"Ano ba Jae, magdahan dahan ka nga HAHAHAHHA wala namang mang-aagaw sa pagkain mo." Ang kamay ni Cheyenne ay nagsimulang hagudin ang likod ko habang ako naman ay patuloy sa panaka-nakang pag-ubo na sinamahan pa ng unting pagtawa.
"Hala abnormal, halos mamatay ka na tapos tumatawa ka pa," inilingan n'ya lang ako at bumalik sa kanyang pagkain nang nasiguro n'yang okay na ako.
"At least masayang mamamatay." Tinignan ko ulit ang convo namin ni Hayes at medyo natawa ulit. Dahil siguro sa pagmamadali kanina kaya hindi ko na namalayang sa kanya ko pala nasend ang article na dapat ay sa account ko mismo.
Inubos ko muna ang iniinom bago nagtype ng reply sa kanya.
Jae:
Sorry HAHAHAH wrong send
Amp hindi pa tama yung URL
Hayes:
Miss mo lang ako eh
Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa nabasa. Saan n'ya nakukuha lahat ng mga sinasabi n'ya?
Jae:
Heh
Kapal ah HAHAHAHHA
"Ano kayang mangyayari kapag patuloy ko 'tong sabayan?" tanong ko sa sarili. Mukhang narinig ng katabi ko ang sinabi ko but she just glance sideways and didn't said a word.
Jae:
Pero pwede na
Yiiiieeeh
Hayes:
Hoy! Kilig ako
Pafall masyado Rei
Hindi ko na napigilan at bumungisngis na ako. Medyo nahilo pa ako dulot nang paggalaw ng service namin na hindi ko na pala namalayang nagstart na.
"Jae, kanina ka pa nagpipigil ng tawa d'yan. May kachat ka 'no? Sana all."
"Hindi ka sure," sagot ko.
Jae:
Hoy ka rin HAHAHAHAH ay BTW why pala Rei? You could just call me Jae naman or Raelyn just like the others.
Hayes:
Well, gaya nga nang sinabi mo, others. I'm not like the 'others', I like to be different so I should make a name only I can call you.
Napangiti ako sa nabasa not because I'm having a crush on him or something. Ang wholesome lang when someone creates a nickname for you. It's just really a small thing, but enough for me to melt.
Jae:
Oh, hindi ko inaasahan yan ah HAHAHAHHA I thought kasi kanina namali ka lang or trip mo lang. Saka Hoy! Bakit may word na 'my' dyan. I'm not yours, I'm no one's property or something.
Hayes:
Sino ba kasing nagsabing property ka? You're a person, a beautiful one with a lovely personality. Actually, I love your personality.
Ang mabulaklak naman nito magsalita. I'm wondering, ganito rin kaya s'ya in person? If oo then gosh, the lineups of girls who wants to be his girl is surely long.
Jae:
Hey, you couldn't just possibly assume na I have a lovely personality 'no, based on our chats. Careful, baka madisappoint ka.
Not being a sadgirl or what, but it's really true. I can't confirm na I have than kind of personality kasi mismong ako, hindi na kilala ang sarili minsan.
Hayes:
Shh, feeling ko naman tama ako. At laging tama ang feeling ko. Plus point pa na you are friends with Hestia. Best friends to be exact and that is enough reason para malaman na may maganda kang personality.
"Jae malapit na ako bumaba, hindi ka ba tapos?" Napatingin ako sa paligid at nakitang nakapasok na pala kami sa village. Ang una kasing ibababa ay si Cheyenne, huli naman ako, kaya kailangan ko nang mabigay ang phone n'ya bago pa makarating sa bahay nila.
"Saglit na lang, oout ko muna," sagot ko at binalik ulit ang paningin sa phone.
Jae:
[sent a like]
Hayes:
Nakakadalawa ka na ah
I probably clicked the like button while talking to Cheyenne. At ngayon, may like sa message n'ya about may personality. Great Jae! You just ruined the mood.
Jae:
OMG sorry napindot lang. Wait lemme talk to you later once I got home. Kinukuha na kasi yung phoneeee
Hindi ko na tinignan pa ang reply n'ya, I sign out my account at binalik na ang phone kay Cheyenne. Nang nasa tapat na kami ng bahay n'ya, hindi s'ya agad lumabas at tumingin muna sa akin so I mouthed 'why'
"Yung show pala sa Sat, naurong 'di ba? Anong araw na?"
"Nag-announce kanina? Lutang na naman siguro ako kaya hindi ko narinig." That's really one of my problem, ang malutang. Minsan nasasakto pa kapag may importanteng announcement kaya naiiwan akong walang alam.
"Nevermind, mukhang lutang ka na naman kanina HAHAHAH. Iuulit naman siguro yun, sige bye bye." Tuluyan na s'yang lumabas ng service at pumasok sa bahay nila.
I look for my phone in my bag and tried opening it pero wala talaga. I just sighed and slid it back inside and wait for kuya to drop me off to my house.
Malayo pa lang pero nakikita ko si mama sa labas at nakikipag-usap sa kapitbahay.
"Magluto ka na lang nang makakain mo d'yan at napagod at sa kakalaba kanina," bungad agad sa akin ni mama pagkababa ko. Lumapit ako sa kanila at nagmano saka pumasok ng bahay.
I immediately look for my charger and charged my phone then starts to do the usual routine; magluto, kumain, at maghugas.
At dahil hindi pa fully charged ang phone kaya sinimulan ko nang tapusin ang article na pinapagawa sa amin. Hindi ko na kailangang tumingin pa sa internet dahil patapos naman na talaga ako kaninang magsulat at naghahanap lang ako nang maidadagdag. I'm also a journalist kaya medyo hindi na mahirap sa akin ang gumawa ng article kahit limitado lang ang pinagkukunang source.
Grade 6 ako nang pinasok ko ang mundo pagjojournalist. Sa totoo lang, wala talaga yun sa plano ko. Napilitan lang ako dahil sa incentives na makukuha. I was told by my teacher na once maging journalist ako, automatic na ang line of 9 sa report card ko so I grab the chance. Naalala ko pa nung araw ng press conference contest na muntik ko nang hindi masalihan dahil sa maling pagkakaintindi sa petsa.
Lily:
Jae asan ka na?
Hindi ko maintindihan ang chat sa n'ya sa akin. Anong sinasabi n'yang asaan? Hindi naman na natuloy ang laban namin ngayon ah?
Jae:
Nasa bahay? Bakit?
Lily:
Anong bakit? Pumunta ka na sa school gagi ka, nagsstart na yung screening!
Napatayo ako sa higaan dahil sa nabasa.
Jae:
Hoy wag mo akong binibiro, may bagyo kaya hindi n'yo ba alam kaya paanong matutuloy?
Lily:
Kahapon lang ang suspension gaga, at hindi mo rin ba nakikita wala na yung ulan? Kaya magbihis ka na at pumunta na dito! Dalian mo gagi ka
Hindi na ako nagreply at nagmamadaling pumunta kay mama para sabihin ang sitwasyon. Kagaya ko ay nataranta rin si mama na nag-asikaso.
Habang naghihintay nang masasakyan, medyo naiiyak na ako at kinakabahan dahil sa dalawang dahilan; una, late na ako at pangalawa, baka sa sobrang late ko wala na akong maabutan kung hindi mga nagsisi-uwian estudyante. Mamamatay ako sa kahihiyan kapag yun ang nangyari.
Pagkarating namin sa school, nag-aalangan pa akong pumasok dahil wala akong makitang estudyante kahit saan.
"T-Tapos na ata ma, uwi na tayo," hila ko kay mama habang sumisinghot singhot.
"Pumasok ka nga kasi muna, wag kang umiyak iyak dyan." Umiiyak akong umiling sa kanya. Ayokong pumasok at makumpirmang tapos na nga ang laban at nahuli ako.
"Paano mo masisigurong tapos na kung hindi ka papasok? Dali na pumasok ka na— oh si Lily yun diba?" Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni mama at nakitang si Lily nga yun and she's signaling me to come inside. Pinawi ko ang mga luha sa mata at inayos ang sarili bago pumasok sa loob.
Kapag naaalala ko ang alaalang yun ay natatawa na lang ako. Hindi ko rin kasi inaasahan pa na kahit late ako nang araw na yun ay nagawa ko pang maipanalo ang article na gawa ko na s'yang pinagmalaki ng coach namin sa school paper. Pinagalitan pa ako ni mama at pinagsabihan na maging maalam lagi sa mga announcement para walang mangyayaring ganun.
Ang natapos na papel at nilagay ko na agad sa loob ng bag at baka makalimutan ko pang ilagay yun kinabukasan, maiwan ko pa. Tinanggal ko na sa saksakan ang phone nang makitang puno na ang battery nito.
Hayes:
Weh HAHAHHAHA okay take care!
Jae:
Hi I'm back! Sorry natagalan, nagcharge pa kasi ako.
Napatingin ako sa orasan at nakitang 10 na ng gabi at hindi pa pumapasok si mama. Hindi na naman nila namalayan ang oras sa pakikipagkwentuhan.
Hayes:
Did you eat na ba?
Jae:
Yes yes
Hayes:
Good
So, hi Raelyy! I'm Hayes Russell Toshima, your future ewan HABABHAHA fencing is my hobby hehehhe
At ngayon n'ya lang talaga naisipang magpakilala? HAHAHHA so are we on some kind of getting to know each other?
Jae:
Magpapakilala na rin ba ako? HAHAHAHA
Hayes:
No need
Kilala na kita
Ikaw ang future ko HAHAHHAHA charot
"Anong nginingiti mo? May boyfriend ka na 'no?" Pumasok na pala si mama at ngayon ay nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
"Ma naman, nakakita lang ako nang nakakatawang picture." Pasimple kong inexit ang convo namin.
"Siguraduhin mo lang, malaman ko lang na nagboboyfriend ka, ihahatid talaga kita. Wala ng tanong tanong mag-asawa ka na lang agad." Napangiwi naman ako sa narinig. Kung alam lang ni mama na wala akong balak mag-asawa or magkapamilya in particular, baka hampasin n'ya lang ako.
"Nag-aaral lang ako ma, 'wag ka na po mag-alala."
"Sinasabi ko lang, sige na matutulog na ako. Pakisarado na lang ng gate, isarado mo na agad at makalimutan mo na naman gaya nung nakaraang gabi naku." Tumayo at ni-lock ang gate. Medyo napayakap pa ako sa sarili dahil sa lamig ng hangin. Patakbo akong bumalik at sinara na rin ang pintuan.
"Patayin mo na pala ang ilaw Jae! Salamat!" Paupo na sana ako nang may idagdag pa si mama na s'yang nakapagpa-ikot sa mata ko. I realized I have nothing to do that's why I walk to my bed after switching the lights off.
Jae:
Luh HAHAHAHA pero ano nga? Tanong lang, sasagutin ko
Hayes:
Magcclick kaya tayo? Yun lang naman tanong ko HAHHAHAHA jk
Bakit ang cute mo?
Paano ko ba sasagutin ang mga ganyang tanong?
Jae:
In born na po kasi pagiging cute ko HAHAHAH chos
Hayes:
Fav foods?
Napaisip naman ako. I'm not allergic to anything, and I certainly eat everything. So, ano ang paborito ko?
Hayes:
Yung donuts pala, ipapadala ko na lang kay Brays if I can't make it hehhehe
I already forgot about the donuts cause I didn't think it was serious.
Jae:
Hala kahit hindi na, wag ka na mag-abalaaaaa
Hayes:
Dapat merooooon. It's actually should be on valentine's day but I have meeting that time eh
Valentine's Day? That's 2 days from now. Bigla akong kinabahan kahit sinabi naman n'ya na he can't be there. And why would I be nervous? Pwede namang taguan after...
Jae:
That's okay lang pooo, I understand naman. Saka kakakilala pa lang naman natin.
Hayes:
Ang gaan naman ng loob mo sa akin. I find it weird, but I love it.
So fave foods? Hindi mo pa nasagutan hehe
Magaan daw ang loob ko. Hindi naman sa ganun pero parang ganun nga ang nangyayari. And that's not really a good news, kasi ibig lang sabihin lang nun ay it's either you're really a good person, or you're a naive and stupid one.
Jae:
Mabilis lang naman kasi gumaan loob ko sa tao HAHAHAHA and about your question, any food will do. Hindi naman kasi ako mapili HAHHAHAHA
Hayes:
Sige, I'm one of your fav foods HAHAHHA
What? Gosh this guy, it's kinda wild ah? I just reacted HAHA in it because I don't know what will I reply
Hayes:
Hate mo?
Kagaya kanina, napaisip na naman. I really avoid these kind of questions when someone's asking me lalo na kung in-person since I don't know how to correctly answer it. I don't even actually know myself. Hindi ko alam kung yung lumalabas ba sa bibig ko ay totoong nagrerepresent sa mga gusto at ayaw ko, o baka dahil yun lang ang naisip ko at the moment kaya yun ang sinabi ko?
Jae:
Wala naman ata
That's the safest answer I could give. As far as I could remember, wala naman akong naging hate na, hate ko talaga. I learn to like things as the time goes by.
Hayes:
Come on tell me, para naman aware ako sa anong di dapat gawin at maiwasan ko agad.
Is my answer really that important? At dahil he's waiting for an answer. Nagbigay ako ng sagot na kahit for me ay napakababaw lang.
Jae:
Seen or cold replies siguro. And oh, I hate liars
Even though, I'm a liar. Such a hypocrite.
Hayes:
Good thing, this is the account na ginamit ko. I was fake on that account kasi, and I was monitored so I can't be like this to anyone. Talkative.
Jae:
Ay weh?
What's with being monitored? Ano yan walang privacy or something? Is that a requirement on being rich?Natawa na lamang ako sa mga pinag-iisip ko.
Hayes:
Yes, nakakainis kaya gumawa ako ng sarili kong account na kami kami lang nina Brayson ang nakakaalam, and now you!
Kinusot kusot ko ang mata dahil nagsisimula na naman akong antukin. Hindi naman talaga ako antukin ng ganitong oras, I actually have a hard time sleeping at night kaya nakakapanibagong inaantok ako ngayon. But then, it's a cold evening at patay na ang mga ilaw and I'm already here in my bed kaya aantukin talag ako. I look at the time and saw na it's 11 in the evening na pala.
Plano ko nang magpaalam sa kanya pero naunahan n'ya ako.
Hayes:
It's getting late na pala. You're not going to sleep pa? I mean it's really nice talking to you but late night talks is not really healthy Rei.
Ang thoughtful naman. Well sa panahon ngayon, people be really into talking until morning. And I'm not one of those people. I'd rather read than to talk to someone na hindi naman sure kung tatagal sa buhay mo or panandalian lamang.
Eww, hugot yan???
Jae:
Maaga pa nga 'to para sa akin eh
Hayes:
Huh? What do you mean
Jae:
I always sleep late. I can't sleep at night kasi, nasanay na
Well, except for now kasi inaantok na talaga ako. Hindi ko alam bakit tila nilalabanan ko pa, may nanalo na ba sa pakikipaglaban sa antok? Wala
Hayes:
Ay why? Kanino ka nasanay ha? Aba aba
Jae:
Books kasi and movies HAHAHAHAH
Hayes:
Hey I also love reading books and watching movies! Matchy talaga tayo!
"Babae, matulog ka na. Nasasanay kang matulog ng madaling araw, akala mo ba maganda yan? Matulog ka na isa." Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaan pagsulpot ni mama.
At dahil dun, nagpasya na akong magpaalam na sa kausap. Hindi ko na talaga kaya pa ang antok.
Jae:
Yiieeehh, malay mo ano HAHAHAHHA wala. I'm kind of sleepy na rin pala
Hayes:
Buti naman, let's sleep na. Sleeping early is good for health Rei, we should practice it. I'll help you!
Jae:
Ay wow HAHAHAH sige na, good night po!
Hayes:
Good night Rei, sweet dreams :>
And that puts a small smile to my face as the darkness began to embrace me.