"Hoy kumalma ka nga," mahinang saway sa akin ni Eissna. Kinakabahan na ako dahil hindi na kami nakalabas para hanapin yung phone kasi pumasok na ang guro namin. Hindi pa naman s'ya magpapalabas since kakatapos lang ng break time.
"Paano ako kakalma? Nakawala ako ng phone na hindi sa akin," tugon ko. Napakamot naman s'ya sa ulo at tumingin sa harap kung saan nagsisimula nang magturo ang teacher namin.
Palipat lipat ang tingin ko sa orasan sa likod at sa guro namin. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan at mahinang humihiling na sana ay bumilis ang oras para makalabas na ako and hopefully mahanap ko pa ang phone ni Chris.
"Anong nangyayari dyan? Hindi mapakali," rinig kong bulong Hestia. Tumingin naman sa akin si Eissna parang nagtatanong kung okay lang ba sabihin sa kanya kaya tumango na lang ako. Nagbulungan naman sila at rinig ko ang pagsinghap ni Hestia.
"Jae gagi ka bakit mo naman hindi chineck bago kayo bumalik ng room?" Hestia whispered.
"Hindi ko napansin okay? Akala ko nalagay ko na sa bulsa ko." Umiling iling naman s'ya sa akin, bakas ang pagka-disappoint sa mukha n'ya.
Hindi na ako makapagfocus sa lesson. Yung phone na lang ang nasa isip ko. Paano kung hindi ko yun makuha ulit? Magagalit si mama.. pati si Chris at baka masira pa pagkakaibigan namin dahil nasira ko yung tiwala n'ya.
"Ganito na lang, magpaalam tayo kay Ma'am na pupunta ng banyo pero diretso talaga tayo sa Cafeteria," suggest ni Hestia.
"Papalabasin ba tayo?"
"Oo 15 na rin naman ang nakalipas. Ako na ang magpapaalam." Tumayo si Hestia at pumunta sa harap. Huminto si Ma'am sa pagsasalita at bahagyang tumingin sa akin. Ano kayang sinasabi ni Hes?
Bumalik s'ya sa pwesto namin at itinayo ako. Nakaalalay ang mga kamay n'ya sa akin na para akong isang babasaging figurine. I asked what she said and it turns out na sinabi n'ya pala na may dysmenorrhea ako.
Nang masiguro na naming hindi na kami abot nang paningin ng mga kaklase namin, nagmamadali kaming pumunta sa Cafeteria.
"Ate may nakita po ba kayong phone na naiwan?" tanong ko sa tindera.
"Hay naku talaga kayong mga kabataan, hindi marunong magpahalaga sa mga gamit. Wala! Dun kayo sa office magtanong." Agad kaming tinalikuran ng tindera.
"Ang sungit naman," bulong ni Hes.
Ang kaba sa dibdib ko ay lalong lumala dahil sa narinig. Naglakad ako sa bawat sulok ng Cafeteria at naghanap, iniisip na baka nakaligtaan lang nila.
"Tama na Jae, tara sa office," hinila ako ni Hestia palabas. Habang papalapit kami sa office ng principal, naririnig ko ang malakas na t***k ng puso ko.
Huminga ako nang malalim saka binuksan ang pinto. Nag-angat ng tingin ang guidance counselor.
"Anong kailangan n'yo?"
Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba na s'yang napansin naman ni Hestia kaya s'ya na ang nagsalita.
"May binalik po bang phone dito? Nawawala po kasi yung phone n'ya." Tinignan naman n'ya ako nang maigi.
"Saan mo naiwan?"
"S-sa may cafeteria po," nauutal kong sagot. Pilit kong pinapakalma ang sarili para hindi mahalatang may mali.
Mukhang sinabi ni Hestia na sa akin ang phone para hindi magkaroon ng abarya sa pagkuha kung sakali. Wala rin naman akong balak ipaalam kay Chris na nawala ang phone n'ya kaya hangga't maaari ay mahanap na namin ito.
"Anong kulay?" Nag-isip pa ako saglit sa kulay dahil nadidistract ako sa kabang nararamdaman.
"Blue po," mahina kong sagot.
"Oh ayan, sa susunod ingatan n'yo ang mga gamit n'yo ah? Buti mabait yung nakakita, kung iba lang yan baka kinuha na at inangkin yan." Inabot n'ya sa akin ang pamilyar na phone. Nanginginig ang kamay kong tinanggap ito at tahimik na nakahinga nang maluwag.
"Salamat po!" May pinunit s'yang maliit na papel saka nagsulat.
"Magpasalamat din kayo dun sa nakakita, ito ang name at section. Puntahan n'yo na." Kinuha ko naman ang maliit na piraso at masaya kaming lumabas ni Hestia.
"Ang swerte mo! Buti may nagbalik!" Tumango tango naman ako. Dahil matagal na kaming nasa labas kaya minadali lang namin ang pagthank you sa nakakuha.
Jae:
Andami ko na kayang naiisip na posibilidad that time, like how am I going to pay for that? Tapos paano ko sasabihin sa kaklase ko yung nangyariiii
Haru:
Ikaw kasi eh hindi mo tinitignan nang mabuti HAHAHAHHA
Pagkauwi ko pa lang ay agad ko nang kwinento kay Haru ang nangyari. And now he's making fun of me.
Jae:
Hindi ko nga napansin huhuhuhu hindi na talaga ako manghihiram ng phone from now on, baka next time hindi ko na makuha pa ulit
Haru:
Magdala ka kasi ng powerbank. Ay no, dapat nga hindi ka na nagcecellphone kapag nasa school. Bad student.
I'm actually not the kind of student na nagdadala ng phone sa school. Ang kaso, simula nang dinala ko, hindi ko na magawa pang iwan sa bahay. Hindi na rin naman ako nagawa pang pangbawalan ni mama.
Jae:
Wala akong power baaaaank and I need the phone 'no wjsjjs for school purposes
Haru:
School purposes ka dyan, ichachat mo lang kabit mo eh akala mo ba hindi ko malalaman na you have other account? Hmpk who's Stephen?
Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa nabasa. Paanong nalaman n'ya? I have other account na ginawa ko out of boredom. Dun ko nakilala at nakakausap si Stephen. S'ya ang kausap ko before Haru.
That account was actually abandoned ever since Haru and I started talking to each other.
Jae:
Hala nahuli na ako :(( kidding HAHAHAHHA kanino mo nalaman?
Haru:
Tawa tawa ka d'yan hmpk nung friday I forgot to tell you. Habang busy sina Brayson, Hestia, at ang mama n'ya, naghalungkat kami ni Art sa phone ni Hestia tapos nabasa namin
Paano nila nabuksan? Alam ko may password si Hestia sa mismong lockscreen at sa mga apps. There's no way naman na ibibigay yun sa kanila?
Maliban na lang siguro kung close na sila?
Jae:
Sorry, hindi ko naman sinadyang lokohin ka
Dahil natatawa ako sa reaksyon n'ya kaya naisip kong asarin s'ya.
Haru:
Not funny Rei
Jae:
Ito naman HAHAHAHAH joke lang
"Tapos ka na ba maghugas Raelyn Jae? Ayaw kong maghuhugas ka d'yan mamayang madaling araw ah, maingay." Hindi ko alam kung saan kinuha ni mama ang sinabi. I'm not washing the dishes naman nang ganoong oras.
"Tapos na po kanina pa," sagot ko.
"Sige checheck ko yan mamaya, kapag may nakita akong hindi pa nahuhugasan, kukurutin kita sa singit." Napangiwi naman ako sa narinig.
Haru:
Heh! Anong meron si Stephen na wala ako?
Jae:
Mali ka naman ehhhh. Dapat anong meron ka na wala s'ya
Ako yung sagot HAHAHAHAHA
Natawa na lang din ako sa sariling kalokohan. Matagal bago s'ya nakapagreply.
Haru:
Damn HAHAHAHAH
Hmpk! Isip ka banat dali
Jae:
Banatan kita d'yan eh HAAHAHHA
Haru:
[sent a like]
Mas lalong lumakas ang bungisngis ko. Nakarinig naman ako ng tunog kaya lumingon ako sa kinahihigaan ni mama para tignan kung gising ba s'ya. Kitang kita ang mahimbing n'yang pagkakatulog, hindi na nga rin n'ya ata ginawa ang sinabing ichecheck ang mga hinugasan ko.
Napansin ko na medyo lumilis ang kumot na nakapatong sa kanya kaya kinuha ko ito at inayos.
Kinabukasan, hindi pa rin natatapos ang usapin namin tungkol kay Stephen. Tuwang tuwa ako sa reaksyon n'ya kaya mas inaasar ko s'ya.
Haru:
Pag-untugin ko kayong dalawa ng Stephen na yun eh.
Jae:
Ang bayolente mo naman HAHAHAHAH
Haru:
Hmpk! Mas gwapo naman ako dun
Napa-iling na lang ako sa kahanginan n'ya. Kanina pa napupuno ang phone ko ng mga notification galing sa gc namin nina Hestia.
Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila na pinili magchat sa gc na pwede naman sa school na lang pagdating para harap-harapan.
GC: (unnamed)
Hestia:
Naku talaga beh grab mo na s'ya sinasabi ko sayo. Ay nakwento ko na inakala kong gay s'ya? Yun din kasi ang sabi sa akin ni Brayson, kaya nagulat ako nang malaman na he got his eyes on you
Szaniah:
Grabe naman sa he got my eyes HAHAHHAAH but gay? Parang anlayo naman n'yan sa kausap ko or magaling lang s'ya magtago?
Jae:
You mean he's using you? Girl, alam kong u also feel the aura that's surrounding him. I don't think he'll have that aura naman if he's just using you.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala yung aura n'ya na yun. Kahit nagka-usap na kami, hindi nawawala yung pagkamisteryoso n'ya.
I opened my notes and started reading dahil baka mamaya ay magkaroon kami nang hindi inaasahang quiz or short exam.
GC: (unnamed)
Hestia:
Well hindi pa rin natin yung intentions nila. We don't even know them that yet kaya mag-ingat kayong dalawa.
Jae:
Haru looks like a softie, I mean for me
Hestia:
We don't know that yet
Hindi na ako nagreply at nagbasa na lang. Tumunog ang phone pero hindi ko na kinuha dahil alam kong gc lang naman yun.
Pero nagsunod ang pagtunog and I'm starting to get distracted kaya I have no choice but to open it.
Hayes:
Hey where are you?
Ah nandun kay Stephen
HAHAHHAHA ily
Jae:
Hoy anong ily HAHAHAHHA
Haru:
Yan lang pala makakapagreply sayo HAHAHAHAH I like you kasi yan
Hindi pa rin ako sanay kapag sinasabi n'ya yan. Hindi ko rin naman kasi masabi mabalik since I'm not yet sure and maaga pa naman. Hindi naman siguro s'ya nagmamadali.
Jae:
Idedelete ko na pala yung account. Wala lang sinasabi ko lang
Haru:
ILYYYY SM BUT IF YOU'RE NOT HAPPY ABOUT IT YOU CAN KEEP IT NAMAN JUST DON'T TALK TO STEPHEEEEN
Is that a restriction? Well wala namang kaso sa akin since wala namang something sa aming dalawa ni Stephen. I'm not deleting my account because of him. Idedelete ko ito dahil hindi ko na rin naman nabubuksan at mukhang malabong buksan ko ulit kaya tatanggalin ko na lang.
Talaga ba Jae?
Jae:
Stephen is just a friend lang naman and I already have the plan on deleting dahil hindi ko na rin naman s'ya nabubuksan pa.
Haru:
Still, thank you!
Unti unti na akong nakakaramdam ng antok and anytime soon makakatulog na ako kaya binabalak kong magpaalam na kay Haru.
Jae:
Hey I'm sleepy naaaa talk to you tomorrow na lang okay?
Haru:
Yes yes, me too matutulog na. Good night my Rei!
Jae:
Good night!
Pinatay ko na ang phone at humiga nang maayos. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na.
Napadilat ako at ang unang bumungad sa akin ay kadiliman. Pamilyar na pamilyar ako sa pangyayaring ito, alam kong nasa panaginip na naman ako. Correction, bangungot.
"Nasaan ba ako?"
Hindi yan ang gusto kong sabihin pero it looks like I was programmed to say that.
Kagaya ng dati, nagsimula akong mangapa ngapa para makuha ang flashlight na nahanap ko dati. Nang sa wakas ay mangapa na, binuksan ko ito at muling napapikit sa liwanag na lumabas. Nilibot ko ang paningin at nakitang nasa parehong gubat ako. Parang nagsilbing isang portal ang flashlight para makarating dito.
Naglakad lakad ako at alam kong any moment ay nay maririnig akong tunog na s'ya magiging ugat ng problema.
"Ano bang theme ng panaginip na 'to? Horror? Huwag naman sana, baka atakihin ako sa puso bigla," halos sampalin ko ang bibig nang bigla itong umusal na pareho sa sinabi ko noong una kong punta dito. Magtutuloy tuloy na sana ako sa paglalakad palayo nang parang may sariling buhay ang paa ko na lumakad para siguro tignan ang pinanggalingan ng tunog na s'yang balak ko sanang iwasan.
Isa, dalawa, hanggang sa naging sunod sunod na ang tunog na alam kong kagagawan ng babae. Dinala na naman ako ng mga paa ko sa likod ng isang puno para magtago.
Hindi nagtagal ay lumabas ang babaeng hinihintay ko. Puting damit na gusot gusot, at ang dumi nito na dulo ng putik. Ito nga ang parehong babae na nakita ko. May iba sa panaginip na 'to dahil ang mukha ng babae ay naaanigan ko ang itsura pero hindi ko mawari kung sino. Sa pagkakaalala ko, hindi ko s'ya maanigan, anong nangyari?
Kahit na ngayong nauulit itong panaginip na 'to, wala pa rin ako balak na tulungan s'ya pareho sa ginawa ko noong una, at mukhang ayaw din naman ng mga paa ko dahil hindi ko ito magalaw nang maayos
"No!" Narinig ko na ang familiar na boses ng babae. Dito na magsisimula ang mga mangyayari.
"I warned you didn't I? I told you to stay away but you're stupid, and now we're here." Kagaya ng aking inaasahan, pasabunot na hinawakan ng lalaki ang buhok ng babae. Nilabas ng lalaki ang kanyang baril at tinutok sa babae.
"No please, I'll be good I p-promise!"
"It's too late. Goodbye, Jae." As I was expecting, I become that girl on the dirty dress, on my knees crying, waiting for my end. Nakarinig ako nang malakas na putok ng baril, pero wala akong maramdamang kakaiba. Dapat nagising na ako ngayon pero mukhang nasa panaginip pa rin ako.
Binuksan ko ang mga mata at halos matumba sa nakita. May hawak akong baril, at ang lalaking kanina ay may balak barilin ang babae ay ngayong wala ng buhay.
Nabitawan ko ang baril at kasabay nito ang paggising ko. Basang basa na ako ng pawis at ngayon ay nalilito. Nagbago ang panaginip ko. From being a victim to becoming a suspect for a murder.
"Bakit nagbago ang nangyari?"