Nakapangalumbaba akong nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad. We've been here sitting for like I don't know, an hour? Hindi na talaga kami nakapasok sa unang subject namin so I guess tama ako na buong araw na kaming hindi makakapasok.
"Tapos na kayo sa project na pinapagawa?" Nilingon ko si Aiden na kasalukuyang nakatutok ang mata sa cellphone, mukhang naglalaro ata.
"Wala pa nga ako sa kalahati, tinatamad ako." Sino ba naman kasing hindi tatamarin? May binigay sa aming story at sa kada kabanata nito ay isusummary ang mga nangyari. And take note: it's handwritten.
"Nakakalahati naman ako kahit papaano, balak ko tapusin mamaya. Si Gael ata patapos na," si Gael naman na mukhang naka-idlip na sa kakahintay ay tumango lang at pumikit ulit.
Bigla akong napressure, mukhang ako lang pala ang tinatamad dahil halos lahat sila ay naglalaro na lang sa dalawa: tapos na o patapos pa lang. Napahinga na lang ako nang malalim dahil nakikita ko nang magmamadali na naman ako mamaya para makahabol sa kanila.
"Ah kawawa! Wala pa sa kalahati! Gagi ka malapit na ipasa yun ah? Lagot ka HAHAHHAHA" pang-aasar sa akin ni Aiden na syang inirapan ko lang.
Dahil wala na naman akong magawa, tumingin muna ako sa paligid bago ilabas ang phone. Technically, class hours pa rin kaya once na makita kaming gumagamit nito, siguradong makukumpiska. Ewan ko ba dito sa isa at ang tapang pang maglaro. Tatawa talaga ako pag nahuli sya.
Nakita kong online si Hestia, at doon ko napagtantong hindi nga sya pumasok kaya dali-dali ko syang chinat para malaman kung anong nangyari.
Jae:
Babae ba't hindi ka pumasok?
Hestia:
Nasa hospital ako girl HAHAHAHAH nagpacheck-up
It looks like something happened na naman. Siguro parang aftershock sa nangyaring concert?
Jae:
Oh, get well soon! Daming ipapasa kaya umayos ka
Hestia:
Silly, nagpacheck-up lang naman HAHAHAHAH makinig ka na dyan!
Jae:
Hindi kami pumasok! Ngayon natuloy yunh interview
Hindi na sya muli pang nagreply after that message. Papatayin ko na sana ang data at magbabasa na lang nang may nagpop up na message.
Hayes:
Swiftie ka?
Napakunot naman bigla ang noo ko. Saan naman nya nalaman yan? Inalala ko kung may nakalagay ba sa bio ko about dun pero wala naman. Then I remember Hes, sya siguro ang nagsabi since binenta nga naman nya ako. Hindi na nakakagulat malaman kung nadaldal na rin nya ang mga gusto at ayaw ko.
Jae:
Yes! Hulaan ko sinabi sayo yan ni Hestia noh?
Hayes:
Actually no, nakita ko lang sa mga shared posts
Napa 'o' ang bibig ko sa nalaman. So he stalked me? I don't want to assume but hey, he said the words "mga" and "posts". It means marami, hindi lang isa.
Hayes:
Invite din kita kapag may concert sya dito ah?
"No way," mahinang bulong ko na mukha g hindi rin naman nakatakas sa pandinig ng mga kasama ko.
"Anong no way ka dyan? May nangyari ba?" Kuryosong tanong ni Alya. Napalingon ako sa kanila at pare-pareho silang naghihintay ng sagot.
"Wala gagi, may binabasa lang ako HAHAHAH sige ituloy nyo na ginagawa nyo," ngumiti ako at binalik na ang atensyon sa phone na hawak.
Hayes:
Just kidding, baka ang weird sa paningin mo T . T
He used a crying emoticon which is kinda cute kaya medyo napabungisngis ako pero pinigilan ko lang para hindi makahalata ang mga kasama ko.
Jae:
Ay bat binawi HAHAHAHHA
Hayes:
You want ba?
I want ba? Of course! I mean, sino pa bang tatanggi hindi ba? That's Taylor Swift! The music industry! But still...
Jae:
It depends, nung con nga na pinuntahan nyo hindi ako pinayagan eh
Hayes:
Aww ang cute ko pa naman that day. Walang halong biro, it's a fact HAHAHHA
Oh if I remembered it clearly, yan din ang sinabi ni Hestia. And by judging from his profile picture naman, yes he's indeed cute.
"Jae! Bibili lang kami ng pagkain, may papabili ka ba?" Si Gael at Aiden ay pareho nang nakatayo, nakahanda nang umalis.
"Teka ang aga pa ah? Mamaya pa ang break! Sa tingin nyo ba papayagan kayong bumili?" Nakataas kilay na tanong ni Alya na sinamahan nya pa nang paghawak sa magkabilang gilid ng kanyang bewang.
"Edi tatanggalin namin ID?" Tinanggal nilang pareho ang ID na suot. Napa-irap na lang ako sa kalokohan nilang dalawa.
"Nakalimutan nyo ata kung anong oras na? Wala na dapat pang-umagang estudyante ang pakalat kalat sa school grounds, tapos naisip nyo pang bumili? Mahuhuli talaga kayo nyan sinasabi ko sa inyo." Nagkatinginan naman sila at nakasimangot na napa-upo.
"Gutom na kami Jae, baka naman makalusot?" Pinanlakihan ko si Aiden ng mata at aambang babatukan sya kung hindi lang sya umiwas nang mabilis.
"Eto naman oh nagtatanong lang eh," kakamot-kamot ulo nyang sambit.
"Yung tanong mo kasi ayusin mo, alam mo namang mahigpit 'tong school natin eh. Gusto mo ba magkarecord ha?"
"Oo na oo naaaaa eto naman, tiisin ko na lang gutom ko alang alang sa magandang record," hindi na nakapagpigil pa si Alya at sya na mismo ang gumawa sa kanina ko pa gustong gawin, ang batukan sya nang malakas.
"Aray ko po!" Hinimas himas nya ang ulong nabatukan at mukhang may balak syang gumanti kaya ang ending, lumabas na sila ng kubo at nagsimulang maghabulan.
"Hoy! Bawal tumakbo! Huwag nyo lang talaga kami madamay dito kapag nahuli kayo ah? Makakapatay talaga ako!" sigaw ko na hindi ko sigurado kung narinig pa ba nila dahil anlayo na agad nang natakbuhan nila.
Ngingiti ngiti na lang akong umiwas ng paningin na syang napadako naman kay Gael na hindi ko namalayang nakatingin na pala sa akin.
"Bakit?" nagtataka kong tanong at para naman syang biglang natauhan. Awkward syang ngumiti at umupo nang maayos.
"Wala may naisip lang ako bigla, hindi ko napansing sayo na pala ako nakatingin." Hindi nya ako matignan sa mata habang nagsasalita at pansin ang paiba-ibang ekspresyon ng mukha nya.
"Weird, but cute." Nagtama ang paningin namin and he mouthed the words "ano yun?" Umiling na lang ako at binalik ang atensyon sa phone na nakalimutan ko nang hawak ko, at may kausap ako.
Jae:
Ay ang hangin ah? Buti hindi ka natangay? And mas cute ako noh
Pagkasend ko, wala pang isang minuto ay naseen nya na agad at ngayon ay typing na. Did he wait? Or I'm just assuming things na naman agad agad.
Hayes:
Oo nga I agree
I was shocked with his answer dahil hindi ko naman inaasahang aaggree sya plus hindi ko na alam ang irereply 'cause I don't now how to take compliments! Omg why does he have to agree!?
Jae:
Hala thank youuuuu! Btw interview is so nakakakaba and hanggang ngayon hindi pa rin kami naiinterview!
Hayes:
Okay lang yan, at least magiging part ka ng club diba?
I silently sighs in relief dahil madali ko agad nabago ang topic and I don't think he mind naman.
Hayes:
Good luck Ja! Kaya mo yan!
Jae:
Omg I hope so
"After break pa ata tayo maiinterview guys? Andami palang gusto maging part ng club." Nakabalik na pala ang dalawang naghahabulan na parang bata. Napansin kong pareho silang may hawak na inumin.
"Bumili kayo?" Si Gael na ang nagtanong sa dapat komg tatanungin.
"Ah eto? Malapit na ang break ah, hindi ba kayo tumitingin sa orasan HAHAHAHAH" Tumingin ako sa oras at nakitang 10 minuto na lang pala bago tumunog ang bell. "Ba't hindi nyo man lang kami naisipang bilhan?" reklamo ko.
"Ay may pinatabi ba kayong pera? Charot sige inom na muna kayo dito," siniko ni Alya si Aiden na parang balak pa ata magdamot. Binigay ni Alya sa akin ang sa kanya, at kay Gael naman ang kay Aiden.
Pagkabigay sa akin, dun ko nakitang coffee jelly pala ang binili nila, my favorite.
"Wassup mga bata, after break diretso na kayo agad dun ah? And magtanong din pala kayo sa mga kaklase nyo kung meron bang may balak pang sumali. No questions? Sige bye." Hindi man lang kami hinayaang makapagsalita ni kuya Seb, tuloy tuloy lang sya sa pagsasalita at biglang umalis na parang walang nangyari.
"Huh? Ano raw? Magtatanong tayo? Andami na nilang na-interview ah? May balak pa silang magdagdag," may konting inis sa tono ni Alya. Kasi naman kanina pa kami nandito at nagdadagdag pa sila. Syempre kami ang huling maiinterview kasi member na kami ng club.
"Tara na habang hindi pa lumalabas lahat, hindi na tayo makakapagtanong mamaya," hila ni Aiden kay Alya. Nauna na silang lumabas ng kubo at sumunod naman kami ni Gael na nakakapagtakang tahimik lang na nasa tabi ko.
Nagkibit-balikat lang ako at binilisan na lang ang paglalakad dahil baka wala na kaming maabutang mga kaklase pagdating namin sa room.
"Pinapatanong ng President namin kung may willing daw bang sumali sa club? Interview for club position kasi ngayon!" Boses ni Alya ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa room.
Lumapit ako sa dalawang kaibigan na nag-uusap sa gilid. Alam ko kasing interesado sila baka nahihiya lang magsabi kaya ako na ang lalapit.
"Chris at Six! Wala ba kayong balak sumali? Diba last time sinabi nyo interesado kayo? Tara na!" aya ko sa kanila.
"Nakakahiya teh wag na lang kaya," naiilang na sagot ni Chris. Pabiro naman syang sinuntok ni Six, "tara na noh, kailangan din natin ng pagkakaabalahan saka pandagdag na rin sa credentials natin yan oh!"
Bigla namang may sumulpot sa gilid ko at kumapit sa braso ko. Nakangiting nagtaas baba ng kilay si Prim na syang pinagkunutan ko ng kilay.
"Sasali ako! Ano Chris at Six? Tara na! Kasama ko rin si Maeve," tumingin ako kay Maeve na nag-aayos na ng gamit. Hindi rin nagtagal ay nagkasundo na rin ang dalawa na sumali.
"Wala na atang iba pang sasali? Kayo lang noh? Tara na! Malapit na matapos ang break, hindi pwedeng maabutan tayo dito." Sabay sabay na kaming lumabas at tumungo sa kubo.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone na nasa bulsa ng palda ko, kaya tumigil muna ako sa paglakad.
Hayes:
After that, make sure you'll study ha?
Magrereply sana ako nang bigla akong tinawag ni Gael.
"Jae! Ikaw na raw!" Natataranta kong pinasok ulit ang phone at patakbong pumunta sa kanila.
"Hoy anong ako? Wag nyo akong binibiro," ramdam ang biglang panlalamig ng mga kamay at paa ko. Kinakabahan talaga ako sa hindi malamang dahilan, magtatanong lang naman tungkol sa club at magiging kontribusyon mo pero yung kaba ko parang akala mo life and death situation ang mangyayari.
Well I got this issue talaga where I become so nervous when it comes to presentations and such. May pagkaperfectionist din kasi ako kaya hindi pwedeng magkamali, and yun din ang dahilan bat ako kabado kasi ayokong magkamali.
"Gagi namutla HAHAHAHAHHA joke lang, nahinto ka na kasi sa paglalakad mo," napapikit na lang ako sa inis at binato ang botelyang hawak ko na tatawa tawang iniwasan nya.
"Hoy! Bat mo inubos yung coffee jelly ko?" sigaw ni Alya.
"Hala lagot!" I glared at Aiden who acted to zip his mouth.
"Bibilhan na lang kita mamaya— ay ngayon na pala," nagsimula nang magsilabasan ang mga estudyante para bumili sa cafeteria. Nagningning naman ang mga mata ni Alya sa sinabi ko at agad akong hinila para bumili.
"Teka sandali!" Patuloy sya sa paghila sa akin at sa paniniksik sa mga estudyante. May mga naririnig akong nagrereklamo na agad ko namang sinisigawan pabalik upang humingi ng paumanhin.
"Okay bumili ka na!" Hindi ko namalayang nasa unahan na pala kami ng pila. Mabagal akong tumingin sa likod at nakita ang mga masasamang tingin ng mga estudyanteng nakapila. Agad kong binalik ang tingin sa harap at lumunok.
"Abnormal ka, andaming nakatingin sa atin," mahinang angil ko sa kanya.
Bumungisngis naman sya at bumulong din, "first time lang naman natin makisingit noh, and you owe me this one so go buy me a drink," matamis syang ngumiti sa akin.
After paying for her drink, mabilis kaming umalis dahil ramdam pa rin naman ang matatalas na tingin ng mga estudyanteng inungusan namin sa pila.
"Oi nakasalang na si Prim, ikaw na ata sunod Jae," bungad sa akin ni Chris pagka-upo.
"Huh? Ba't ako? Mamaya pa dapat ah?" Bumalik na naman ang kaba ko at nagsimula na naman akong manlamig.
"Random lang ang pagtawag, pero mukhang hindi pa naman ikaw, si Maeve ata." Sinamaan ko naman ng tingin si Chris na nagpeace sign lang sa akin.
Umupo na ako at kumuha sa chips na kinakain ni Gael. Aangal sana sya pero hindi natuloy matapos ko tignan, bagkus ay mas inilapit nya pa sa akin ang kinakain. Weird.
Nagsisimula na silang magkwentuhan habang kumakain lang kami nang tahimik ni Gael. Walang isa sa amin ang nagsasalita pero hindi naman sya awkward.
"Jae," tawag nya sa akin. Punong puno ang bibig kong lumingon sa kanya. Nginuya ko muna nang maayos at naghanap nang maiinom. Mukhang napansin naman nya na wala kaya binigay nya sa akin ang bottled water nya. Pagkatapos kong uminom, tinanong ko sya kung ba't nya ako tinawag.
"Ano pala yun?" Inginuso nya yung sa palda ko. Nagtataka ko namang tinignan kung anong tinuturo nya.
"Nagvvibrate ata phone mo."
"Oh," I took my phone out and saw a message from Hayes. Nakalimutan ko na pala syang replyan, but still nagchat pa rin sya?
Hayes:
You want a donut?