Kabanata 10

2549 Words
Ma'am is true to her words dahil wala na ngang sumunod sa kanya para magturo. Nakaalis na ang teacher namin pero ang panlulumo sa mukha ni Hestia ay makikita pa rin. "Gagi cheer up! Kaya mo yan noh, ikaw pa ba?" Sinubukan kong pagaanin ang mood nya pero parang hindi naman sya natinag. Maya maya pa ay bigla na lang syang dumiretso ng upo at ngumiti sa akin. "Ang galing ko noh? Pwede na ako maging artista. I-try ko kayang mag-audition what do you think?" Hindi ako nakaimik at nanatiling parang tangang nakatingin sa kanya. "Huh..." tanging usal ko na tinawanan n'ya. "Jae omg I was just kidding! I actually wish na sana ako ang mauna so I can set the standards you know?" Ilang sandali pa akong nagloading bago ko naproseso ang sinasabi n'ya. Nagpanggap lang s'ya? Parang nabasa naman n'ya ang iniisip ko at mahina akong hinampas. "Oo nga hindi yun totoo HAHAHHA para namang hindi mo ako kilala." Nakisabay na lang ako sa tawa n'ya pero alam kong hindi n'ya talaga inaasahang uno ang makukuha n'ya. I mean isipin mo yun ah, absent s'ya kahapon at ngayon lang pumasok tapos yun agad ang madadatnan mo? No one is ready for that. Kahit na ang isa naming kaklase na biniyayaan ng sangkaterbang confidence sa sarili ay matahimik din matapos magkaroon ng bunutan. "May naisip na ako agad na gagawin! Si Donya Victorina ang gagawan ko ng monologue and oh! It's look like there's a video here, she acts as Donya Victorina and she also sings!" Napunta na ang atensyon nya sa cellphone at nagscroll scroll. Naghahanap na ata agad s'ya ng concept na gagawin n'ya. "Hoy si Donya Consolacion gayahin mo ah? Para matchy tayo, rivals HAHAHAH" Nasa phone pa rin ang paningin n'ya nang nagsalita s'ya. "Sinong kausap mo? Ako ba?" Nag-angat s'ya ng tingin at umirap sa akin. "Mukha ba akong may kausap pa na iba? Tayo nag-uusap dito Jae, tigilan mo ako tsk" tumawa naman ako at binalik naman n'ya ang paningin sa phone. Napatingin naman ako sa punong nasa labas ng bintana ng room na nakapagpaalala sa akin sa masama kong panaginip kanina. Normal lang naman magkaroon ng masamang panaginip paminsan minsan. Pero paano kung isa 'yong bad omen? Isang pangitain o sign para mag-ingat ako. Ayaw ko man aminin, nacucurious talaga ako sa buong pangyayaring yun. Gusto kong malaman kung bakit hinahabol ang babae at gusto s'yang patayin. Kung tama ang pagkakaalala ko, sinabi ng lalaki na nagbigay na s'ya ng warning na lumayo ang babae pero hindi n'ya nagawa. Ano yun? Bakit hindi na lang sumunod ang babae at mas pinili pang itaya ang buhay kaysa lumayo na lang? At higit sa lahat, paanong bigla na lang ako na ang babaeng tinututukan ng baril? "Hoy look may nakita ako, omg mas na-excite ako!" Hindi naman p'wedeng ibig sabihin na iyong babae ang parang nagrerepresent sa kung anong p'wedeng mangyayari sa akin sa hinaharap? Mamamatay dahil sa katangahan? Oh my no, I'm not that stupid. "Jae!" Napakurapkurap akong tumingin sa kaibigan. "Hala sorry, may sinasabi ka ba?" tanong ko. "Ang lalim nang iniisip mo, kanina pa ako dito daldal nang daldal." Bahagya akong yumuko at napakamot naman nang ulo. "Sorry naaaa, iniisip ko lang kasi yung naging panaginip ko kanina," paliwanag ko. Nagdesisyon akong i-kwento na lang din sa kanya para may kadamay naman ako mag-isip. "Anong interesante ba ang meron sa panaginip mo at naiiwan kang tulala dyan." Huminga ako nang malalim at nagsimulang magkwento. Habang nagkukwento ako, ino-obserbahan ko din ang magiging reaksyon nya. "So ayun, am I just overthinking this or nah? What do you think?" Nakatitig lang s'ya sa akin na parang nag-iisip. "If I have the same dream like yours, matutulala rin talaga ako, okay understandable," saad n'ya na sinamahan pa ng pagtango. "What if isa premonition pala yun? What if something is going to happen with me?" Sinimulan kong ngatngatngatin ang mga kuko sa kamay. Naging hobby ko na itong gawin kapag nakakaramdam ako ng hindi maganda, like pangangamba and such. "Kumalma ka nga, napakababa ng possibility na maging totoo ang isang panaginip 'no. " Tinuon nya ulit ang atensyon sa phone na hawak. "Still, may chance. Baka mamaya, nakatadhana pala talagang mangyari sa akin yan. Hes, ngayon pa lang magsasabi na ako, mahal na mahal kita. Huwag mo sana akong kakalimutan." Tinignan nya ako nang masama at walang anu-ano'y hinablot ang buhok ko. "HOY ARAAAAAY! BITAW BITAW! MASAKIIIIIT!" Hinablot ko rin ang buhok n'ya kaya ngayon ay para na kaming nagsasabunutan. "JAE U BIATCH! HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO AKO KINILABUTAN SA MGA PINAGSASASABI MO!" "Hoy ano 'yan, away???" "Ilabas mo cellphone mo dali, videohan natin HAHHAHAHA" Naagaw na namin ang atensyon ng mga kaklase namin na kanina lamang ay parang pinagbagasakan ng langit at lupa dahil sa nangyaring bunutan. "PEYK PREN KA TALAGA! WALA KA BANG SWEET BONE SA KATAWAN HA? BIBITAWAN MO BA BUHOK KO O BIBITAWAN MO!" sigaw ko. Pareho pa rin naming hawak ang buhok ng isa't isa at mukhang walang may balak bumitaw. Ramdam ko ang p*******t ng anit lalo na nang bahagya n'ya pa itong hinila. At dahil hindi ako magpapatalo, hinila ko rin ang sa kanya na s'yang kinangiwian n'ya. "Gagi, totoo bang away 'yan?" "Awatin n'yo na mga tanga baka biglang may pumasok na teacher!" Hindi ko na namalayang nakapalibot na pala sa amin ang mga usisero't usiserang naming mga kaklase. "Itigil n'yo na 'yan gagsti kayo!" "Ayusin mo namang paghawak ng camera, ihampas ko 'yan sayo!" "Saan pusta mo pre? Dun ako kay Jae gagi nakikita mo ba yung gigil n'ya Hahhahahaha" "Abnormal, alam naman natin kung sino lugi sa kanilang dalawa. Ang haba haba ng buhok ni Jae, kaya dun ako kay Hestia!" Halo halo na ang mga bulong nila. May mga gustong umawat, may mga walang pake, at may mga siraulo pang pinagpupustahan kami. "Bumitaw ka na, pinagpipiyestahan na tayo dito," mahina n'yang bulong. "Luh you first, ano ka sineswerte, ikaw unang nanghablot d'yan eh," bulong ko rin pabalik. "Magbibilang ako hanggang tatlo, sabay tayong bibitaw ah? Isa... Dalawa.... Tatlo!" Wala ni isa sa amin ang bumitaw at mas lalo pa atang humigpit ang pagkakakakapit namin. "Bakit hindi ka bumitaw???" angil ko. "Hindi ka rin naman bumitaw ah," umirap ako at nauna nang unti unting niluwagan ang pagkakakapit sa buhok n'ya. Mukha namang napansin n'ya kaya niluwagan na rin n'ya ang pagkakahawak hanggang sa pareho na kaming nakawala sa isa't isa. "OH MAGSIPAGBALIK NA KAYO SA MGA UPUAN N'YO! TAPOS NA ANG PALABAS" pagpapaalis ni Prim sa mga kaklase. "Ay sayang naman, akala ko magkakapera na ako ngayon." "Nakuhanan mo ng video 'di ba? Send mo nga sa akin mamaya Hhahababah lt" Pagkaalis ng mga kaklase namin, nakapameywang na humarap sa amin si Prim. Ang dalawang kamay ay nakalagay sa magkabila n'yang bawang at parang handa nang magsuway na parang nanay. "What are you two doing? Nag-aaway ba kayo? Bago 'yan ah, usually tahimik lang kayong dalawa kapag may galit kayo sa isa't isa." "Gaga wala lang yun, abnormal lang talaga 'tong si Hestia. Bigla bigla ba namang nanghahablot ng buhok." I glared at her and she also did the same. Prim just shakes her head then proceed to her seat. Umupo na rin ako at nagsimulang ayusin ang buhok na nagulo, at dahil nga mahaba haba ang buhok ko kaya't nahihirapan akong tanggalin ang mga konting mabuhol. "Oh, ayusin mo ang pagsuklay," tinanggap ko ang binigay ni Hestia na suklay. I still kinda struggle kaya kinuha n'ya ito sa akin ulit at s'ya na ang nagsimulang magsuklay sa buhok ko. "Alam mo Jae, yung tungkol sa panaginip mo, huwag mo masyadong isipin yun. We are the only one who's creating our own destiny 'no." I yawned at the way she comb my hair. Kahinaan ko talaga kapag may humahawak sa buhok ko, hindi yung sabunot, pero yung gentle na paghawak. "And I don't think naman na your the kind of girl na malilink sa ganyang klase ng mundo. Guns seriously?? Baka ako pwede ba..." dagdag n'ya pa. "Anong kung ikaw ang sinasabi mo dyan?" nagtataka kong tanong. "Huh? Wala wala, check mo nga kung may chat na sa 'yo si boylalu mo." Natawa na lang ako sa tinawag n'ya kay Hayes. "Wala s'yang message 'no he have work keme ata." I mean kanina pa namang 9 nung sinabi n'ya yun but malay ko ba sa schedule n'ya. "Err. Just check it dalian." Wala akong nagawa kaya nilabas ko na lang ang phone at naghintay na magload. Hayes Toshima set your nickname to my rei. Bago pa ako makapagreact, naunahan na ako ni Hestia na hindi ko napansing nakatingin na rin pala sa phone ko. "O to the M to the G!!! What in the speed is that??? Gaga ka kakakilala nyo lang, kahapon lang girl,, KAHAPON!" Halos yugyugin n'ya na ako sa kilig, I guess? "Hay naku, huwag masyadong seryosohin. Sabi mo nga, kahapon lang kami nagkakilala," pangwawalang bahala ko sa nakita. Tumaas naman ang isa n'yang kilay at dinuro ako. "Girl, ingat lang naku mukhang napakabilis talaga ng kuya Hayes mo HHAHAHAHAH" napailing na lang ako at tinago na ulit ang phone nang hindi binubuksan ang conversation namin. Mukhang nasatisfied naman na s'ya sa nakita dahil hindi na n'ya pinansin pa nung tinago ko na ang phone. "Pero bakit Rei? Baka wrong person. Charot HAHHAHAHAHA" kahit ako ay nagtataka sa nakita. "Oh charot lang, baka gusto n'ya maging iba, kahit sa spelling lang?" Ngumiti na lang s'ya nang may kahulugan at nagsimula na ulit magpindot sa kanyang phone. Siguro itatanong ko na lang mamaya sa kanya. Kagaya ng mga nakaraang araw, walang masyadong pinagawa sa amin maliban itong article na binigay sa amin ni Mrs Rivera, ang advised namin. Hindi ko nga alam kung para saan ito na wala namang ganoong connect sa subject n'ya, which is ICT. Lahat kami ay napatigil sa ginagawa dahil sa kakaibang liwanag na nanggagaling sa labas. Pinagsamang pink, purple, at orange ang makikitang kulay sa kalangitan dulot ng dahan dahang pagbaba ng araw. "Ang ganda," mangha kong sambit. Ito pa lang ata ang unang beses kong makasilay ng ganito kakulay na paglubog ng araw. Balak ko sanang kuhanan ito ng litrato gaya ng mga ginagawa ng kakalase ko ngayon ngunit hindi ko na mabuksan pa ang phone. Namatay na ata ito dahil sa pagkadrain ng battery. Ang bilis na n'ya magbawas kaya mukhang kailangan ko na ng bagong phone. Dahil hindi ko makuhanan ng litrato, pinagsawa ko na lang ang aking mga mata sa pagmamasid sa kagandahan nito. "Ehem! Tama na yan, tapusin n'yo na ang pinapagawa ko para naman maaga tayong lahat makauwi ngayon." Nagsipagbalikan naman ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. I glanced at the sunset for the last time before I return writing a paper. Konting minuto na lang ang natitira at malapit na kaming pauwiin pero natigil na ako sa ginagawa dahil wala na akong maisip pang idadag sa sinusulat ko. "Pst! Tapos ka na ba?" bulong sa akin ni Eissna. "Mukha ba?" "Sungit mo naman, magsearch ka na lang dali. Ito oh phone! Tago mo lang at baka makuha." Dahil nagmamadali na rin naman ako kaya't kinuha ko na rim at nagsimulang magsearch. Ang topic na binigay sa amin ay tungkol sa pagdiriwang ng mga Chinese ng kanilang Chinese New year. Oh 'di ba, walang kaconnect connect sa ICT, at parang pinagawa lang ito sa amin para may gawin kami. "Wala na tayong oras, lahat ng papel at ipapasa sa unang subject n'yo bukas. Cleaners for today, magsimula na kayong maglinis at kapag oras na ng labasan ay sabay sabay na tayong lahat." Ang pagpalatigil ni Ma'am ay tiyempo pa sa pagsesearch ko at dahil alam kong makakalimutan ko 'to kaya naisipan kong i-forward na lang ang nahanap na article sa account ko. "Eissna! Salamat!" Binalik ko na sa kanya ang phone at sinimulang ligpitin ang mga nakalabas kong gamit. "Sa mga hindi maglilinis, kunin n'yo na ang mga gamit n'yo at magsilabas na kayo. D'yan lang kayo ah? Maaga pa ang oras, hindi kayo papalabasin sa main gate." Dinalian ko naman ang pagliligpit at lumabas na rin ng room. Pagkalabas ko, nakita ko ang pagbaba ng hagdan nina Hestia kasama si Prim at Maeve na s'yang mga malalapit lang sa bahay nila. "Hoy hindi pa bukas ang gate! Saan kayo pupunta?" Sinenyasan naman ako ni Hestia na manahimik. "Bababa na kami para makalabas agad, huwag ka maingay ah?" Tumango lang ako at nagpatuloy na sila sa pagbaba. "Saan sila pupunta?" Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsulot ni Cheyenne sa gilid ko. "Nakakagulat ka naman! Mauuna na raw sila bumaba para diretso labas na kapag binuksan na ang gate. At bakit ka pala nandito, cleaners kayo ngayon ah." Hinigit naman n'ya ako papuntang gilid at mahinang bumulong. "Tinatamad ako maglinis kaya lumabas na ako. Kaya na nila yan, malalaki na sila." Tatawa tawa na lang ako napa-iling sa kalokohan n'ya. Aminado rin naman ako na minsan gawain kong pagtaguan ang mga kasama kong maglilinis kapag tinatamaan ako ng katamaran, kaya hindi ko rin s'ya magawang masisi. Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang school hours namin for today. At dahil malapit naman na kaming dalawa ni Cheyenne sa hagdan kaya dali dali kaming bumaba. "Jae! Saglit lang!" Lumingon ako nakita si Gael na papalapit sa akin. "Bakit?" Kinuha n'ya ang kamay ko at inilagay ang notebook n'ya. "Hindi ka pa tapos 'di ba? Ibalik mo na lang sa akin once natapos mo na kopyahin yung mga lesson. Okay sige bye." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay umalis na s'ya sa harapan ko. "Ano yan?" "Notebook n'ya," wala sa sariling sagot ko. "Ay wow, s'ya pa talaga ang nagbigay. Bago yan ah? HAHAHAHAH tara na nga, nagugutom na ako." Nauna nang na s'yang naglakad habanga inilalagay ko sa bag ang notebook at napatingin sa daang nilakaran ni Gael. Cheyenne was right, this is the first time Gael gave me his notebook. Pahirapan la kasi kapag hinihiram ko 'to sa kanya. Ano kaya nakain n'ya? Weird. Nagkibi't balikat lang ako at sumunod na kay Cheyenne. As usual, bumili kami ng mga makakain na s'yang nagpatagal sa amin sa pagpunta sa service. Muntik pa ako makipag-away sa isang estudyang bumibili rin kung hindi lang ako inawat ni Cheyenne. "Ang kapal ng mukha ng babaeng yun, bakit mo ba ako pinigilan?" Hindi na ako makapagsalita nang maayo dahil sa kinakain. "Kadiri ka naman Jae, nguyain mo nga muna nang maayos yan bago ka magsalita. Manners pls?" Nagpeace sign ako at nilunok na ang kinakain. "Pero yun nga, nakakainis talaga na s'ya na nga yung sumingit sa pila, s'ya pa may ganang magalit??? Abnormal" umirap ako at nagpatuloy sa pagkain. "Hayaan mo na teh, maiinis ka lang HAHAHAHAH kain ka na lang dyan." "Ano pa nga ba, ay by the way, pahiram ako phone saglit. Namatay na naman phone ko kanina" binigay naman n'ya sa akin ang phone. "Bumili ka na kasi bago teh" "Kung may pera lang," hindi na s'ya sumagot kaya nagbukas na ako ng account. Uminom ako sa palamig at halos maibuga ko ang iniinom sa nakita. Hayes: [you sent an article with a title "Chinese New Year origin"] Hayes: Hapon ako beh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD