Kabanata 12

2187 Words
6 am pa lang gising na ako pero parang wala ata akong balak bumangon since I've been staring at the ceiling for about 30 minutes from moment I opened my eyes. I'll be on my 4th year in Junior high this school year and I still don't know what course or what path I'll take in the future. Kinder pa lang ako, gusto kong kunin ay nursing but as I grow up, naging pa-iba iba 'to. From nursing to education to accountant and now, a surgeon. It's really hard to decide especially when you're torn between your dreams vs. practicality. Hindi ako pinanganak na mayaman. Kahit na nag-iisa lang akong anak, hirap pa rin sina mama. Iniisip kong mag-educ na lang dahil 4 years lang naman ito, hindi gaanong malaki ang gagastusin at ito rin ang gusto ng magulang ko na kunin. Okay lang naman sa akin, but I know to myself na hindi ako magiging masaya sa isang trabaho na hindi naman buo sa loob ko na pasukin. "Paano kaya kung isang araw manalo kami? Hindi ko na siguro kakailanganin pang magtrabaho?" tanong ko sa sarili. "Kaso hindi naman limitless ang pera, mawawala at mawawala din ito kapag nagkataon, lalo na kung waldas ka lang nang waldas." Nababaliw na siguro ako, tanong ko sagot ko. I searched for my phone pero hindi ko mahagilap kung nasaan. I remember falling asleep with it on my hand, pero dapat nandito lang yun sa tabi- "Hinahanap mo ba phone mo? Nasa lamesa, nahulog mo kagabi." Napabangon ako sa sinabi ni mama. May c***k na ang screen nun at hindi ako magugulat kung nadagdagan yun ngayon. "Hindi ka talaga nag-iingat, alam mo namang kapag nasira yan, wala ka nang magagamit pa. Wala tayong pera para bumili ulit ng bago kaya ingatan mo yan." Ilang taon na ang cellphone na yun sa akin. Hindi talaga s'ya sa akin at pagmamay-ari s'ya ni mama. Ayaw kasi ni mama na magkaroon ako ng sarili, dahil bukod sa wala kaming sapat na pera, nangangamba s'yang sa oras na bilhan ako ng phone eh baka mawalan na ako nang oras sa pag-aaral at puro cellphone na lang ang atubagin. Well, she's not entirely wrong though. Simula nang magkaroon ako ng phone, nakakaligtaan ko na ang pagrereview ng mga lessons. Alam kong mali yun at dapat balance lang ako sa paggamit. Pero kahit na ganoon, I'm proud to say na hindi ako naalis sa honor list. "Hindi ko napansin ma na nahulog pala." Tuluyan na akong bumangon at sinimulang ayusin at pagpagin ang pinaghigaan. "Hindi napansin heh paano mo naman mapapansin yun kung tulog ka ha? Mag-ayos ka na nga d'yan, wala ka nang nagagawa dito sa bahay naku talaga." At nagsimula na nga ang walang katapusang panenermon ng nanay ko umagang umaga. Kakamot kamot akong pumunta ng cr. I tie my hair in a bun so that it can't block my face while I'm washing my face and brushing my teeth. Habang nagpupunas ng mukha, kinuha ko ang phone at binuksan. GC Hestia: Alam n'yo ba si Jae, binigyan na s'ya ng nickname ni Haru HAHAHHAHA harot yarn? Nakalagay "my rei" edi wow Caleb: Ang bilis naman n'yan. Parang kakakausap n'yo lang ata ah? Iba ka talaga Jae Dean: Haba ng buhok ampotcha, literally and figuratively Napatampal na lang ako sa noo sa mga nabasa. Daldal talaga ng babaeng 'to, ako na naman tuloy ang topic nila ngayon. Prim: Kamag-anak ba ni The Flash yan? HAHAHHA Earl: Anong gayuma ginamit mo d'yan? Pashare naman teh Bago pa madagdagan ng kung ano ano ang pinag-uusapan nila, nagtype na ako ng irereply. Jae: Ang issue n'yo talaga Maeve: Hoy paano hindi magiging issue, wala pa ngang isang linggo may nickname ka na agad? HAHAHAHHA Kahit naman ako, nabibilisan din sa takbo ng mga nangyayari hindi ko lang pinapansin at binibigyan ng kahulugan. He seems to be the kind of guy na mahilig sa ganitong trip where he constantly flirt as a joke so I'm just going with the flow. Besides, I like someone else which is si Gael. Or dapat ko ka bang itigil? Things already ended between us kaya ano pa nga ba ang dahilan at gusto ko pa rin s'ya? Happy crush I guess? Where the person is just happy to like someone, accepting the fact na hindi marereciprocate ang nararamdaman n'ya. Jae: It's just a nickname, nothing else. Crista: Just a nickname lang daw pero may word na "my" sa unahan naku wag kami Prim: Hayaan na natin ang ating kaibigan, malaki na s'ya, alam na n'ya ang ginagawa n'ya HAHAHHAHA Hestia: Tapos kapag umiyak ka, pagtatawanan ka muna namin bago i-comfort HAHAHAHHA Ibinaba ko muna ang phone at hinanap ang article na ginawa ko kagabi dahil may naalala akong maling nailagay dun kaya binabalak kong isulat ulit. "Ma saan mo nilagay bag ko?" Napansin ko na wala sa pinaglagyan ko ang bag na kung saan nakalagay ang papel na hinahanap ko. Mukhang inilipat ata ni mama. "Ayun oh nakasabit. Kung saan saan mo kasing pinaglalalagay." "Maayos naman s'yang nakatabi ah-" "Sasagot pa talaga oh," pagpuputol n'ya sa sinasabi ko. Hindi na lang ako ulit umimik at kinuha na lang ang bag. Jae: Mga baliw, parang hindi kaibigan ah? I exited the chathead and click Hayes name. Hayes: I figured you might be still sleeping so, best morning Rei! The message was send 5 in the morning. Ang aga naman n'ya magising, hindi ko kakayaning gumising nang ganyang oras. Pero sabagay, sanay na s'ya. And it looks like he's really looking forward on being different with his way of morning greeting. Best morning instead of good. Jae: Hi good morning! Nang nahanap ko na ang papel, binasa ko muna nang buo so that I can spot the mistakes. When I'm writing an article, hindi na bago sa akin ang paulit ulit na pagrerevised ng gawa dahil sa mga bagong ideya na lumalabas. Hindi nga tumatagal sa akin ang isang buong intermediate paper, wala pang isang linggo ubos na. Tinapos ko muna ang pagsulat bago ko ulit kinuha ang phone na sunod-sunod ang pagvibrate. Hayes: Hope u already ate na Btw, when Hestia and Brayson broke up, nakwento ba sayo ang reason? Reason? Brayson cheated on Hestia. It's more than enough reason to drop him. Naalala ko dati na hindi pa talaga ganun ka-sure si Hestia sa pakikipagcommit pero hinayaan n'ya, tapos yun lang ang nakuha n'ya. Pain. Sakit na s'yang nagtulak sa kanya para magtayo ng napakatayog na pader around her. And now he's winning her again. Good luck with that. Kasi even though gusto ko silang magkabalikan, natutuwa ako na Hestia's still got the upper hand. I hear she repeatedly reject Brays na, and the guy still won't give up. Jae: Nagloko si Brayson Hayes: There's a reason behind that Jae: He cheated. Ano pa bang reason ang sinasabi mo? Nagloko s'ya tapos. What's this? Wala na bang maisip na ibang way si Brayson kaya sa akin naman s'ya lalapit with the help of his friend? Hayes: Wait, you don't understand. Ito yung reason na hindi nasabi ni Brayson na makakapag-ayos sana sa relasyon nila. Jae: Explain Tignan natin kung anong dahilan ba ang sinasabi nito na makakapagbago sana sa sitwasyon nila kung sinabi n'ya lang. Hayes: Brayson has an older brother who looks exactly just like him. He never met him due to the reason that they got separated after their parents got divorced. Umayos ako nang upo dahil nakuha n'ya na ang atensyon ko. Older brother who looks exactly like him? Seems like it's so out of fictional world. Jae: Wait, really???? OMG Hayes: Napunta si Brayson sa Father nila while yung kapatid naman n'ya dun sa nanay nila. Ever since that divorced, naging hati na talaga ang pamumuhay nila dahil hindi namang ganoon kapera ang nanay nila. Huh? So Brayson is living the life, while his brother is not, ganun ba? Mukhang alam ko na kung saan patungo ang storya nito. Hayes: Brent, his brother was filled with lies created by their mother. Kaya lumaki s'yang may galit kay Brayson at sa tatay nila. At doon na nga nagsimula ang plano n'yang sirain ang buhay ni Brayson. Jae: And how do you know any of this? That was the biggest plot hole in his story. Paano naman n'ya nalaman na ganun nga ang nangyari between Brayson and his 'brother". Kung ako kasi ang tatanungin mo, papasa ang kwento n'ya as a story line in fictional world. Hayes: Because, he got us kidn*pped, kaming mga kaibigan ni Brayson. He ended up telling us that story, siguro to gain sympathy? Anyway, it never works. Kasi kahit ano pang dahilan ang sabihin n'ya, masama pa rin ang ginawa n'ya. Brayson is innocent with all of their parents' mess. Jae: Okaaay but hindi mo pa rin nasasabi kung anong connect nito sa hiwalayan nila hehe Sa haba ng mga sinabi n'ya, wala pa rin dun ang dahilan sa likod ng panloloko ni Brayson kay Hestia. I can't move on from that fact na napakafictional ng kwento n'ya. But then, hindi ko naman alam ang mga nangyayari sa totoong mundo. It's not like I'm believing on that story but I'm giving it the benefit of the doubt. Hayes: Brent started to stole Brayson's identity. And hindi lang naman s'ya mag-isa, he got help from Brayson's ex, Red. I remember, that's the same person na nakita ni Hestia na kasama ni Brayson. Yung ex n'ya na naging girlfriend n'ya for 4 years. Damn, ang haba ng pinagsamahan nila. That's why Hestia got so insecure and really broke down noong nakita n'ya na Brayson cheated on her together with his ex. Hayes: At dahil dun, Brayson acted as Brent to get information from Red. That's the scene na nakita ni Hestia. I don't know nga why hindi n'ya sinasabi ang dahilan. Wait, so hindi talaga technically nagcheat so Brayson? It's all an act, ganun ba? Well then, their chance on being back together is really high now. "Jae, anong oras na, magsimula ka nang mag-ayos at baka magmadali ka na naman mamaya. Nakakahiya sa service mo." Hindi ko na naman pala namalayan ang oras, kailangan ko na pa lang kumilos para sa pagpasok mamaya. "Saglit na lang po," sagot ko. Jae: Oh gosh, ba't ayaw n'ya sabihin? Maintindihan naman yun ni Hestia. Hayes: Ewan ko, it's not my story to tell naman. Ayaw ko mangeelam, tamang nood lang ako sa mga kaganapan HAHAHHAHA Jae: Then why did you tell this to me? I might end up telling this to Hestia. Wait, that's really your plan, am I right? This kind of information pa naman ay hindi tatagal sa 'kin dahil sasabihin at sasabihin ko talaga. Hestia's been hurt by Brayson's cheating issue na hindi naman pala totoo in the first place, so I think she deserves to know that truth. Hayes: That's the point Rei. I can't tell that to her since Brayson will probably kill me. So I told it you instead. He's still going to kill me but not that brutally na kasi sayo naman manggagaling ang dahilan HAHAHAHHA Jae: Galing mo sa part na yan HAHAHAH Hayes: Of course! So if you have plan on telling her then go ahead. Okay lang yan Sasabihin ko talaga. There's one problem nga lang, she's not going to believe it. Understandable dahil nakita nga naman n'ya yung nangyari with her own eyes, so can't blame her if ever. Hindi rin naman ako ganoong naniniwala pero kailangan n'ya pa ring malaman, then she's going to decider whether to believe it or not. And, she can ask Brayson naman about that. I doubt he will lie pa, lalo pa ngayon na he's winning her back. May hindi nga lang ako maalis sa isip ko. I know na there's something pa talaga na hindi sinasabi si Hayes. I wonder what that is. Jae: Btw, can I call you Haru na lang rin? Okay lang ba? Hayes: Of course! But it'll be more okay kung baby na lang HAHAHAHHA Napangiti ako nang wala sa oras. He's really good at this ah? Napakalinis. Jae: Hoy HAHAHAHHA ay ttyl na pala, may pasok pa ako Hayes: Ayan tama yan, mag-aral ka for our future, mag-aaral din ako HAHAHAHHA ingat sa byahe Rei! I just reacted heart at nagsimula nang mag-ayos. Pagkarating ko sa school, unang hinanap ng mata ko ay si Hestia. I saw her talking to some of our friends. Huminga ako nang malalim bago naglakad papunta sa kinaroroonan n'ya. "Hes," tawag ko sa atensyon n'ya. Lumingo naman s'ya sa akin at ngumiti. "Bakit?" Hinila ko s'ya palayo sa mga kaibigan namin. At nang masiguro ko nang kami na lang dalawa, hinarap ko s'ya. "There something you need to know," panimula ko. Bakas ang pagtataka sa mukha n'ya. "Ang seryoso mo naman, tungkol saan ba yun?" awkward s'yang ngumiti na sinamahan pa nang mahina n'yang paghampas sa braso ko para siguro maging magaan ang tensyon na alam kong nararamdaman din n'ya. "It's about you and Brayson." Nasilayan ko kung paanong ang ngiti sa kanyang mukha ay unti unting nawala. "What is it?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD