Natigil ako sa pagkuha sa chips ni Gael dahil sa nabasa. Donut? Biglang tumunog ang tyan ko sa pagkaing nabasa. Naisipan kong sakyan ang biro nya.
Jae:
Opoooo HAHAHAHHAHA
Bakit? Bibigyan mo ba ako HAHAHAHHA
Hayes:
Typing...
Gusto mo nga?
Jae:
Bibigyan mo nga ako? HAHAHAHAH
Ang boring wala si Heeeees
I think he's serious kaya iniba ko ang topic. Geez, if ever na bibigyan nya ako, hindi ako tatanggi, and uhm it's kinda embarrassing so kailangan matapos na ang topic na yun— But I want a donut! Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagkain ng chips, ramdam ko naman ang titig sa akin ng katabi ko kaya nilingon ko sya. Hindi nya inaasahan ang ginawa kong paglingon kaya naabutan ko pa ang pag-iwas nya ng tingin.
Ano bang problema ng taong 'to? Kanina pa sya ganyan. I just shrugged and continue to chat with Hayes.
Hayes:
Absent sya?
Jae:
Yep
Hayes:
Hayes replied to you
Sa monday
Nanlaki ang mata ko sa nabasa at halos masamid samid ako sa kinakain dahil sa pagkabigla.
"Ano ba yan Jae, tubig oh! Nagmamadali ka ba?" Inabot nya sa akin ang pinag-inuman kong tubig nya, habang padami damping hinihimas ang likod ko.
"HAHAHAHAHAH mamamatay na yan hala ka!" May binatong kung ano si Gael kay Aiden na nagsisimula na namang mang-asar.
"Yiiiieeeehhh napakaprotective and grabe naman po yung concern ni papi Gael," asar ni Alya na sinundan na ng mga kantyaw ng iba naming kasama. Napatingin ako sa kanya na pangiti-ngiti lang, alam kong hindi sya natutuwa sa ganito. I hope that doesn't make him feel awkward or uncomfortable. Ayokong maulit yung hindi nya pagpansin sa akin. We're okay now, yun ang importante.
"Hoy wag kayo, may new guy si ateng nyo HAHAHAHAH" I don't know if I'm going to thank Prim for changing the subject or tatampalin sya kasi ako pa rin naman yung topic.
"Ay anong new guy yan ha? Pakispill ng tea," naging interesado silang lahat at napunta na ang atensyon kay Prim na ngingiti-ngiting nagtaas baba ng kilay sa akin. I signaled her to shut up but she just winks at me then proceed on telling the story that wasn't even starting yet.
"So ito kasi, nasagap ko ang balitang chinat na sya nung guy na kasama ni Hestia sa con nung Saturday." Napapikit na lang ako at napahinga nang malalim. It seems like hindi ko na nga sya mapipigilan pa.
"Yun ba yung tinawag ni Hestia na kuya Haru?" Haru... I like his combined name. Gusto ko sanang yun na lang din ang itawag sa kanya but we're not yet close. Kakakausap lang namin kanina and I'm not that sure pa kung magtutuloy 'to or he's just like me, curious. Ito na naman ako, attached agad. This is the side that I hate in myself kasi kaunting pakita lang sa akin nang kabaitan, cinoconsider ko agad na kaibigan. Tapos sa huli, malalaman ko na hindi naman pala ganun ang turing sa akin.
I was going to open my phone to avoid questions from them, only to see that it's already drained. Napakagat ako sa labi dahil hindi ko matandaan kung nakareply ba ako or naiwan ko sya on read.
"Earth to Jae! Yuhoo!" I looked at them in confusion.
"Kanina ka pa namin tinatanong about dun sa lalaki, nabingi ka na rin ba teh? Palinis ka na tenga mo ah HAHAHAHHA" Pinigil ko ang pag-ismid sa narinig. Nagsisimula na naman akong mainis kay Alya. She's the kind of girl na happy-go-lucky lang then at the same time annoying. Gusto nya kasing nasa kanya ang atensyon lagi but not to the point naman na sobra na. It's tolerable and she's my friend so yeah, kind of understandable kahit na nakakainis lang talaga sya minsan.
"Ano nga ulit yung tinatanong nyo? Sorry nalutang kasi ako kanina," tamad kong sabi.
"Nag-usap na kayo 'di ba? Patingin ng profile! Pogi ba? Chatty ganun?" Tinapat ko ang hintuturong daliri sa bibig nya para tumahimik muna sya.
"Isa isa lang girl, ako lang mag-isa. First, yes nag-uusap na kami. Second, medyo madaldal sya, at third, oo pogi. About naman sa profile nya, pahiram ako ng phone, namatay na kasi yung sa akin." Inilahad ko ang kamay sa kanila at hinintay kung sino ang may mabuting loob na magpapahiram ng cellphone.
Walang pasabing kinuha ni Alya ang cellphone ni Aiden na mukhang ginagamit nya ngayon sa laro. Napanganga na lang sya sa gulat habang sila ay nagsimulang magtawanan sa naging reaksyon ni Aiden. See, this is what I'm taling about. She's impulsive na gagawin ang lahat para makuha ang gusto.
Tinignan ko muna si Aiden upang humingi ng permiso sa paggamit ng kanyang minamahal na phone. Tumango lang sya at napakamot na lang ng ulo. Kinuha ko ang phone at binigay muna sa kanya nang panandalian upang matanggal muna ang mga password na nakapaloob dito.
After nyang matanggal lahat, binigay nya ulit ito pabalik sa akin at hindi ko na napansin na nakapalibot na pala sa akin ang lahat at naghihintay sa ipapakita kong litrato. Kahit na si Chris at Six na walang akalam alam sa nangyayari ay nakaabang na rin. Bigla akong napressure bigla dahil sa mga tingin nila. Hindi naman sa akin ang profile na hinihingi ko pero kia kabahan ako baka mamaya hindi nila magustuhan ang ipapakita ko.
"Jae ang bagal," pagpaparinig ni Prim na nakapalumbaba nang nakatingin sa akin. Bubuka pa sana muli ang kanyang bibig pero tinawag na sya ng mga officers namin sa club. "Hala ako na agad? Say good luck for me! At ipakita mo ulit sa akin yung mukha ah? Byeiii" nagmamadali syang naglakad patungo sa kabilang kubo kung saan nagaganap ang interview.
Ang mga kubo dito sa school ay hindi magkakalapit kaya hindi namin naririnig ang mga tiantanong nila, pati na rin ang mga possible answers.
"Mamaya ko na lang ipakita, hintayin na lang natin ang pagbalik ni Prim. Saka hindi ba kayo magreready? Baka mamaya matawag na lang kayo bigla." Patago akong nagcrossed fingers na sana pumayag sila. I don't know how to say no. Isa pa yan sa hindi ko matanggal sa sistema ko. Everytime na may ipapagawa sila or may hihinging pabor sa akin, hindi ako makahindi. Oo lang nang oo tapos sa huli pagsisisihan ko kung bakit hindi ako humindi.
"Hala ka, anong mamaya ka dyan. Ipapakita mo lang naman! Saka narinig namin si Prim noh, ulitin mo na lang daw ulit sa mamaya sa kanya." Pangungulit ni Alya na sinabayan pa nang pagsang-ayon nilang lahat.
Sa huli, wala rin akong nagawa ata tinype ang account ni Hayes. Hindi ko pa napipindot ang profile nya nang may biglang kumuha ng phone sa kamay ko. Inis kong nilingon si Aiden na ngayon ay pinaglakaguluhan na nilang lahat.
"Oi pogi! Ang taray nang nakuha mo Jae ah?"
"Mukha syang hapon, hapon 'to noh?"
"Gaga hindi ka ba marunomg magbasa ng apelyido? Toshima teh Toshima malamang hapon yan o may lahing hapon."
"Aba nagtatanong lang ako ah? Ba't mo ako minumura?
"AY GRABE TAGA ATENEO GIRL! GRAB THE OPPORTUNITY!" Sa dami nilang nagsabay sabay ang pagbibigay ng comment, sa sinabi lang Six ako napatingin. Lumapit ako sa kanila at nakumpirma ngang sa Ateneo sya nag-aaral. Hindi naman kasi ako palatingin talaga ng mga about ng mga nakakausap ko.
"Gagi ka teh, abot na abot ang mataas na standards ah? Sumobra pa ata," pagpuri ni Chris na syang nginiwian ko. Najudge na nila agad ang buong pagkatao ni Hayes sa pagtingin lang sa profile nya?
"Kakatingin nyo pa lang, alam nyo na agad na naaabot nya ang mataas na standards. He could have been a serial killer or so what. Hindi natin kilala yan, bugaw na bugaw nyo naman si Jae," natahimik kaming lahat sa nagsalita. Gael.
"Kalma ka lang, nagbibiruan lang naman kami," pagrarason ni Six.
"Ayusin nyo nga, hindi pwedeng ganyan agad sinasabi nyo. Dapat pinangangaralan natin si Jae. Online kaya yan, malay natin kung sino ba yan sa personal." Dumako ang tingin nya sa akin at nagkibit-balikat.
Hindi na muling nasundan pa ang pang-aasar nila dahil natahimik na sila nang tuluyan hanggang sa bumalik si Prim.
"Oh ba't ang tahimik nyo? May away ba?" Tinignan nya kami isa isa na may kanya kanya ng mundo. Walang pumansin sa kanya kaya hinila ko na lang sya sa tabi ko at nahsimulang magtanong.
"Madali lang ba? Ano anong mga tinanong? Pare-pareho lang naman ata lahat noh?" sunod sunod kong tanong na tinawanan naman nya.
"Ako ang hiningal sa mga tanong mo. Madali lang naman at mukhang pare-pareho naman lahat. Kaya mo yan, ikaw pa ba. Saka sure naman nang kasama kayo noh, sinasala lang kayo ganun." Yun na nga, kahit madali alam kong minsan ay nagagawa ko itong komplikado.
"Jae! Ikaw na, pumuntang clinic yung isa eh." Nakangiting kuya Seb ang sumundo sa akin. Ang malas ko naman talaga oh, kakatanong ko pa lang tungkol sa mga tinanong nila tapos ako na agad?
"Good luck! Babalik na pala ako sa room, may nakalimutan akong asikasuhin. Aja! Fighting!" Tumakbo na paakyat si Prim habang ako ay kukurap kurap na sumunod kay Kuya Seb.
Habang naglalakad, lumingon muna ako sa kanila at nakitang nakatingin sa akin si Gael. He smiled and gives me a thumbs up. I smiled back at him then sighs deeply.
Pinaupo nila ako sa gitna habang nakapalibot sila sa akin. Si Ate Blaire ay nakangiti sa akin at imbes na gumaan ang pakiramdam, parang mas kinabahan pa ako sa ngiti nya.
"So let's start? Simulan natin sa anong mai-aambag mo sa club na 'to? Or ano tingin mo ang makukuha mo sa pagsali dito?" Ang dali lang ng tanong pero nappressure ako dahil lahat sila nakatingin sa akin, naghihintay sa magiging sagot ko.
"I think all of us can contribute as many as we want for this club to survive. Pero ano nga ba ang club kung walang pagkaka-isa at pagkakaroon ng malasakit sa isa't isa? Siguro para sa akin, kahit na hindi ganun kabigat or kalalim, yun ang maibibigay kong kontribusyon na makakatulong hindi lamang sa atin kung hindi pati na rin sa iba pang mag estudyante na tinitignan tayo as a role model in our school. It's a general thing and many will say na it's common sense and not surprising to have that in the organization. But, hindi lahat meron nito. Kaya if all of us think of it that way where it's on the top of our priorities, I think everyone will have a better management in any organization or club." Napabuga ako ng hangin at awkward na ngumiti.
Hindi ko alam kung may sense pa ba yung siambi ko pero mukhang meron naman kasi nakangiti si ate Blaire at nakipagtitigan sa iba pang officers na nakangiti na rin?
"Oh saan pa kayo, tagalog tanong pero hinaluan ng English ang sagot," ramdam ko ang pamumula ng pisngi dahil sa sinabi ni ate.
"Ang galing nya sumagot Blaire, gusto ko sya, kunin mo yan ah?" sabi ng hindi pamilyar sa aking babae. Hula ko ay kaklase nila ito na nagpa-iwan para samahan sila. Hindi na ako makangiti dahil sa hiya at parang gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko dahil sa mga papuri nila.
"Ikaw ang ingay mo tahimik ka dyan," saway ni Ate Blaire. Binalik nya ang tingin sa akin at tinitigan ako ng mga ilang segundo. "What do you think will be your edge? Or yung makakapaglagay sayo sa alanganin. Part ka ng dance troupe 'di ba? Sa tingin mo ba mababalanse mo ang oras mo doon at ang oras mo dito?"
Napalunok ako at napahinga nang malalim. Alam ko nang matatanong 'to sa akin dahil nung mga nakaraang activities namin, hindi ako masyadong makapagparticipate nang maayos dahil nasabay sya sa competition na sinalihan ng dance troupe na magrerepresenta sa school.
"That time po, medyo na-culture shock pa ako sa mga nangyari kaya hindi ko po napagplanuhan nang mabuti kung paano ko maaayos ang oras ko sa club at sa pagsasayaw. But now na aware na ako, gagawin ko ang lahat para magampanan ko ang tungkulin ko dito at pati na sa pagsasayaw. Hindi ako nangangako dahil marami pang pwedeng mangyari, ang gusto kong mangyari ay ipakita sa inyo na kaya ko itong gawin at hindi lamang ako puro salita."
Mahina hanggang sa lumakas ang naging palakpakan nilang lahat. Nahagip ng mata ko ang pagtingin ng mga kasama sa kabilang kubo. Dahil nga lumakas ang palakpak kaya rinig na rinig talaga ito sa kabila.
"Very well said. Aasahan ko yan ah? Sige tapos na, pwede ka nang bumalik sa kabila." Tatayo na sana ako pero biglang may humigit ulit sa akin paupo.
"Last na tanong, hindi 'to related sa club. Gusto mo pa ba si Gael," linibot ko ang tingin sa mga kasama namin dito. Hindi lahat nang nandito ay kilala ko kaya alanganin akong tumingin kay ate Blaire na naghihintay sa sagot ko.
Hindi ko rin actually alam paanong kumalat ang tungkol sa amin ni Gael noon. Basta nagulat na lang ako na kalat na sya sa lahat. Isa rin siguro sa naging dahil kaya bigla nya akong iniwasan noon.
"Huwag mo silang pansinin, gusto ko lang malaman. I mean kami pa lang mga kamember mo. Promise walang makakalabas na isang salita sa kubong ito." I bit my lip and wish na sana tumakbo na lang ako agad.
"Opo," mahina kong sagot. Lumuwag na ang pagkakahawak sa akin kaya napatingin ako kay ate, nakangiti sya sa akin na animo'y kinikilig.
"Sige na, salamat!"
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa may kubo kung nasaan nandoon sina Alya. Ang alam ko lang ay nalutang ako dahil sa mga nangyari.
"Hoy anong meron, ba't sila nagpalakpakan?"
"Oo nga! Ginalingan mo siguro noh?"
"Syempre Jae yan eh!"
Kabi-kabila ang mga tanong nila. Ni-isa ay wala akong nasagot dahil sa sobrang pag-iisip. Paano kung sabihin nila kay Gael yun? Ano pang mukhang maihaharap ko?
"May nagmessage, hindi mo nalog-out." Nag-angat ako ng tingin kay Aiden na nakangiti nang nakakaasar.
"Alam ko kung anong nangyari dun HAHAHHAHA ibalik mo na lang sa akin yan pagkatapos mo." Hindi na ako nagulat na alam nya. Chismoso sya kaya malalaman at malalaman nya, huwag nya lang mabanggit ang tungkol dun at mapapatay ko sya.
Hayes:
Pupunta sina Brayson sa house ni Hestia sa Sat. Kita na rin tayo? I'll treat you.
Parang bigla atang sumakit ang ulo ko, lalagnatin ata ako nang malala.