Kabanata 8

2108 Words
Mula sa kubo kung saan kami nakatambay, makikita ang ibang club na mukhang may meeting na sa palagay ko ay para sa darating na Valentine's Day. Kahit saan dumako ang mata mo, nakikita na rin ang mga pulang puso na nakakalat. Nagsimula na silang maglagay ng mga disenyo kaninang umaga at mas madadagdagan pa 'to sa mismong araw ng 14. "Asan pala si Aiden?" tanong sa akin ni Alya. "Hindi ko alam, hindi naman nya nasabi kung saan ang punta nya. Kilala mo naman yun bigla bigla na lang syang nawawala na parang bula," sagot ko. "Kainis talaga ang lalaking yun, may itatanong ako eh," bubulong bulong na naglakad palabas si Alya. Ano naman kaya ang kailangan nya sa lalaki? Tinanaw ko ang unti unting pagbaba ng araw. Isang oras na rin ang lumipas at simula nang na-interview ako. Napagpasyahan naming huwag na munang umakyat pa sa room at hintayin na lang na matapos lahat para hindi mairita ang subject teacher namin sa pa-isa isa naming pagpasok. Sa kamay ay hawak ko pa rin ang phone ni Aiden, nag-aabang sa magiging reply ni Hayes na sa tingin ko ay busy na. I replied to his message saying I'm not yet ready to meet him yet. Hello? Ni hindi pa kami umabot sa 24 oras na nag-uusap then may meet-up na agad na mangyayari. But come to think of it, wala namang masama kung magkikita kami dahil sabi naman nya ay sa bahay nina Hestia ang punta nila. Kaya kung may masama man syang balak o sila ng kaibigan nya, ang kapal naman ng mukha nila kung gagawin nila yun sa mismong pamamahay ni Hes, and Brayson is currently trying to win her back. Bakit nga ba ako nag-iisip nang malalim tungkol doon? Hindi pa naman sure kung makakapunta sila or ako? I mean anong irarason ko? Alam ni mama na wala nang masyadong ginagawa ngayon sa school dahil patapos na school year, kaya medyo imposible ring makapunta ako kina Hes nang hindi sya nagdududa. "Ang ganda talaga ng sunset 'no?" Napaigtad ako sa biglang nagsalita sa gilid ko. Si Gael ay nakangiting nakatanaw rin sa paglubog ng araw. Sya na lang ang natitira pang hindi na-iinterview sa aming lahat. Tinitigan ko sya nang mabuti. I really like this man and up until now, I still don't understand why all of the sudden, naging uncomfortable na sya sa akin. I know naman na he just don't like the attention we're receiving that time pero I think we can figured it out naman I guess? Hindi naman namin kailangan magkaroon ng label, basta aware lang kami pareho sa nararamdaman ng bawat isa. But then, maybe he just don't like me anymore. Nevertheless, I'll continue to admire him and just let this feelings disappear one day. "Baka naman matunaw ako nyan?" Namula ako nang narealize ko na matagal ko na pala syang tinitignan na hindi ko man lang napansin na nilingon nya na ako. "Gael! The last but not the least, ikaw na!" "Cute." Bumulong ata sya pero hindi ko na masyadong narinig dahil nagsimula na syang maglakad paalis. Ano kaya yun? --- Uminat inat ako habang humahakbang sa hagdan. Sa wakas natapos na rin kami. Drain na drain ako kahit na wala naman kami masyadong ginawa at tumambay lang sa kubo. Kamusta naman kaya ang grades namin nito, buong class period ang hindi namin napasukan maliban sa tatlo naming kasama kanina: Prim, Chris, at Six. Late na sila nakababa kanina at after agad ng interview ay umakyat na sila. Si Aiden naman ay bigla na lang sumulpot sa tabi namin kanina habang nakangiti na akala mo wala ng bukas. Binigay ko na rin sa kanya ang phone na hindi ko naman nagamit dahil hindi naman ako nireplyan ni Hayes. Pagkarating namin ay naglilinis na ang mga kaklase namin. Sinadya talaga naming uwian na umakyat para hindi na kami matanong pa ng adviser namin na si Ms. Gomez sa kung bakit ngayon lang kami umakyat. Masyado pa naman syang matanong at hindi ka titigilan hangga't hindi nakukuha ang sagot. Mabait si Ma'am, kaya lang hindi talaga namin gusto ang pagiging matanong nya. "Wala ata si Ma'am, bilisan nyo at kunin nyo mga bag nyo para mauna na tayong umuwi." Nagtingin tingin muna kami sa paligid at nang nasiguro na naming wala si Ma'am, nagmamadali kaming pumasok upang makuha ang mga gamit namin. "Cheyenne!" tawag ko sa kaibigan. "Ano?" "Alis na tayo dali, hindi ka naman naka-assign ngayon 'di ba?" tumango sya at kinuha na rin ang messenger bag at mabilis kaming umalis. "Pahiram ako phone girl, may titignan lang ako," walang imik nyang nilahad sa akin ang phone. Nakasakay na kami sa service and as usual, naghihintay na naman sa mga kasama namin. I typed my account and immediately goes to the messages. There are messages from him. Hayes: Okay lang, you can reject me all you want HAHAHAHAH I mean, we're not that close pa kasi so I understand you Buti naman at hindi sya namimilit hindi katulad ng mga nakausap ko noon na pinupush talaga nag pakikipagkita sa akin. Jae: It's kinda okay naman since dyan naman kina Hes From active 10 mins ago to active now ang naging status nya. Hayes: Huh? Who said na kina Hestia? Nagbackread naman ako agad para makita kung nagkamali ba ako ng basa. Yun naman talaga ang sinabi nya ah? Jae: Huh? Sabi mo kanina kina Hestia. Wdym ba? Hayes: Oh sorry my fault HAHAHAH sa sat na kami pupunta. May event ata kayo that day. Jae: Merong event? Hindi ko alam kung pang-ilang kunot noo ko na ba 'to ngayong araw. People just keems on confusing the hell out of me. I need a break! Kidding. Hayes: Hay naku Raelyy mas alam ko pa ang sched mo kaysa sayo Natawa naman ako at napakapit sa gilid dahil umandar na ang tricycle na sinasakyan namin. I didn't even notice na kumpleto na kami, nadistract ako sa kausap. Sinundot ko ang tagiliran ni Cheyenne na masamang tingin ang ipinukol sa akin. Nagpeace sign naman ako at itinanong ang pakay ko. "Anong meron sa Saturday?" She looks at me like I've grown two heads. Uhm pasensya na ah? Hindi ko talaga tanda kung anong meron sa araw na yun. "May gaganaping show sa school, naalala mo ba yung binayaran natin para sa maka-excuse sa performance activity na gagawin? Yun." Aahhh ngayon ko lang naalala ang tungkol dun. Hindi ko rin naman kasi rin talaga alam kung anong meron basta nagbayad na lang ako. Nagpasalamat naman ako sa kanya na tinanguan nya lang. Sumandal sya sa upuan at pumikit, mukhang matutulog ata. Sinong makakatulog sa loob ng isang umaandar na tricycle? Sya. Jae: Oo ngaaaa nakalimutan ko Hayes: Need mo ng taong magreremind sayo and I think that's me HAHAHHAHA pwede na talaga ako mag-apply as your future jowa. Dahil sa gulat, napindot ko ang like button hindi lang isang beses, kundi dalawa. Jae: Napindoooot Hayes: Likezone : (( Nakikipagclose pa nga lang ako rejected kaagad. Jae: Napindot laaaaaang HAHAHHAHA Hayes Okay marupok ako eh AHHAHAHA I laughed so hard na naging dahilan nang paglingon sa akin Cheyenne at ang eksaheradang pag-ubo ng iba naming mga kasama. Binigay ko na pabalik kay Cheyenne ang phone nya dahil malapit na akong bumaba at baka mamaya hindi ko na naman mamalayan na nasa harap na ako ng bahay. Hindi na rin ako nakapagpaalam dahil alam kong mas hahaba lang ang usapan namin. Rerepyan ko na lang sya kapag naka-uwi at nakapagcharge na ako. "Hindi ka ba maaga bukas Jae?" tanong sa akin ni kuya service. Sinabit ko sa kanang balikat ang bag at lumabas na ng tricycle. "Hindi po! Sabihin ko na lang po kung may biglaan akong gagawin sa school," tumango lang sya at nagmaneho na paalis. Agad akong nagpalit ng damit pagkapasok ko ng bahay. Walang akong tao na nadatnan dahil mukhang nasa kapitbahay si mama. Sinaksak ko agad ang phone at binuksan. Ang model na meron ako ay luma na kaya mabilis na sya malowbatt. Ako rin naman ang may kasalanan dahil ginagamit ko 'to nang nakacharge, kagaya ngayon. Binuksan ko ang data pumunta agad sa conversation namin ni Hayes. Hayes: How's your interview pala? Nakalimutan kong itanong Jae: Okay namaaaan baka makuha ko yung gusto kong position Hayes: Naman! Ikaw pa ba Narinig ko ang pagbukas ng gate, andyan na ata si mama. "Kakarating mo lang cellphone agad ang hawak mo. Kumain ka nga muna," wala akong choice kundi bitawan ang phone at pumunta sa lamesa. Tinanong tanong lang ako ni mama kung anong mga nangyari sa school. After magkwento, nagsimula na naman sya sa sermon tungkol sa paggamit ng phone. Pare-pareho lang naman ang sinasabi nya kaya pasok sa kanan labas sa kabila ang lagi kong ginagawa. Nang matapos kumain ay hindi ko agad kinuha ang phone at naghugas muna ng mga pinggan. Si mama naman ay nanonood ng tv sa sala at rinig na rinig ko ang tawa nya sa mga nakakatawamg scenes sa pinapanood. Napangiti na lang ako, dahil nakakahawa ang bawat tawa ni mama. "Pagkatapos nyan, mag-ayos ka muna ng sarili bago ka humawak ng cellphone ah? Kukurutin talaga kita sa tagiliran kapag hinawakan mo agad ang phone mo. Hindi yan tatakbo kaya gawin mo muna lahat para kahoit magdamag kang magcellphone hindi kita pipigilan." Para namang papayag sya sa magdamag gumamit ng phone. "Pero subukan mong gamitin yan nang magdamag, ipapakain ko yan sayo," dugtong nya. Sinasabi ko na nga scam yun eh. Pagkatapos ko maghugas ay naghilamos na at nagtoothbrush. Habang pinupunasan ang mukha ng isang puting towel, naalala ko ang mga nangyari kanina. Ang interview, pakikipag-usap kay Hayes, pag-amin sa harap ng mga ka-members, at ang mukha ni Gael habang nakatanaw sa papalubog ng araw. Andami pa lang nangyari ngayon kaya pala medyo nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Kinuha ko ang phone at inayos ang higaan bago ako nahiga. GC: Blaire: Yung mga natanggap ay i-aannounce ko na lang kapag mafinalize na! Good night! Aiden: Ate kapag ako hindi kasama dyan, susunugin ko bahay nyo Blaire: Eh kung ikaw kaya sunugin ko dyan? Sino ka ba? Alya: Baaaaaars Briggs: Wala yan sa mood bahala ka dyan HAHAHAHHA Ni-mute ko ang gc ng club dahil alam kong magsisimula na naman itong mag-ingay mamaya maya. Mag-aasaran na naman sila tapos maglalag ang phone kaya kailangang nakasilent ang mga gc sa akin na syang nakakapagdrain din sa phone ko. Jae: Slr! Tinapos ko lang mga gawain ko dito sa bahay Hayes: Ang sipag naman ni Raelyy Jae: Huwag kang papauto minsan lang ito. Once in a blue moon ba kumbaga Hayes: At least nagiging masipag pa rin kahit minsan HAHAHAHHAH Btw, we're going to the club. Wala skl. I know you didn't ask pero sharing hehehe Dahil sa chat nya, nakaisip na naman ako ng kalokohan, pambawi lang sa mga banat nya kanina. Jae: No need to put skl po, interested na po ako sayo HAHAHAHHAHA Hinintay ko ang reply nya pero hindi agad dumating. Ilang beses ko na nakikita yung typing pero wala pa rin syang narereply. Baka nagulat sya? Hindi nya nagustuhan ganun? Ano yun sya lang pwede? Hayes: Teka HAHAHAHHA Kinilig naman ako Shet teka HAHAHAH kinikilig ako Natawa na lang ako sa kanya, ang cute. Hayes: Grabe yung atake HAHAHAHA Jae: Sorry po HAHAHHAHA Maling desisyon na dito ako tumambay sa higaan imbes na sa sala. Kahit na ang sayang makipag-usap sa kanya, tinatraydor na ako ng mata ko. Any moment makakatulog na ako kaya kailangan ko nang makapagpaalam at baka makatulugan ko sya. Hindi sya agad nakapagreply kaya nagtingin tingin muna ako sa gc namin at baka magkaroon ng biglaang announcement. Dahil nawala yung kausap ko, mas lalo kong naramdaman ang pagod at papikit pikit na ang mata ko. Hayes: Hala sorry late reply : (( u still there? Jae: Hala okay laaaaaang HAHAHHAHA Isang mata ko na lang ata ang nakabukas. Hindi ko na kaya, malapit na ako makatulog, minuto na lang o baka ilang segundo na lang. Hayes: May inasikaso lang kasi ako sagliiiiit Jae: Gagi okay nga laaaaang kaso ano Hayes: Anoooo Pilit kong binukas ang mata para makapagtype pa nang maayos at baka mamaya kung ano ano ang bigla kong masend. Jae: Inaantok na talaga ako sorryyyy Hayes: Already? It's early pa kayaaa Jae: Nadrain talaga ako ngayoooon Hindi ko na nahintay pa ang reply nya dahil hindi ko na talaga kaya. Hindi ko rin alam kung napatay ko pa ang data ng phone basta ang gusto kong mangyari ngayon ay matulog. Nagvibrate ito pero hindi ko na kinuha at nagpadala na lang sa kaantukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD