Kabanata 9

2104 Words
Napadilat ako at ang unang bumungad sa akin ay kadiliman. Kahit saan ako lumingon purong itim lang ang nakikita ko. Sigurado akong panaginip lang ito pero nagsisimula na akong kabahan dahil wala talaga akong makita. "Nasaan ba ako?" Sinubukan kong mangapa ngapa hanggang sa may nahagip ang kamay ko. Kinuha ko ito at pinakiramdaman kung ano, mukhang flashlight ata ang nakuha ko. Hinanap ko ang switch at nang mahanap ko na ay dali dali ko itong binuksan. Napapikit ako dahil sa biglang pagkasilaw sa liwanag. Inabot siguro ng mga ilang segundo bago ako nakapag-adjust. Nilibot ko ang paningin at nagtaka sa paligid dahil purong puno ang nakikita ko samantalang kanina ay halos wala akong makapa. Nagsimula na akong maglakad lakad habang iniisip kung paano ba ako magigising sa panaginip na 'to na parang nagiging bangungot na habang tumatagal. Napahinto ako nang nakarinig ako ng tunog na parang may naglakad sa mga tuyong dahon. "Ano bang theme ng panaginip na 'to? Horror? Huwag naman sana, baka atakihin ako sa puso bigla," mahinang makikipag-usap ko sa sarili. Inakala kong guni-guni ko lang ang narinig kaya nagpasya akong ipagpatuloy na sana ang paglalakad. Hindi pa man lang ako nakaka-ilang hakbang nang makarinig na naman ako ulit ng kaluskos. Nagsimula sa isa, dalawa, at nagsusunod sunod na ang tunog na animo'y naglalakad-takbo. Bumalik ang kaba ko at tahimik na pumunta sa isang puno para magtago. Mahigit dalawang minuto ang lumipas at may biglang lumabas na babae. Gusot gusot ang suot mula sa hula ko ay pagtakbo. Ang puting damit ay nag-iba na ng kulay dahil sa dumi. Nagtitingin tingin sya sa paligid at naririnig ko ang mahihina nyang paghingal. Hindi ko ganoong maaninag ang mukha nya pero sigurado akong maganda sya. Sino sya? At bakit ganyan ang ayos nya? May tinatakbuhan ba sya? Tutulungan ko ba sya? Ipinilig ko ang ulo sa huling tanong dahil bakit ko naman sya tutulungan? Kailangang ko lang magising at magiging okay na ang lahat ng ito since wala naman na akong maaalala sa mga nangyari. "No!" Napatagal ata ang pag-iisip ko na hindi ko na namalayang hindi na lang pala ako at ang babae ang tao sa gubat na ito. "I warned you didn't I? I told you to stay away but you're stupid, and now we're here," pasabunot na hinawakan ng lalaki ang buhok ng babae. Kagaya ng babae ay hindi ko rin maaninag ang pagmumukha ng lalaki. Napahawak ako sa bibig nang pabagsak nyang tinulak ang babae at naglabas ng baril saka tinutok sa kanya. "No please, I'll be good I p-promise!" Nakaluhod na ang babae at nagsimulang umiyak at magmakaawa para sa buhay nya. "It's too late. Goodbye, Jae," napasinghap ako sa narinig at biglang nagbago ang sitwasyon, ako na ang babaeng nagmamakaawa. Gulat akong napatingin sa kanya at bago ko pa makita ang kanyang mukha ay pinutok nya na ang baril. Nagising akong pinagpapawisan at may konting luha sa gilid ng mata. Hinihingal akong napahawak sa dibdib at pinakiramdaman ang sarili. My heart is beating so loud that I can hear it. Naalala ko, naaalala ko nang malinaw lahat ng nangyari. Ito pa lang ang unang beses na may naalala akong panaginip. Siguro dahil hindi naman sya panaginip kundi bangungot. "Jae gising ka na ba? Anong oras na oh! Maaga ka naman natulog kagabi ah!" Rinig ko ang yapak ni mama at hindi nga ako nagkamali dahil pumasok na sya. "Wala ka bang gagawin ngayon sa scho— anong nangyari sayo ha? Bakit ka parang nakakita ng multo at namumutla ka?" Nakakunot ang kilay nyang lumapit at nilagay ang kamay sa may noo ko para macheck kung may sinat ba ako. "Wala ka namang lagnat o ano. Anong problema mo?" Nakatulala akong tumgin kay mama na naghihintay ng sagot galing sa akin. Umiling lang ako at tumayo na para ayusin ang hinigaan. "Siguraduhin mo lang at mahirap magkasakit, lalo na sayo dahil ang taga tagal bago ka gumaling." Umalis na sya at ako naman ay napa-upo ulit. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko. I died on the dream. He killed me! What does it mean? Alam ko may meaning ang mga panaginip. Sa akin ba ay meron? At kung meron man, ano ang ibig sabihin nun? Dahil sa bangungot na yun ay nawalan ako ng gana kaya konti lang nakain kong umagahan at hanggang ngayon ay hindi ko pa binubuksan ang phone. Pero hindi rin kalaunam ay binuksan ko para madistract ako sa nangyari. Messages ni Hayes ang nangunguna kaya sa kanya ang una kong binuksan. Hayes: Hey where are you? Oh are you asleep na ba? Sleepy head Good night Raelyy Jae: Good morniiiiiiing Sorry antok na kasi talaga ako kagabi Nagreply na ako na parang wala lang nangyari. Kailangan mawala sa isip ko ang nangyari. Hayes: Best morning Raelyy It's okay! Nasabi mo namang you're sleepy naaa Anyway, how's your sleep? Napanaginipan mo ba ako? Kidding HAHAHAHHAHA Napangiti ako nang matipid, sana nga sya na lang ang napanagipan ko para hindi sana ako ngayon nag-iisip ng kung ano-ano. Jae: I'm still inaantooook Kahit ang totoo ay gising na gising ang diwa ko. Ito rin ang unang beses na medyo maaga ako nagising hindi gaya ng dati na late na, lalo na kung walang pasok. Pero naalala ko rin na maaga nga pala ako nakatulog kagabi. Minsan na nga lang makatulog nang maaga, binigyan pa agad ng ganung klase ng panaginip. Hayes: Sleepyhead talaga HAHAHAHA Start your day with a big smile on your face :))) Jae: Copy that! You too! Hayes: Did you eat your breakfast na ba? Jae: I don't eat breakfaaaaast Which is true by the way. Since lagi akong maaga sa school because of practice sa sayaw at mga projects kaya nakakaligtaan ko na ring kumain ng agahan. Hindi rin nagtagal ay nasanay na ako sa ganung routine, sabay ang breakfast sa lunch o mas kilala sa tawag nilang "brunch". Hayes: Gusto mo na bang mamatay? Charot HAHAHAHHA pero why? Pinaliwanag ko naman sa kanya na agad namang nyang naintindihan at medyo pinagsabihan pa ako na kahit konti ay kumain para naman may laman ang tyan ko kahit papaano. Hayes: I have work at 9 pala so we can't chika na that time Work? How old is he na ba? Napatingin ako sa orasan at nakitang 15 minutes na lang bago mag 10. Nagreply lang ako ng okay na hindi na nasundan dahil nag-offline na sya, samantalang ako naman ay maghahanda na rin para sa pagpasok. Nalaman kong papasok na si Hestia kaya na-excite akong pumasok dahil marami rami ang ikukwento ko sa kanya. Itatanong ko na rin kung ano talagang nangyari sa kanya kahapon kaya sya hindi nakapasok. Nawala na rin sa isip ko ang bangungot na iniisip ko kanina pa. Pagkarating ko sa room ay may kanya kanya silang ginagawa at nakitang portfolio ang inaasikaso nila. Nagkibit-balikat na lang ako dahil natapos na ako sa pag-asikaso nyan. Speaking of portfolio. "Peter!" tawag ko sa kaklaseng pinagbigyan ko ng portfolio kahapon. "Ano? Oo napasa ko na po, you're welcome," magsasalita pa lang sana ako pero inunahan na nya ako. "Hindi pa nga ako nagsasalita." "Alam ko na ang sasabihin mo kaya ilapag mo na ang bag mo babae at pumunta ka muna sa mga kaibigan mo, maglalaro kami." Inirapan ko sya at pumunta na sa upuang katabi nya at inilapag ang bag. Pagkalapag ko sya namang pagpasok ni Hestia sa pintuan. Agad ko syang nilapitan at hinampas nang mahina sa braso. "Aray naman teh, I miss you too ah?" Tumawa ako at kumapit na sa braso nya. Medyo tahimik ang buhay ko kahapon dahil wala sya. Kung pumasok sya, alam kong sasama sya sa akin sa interview kahit na hindi naman sya sasali. Sasama lang sya para makaligtas sa lesson, nakapakabuting estudyante. "Anong nangyari kahapon teh? Bakit ka absent?" Nilapag nya ang bag at humarap sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa magkabila nyang bewang "Sinabi ko na hindi baaa, may check up ako. Huwag ka na magtanong at ikaw ang dapat na magkwento sa akin. Nag-uusap na kayo ni kuya Haru diba? What do you think of him?" Mabilis pa kay the flash na napunta sa akin ang spotlight. "Okay naman, madaldal at mukha naman syang mabait. And oh, maharot sya girl," nagtawanan naman kaming dalawa at nag-apir pa. "Alam kong magkakasundo talaga kayo dahil parehong bubbly ang personality nyo! HAHAAHHA ikaw agad ang una kong naisip nung nagtanong sya noon eh!" "Pero girl, seryosong usapan hindi maganda yung ginawa mo ah?" sumeryoso ang tono ko. Nawala naman ang ngiti nya at tumango tango. "You don't even know that man. Una nyo pa lang magkikita noon tapos nireto mo ako agad. It's funny pero wag na sana maulit yun ah? At least tell me lang kung may gagawin ka na ganun, para hindi naman ako nagugulat," dugtong ko pa. "Pasensya na talaga girl! Na-excite lang din talaga ako that time! Promise hindi na mauulit!" natawa ako dahil nagtaas pa sya ng kamay para mangako. "Class magsiupo na muna kayo may announcement ako." Lahat kami ay nagsibalik na sa kanya kanya naming upuan nang narinig namin ang boses ng teacher namin para sa ikatlong period pa dapat namin which is Filipino. "Magbibigay ako ng mga characters galing sa Noli Me Tangere ah? Lahat kayo ay magkakaroon ng monologue. Yun ang magiging performance nyo sa akin for this quarter." Maririnig mo ang mahihinang hinaing at reklamo ng mga kaklase ko. "Ano yung monologue?" tanong ko sa katabi. "Search mo." napalingon naman ako sa katabing si Peter. Ang sungit naman nitong taong 'to, nagtatanong lang eh. "Lahat kayo ay inaasahan kong magpaparticipate. Ang hindi makapagperform at automatic na ang 75 sa performance task, naiintindihan ba?" sumagot naman kaming lahat ng opo. "Kaya nandito ako ngayon kasi wala kayong class sa first subject, at pati na rin sa klase ko. Andito lang ako para mag-announce at para makapagbunutan kayo kung sino ang mauunang magtanghal. Magsisimula pala ito sa katapusan ng Pebrero." Katapusan? Anong date na ngayon, 12? Kaunti na lang ang magiging paghahanda ng bawat isa. Malas pa kung pang-unang numero ang makukuha mo. "Pagdating naman sa tauhan, kayo na ang bahalang pumili kung sino ang nais nyong bigyang buhay. Basta ang importante ay ang kasuotan nyo at ang malinaw na pagkakadeliver ng bawat salita." Si Aneesa na presidente ng klase namin ay nagsimula nang magsulat ng mga numero sa maliit na papel. "Meron lamang kayong sampong minuto para magtanghal. Pwedeng sumobra pero bawal ang magkulang. Baka rin magdala ko ng ibang teacher o estudyante para panuorin kayo." Wala pa nga pero nakakaramdam na ako agad ng hiya. Sana hindi ako kasama sa unang batch at baka magkalat lang ako sa araw ng performance. "Aneesa tapos na ba?" tumango naman si Aneesa at mabilis na pinagrorolyo ang mga numero saka nilagay sa isang maliit na tupperware na hindi ko alam kung saan nya nakuha. "Ma'am tanong lang po, kailangan po ng props?" masamang tingin ang ipinukol ko sa kaklaseng nagsalita, si Aria. Lahat kami ay may inis sa kanya dahil pagiging bida bida nya na minsan ay nagpapahamak sa amin. "Kapag yan nirequired, kukulamin ko talaga ang babaeng yan," bulong sa akin ni Peter na gaya ko ay masama rin ang tingin sa kaklase. "Hind naman pero appreciated kung meron. Okay Aneesa pagbunutin mo na sila para matapos tayo agad at ma-enjoy nyo ang free time. " Nagsimula sa harapan ang pagbununutan at kitang kita mo kung sino ang nakakuha ng malapit na number at ang malayo. Kinakabahan ako, sana hindi first batch please. Okay lang kung gitna basta wag lang sa unahan. "Wala bang absent sa inyo ngayon? Tamang tamang pala at makakabunot ang lahat." Mabilis ang naging pagbunutan dahil nasa amin na agad. Nanginginig ang kamay kong kumuha ng rolyong maliit na papel. "Gago malas, number 7." Panlulumo ang makikita sa mukha ng Peter dahil sa nataggap na numero. Unti unti ko namang binuksan ang akin at halos himatayin ako sa nakitang number. Number 1 Hindi ko pa ito nabubuksan nang maayos kaya nang binuksan ko na. Doon na lumabas kung anonh numero talaga ang napunta sa akin. Number 15 Nakahinga ako nang maluwag dahil swerte ako ngayon. Lagi kasi akong malas sa mga bunutan eh. "Si Dela Vega ang nakakuha ng number 1!" Dela Vega? Si Hestia yun ah? Agad akong lumingon sa kanya at nakita ang gulat nyang ekspresyon habang nakatingin sa hawak na papel. Pinagkakaguluhan na sya ng mga kaklase namin. Ang mga kaibigan namin ay natawa at ang iba naman naming kaklase ay nag-aalalala Nagkatinginan kami at sabay na bumuka ang bibig para sabihin ang katagang... 'Malas'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD