya," kausap ko sa sarili. Pinindot ko na ang add friend button at agad agad pinatay ang phone. Pagkalipas ng ilang sandali binuksan ko ulit. No signs of confirmation or anything. Napindot ko naman diba? Baka hindi lang online? Ano naman kung hindi i-confirm Jae? At least you tried err.
Brayson:
sent an image
"Are you serious??" Isang screenshot ng convo nila ang sinend nya sa akin.
Hayeshit:
She added me na
Fuck Brays im gonna accept her na
Mauuna pa kami sa inyo HAHAHAH
Wow, I'm speechless. Ang aga aga pa kuya kumalma ka. My goodness.
Brayson:
Don't let him court you HAHAHAHHA
Ay boang anong court court??? Nag add friend lang ako bat may ligawan nang sinasabi ito?
Jae:
Amp bahala nga kayo jan papasok na aq
Hindi ko na hinintay pa ang reply nya at nagsimula nang kumain. May 30 minutes pa bago dumating ang service ko kaya makakapag-ayos pa ako ng buhok bago umalis. Nakasanayan ko nang magtali ng iba't ibang braid sa buhok ko. Noong una medyo nahihirapan pa ako hanggang sa paunti-unti ko nang nagagawa ang iba't ibang style na gusto ko.
Umilaw ang phone na nasa tabi kaya kinuha ko. Dahil ngumunguya ako halos mabilaukan ako sa nakita. Bagong pangalan ang bumungad sa akin. He confirmed it! At meroon nang mensahe agad galing sa kanya.
Napainom pa ako ng tubig bago ko binuksan ang chat nya.
Hayes:
Hi Raelyy :)
OMG ito na, what should I reply? 'hello' ? Err hello po? Oh wait wtf Jae, it's just a simple 'Hi' ba't mo pa pinag-iisipan ang irereply?
Jae:
Hellooo
Dinagdagan ko ng dalawang letter sa dulo so that it can look friendly. Err, baka kasi sabihan ako na masungit if 'hello' lang hindi ba?
The three dots started to appear after he saw my message. Mukhang mabilis sya magreply ah? Tinapos ko na ang pagkain at inilagay sa lababo. When I came back, tatlong message agad ang nagnotif sa akin.
Hayes:
Brayson told me na you're going to school na daw?
Don't wanna be a distraction
Byieeee
Oh is he dismissing me na ba? Or just kind? Nagkibit balikat lang ako at wala na sanang balak magreply pa kasi hindi ko na alam ang sasabihin pa sa kanya. Pero napaisip ako, baka isipin nyang rude ako na hindi man lang ako nagreply sa kanya despite of him being thoughtful about me going to school. Sa huli, nagreply na lang din ako.
Jae:
Ah sige maya na lang. Babuuuush!
"Jae! Lumabas ka na dyan! Andito na si kuya!" Nilagay ko na ang phone sa bag at hinablot ang earphone na nakasabit. I looked at myself at the mirror one more time before I went to kiss my mother good bye.
"Wala ka na bang naiwan? Baka mamaya may naiwan ka na naman," pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ko.
"Nandito na lahat ma, aalis na po ako." Kinaway ko lang ang kamay ko at sumakay na.
Pagka-upo ko inayos ko ang nabuhol na earphone and I connected it to the port of my phone. Tuwing nasa byahe ako or may pupuntahan, hindi nawawala ang earphone sa bag ko. Gusto ko kasing nakikinig sa kahit anong kanta habang bumabyahe. It makes me calm at isa na rin yun sa paraan ko para madistract ang sarili. I put my playlist into shuffle at ilalagay ko na sana ito ulit sa loob ng bag but I stop myself and turn the data on instead.
Hayes:
Talk to you lateeeer
Napangiti ako at nakaisip ng kalokohan.
Jae:
Why not now?
Kidding HAHAHAHAHHA
I thought he's not online but then I saw how the 'active 5 mins ago' turn into 'active now'. Wala ba 'tong ginagawa?
Hayes:
Akala ko you're going to school na?
Hindi ko na napigilan ang pagbungisngis kaya napunta sa akin ang paningin ng mga kaservice ko. I cleared my throat and mouthed 'sorry'.
Jae:
Yep, I'm otw na
Hayes:
Study well Ja!
Ja? Did he just gave me a new nickname? Cute. Nasamid ako sa sarili kong laway. Anong cute Raelyn Jae???
Jae:
I'll study you well po.
Oh I mean I'll study well HAHAHAHAH
Gusto kong matawa sa mga pinagrereply ko. Hindi ako ganito makipag-usap talaga, binago ko lang ngayon para maiba naman. Pero bat sa lahat ng pagkakataon, ngayon mo naisipang baguhin Jae?
Hayes:
I think I just died
At ito ang mas nakakatawa. He knows how to ride with it. Hindi sya kagaya ng iba na hindi marunong makisama. Well Jae it's still early to judge.
"Hoy ngingiti ngiti ka na lang ba dyan? Baba na teh. " Naglakad na paalis si Cheyenne kaya dali dali kong binulsa ang phone at kinuha ang bag. Nauntog pa ako sa paglabas dahil sa pagmamadali. Hawak hawak ko ang noo habang naglalakad ng mabilis para maabutan si Cheyenne.
"Ano bang ginagawa mo teh at ngiti ka nang ngiti kanina? Para kang baliw. " Natawa ako nang naalala ko ang mga pinaggagagawa ko kanina. " Nakakatawa kasi yung binabasa ko," sagot ko.
Pagkapasok namin sa room, agad kong hinanap si Hestia pero hindi ko sya nakita kahit ang bag nya. Anong oras na ah? Hindi ba sya papasok? Tinawag ko si Maeve na nagsusulat sa gilid.
"Asan si Hes?"
Itinigil nya ang ginagawa at tumingin sa akin.
"Hindi ata sya papasok ngayon." Tinanong ko sya kung alam nya ba kung bakit pero umiling lang sya. Kumunot naman ang noo ko at inalala kung may nasabi ba sya akin pero wala naman.
Napalingon ako nang may sumundot sa tagiliran ko.
"Ano ba!" angil ko.
"Chill! Tara na magpapa-excuse pa tayo," hinila ni Aiden ang kamay ko palabas.
"Teka lang," binawi ko ang kamay at pumasok ulit. Inilabas ko sa bag ang lalagyanan ng mga portfolio at ibinigay sa katabi kong si Peter.
"Oh ano yan?"
"Baka kasi may ipapapasa mamaya, pakipasa na lang. Excuse kami eh baka hindi ako umabot salamat!" Aangal pa sana sya pero tumakbo na ako palabas. Kung hindi papasok si Hestia, paano kaya yung mga portfolio nya? Sana hinabilin nya or hindi kaya sana hindi muna magpapasa ngayon.
Namataan ko ang mga kasama ko sa kabilang building kaya binilisan ko ang paglakad. Sumenyas naman si Gael na wag na kaya napatigil ako. Mukhang tapos na sila magpapirma dahil nagsimula na silang maglakad papunta sa kinaroroonan ko.
"May dalawa pang teacher ang hindi nakakapirma, ikaw na magpapirma. Gael samahan mo na sya, may pinapagawa si Ma'am sa amin eh." Ibinigay sa akin ni Alya ang papel at tumakbo na sila paalis ni Aiden.
"Bakit lahat ata ng teacher?" tanong ko.
"Marami kasing studyante ang gusto sumali sa club kaya baka abutin talaga tayo hanggang uwian." Uwian? Buti dinala ko na ang phone ko pagbaba. Hindi kasi pwedeng magpabalik balik sa room kapag excuse ka although pwede naman mamayang break time na lang pero baka maburyong ako kung wala akong pagkakaabalahan mamaya.
Pagdating namin sa office ng huling guro namin na papapirmahan walang tao.
"Baka may klase na, balikan na lang natin mamaya." Umalis na kami at pumunta sa kubo kung saan mangyayari ang interview. May mga studyante nang naroon, yung iba kabatch namin, yung iba naman nasa mababang level.
"Andun sila," hinawakan ni Gael ang kamay ko at hinila papunta sa kabilang kubo. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa akin. Warm started to spread on my cheeks. Hindi ba nya alam ang dulot nya sa akin? O baka alam nya pero hindi lang sya nagpapahalata para hindi kami magka-ilangan?
Pumasok na kami sa loob at binitawan nya na ang kamay ko. Umupo ako sa tabi ni Alya na nagcecellphone. Napatingin sya sa akin at tumabingi ang kanyang ulo.
"Namumula ka ba?" Napahawak ako sa magkabilang pisngi at umiling.
"Mainit kasi," nagpaypay ako gamit ang kamay upang ipakitang naiinitan ako. Nakatitig pa rin sya sa akin at tila hindi naniniwala. Iniwas ko na lang ang paningin at inabala ang sarili sa cellphone ko na hindi ko na pala namalayang nailabas ko na.
"Kinikilig yan kasama nya kasi si Gael HAHAHAHA" I just rolled my eyes. Pasimple ko namang tinignan ang naging reaksyon ni Gael na ngumiti lang nang tipid. Ibinalik ko na lang ang paningin sa phone na biglang umilaw.
Hayes:
Why are you still online? Sabi mo you're going to study? Ikaw ah
Hindi na ako nakapagreply kanina dahil nga nagmamadali na ako. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako. Nagchat pa rin sya kahit na naseen ko lang sya kanina.
Jae:
I have interview kasi now para sa club. Sorry nga pala late replyyy.
Mas lalo akong napangiti sa nireply nya.
Hayes:
You have class kasi 'di ba? That's why it didn't bother me.
"Gagi nabaliw na ata ngumingiti mag-isa, " mahinang bulong ni Aiden na rinig ko naman. Kumuha ako ng papel, binilog ito at binato sa kanya na tatawa tawang inilagan nya.
"Hala nagkakalat!" Pansin ko ang pagkuha ni Gael sa papel. Inilapag nya ito sa side ko. Napakagat labi na lang ako dahil sa kahihiyan, kinuha ko ito at ibinulsa.