"What the..." bulong ko. 6:45 ako umalis kina Hestia tapos bumalik pa ako. Aabutin ng 10 minutes ang papunta sa school galing sa bahay nila. According to him, kakarating lang nila na nasabay din sa pagkarating ko sa school. Kung hindi ako nagmamadaling umalis, baka naabutan namin ang isa't isa.
Jae:
Hala, nagkasalisihan tayo
Wait, why do I sound disappointed? Una pa lang naman alam na namin na pupunta sila kaya nga nag-absent kami. Siguro yung gifts lang, nanghihinayang lang ata ako.
Am I just convincing myself?
Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa frustration.
Hayes:
Wait, pumasok si Szaniah diba? Alam ko nasa school si Art eh, nauna kasi sya umalis sa amin para maabutan nya si Szaniah. Ang cute ng malaking teddy bear na dala nun!
Oh! Kanina ko lang nalaman ang tungkol dun sa Art tapos may pa-gifts agad? Magkaibigan nga sila. I wonder, ganyan din kaya si Brayson kay Hestia?
Nagkibit-balikat na lang ako. Mukha namang ganoon din s'ya.
Jae:
Hala sana all? Pero anong oras na, nagkita kaya sila?
Hayes:
Anong sana all ka dyan, I also have gifts for you 'no. Sayang naman 'tong bouquet of flowers and tulips. Dala ko na rin yung donuts na sinasabi ko
Tumunog ang tyan ko sa nabasa. Nakapagmeryenda ako pero parang nagugutom ako ulit. Antagal ko nang hindi nakakatikim ng donut gosh
Jae:
Kasi naman eh sabi mo hindi kayo matutuloy! Scammer ka
Hayes:
Asan ang surprise dun kung sinabi ko? Pero wrong move nga HAHAHAH I wanna see u pa naman.
"Ako hindi," sagot ko kahit hindi naman n'ya maririnig.
Hindi nga ba talaga Jae?
Jae:
Ayan surprise pa
Hayes:
HAHAHAHA ask mo nga si Szaniah kung nakita n'ya
Jae:
Wait
I chatted Szaniah asking if she saw him. Hindi s'ya open kaya hindi ko alam kung makikita n'ya agad ang message ko. At kung ako ang tatanungin, baka hindi sila nagkita. Anong oras na rin kasi.
"Jae?"
Lumingon ako kay manong at minuwestra naman n'ya ang labas. Nagtataka naman ako kaya tumingin ako sa paligid. Napapikit naman ako sa kahihiyan nang makitang nakahinto na pala ang service at hinihintay ni manong na bumaba na ako.
"Sorry po!" Nginitian lang ako ni kuya at tumango tango. Mabilis kong nilagay ang phone sa bulsa at lumabas na ng service.
"Oh ginabi ka na ah. Ginabi ka ba talaga o naglakwatsa ka lang?" bungad ni mama pagkapasok na pagkapasok ko.
"Ma naman," pagod akong umirap, "tikman mo na lang po 'to kapag lumamig, siguradong masarap 'to," pang-aadvertise ko sa ginawa namin.
"Sus inuuto mo lang ako," nagulat ako nang umirap si mama bago ako talikuran. Alam na alam ko na talaga kung saan nanggaling ang attitude ko. Pumasok na ako at nilagay sa freezer ang cake.
Pagkatapos ko magbihis, binuksan ko ang phone at umupo.
"Cellphone na naman ang hawak mo kakarating mo lang," sita ni mama.
"Uupo lang naman ako saglit ma, nakakapagod kaya magbake," katuwiran ko.
"Wala ka na bang tatapusin?" nakataas ang kilay na tanong ni mama.
Inaalala ko kung may hindi pa ba ako natatapos. Napasa ko na yung sa project tapos mamaya ipapasa ko na rin yung pictures sa ginawang cake. Ang mangyayari namang monologue ay sa katapusan pa kaya hindi ko muna iisipin.
"Wala naman ma, checheck ko pa lang ngayon kung may ginawa ba sila kanina." Nagtingin ako sa gc namin para tignan kung may assignment ba na iniwan. Hindi na rin naman umimik si mama at mukhang magluluto na s'ya ng hapunan namin.
Szaniah:
Hoy teh huhuhuhu true ba? Inaasar ako nina Six kanina kasi may nakita raw silang itim na fortuner! Hindi ko na chineck kung totoo kasi kinabahan ako kaya nagmadali akong umalis huhuhu
Sabi ko na nga ba hindi sila nagkita eh. Well we can say na Szaniah is an introvert person. Hirap s'ya makipagsocialize sa iba at lumalabas lang ang pagkadaldal n'ya kapag kaclose n'ya ang kausap.
Jae:
Hala ka teh, sayang yung chocolates at yung malaki mong teddy bear!
Szaniah:
May teddy bear??? Omg huhuhuhu bakit naman kasi may pa ganun si kuya, ni hindi pa nga kami nag-uusap nun!
Buong akala ko ay nag-usap na sila since may gift na nga na ibibigay. Ganito ba mabored ang mayayaman? Basta bigay lang ng gifts?
Hindi na muna ako nagreply at tumungo na sa convo namin ni Haru.
You set the nickname for Hayes into Haru
Haru:
Bat walang 'my'? Pwedeng pwede mo naman ako angkinin HAHAHHAHA joke
Jae:
Kagaya ng paglagay mo ng 'my' sa nickname ko? HAHAHAHAH ay hindi pala sila nagmeet. Black Fortuner ba yung kotse ni Art?
Haru:
Oo! HAHAHAH kakarating lang ni Art. Tinaguan daw s'ya ni Szaniah. Pareho tuloy kaming sad ngayon.
"Tigilan mo pagcellphone, kumain ka na muna." Inilapag ni mama sa harap ko ang bagong luto n'yang pagkain. Tumunog muli ang tyan ko dahil sa masarap na halimuyak nito.
Yumuko ako nag-usal ng mahinang dasal. Paulit-ulit lang naman ang dasal ko sa araw-araw. Ako'y nagpapasalamat sa lahat ng biyayang natatamasa namin at humihingi ako ng tawad sa mga kasalanang nagawa namin. I always pray na He'll care and protect us from any harm and to guide us to every decision we're going to make. Lastly, I also pray na matupad ko ang mga pangarap ko sa sarili at sa pamilya ko na s'yang magpapagaan ng pamumuhay namin.
Pagkatapos kong magdasal ay nagsimula na akong kumain.
"Ma nakalimutan ko pa lang sabihin na may monologue kaming gagawin." Kapag may event o project na may posibilidad na magkaroon ng gastusin, sinasabi ko ka agad kay mama para magawan nang paraan kung sakaling maging gipit.
"Monologue? Diba magcocostume kayo n'yan? Naku dagdag gastusin na naman yan," reklamo ni mama.
Naalala ko noong nasa elementarya pa lang ako, may mga event sa school na hindi ko nasasalihan dahil nga sa kakulangan sa pera.
"Jae ikaw yung orange sa rainbow diba? Kaya maghanap ka ng dress o gown na masusuot na kulay orange okay?" Tumango tango naman ako sa guro namin.
Naeexcite ako kasi isa ako sa mga napili na gaganap sa colors of the rainbows. Matagal na naming pinapractice ang mga lines namin at tuwang tuwa ang guro ko dahil madali akong makapick-up, namemorize ko na ang linya ko at pati ang mga facial expression na gagawin ko.
Tuwang tuwa akong umuwi para ipaalam kay mama ang tungkol sa susuotin.
"Ma! Kailangan daw po namin ng masusuot na match sa colors na naka-assign sa amin," nakangiti kong sabi kay mama. Tinignan n'ya ako at huminga nang malalim bago nagsalita.
"Anong kulay yung sayo? Orange? Saan naman tayo makakahanap ng damit na orange?" Nawala ang ngiti ko dahil sa tono ni mama.
"Medyo malayo pa naman yan diba? Magquit ka na ngayon pa lang, pakisabi na lang sa teacher mo na pasensya na." Kinagat ko ang labi para maitago ang hikbi. Gusto ko sanang tumutol pero alam ko namang hindi ko na mababago pa ang isip ni mama.
Hindi lang naman yun ang unang pagkakataon na hindi ako pinayagan, pero yun na ang huli na sumali ako sa kahit anong event. Kapag alam kong kakailanganin ng bigating costume, agad agad na akong tumatanggi kahit pa gustong gusto ko sumali.
"Filipiniana naman ma, makakanap naman siguro tayo ng mura lang." Tinignan n'ya lang ako saka nagpatuloy sa pag-kain.
Halos sabay lang kaming natapos ni mama. Inayos ko agad ang pinagkainan at nilagay sa kusina para hugasan.
"Anong oras ka na naman matutulog?"
"Maaga na kaya ako natutulog ma," pagmamalaki ko.
"Tignan natin kung magtuloy tuloy yan." Narinig ko ang pagkabuhay ng TV. Manonood na siguro s'ya ng paborito n'yang problema.
Habang naghuhugas, bigla akong nagkaroon ng urge na tignan ang phone ko kung may mensahe. Tahimik kong tinigil ang paghugas at binanlawan ang kamay. Tinignan ko muna kung mapapansin ako ni mama at nang masiguro kong hindi, dahan dahan kong kinuha ang phone.
Haru:
Sayang talaga dapat hindi ka muna umuwi.
Edi naihatid pa sana kita
That word "hatid" did something on my stomach. Hindi ko alam na posible pa lang magkaroon mg paru-paro sa loob ng tyan.
Jae:
Dapat kamo inagahan n'yo ng konti, bumalik pa kaya ako kasi naiwan ko yung wallet ko.
Kung iisipin, baka sign na yun na kaya ko naiwan yung wallet ko kasi hindi pa dapat ako umuwi dahil nga pupunta sila.
Pinilig ko ang ulo at binaba ang phone. Hindi yun sign Jae, tanga ka lang talaga.
Pinagpatuloy ko na ang paghuhugas. Hindi ko naiwasang isipin kung ano sanang mangyayari kung sakaling natuloy na nagkita kami. Makakauwi ba ako agad? At paano ko ipapaliwanag kapag hinatid ako lalo na at nakakotse pa s'ya? Eh yung sa bulaklak at donut? Anong sasabihin ko tungkol dun.
'Ay ma bigay ni Hestia sa akin. Binigyan n'ya kaming lahat na kaibigan n'yang babae eh.'
Sino naman ang maniniwala dun? Lalo na at makikita na may maghahatid sa akin. Nagpasalamat na lang ako na hindi talaga natuloy dahil hindi ko alam ang magagawa sa akin ng magulang ko sa oras na natuloy yun.
Pinunasan ko ang kamay at hinawakang muli ang phone.
Haru:
Send your location punta ako dyan. Bigay ko lang yung flowers tapos aalis din agad?
Nasamid ako sa nabasa kahit wala naman akong iniinom. Ang pag-ubo ko ay nakakuha sa atensyon ni mama.
"Hoy okay ka lang ba? Wala ka namang iniinom, nasasamid ka d'yan" I just give my mother a thumb sign to say that I'm okay.
Ang kamay ko ay natataranta sa pagtype ng irereply. Baka mamaya kung hindi ako agad makasagot ay tanungin na lang nito kay Hestia ang address ko. Duda naman ako na inbibigay yun sa kanya pero mabuti na ang ligtas.
Jae:
Hey no! Huhuhuhu baka mapalayas naman ako ng wala sa oras. Gusto mo ba akong mawalan nang matitirhan?
Haru:
Cute mo HAHAHHA kapag nangyari yun, titira ka rin sa akin ng wala sa oras HAHAHAH
Ay? Sana all may sariling tirahan?
Magrereply na sana ako nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung anong meron at nakitang may bagong gc ang nadagdag sa inbox ko.
Hestia Summer Dela Vega added you and Szaniah Min Ramirez to a group.
Hestia:
Hoy mga baccla, andito pa rin mga boylets nyo
Szaniah:
Hindi pa rin sila umaalis?
Hestia:
Kating kati na nga ako paalisin sila eh kung hindi lang nandito si Mommy
Jae:
Ikaw naman, binibisita ka lang eh HAHAHHAHA
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. Hestia is free to bring boy friends to her house without her mom accusing her. Naiintindihan ko naman ang mga magulang ko, nag-iisa lang akong anak at babae pa kaya maghihigpit talaga sila. Minsan nga nakakatamad makipagclose sa mga lalaki kong kaibigan dahil alam kong iba ang iisipin nila.
Hestia:
Tigilan mo ako. Yung donut mo pala ginawa na naming meryenda. Sorry not sorry teh masarap ang pinagmulan ng donut eh, j.co.
Szaniah:
Hala ang sarap ng donut nila d'yan! Sayang naman teh
Hindi na lang ako nagreply at hinayaan silang mag-usap na dalawa.
Bumalik ulit ako sa convo namin Haru para replyan s'ya.
Jae:
Pwede naman, gusto ko ng ganyan HAHAHHAHA charot
Haru:
Wait ah? Wala akong maintindihan sa mga happenings. Umiiyak si Brayson habang kausap ang mother ni Hestia. Gagi hindi ko yan kaibigan ah? JAHAHAHAHA
Umiiyak? Ano kayang meron? May naisip na ako kung tungkol saan yun pero baka nagkakamali lang ako.
Bakit naman sasabihin ni tita ang kondisyon ni Hestia?
Jae:
Mukhang I know kung ano yun but I'mma zip my mouth JAHAHAHAH
Naghintay ako ng mga ilang minuto ngunit wala nang naging reply. 9:45 na ng gabi, uuwi na siguro sila. Pinindot ko na lang ang gc na ginawa ni Hestia at nagbasa mga pinag-uusapan nila.
GC: (unnamed)
Hestia:
Hindi naman kasi pwedeng hindi kainin yung donut edi mas nasayang. Yung bulaklak nga lang, wala na ako magagawa dun.
Szaniah:
Yung dun kaya sa teddy bear....
Hestia:
Ay teh di ko nakita, pero sabi ni Art ililibing daw n'ya yun HAHAHAHHA
Szaniah:
Uy halaaaa kawawang teddy bear nadamay pa
"Matutulog na ako Jae, ikaw na bahalang maglock ng gate ah?" Pinatay na ni mama at humikab.
"Asan ang padlock?" tanong ko. Napapadalas kasi na kung saan saan lang nalalagay yung padlock kaya minsan pahirapan pang hanapin.
Nginuso naman ni mama ang ibabaw ref. Kinuha ko ang padlock saka lumabas. Mabilisan ko lang na nilock ang gate saka pumasok.
I look at my phone again to check if he already replied to my message. Wala pa s'yang reply at hindi delivered ang message ko kaya he's probably not using his phone right now.
GC: (unnamed)
Hestia:
Kakaalis lang nila. Kanina kaya parang tanga yung dalawa, si Art at Haru. Nahbubulungan eh naririnig ko naman
Jae:
Ano sabi?
Szaniah:
Baka binabash na tayo kasi hindi tayo nagpakita HAHAHAHHA
Hestia:
Sabi ni Art, "I want to meet Szaniah, I really like her face." Tapos si Haru naman sabi n'ya "Same here, I wanna see my Rei".
Feel ko ang pag-iinit ng pisngi kahit na binasa ko lang naman at hindi narinig nang direkta ang sinabi ni Haru. How could he just said that easily with my best friend around?