Mabilis lang dumaan ang weekends at ngayon ay lunes na naman. Wala naman masyadong nangyari sa nagdaang dalawang araw. Me and Haru keeps on messaging each other. Matapos n'ya sabihing gusto n'ya ako, mas lalo s'yang naging active kausap.
Jae:
Anong full name nung Art?
Haru:
Why do you ask? He's the one you like ba? Tanggap ko naman na hindi mo ako gusto pero bakit sa lahat ng pwede mong magustuhan, kaibigan ko pa?
Nalaman ko kay Szaniah na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap. Hindi n'ya rin mahanap ang account ng lalaki dahil hindi n'ya alam kung ano ang buong pangalan nito. At dahil mabait akong kaibigan, ako na ang gagawa nang paraan para makapag-usap sila.
Naisip kong kay Haru na lang itanong dahil s'ya naman ang madalas kong kausap.
Jae:
Baliw HAHAHAHAH ibibigay ko kay Szaniah
Haru:
Practice lang Rei HAHAHAHHA
Btw, it's Art Benedict Fernandez. Yan din ang pangalan n'ya sa social media account n'ya.
Agad agad akong nagtype ng message kay Szaniah para sabihin ang bagong nalaman.
"Jae! Magsaing ka na ng kanin at bibili lang ako sa taas ng lulutuing ulam. Wag kang pabagal bagal at may pasok ka." Kung pwede nga lang sanang hindi muna pumasok, hindi ako papasok eh. Kaso nagkaroon na ako ng absent nung friday. And I'm good as dead dahil hinding hindi ako mapapatawad ni mama sakaling hindi ako nakapatapos.
I just raise my hand and wave it at my Mom without tearing my eyes off my phone. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng gate kaya alam kong nakaalis na s'ya.
Jae:
It's Art Benedict Fernandez girl!!
Szaniah:
Alam ko na kasi nagsend ng friend request sa akin ngayon ngayon lang! Ang ganda ng name huhuhuhu Omg what should I do???
Kinuha ko ang lagyanan ng bigas at naglagay sa rice cooker. Dalawang beses ko ito binanlawan bago naglagay ng panibagonh tubig na gagamitin ko na kapag nasalang ang bigas.
I wipe my hands with dry towel before I start typing a reply to her.
Jae:
Edi accept mo duh? Malay mo, baka s'ya na ang para sayo HAHAHAHHA
Szaniah:
Hoy ang advance mo naman, baka mamaya majinx CHAROT HAHAHAHAHHA
At dahil nacurcurious ako sa itsura n'ya kaya sinearch ko na rin ang pangalan n'ya.
Bumungad sa akin ang profile n'ya sa picture. Base sa suot n'ya, mukhang nasa beach ata ang isang 'to. Ineexpect ko na this guy is also handsome at hindi nga ako nagkakamali.
Wala bang pangit sa kanilang magkakaibigan?
Brayson has this bad boy look and aura but according to Hestia, he's more like a child than the 'bad boy' look that people always name whenever they see him. Si Haru naman ay lamang ang foreign features kaysa sa asian. I think he can pass as good or bad boy at the same time. However, Art has this mysterious aura around him. Kakakita ko lang sa itsura n'ya pero I think he's the type of guy na maraming sikretong tinatago.
Haru:
You still there? I think you're preparing for school na
Jae:
I'm still here! Sinabi ko lang kay Szaniah yung sinabi mo but I think hindi naman na kailangan since that guy already added her.
Haru:
Last time pa talaga n'ya balak magmessage sa kaibigan mo kaso hindi n'ya araw alam kung paano makikipag-interact.
Hindi n'ya pa alam makipag-interact sa lagay na yun? Bumili na ng teddy bear at chocolate sa babaeng hindi pa n'ya nakakausap tapos hindi marunong?
Araw-araw talaga akong nagugulat sa mga nagagawa ng mga taong 'to
Art Benedict Fernandez sent you a message request
Speaking of him, siguro nakahalata na s'ya na puro s'ya ang pinag-uusapan sa araw na 'to
Art:
Hi! You asked for my name raw?
Magkakasama lang ba ang mga 'to? Ang bibilis lang kumalat ng balita eh
Jae:
Not me, si Szaniah! Btw ang ganda raw ng name mo
Art:
Bagay sa kanya right? HAHAHHAHA
Oh gosh, common denominator ba talaga nila ang bumanat? Hindi kaya magkapatid sila ni Haru? Lmao
Jae:
Hala s'ya HAHAHHA chat mo na nga s'ya.
Art:
Hindi pa ready pampakilig cells ko
Jae:
Hindi mo naisip yan nang bumili ka ng human size teddy bear HAHAHAH
Art:
Huwag mo na nga ipaalala yun, nilibing ko na yun. Sige sige chchat ko na bye bye
I just reacted HAHA at nagsimula nang magtype sana ng irereply kay Haru nang pumasok si mama.
"Wala ka bang balak pumasok? Anong oras na!" Tumingin ako sa orasan at halos mapamura ako sa nakita. Nagmamadali kong pinatay ang phone at tumayo upang maghanda sa pagpasok
Nice Jae, nagmamadali ka na naman
Bago pa makarating ang service, natapos na ako mag-ayos. Pumasok ako sa loob na parang akala mo ay hindi nagmamadali kanina sa bahay. I took my earphone and plug in to my phone as we began to move.
"Szaniah, here's the keychain Art left for you," ibinigay ni Hes kay Szaniah ang isang unique na keychain. Nasabi kong unique kasi hindi ito pareho sa mga common na nakikita sa isang keychain. It looks, elegant and sophisticated.
"Hala sa kanya galing 'to? Gosh hindi ko na kinakaya ang mga happenings ah," pinaypayan n'ya ang sarili gamit ang kamay. Natawa naman kaming dalawa ni Hes sa naging reaksyon n'ya.
"Well, mukhang kailangan na nating masanay sa mga presensya nila," tumatango tangong saad ni Hestia.
"What do you mean? OMG don't tell me," nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya, "binigyan mo na ba s'ya ulit ng chance?" tanong ko.
"Sabi ko lang tignan namin kung anong mangyayari then pumayag sya. Aba dapat lang? Kung tumangginpa s'ya nun naku." Nagkaharap kami ni Szarinna at sabay na mahinang tumilo habang tumatalon talon.
"Hoy para kayong tanga HAHAHAHAH"
Hindi naman s'ya pinansin at nagpatuloy sa mahina naming celebration. Nang naging kalmado na kami ay umupo na kaming muli at pumangalumbaba upang makinig sa kwento ni Hestia.
"Ano? Wala na akong sasabihin," she chuckles then take her phone out. Free time namin ngayon sa isang subject na kapag natapos ay break na ang susunod. Mukhang malapit na magbreak time dahil nakakakita na ako ng mga estudyante sa labas na unti unting dumadami.
"Lalabas ba kayo?" Hestia just raised her phone while Szaniah nods na may hawak na pala ngayong cellphone. Nilabas ko na rin ang phone ko at triny na buksan ito.
"Oh shoot"
"Bakit?" tanong sa akin ni Szaniah. "Lowbatt na ang phone ko, sandali lang." Hindi ko na pala nakitang naubos ang battery ko sa pagpapatugtog kanina.
Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan ni Chris. S'ya ang lagi kong hinihiraman ng phone kapag unavailable ang sa akin. Ipapahiram din naman n'ya sa akin 'to ng walang tanong kaya gustong gusto ko na sa kanya pumupunta.
"Chris, can I borrow your phone? Ibabalik ko rin naman after break," pangsisigurado ko. Natigil s'ya sa pakikipagkwentuhan at kinuha naman n'ya sa loob ng bag ang phone at inabot sa akin na parang nagbibigay lang ng candy sa bata.
"Salamat!" Nakangiti akong bumalik sa pwesto namin at naglog-in sa account ko.
Jae:
Hi! Sorry hindi na ako nakareply kanina kasi nagmadali na akong naghanda sa pagpasok!
Tumunog na ang bell kaya lumabas na kami ng room. Nakatutok ang atensyon ko sa phone habang naglalakad patungo sa cafeteria.
Haru:
It's okay! I was about to tell you din naman yung about sa pagpasok mo kasi mukhang hindi ka pa nag-aasikaso kanina.
At dahil nga wala sa nilalakaran ang atensyon ko kaya muntikan na akong matalisod habang naglalakad.
"Oi Jae ingat," napakapit sa akin si Szaniah sa pag-aalala. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa cafeteria. Ngayong nandito na kami, hindi ko na maisip kung ano ang bibilhin ko kaya lumabas na lang ako at naghintay sa pagbili ni Szaniah.
Jae:
Muntik na nga ako malate kanina eh
Haru:
Ayan naku! Maging aware ka rin kasi sa oras. Sige simula bukas ako na mag-aalerta sa'yo.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa nabasa, magrereply pa lang ako nang lumabas na si Szaniah na may hawak na dalawang sandwich at dalawang inumin.
"Para kanino ang isa?" nagtataka kong tanong.
"Sa iyo yan," ibinigay n'ya sa akin ang hawak. Aangal pa sana ako nang ilagay n'ya sa labi ko ang daliri, pinapatahimik ako.
"Tanggapin mo na lang yan libre ko, tara na!" Kumapit s'ya sa braso ko at nagsimulang maglakad. Wala naman akong nagawa kaya nagpasalamat na lang ako sa pagkain.
Pagkarating namin sa room, pinuntahan namin si Hestia na naroon pa rin sa pwesto namin kanina at mukhang busy sa hawak na phone.
"Kain ka muna teh," alok sa kanya ni Szaniah.
"Hindi ako nagugutom sige kumain na kayo." Nagkibit-balikat lang kami at nagsimulang kumain.
Hindi nagtagal ay natapos din ang break kaya nagsibalik na kami sa mga upuan namin.
"Ibabalik ko pa pala yung phone," bulong ko. Kinapa kapa ko ang bulsa ng palda at halos manlamig ako nang wala akong mahawakang phone.
"Jae namumutla ka, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Eissna. Hindi ako makasagot dahil inaalala ko kung saan ko maaaring malapag ang phone ni Chris.
Ang tanga tanga Jae, bakit mo naman naiwam yung phone na hindi sayo?
Nagkatinginan kami ni Chris. Ngumiti s'ya sa akin na ginantihan ko ng tipid at napipilitang ngiti.
I'm in deep trouble.