Kabanata 14

2313 Words
"Alya what do you mean you can't?" Iritang tanong ni Hestia kay Alya sa telepono. Mukhang hindi makakapunya si Alya. Anong oras na at wala pa kaming nagagawa na kahit ano. Binabawi ko na ang sinabi ko kahapon. No, hindi masaya ang araw na 'to. Well slightly I guess? I got this smile on my face the moment I woke up, especially when I checked the messages. Hayes: Best Morning Rei! Happy Valentine's Day! Have a nice day ahead. I actually got a surprise for you but mukhang ako ang nasurprise. Hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya. Surprise? Pero s'ya ang nasurprise— oh, oo nga pala! Nasabi ni Hestia na balak nilang pumunta sa school ngayon. Well, mukhang nalaman na nilang hindi kami papasok ngayon. Jae: Is this about you and Brayson going here? Hayes: Yup! Galit ako sa i-babake n'yo, naudlot tuloy hmpk. Natawa naman ako sa nabasa, para s'yang bata na hindi nakuha ang gusto. Hayes: Btw, it's not just us. Kasama namin yung isa namin kaibigan, si Art. He got a gift for your friend you know. Jae: Huh? Who's friend Hayes Szaniah Min? Oh my gosh, Szaniah? She also got involve with one of Brayson's friend seriously? Hindi naman kami masyadong nag-uusap sa messages kaya kinailangan ko pang hanapin ang pangalan n'ya at magtype ng message dahil natabunan na s'ya ng iba pang mga nakausap ko. Jae: SZANIAH! Szaniah: Hala ano yun? Bat caps tas may exclamation point??? May ginawa ba ako? Galit ka ba? Huhuhuhu Hindi ko napigilang mapangiti. Szaniah has always been this bubbly friend who constantly overthinking about things. She's probably wondering now kung anong nagawa n'ya. Jae: Ano itong nalaman ko? Imbes na diretsang sabihin sa kanya ang pakay, nakaisip na naman ako ng kalokohan. Sza: Hoy anong nalaman? Huhuhuhu wala po akong ginagawa promise! Ang kasalanan ko lang ay maging die hard kpop fan huhuhuhu Jae: Cute mo HAHAHAHAH Sza: Hala ba't ka tumatawa huhuhu kinakabahan ako sayo ano yun! "Jae anong oras ka aalis?" binaba ko ang phone at hinarap si mama. "Sasabay na lang ako sa service mamaya tapos pati na rin siguro sa pag-uwi para hindi na hassle." Hindi ko kasi alam kung anong oras kami makakapsimula o kung anong oras matatapos kaya napagpasyahan ko na lang na sumabay na lang din sa normal na pagpasok ko sa school. "Pero kung maaga kayo matatapos, umuwi ka na lang kaagad naiintindihan mo ba?" bilin ni mama. "Ma, mamimili pa kami ng mga gagamitin at titignan pa namin kung tama ang magagawa namin kaya matatagalan talaga kami," pagpapaliwanag ko. "Sinasabi ko lang. Baka kasi mamaya maaga pala kayo natapos pero hindi ka kaagad umuwi, naku talaga malilintikan ka sa akin," nanggigigil na turan ni mama. Hindi ko naman gagawin yun dahil purely project lang ang habol ko. Aaminin ko may mga pangyayaring hindi ko nasunod si mama or may mga hindi ako nasabi kagaya ng pagpuslit ko papunta sa mall na dalawang oras ang layo mula sa amin. Hindi ako proud sa ginawa kong yun at alam kong mali lalo pa't hanggang ngayon wala pa ring alam si mama sa pangyayaring yun. "Sige na at mag-ayos ka na dyan, hindi ka na nga papasok at baka mamaya mahuli huli ka pa," tinalikuran na ako ni mama at bumalik sa ginagawa nya kanina. Jae: Sino si Art? Szaniah: OMG? Huhuhuhu wala lang yun, joki joke laaaaang Jae: What do you mean? Kwinento nya na nagbibiro biro pala sya kay Hestia na hanapan sya. Then ito namang si Hes, agad na nireto si Szaniah kay Art which is kasama din pala sa concert. Nagulat si Szaniah nang sinabi ko na Art has a gift for her. Szaniah: Hoy stop joking! Jae: I'm not! Gotta go! Talk to you later na lang! Hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin dahil naging busy na ako sa dadalhin para sa ibabake namin. 12 noon nang nakarating ako sa bahay nina Hestia. Sunod sa akin ay ang pagdating nina Prim at Maeve. Malapit na mag ala-una wala pa rin si Alya kaya tinawagan na sya ni Hestia only to find out na pumasok sya kaya hindi sya makakapunta. "Are you for real? Kung hindi pa ako tumawag hindi mo sasabihin? We're waiting for you, in case hindi mo alam. Gosh Alya!" Tahimik lamang kami na nakamasid sa naiinis. Binaba na nya ang tawag at kulang na lang ay ibato nya ang telepono sa pagkainis. "I can't believe she ditched us, that girl! Arghh!" frustrated n'yang saad. "Hayaan mo na, tara pag-usapan na natin ang mga ingredients na bibilhin at kung magkano ang magiging ambagan natin." Naghanap kami ng madaling i-bake at napili naming gawin ang isang chocolate cake na hindi na actually need i-bake, steamed okay na. "Kami na lang ni Maeve ang bibili at kayong dalawa, pag-aralan n'yo na ang gagawin para mabilis na lang tayo mamaya." Umalis na silang dalawa at naiwan naman kami ni Hestia. "Nakakainis talaga si Alya," saad n'ya at humiga. Nandito kami ngayon sa kwarto n'ya at mukhang imbes na pag-aralan ang gagawin, hula ko'y mauubos ang oras namin sa ibang bagay, gaya na lang ng pagrarant n'ya. "Hindi naman na bago yun. Duh! It's Alya! Alam mo naman yun, madaling magbago ang isip." Well, I've seen her having different crushes each day at madalas s'yang magbago ng desisyon at the very last minute kaya medyo hindi na ako kagulat na hindi s'ya makakarating ngayon. "Ah basta naiinis ako." Galing sa pagkakahiga, dumapa s'ya at kinuha ang phone. "Hindi pa ba natin papanuorin yung video dun sa cake? Para malaman na natin yung procedure?" tanong ko. "Hay naku teh, nakakatamad. Madali lang naman yun," katuwiran n'ya. Nagkibit-balikat na lang ako at inilabas na lang din ang phone. Tumabi ako sa kanya at inabala ang sarili sa pagscroll. Hayes: Kamusta? Ano na nangyari? Jae: Ni hindi pa nga kami nagsisimula HAHHAHAHA Hayes: Why? I told him about everything that has happened and he seems to be interested with what I am saying kahit alam kong some of it are just nonsense. Hayes: Well, Hestia's feeling right now is valid. Nag-usap usap kayo na hindi kayo papasok eh. Jae: Yep, pero what's done is done. Hindi naman na mababalik pa yun. Hayes: Why so serious? HAHAHAHHA but yeah you're right. Anyway, balak sana naming pumunta d'yan but nagka-emergency si Brayson kaya ayun. Lumingon ako sa katabing busy sa ginagawa sa phone. Sinundot sundot ko ang tagiliran n'ya para maagaw ang kanyang atensyon. "What?" "Pupunta pala sana sina Brayson dito kaso nagka-emergency," panimula ko. She looks at me weirdly. "Girl, I thought sinabi ko na? Kahapon remember?" "No! I mean dito mismo sa bahay n'yo," nanlaki ang mata n'ya sa narinig. "What did you say? Hindi na nga tayo pumasok to avoid them tapos nagbalak pa pumunta dito?" Hindi ko na talaga nalaman kung anong nangyari sa kanila nina Brayson after that concert. Ang alam ko lang ay Brayson is trying to win her back, at mukhang ayaw na talaga ni Hestia. "Hindi naman na natuloy." "Oh gosh are you defending them?" pang-aakusa n'ya sa akin. "Huh? Sinasabi ko lang na hindi na natuloy!" She looks at me at pinaningkitan ako ng mata, animo'y sinusuri. "I'm your friend here okay? So don't you dare defend them, I'm gonna kill you," banta n'ya. "Then I'm gonna kill you for killing me." "As if, " she smirked, "you're already dead." Umirap na lang ako at hindi na umimik pa. Ngumiti naman s'ya nang nakakaloko at binalik ang atensyon sa phone, ganun din ako. Jae: Oh sayang naman! Hayes: Yeahhh Alam mo magaling ako magluto skl. Napa 'o' ang bibig ko sa nabasa. Medyo rare na lang kasi ang mga lalaking marunong magluto at kasama pala s'ya dun. Kadalasan kasi ay babae ang marunong... Maliban sa akin. Jae: Hala! Turuan mo akoooo Yep. Hindi ako marunong. Not entirely naman na hindi marunong since naturo naman sa amin n'ya nung elem at may cookery kami ngayon. What I mean sa hindi marunong is hindi pa ako nakakapagluto ng dish. My mom's the one who always cooks for us, and the kitchen is her kind of territory kaya s'ya lang talaga ang allowed. So ayun, I'm confident naman na I can cook, not on the same level nga lang on my mom's cooking skills but I know na I can do it. Hindi nga lamang sa ngayon pa. Hayes: Wag naaaa para ako na lang magluluto, tas baback hug ka sa akin HAHAHHAHA Binaba ko saglit ang phone at nilagay ang dalawang kamay sa mukha para matago ang pagngiting gumuguhit sa labi ko. "Luh hoy ano yan? Ngumingiti yarn HAHAHAHAHA" Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Hestia at mas nagfocus sa pagpapawala ng ngiti ko. Nang kumalma ako kinuha ko ulit ang phone at nagtype ng reply. Jae: Kung saan ka na naman dinala ng imagination mo HAHAHHAAH Pero bet HAHAHAHAH Hayes: Mas bet kita "Oh gosh, I'm gonna die," mahina kong bulong. Sumiksik ako kay Hestia at niyakap sya. Tinago ko ang mukha ko sa bandang leeg n'ya. "Hoy HAHAHAH anak ng tupa, kinikilig." Dahil nga nakayakap ako sa kanya kaya nagvivibrate ang pagtawa n'ya. Huminga ako nang malalim at binalikan ulit ang phone. Jae: Paano yung mas bet? HAHAHAHAH Off na ang status n'ya nang tinignan ko. Busy na siguro s'ya. At dahil tanghaling tapat at oras na ng siesta, nagsimula na akong atakihin ng antok. Mukhang ganun din si Hestia na kakahikab lang. Pinatay ko na ang phone at umayos ng higa. Pumikit ako at hindi rin nagtagal ay nakatulog. "Wag ka maingay Prim baka magising." "Send mo yan kay Haru mamaya HAHAHAHA" "Sige ayan tulog pa" Hindi ko alam kung nananaginip pa ba ako pero nakakarinig ako ng mga mahihinang bulungan at parang may nakatutok malapit sa mukha ko. Agad kong minulat ang mata at bumangon nang napagtanto ko kung anong nangyayari. Kinukuhanan nila ako ng picture habang natutulog! "Nakakagulat naman 'to, bigla biglang natayo HAHAHAH" Nilingon ko sila at nakumpirma ang hinala ko. Nagulat sila sa biglaan kong pagbangon kaya hindi ka nila natago pa ang camera na hawak. "Hoy idelete n'yo yan!" sigaw ko. "Walang nakuhanan teh, nagising ka na bago pa man napindot," saad ni Maeve. Sakto pala ang naging pagbangon ko. Kung nagkataon na nahuli ako ng konti, pinagpyestahan na siguro nila ako. "Nagising yan kasi narinig n'yang isesend natin kay Haru HAHHAHAHA harot," pang-aasar ni Hestia na sinundan pa ng tawa nina Prim at Maeve. "Ayan ah! Ayaw mo ba makita n'ya kung gaano ka kaganda matulog? HAHAHAHAH" pangdagdag pa ni Prim "Tigilan n'yo nga ako! Gumawa na lang tayo ng cake," pagbabago ko sa topic. Hindi naman na nila tinuloy pa ang pang-aasar at nagseryoso na sa gagawin. Nagcompute muna kami ng ginastos sa ingredients at pinaghatian ang pangdagdag sa kulang na pinambili. Mahal ang mga ingredients na nabili nila kaya inabunohan nila ang presyo. "May mga mura naman kasi doon ah?" reklamo ni Hestia. "Wala na kaming oras para maghanap pa ng mura," paliwanag naman ni Maeve. Nang natapos sa pagkukwenta, sinimulan na namin ang pagmix ng ingredients. Gaya ng basic rule ng baking, pinaghiwalay namin ang dry sa wet ingredients. At nang nasiguro naming pareho ng namix separately ang wet sa dry, nagcreate kami ng butas sa gitna ng dry ingredients bago nilagay ang dry at pinaghalo gamit ang whisky. "Ayusin n'yo ang paghalo d'yan ah," bilin ni Maeve. "Yes ma!" Sabay sabay na sagot namin. Lumingon naman s'ya at sinamaan kami ng tingin. Pagkatapos naming mamix nang maayos gawa, inilipat na namin s'ya sa Llanera at maingat na nilagay sa may steamer. Sinunod naman namin ang chocolate sauce na ilalagay namin sa ibabaw after masteam ng cake. Pinagpapawisan na kami lahat dahil walang hangin na pumapasok sa kusina at wala rin kaming nailagay na fan sa gilid kaya minadali na namin ang ginagawa para makalabas na kami. 50 minutes pa ang hihintayin bago masteam nang maayos ang cake. Hindi pa nagkasya lahat sa steamer kaya after ng 50 minutes, may ilalagay pa ulit na dalawang llanera. "Picture tayo!" Lumapit kaming lahat sa full length mirror at nagpicture kahit na lahat kami ay hindi maayos ang mga itsura. After almost 2 hours, natapos na rin namin ang chocolate cake. Tuwang tuwa kaming nagpicture picture na s'yang isesend namin sa teacher namin. "Mauuna na kami ni Maeve ah? Jae ingat ka sa pag-uwi!" Nauna nang nagpaalam para umuwi si Prim at Maeve habang ako naman ay magsstay pa saglit. Hindi ko pa natitikman ang ginawang cake kasi balak kong i-uwi na lang. According to them naman, masarap ang nagawa namin kaya hindi na ako makapaghintay na tikman ito pagka-uwi. "Anong oras ka uuwi girl?" Tanong ng kumakaing si Hestia. "Mga 6:30 siguro— oh shoot!" Nagmamadali akong tumayo at inayos ang gamit. Hindi ko na pala namalayan ang oras, 6:45 na, at kung hindi pa ako aalis dito baka hindi ko na maaabutan pa ang service ko. "Aalis na ako Hes. Tita! Mauuna na po ako!" Nasa second floor ang mama ni Hestia kaya sumigaw ako. "Mag-iingat ka Jae!" Nagmamadali na akong umalis ng bahay nila. Habang naglalakad hinahanap ko sa bag ang wallet ko para diretso bayad na lang agad. Napahinto ako sa paglalakad nang marealize na wala naiwan ko pala kina Hestia ng wallet kaya dali-dali akong bumalik sa bahay nila. "Oh bakit?" takang tanong ni Hestia nang bumalik ako. Itinaas ko lang ang wallet at patakbong umalis. Kinakabahan ako sa biyahe papunta sa school dahil baka naiwan na ako. Kumalma lang ako nang nakita ang familiar naming service. Kasabay nang pag-upo ko sa loob ay ang pagdating ng mga kasama ko kaya agad agad rin kaming nakaalis ng school. Habang nasa byahe, binuksan ko ang phone at nagulat ako sa mensaheng nabasa. Hayes: Hi! Kakarating lang namin pero nakaalis ka na pala, hindi kita naabutan :((
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD