"Why aren't you talking? Anong tungkol sa amin ni Brayson?" I sighed and starts fidgeting.
"Stop it! Nagsisimula na akong mairita Jae." Hindi ko alam kung paano sisimulang sabihin sa kanya ang impormasyong nalaman ko. Hayes was right, it's not his story to tell and definitely not mine, so what am I doing?
"Tutulungan na kita. Whether you say it or not, I don't care anymore. So go on, have it your way Jae." Tinapik n'ya ang balikat ko at tumalikod na.
"Wait!" Hinawakan ko ang kamay n'ya na s'yang kinalingon naman n'ya.
"I don't really know where to start, so ipapakita ko na lang." Kinapa ko sa bulsa ng palda ang phone at inilabas para ipakita sa kanya. Kinuha naman n'ya ito at takang tumingin sa akin.
"Anong gagawin ko dito?"
"Pumunta ka sa convo namin ni Haru at magbackread." Nakakakunot pa rin ang noo n'ya at bakas ang pagtataka pero sumunod din s'ya.
"You know, this is your phone. It's not okay na bubuksan ko na lang ang convo n'yo basta basta." Kinuha n'ya ang kamay ko at inilagay ang phone ko. Napatingin naman ako sa phone at sa kanya.
Binuksan ko ito at pinindot ang convo namin. Dahil nga kanina lang ang naging usapan namin kaya madali ko lang nahanap ang pakay. Binalik ko ulit sa kanya ang phone na s'yang tinanggap naman n'ya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang unti unti n'yang binabasa ang napag-usapan namin ni Hayes. I was observing her reaction when she suddenly give my phone back.
"Is that it?"
"What do you mean by 'is that it' ? Hestia this is the real story behind his cheating issu—"
"And so?" pagpuputol n'ya sa akin.
"H-Huh?"
"We're already done. Tapos na. Wala na. I told you I don't care anymore. Pumasok na tayo." Naglakad na s'ya pabalik ng room habang ako ay hindi naman makapaniwala sa sinabi n'ya.
"You're lying!" sigaw ko. I was expecting na titigil s'ya since ayaw n'ya sa lahat na tinatawag s'yang sinungaling, pero nagpatuloy pa rin s'ya sa paglalakad.
"I saw how your facial expression change! You can't lie to me you know that!" dagdag ko pa.
Tumigil s'ya saglit at patagilid na nagsalita.
"Maybe I'm lying, maybe I'm not. But how are you sure na that's true?" Natahimik naman ako dahil alam kong tama s'ya. Hayes is not a reliable source since he's friends with Brayson.
"I'm not," mahinang sambit ko.
"I thought so too," saad n'ya at tuluyan nang pumasok ng room.
Tulala ako buong klase kaya dahil iniisip ko pa rin yung sitwasyon nina Brayson. Labas naman na ako dun pero hindi ko lang maiwasang isipin ang panghihinayang sa kanila. Kung sana lang sinabi n'ya ang tungkol dun if ever na totoo man, I think magiging maganda ang relasyon nila.
I take back what I said earlier, na mataas ang posibilidad na magkabalikan sila. Looking back on how it turned out, mukhang naging malabo ang chance ni Brayson.
"Sasama ka 'di ba Jae?" Napabalik ako sa realidad at takang tumingid sa paligid. Hestia, Maeve, Prim, and Alya are looking at me. Magbebreak time na kaya siguro sila nandito.
"Huh?"
"I told you, wala na naman s'ya sa sarili." Nagtawanan sila at naghigh five pa sa isa't isa.
"Anong meron?"
"Kung hindi ka lang sana lutang kanina hindi ko na 'to iuulit, pasalamat ka frenny kita," umirap si Prim at nagsimulang magsalita.
Balak pa lang nila na hindi pumasok sa bukas which is also ang araw ng mga puso. They all plan na magbake na lang ng cake for our project sa cookery, and they're just waiting for my confirmation kung sasama ba ako.
"Bakit ngayon n'yo lang sinabi? Hindi pa ako nakakapagpaalam, bukas na yun!" frustrated kong tugon.
"Jae, napag-usapan na natin 'to noong isang araw pa. As usual, lutang ka na naman but don't worry, importante naman gagawin natin bukas, saka it's not like we're having lessons tomorrow." Tinanguan naman ng lahat ang sinabi ni Maeve.
"Tama! Narinig ko nga na hindi ata magtuturo ang mga guro bukas. Hindi lang pinapaalam kasi syempre, walang papasok na estudyante kapag nagkataon." Hindi na talaga ako nagtataka na alam ni Alya ang tungkol dun. Marami s'yang tenga at mata sa paligid na s'yang nagsisilbi n'yang source sa mga kaganapan sa school.
In short, chismosa talaga s'ya.
Pinag-usapan namin ang gagawin bukas at kung magkaano ang magiging ambagan namin. Tinapos namin ang pag-uusap sa lugar kung saan kami magkikita, sa bahay ni Hestia.
Tumabi sa akin sa Hestia at nagsalita. "I propose this plan talaga para maiwasan natin sila bukas." She looks at her face in the mirror and starts to apply tint.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Brayson and Haru planned to go to the school tomorrow." Nanlaki ang mata ko sa nalaman.
"Totoo?"
"Yes, kaya naisip kong umabsent na lang. And ayaw ko naman maiwan ka dito mag-isa kaya sinabihan ko sina Maeve na mag-absent na lang tayo nang sabay sabay bukas." Gulat pa rin ako sa nalaman. I thought Haru can't make it because of his meeting?
Well good thing na naisip ni Hestia yun. I don't really know what to do in case na pumunta sila here. I'm not yet ready on meet-up.
"Kaya siguraduhin mong papayagan ka ni tita na wag pumasok bukas, or magkakaroon kayo ng biglaang pagkikita ni Haru." Oh no, magtatago talaga ako kapag nangyari yun.
Tumayo na s'ya at lumabas para kumain. Naiwan naman akong nag-iisip kung paano ako magpapaalam, at paano ko mapapapayag si mama in case na hindi n'ya ako payagan.
"Ma hindi ako papasok bukas—
"Nababaliw ka na ba? Ano nagrerebelde ka? Bakit hindi ka papasok? Mag-aasawa ka na? Umalis ka na dito kung mag-aasawa ka!"
I shake my head. Hindi magandang diretsuhin ko agad ang sasabihin. Bago ko pa mapaliwanag ng buo, napalayas na siguro ako.
"Ma, may project kaming gagawin kaya kailangan kong umabsent—
"Anong aabsent? Hindi n'yo ba magawa yun sa umaga bago pumasok? Alam ko na yan Jae. May tinatago ka 'no!?"
Napasubsob na lang ako sa lamesa. Kahit anong way pa ang pagpapaalam na gagawin ko, may masasabi at masasabi si mama.
Binuksan ko na lang ang phone ko para abalahin ang sarili.
Jae:
Hi! You there?
Hayes:
Helloooo! Yes I'm here. Wait lang, I'm driving, I don't want to die 'no. Mawawalan ka pa ng future partner.
Oh gosh, he's starting again. Sana all may kotse, nagdadrive, at may trabaho. Sana all mayaman.
Jae:
Hoy HAHAHAHHA ako na lang ang papatay sayo.
He just leave it on read. He probably focus his attention on driving. As he should. At dahil gusto kong may pagka-abalahan, I just start spamming him with my messages.
Jae:
I should probably introduce myself na lang properly. Raelyn Jae Hernandez is my name. Everyone calls me Jae, and ikaw lang naiba since ginawan mo ako, which is cute by the way.
Sigurado akong pagsisisihan ko 'to mamaya. Here I am again, nagkukwento ng talambuhay ko sa bagong kakilala. When I say talambuhay, I mean literally dahil kahit pati mga naging katangahan ko nakukwento ko pa.
Jae:
I'm a journalist. A writer on our school paper since I was in grade 6. I actually don't have any knowledge about writing an article. Biglaan lang s'ya and I find myself loving it as the time goes by.
Naalala ko na tinataguan ko pa ang school paper adviser namin nun, para lang maiwasan ko ang training. I mean I don't even like that at first, so going at the school early in the morning just to go through training is not really my thing. Pero hindi ko rin naman tuluyang matakasan ang guro dahil isa rin s'ya mismo sa subject teacher namin. And kaya ko nga tinanggap ang pagiging writer dahil nga sa incentives na makukuha ko sa subject n'ya.
Jae:
Music is my therapy. I love it when I sing or dance with the rhythm. And as you already know, Taylor Swift is my favorite singer.
I can't go with my day without listening to any kind of music. And lagi akong kasali sa mga dance competition sa school, like cheer dance, special number, etc. Kapag nagkakaroon ng contest, lalo na kapag between sections, hindi ako nawawala sa harap. I always make sure na ako ang ilalagay ng choreographer sa harap.
Not to brag, but all of my classmates are aware on how good I was in dancing. Kaya never din akong nakarinig ng kahit anong complain whenever I got the spot at the front.
Jae:
I also happen to love reading, kagaya nga nang sinabi ko sayo. Kaya kong hindi lumabas ng bahay nang ilang days, weeks, or month? As long as I have my books and a music to listen to.
May idadag pa sana ako sa chinachat nang nagreply s'ya.
Hayes:
Ang daldal naman ng future ko
Jae:
Madaldal naman talaga ako HAHAHAHHA
There's a press conference noong grade 7 ako. Mag-isa lang ako noon dahil nahiwa-hiwalay kami ng mga kasama ko based on what was assigned to us. I can read but I don't want to waste some battery lalo na at baka gabihin kami, wala akong magagamit na phone. So I talked to the girl beside me.
Tinago ko na ang phone sa loob ng backpack ko. Hindi ko pwedeng gamitin nang gamitin ito. At dahil walang phone para maalis ang paglabagot ko, tumingin ako sa katabi at nagpasyang kausapin ito.
She seems like my age. And it looks like she come from a private school dahil sa uniform n'ya.
"Hi! I'm Jae, anong pangalan mo?" She looks at me and smiles awkwardly.
'Please don't be shy, I just want someone to talk to' I wish inside my mind.
"I'm Seane, nice to meet you!" She extends her hand for a handshake na s'yang tinanggap ko naman.
"I'm sorry, ano ulit? Seyan?" Nalito ako sa way ng pagpronounce nya. Ayoko naman mamali nang itatawag kaya tinanong ko ulit.
"It's Seane, pronounce as Shan."
"Oh! Nice to meet you din Seane! What's your name sa social media para ma-add ko?"
I can assume na we became pretty close that day. We exchange socials and talk like we know each other for a while. Hindi nga lang tumagal ang closeness namin dahil after that press conference, we never saw each other again. And we barely talk sa social media, puro hi and hellos lang.
It's kind of sad actually, but well that's life. People come and go on our lives. You can never know kung sino yung temporary at sino ang permanente. Minsan magugulat ka pa na yung taong hindi mo inaasahang tatagal ang s'yang magiging malaking parte pala ng buhay mo. We all just need to learn how to deal with it.
Hayes:
But why are you online by the way?
Jae:
Break time namin
Hayes:
And you done eating?
Jae:
Nah, I'm not hungry. Hindi talaga ako kumakain tuwing break time. Snacks lang ganun, like biscuit.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang hindi ko pag-kain tuwing break time. Minsan, pinipilit ko na lang kumain para magkalaman tyan ko kahit papaano, pero madalas ang hindi. I don't think it's bad naman since I'm still perfectly healthy.
Hayes:
You should eat. You need that for you to focus on learning Rei.
Jae:
Well, you could say that I'm built different HAHAHHAHA
Hayes:
It's not funny, I just learned na you can't sleep at night tapos ngayon hindi ka pala kumakain tuwing break time n'yo.
Jae:
I'm okay alright? Don't worry about me
"Hoy itago mo na yan, kanina pa tapos ang break." Nakaupo na pala sa tabi ko si Eissna at halos lahat ng mga kaklase ko ay nakabalik na galing sa labas. Binalik ko naman agad sa loob ng bag ang phone without checking kung may reply ba s'ya.
Hindi rin nagtagal ay pumasok na ang subject teacher namin at nagsimulang magturo.
"I said no Jae."
"Jhena please! Ipapapasa ko lang naman." Nalaman naming bukas na pala ang pasahan ng summary ng bawat kabanata sa story ni binigay sa amin. At dahil nga balak naming hindi pumasok bukas kaya ito kami nakikisuyo sa mga kaklase nang magpapasa ng gawa namin.
"Andaming n'yong mawawala bukas, baka nga mag-absent din ako kaya sa iba na lang," saad n'ya nang hindi nakatingin sa akin.
"We both know na you don't like not attending to class, kaya sige na please!" I look at her with my convincing eyes at sinamahan ko na rin ng sweet voice para mapapayag s'ya.
Huminga sya nang malalim kaya napangiti ako. Doon pa lang, alam kong napapayag ko na s'ya.
"Fine! You owe me."
"Thank you! Babawi na lang ako sayo!" I hugged her tight.
"No hugging," she pushes me slightly. Ngumiti naman ako at nagpeace sign.
"Okay Jae, there's only one problem na lang. Ang pagpapaalam sa mama mo," pakikipag-usap ko sa sarili.
Umuwi ako nang bahay na kinakabahan. Magpapaalam na ako and I still don't figured out how will I do that.
"Oh Jae, andyan ka na pala. Bakit hindi ka nagsasalita?" My mother looks at me weirdly and continue to fold our clothes.
"Magpapaalam sana ako ma," panimula ko. Binaba ko ang bag at nilagay sa lalagyanan.
"Ano yun?"
"Aabsent sana ako bukas..." Natigil s'ya sa pagtupi at tumingin sa akin nang seryoso.
"Bakit? Anong meron bukas? May pasok ka, ba't ka aabsent?" Nasa akin na ngayon ang buong atensyon n'ya at wala na sa mga damit na tinutupi.
"May project kasi kami sa cookery and walang free na time para gawin yung kung hindi bukas lang." Katahimikan ang bumalot sa buong bahay.
"Wala rin namang gagawin bukas kaya pinagpasyahan na lang namin na bukas gawin," dagdag ko pa.
"Anong araw bukas?"
"February 14 po," sagot ko. Naningkit ang mga mata n'yang nakatingin sa akin, parang may hinahanap. Naghihintay kung may masasabi akong mali.
"Valentine's Day yun. Are you sure na bake lang ang gagawin n'yo? Baka may kikitain ka lang."
"Wala po!" agaran kong tanggi.
"Anong oras ka naman uuwi?" Tahimik akong nakahinga nang maluwag. Alam kong pinayagan na ako dahil sa naging tanong n'ya.
"Hindi ko pa po alam kung hanggang anong oras yun," tumango tango naman si mama.
"Kina Hestia ba?" I nod.
"Kapag natapos kayo, umuwi ka kaagad. Huwag mong subukan na utuin ako, malalaman at malalaman ko yan. " Napangiti naman ako at masayang tumango.
Agad kong ipinaalam sa gc na pinayagan akong hindi pumasok bukas.
GC:
Hestia:
Yun oh!
Crista:
Luh sana all hindi papasok
Dean:
Wag ka na rin pumasok HAHAHAHHA
Hindi na ako nagreply at pumunta na sa convo namin ni Haru.
Haru:
Concern lang ako sa well-being mo HAHAHHA
Hello you still there?
Oh tapos ma siguro break n'yo, study well Rei!
Jae:
Hi! I just got home
Hayes:
How's your day?
Na-excite ako sa mangyayari bukas. This is the first time na liliban ako ng klase. Tomorrow is Valentine's Day and I'm going to spend my day with my friend. I had this feeling na magiging masaya ang araw ko bukas.