Hindi na nagreply pa si Haru nang gabing iyon. Samantalang tuloy tuloy naman ang naging pag-uusap namin nina Hestia at Szaniah sa gc at inabot pa kami ng ala-una ng umaga.
"Sinasabi ko na nga ba saglit lang yung pagiging maaga mo matulog kuno. Oh anong oras na nandyan ka pa sa higaan. " Sabado ngayon, ibig sabihin ay general cleaning pero dahil nga hindi ako maagang natulog, tinanghali na ako nang gising na s'yang kinakainis ni mama ngayon.
"Jae! May naghahanap sayo dito," rinig kong sigaw ng kapitbahay namin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni mama. Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman sa kung ano man ang naghihintay sa labas.
Nauna na si mama na lumabas na s'yang sinundan ko kahit hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili galing sa pagkagising.
Nilukob ng kaba ang buong pagkatao ko nang makakita ako ng isang lalaking hula ko ay delivery guy na may hawak ng kumpol ng bulaklak.
Roses at Tulips
"Dito po ba yan? Baka nagkamali lang kayo ng address," magiliw na saad ni mama. Naging malakas ang t***k ng puso ko dahil lumingon sa akin si mama na may masamang tingin.
"Raelyn Jae Hernandez po ang nakalagay dito, bayad na po ito pakipirmahan na lang," inabot ng lalaki kay mama ang pipirmahan. Imbes na kunin agad, nagtagal ang tingin doon ni mama bago muling umangat ang tingin sa delivery guy. Hindi ko makita nang maayos ang lalaki dahil sa nakatabal sa mukha nito na s'yang panangga sa init.
"Maaari ko bang malaman kung saan galing ang mga bulaklak na ito?" mababahiran na sa boses ni mama ang galit na alam kong maibubuhos n'ya sa akin mamaya.
"Pasensya na po Ma'am, hindi po pwede at against sya sa rights ng costumer." Yumuko ang lalaki bilang paghingi ng tawad.
"Ang mga bulakak na ito ay para sa anak ko. Anak ko s'ya kaya kailangan kong malaman kung sino ang nagpadala nito." Nagbabanta ang tinig na turan ni mama.
Halata ang pag-aalangan ng lalaki kaya nagsalita ako.
"Ma, ginagawa n'ya lang ang trabaho n'ya hayaa—
"Tumahimik ka Raelyn, hindi ikaw ang kausap ko!" Napaatras ako sa gulat nang tumaas ang boses ni mama. Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa labas pala ang iba naming mga kapitbahay na tiyak ay nakikibalita sa nangyayari.
Bumalik ang tingin ko sa lalaki, at hindi ko alam kung guni guni ko lamang ang nakita pero saglit syang tumingin sa akin na pawang nanghihingi ng permiso.
"Ipapakita ko po pero wala po sanang lalabas tungkol dito, ayoko pa po mawalan ng trabaho." May inilabas ang lalaki na parang receipt na agad na kinuha ni mama.
Matagal ang naging tingin ni mama sa receipt bago ibinalik ito ulit sa lalaki. Hindi ko alam na may ilalakas pa pala ang pagtikbok ng puso ko nang lumingon sa akin si mama at pinaningkitan ako ng mata.
Kinuha ng lalaki ang receipt at sumakay na sa dala n'yang motor.
"Mauuna na po ako," paalam n'ya. Hindi man lang s'ya tinapunan ni mama hanggang sa makaalis s'ya sa harap ng bahay namin. Hindi rin nagtagal ay nawala na rin ang mga kapitbahay naming nakikichismis kani-kanina lang. Kinuha naman ni mama ang mga bulaklak at patulak na binigay sa akin.
"Galing daw kay Hestia, ang sweet naman ng batang 'yon, kung sa kanya nga talaga galing..." Pumasok na si mama at ako naman ay naiwang tulala. Maaaring si Hestia nga ang nagpadala ngunit alam na alam ko kung kanino talaga 'to original na nanggaling.
"Haru," bulong ko. The loud beating of my heart started to turn now. Tinignan ko ang hawak na bulaklak at bago ko pa magilan ang sarili ay inilapit ko na sa ito sa ilong ko. Nang malanghap ko ang mahalimuyak na amoy nito ay unti unti akong kumalma.
"Jae ano pa bang ginagawa mo d'yan? Pumasok ka na at marami pang gagawin." Hindi ko alam kung bakit wala na akong narinig na salita pa kay mama tungkol sa mga bulaklak. Inisip ko na lang na baka nakumbinsi naman si mama na kay Hestia yun galing kahit papaano.
Alam ni mama na nagbibigay talaga ng mga regalo si Hestia kahit noong una pa lang. Ang regalo nga n'yang bookmark ay hanggang ngayon ay nandyan at ginagamit ko pa rin sa tuwing magbabasa ako.
Mabilis lang kami natapos maglinis dahil kakauntin lang naman ang lilinisin at consistent naman ang pagkakaroon namin ng general cleaning tuwing Sabado.
Seryoso akong nakaupo habang inaayos ang pagkakalagay ng mga bulaklak sa vase. Maingat kong inililipat ito galing sa orihinal na pinaglalagyan upang maiwasan kong makasira ng kahit isa lang sa mga bulaklak. Nang natapos ako, doon pa lang ako natauhan na magbukas ng phone at magmessage.
Jae:
Hes! Thank you pala sa pag-ako doon sa bulaklak!
Hindi nagtagal ang paghihintay ko dahil agad s'yang nakareply.
Hestia:
Anong bulaklak ba ang sinasabi mo? Wala naman akong inaako ah? Inuwi ni Haru yung bulaklak na para sa'yo
Kung hindi n'ya inako, ibig sabihin direktang galing talaga kay Haru ang mga yun? At ngayon, alam n'ya na kung saan ang address ko. Nakaramdam ako ng pagkamangha dahil inalam n'ya talaga kung saan ako nakatira para lang maibigay ito and at the same time ay nababahala, dahil baka magulat na lang ako nasa harapan na pala s'ya ng bahay namin.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Kung saan saan na naman umaabot ang mga iniisip ko.
Haru:
Rei! I'm sorry hindi na ako nakapamessage sayo kagabi! Happy Valentine's day ulit. I hope the flowers I delivered to your house will make you happy!
Jae:
Bakit hindi mo naman ako sinabihan beforehand bago mo pinadala yun? Grabe kaya yung kaba ko!
"Akyat daw kayo sa chapel mamaya sabi sa akin ni Lola Theresa," I just nod then continue on using my phone.
Haru:
I'm sorry, don't be mad, gusto ko lang kasing matanggap mo yun kahit hindi tayo nagkita kagabi.
Dahil sa sinabi n'ya, naalala ko na naman ang onting inis na naramdaman nang malaman kong nagkasalisi kami. Maliban doon, naalala ko rin ang sinabi ni Hestia sa gc, on how he badly want to meet me.
Jae:
I'm not mad naman pero sa susunod ipapaalam mo kung may gagawin kang ganito para naman hindi ako kinakabahan. Anyway I love them! Thank you!
Haru:
May susunod pa talaga HAHAHAHHA I'm glad na nagustuhan mo, hindi ko kasi alam kung yan ba ang paborito mong bulaklak kaya nag-aalangan ako.
Sa totoo lang, ito pa lang ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak kaya hindi ko pa masyadong alam kung ano ang magiging reaksyon. I only know these types of scenes sa movies at sa mga librong binabasa and hindi ko inaasahang mararanasan ko rin pala ito.
Hindi ko rin inaasahan na totoo pala ang mga nararamdaman ng mga babaeng napapanood at nababasa ko. They always describe their feeling as floating from cloud9 and I think, yun ang nararamdaman ko ngayon.
Jae:
I think these two are my favorite flowers na
Haru:
Oh God, I think I'm feeling something
I became attentive because of what I read. Anong nararamdaman? Baka mamaya may nangyayari na pala sa kanya at walang ibang tao na malapit para maasikaso s'ya.
Jae:
May problema ba? May masakit ba sayo?
Haru:
You're not aware on what are you doing to me, to my system.
Ako?
Bago ko pa matanong kung ano ang tinutukoy n'ya, nasundan ang message n'ya nang panibago.
Haru:
I think I— no, it's not I think. Jae, I like you and I'm really looking forward sa kung anong naghihintay sa akin sa nararamdaman kong ito.