"Girl ba't parang ang tamlay mo?" bungad na tanong sa akin ni Hestia pagkapasok ko ng bahay nila.
Pumunta lang naman ako para may makausap dahil simula paggising ay wala na akong energy.
Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko ang naulit kong panaginip. Sa hindi malamang dahilan, nagbago ang naging katapusan nito. Nakakagulat na nga na ako yung naging victim noong una, mas nakakabigla pa ngayon na ako naman yung may binalak pumatay.
"Naalala mo yung kwinento ko sayo noong nakaraan? Yung sa panaginip ko." Kumunot ang noo n'ya at mukhang inaalala ang sinabi ko.
"Yun ba yung tungkol sa babae na naging ikaw sa dulo? Bakit anong meron? Sabi ko sayo 'wag mo na masyadong isipin yun eh." Umiling naman ako at nagsimulang i-kwento ang mga nangyari.
"Okay? Baka ganito, since you're terrified doon sa unang version ng panaginip mo so your brain tricked you in making you the villain, instead of the victim." Natulala naman ako sa paliwanag n'ya.
"Seryoso ka ba d'yan sa sinasabi mo?" tanong ko.
"Of course!" umirap s'ya at nagsalita ulit, "okay fine! Nope I'm not sure, nabasa ko lang s'ya somewhere. But duh? That's the only logical reason para d'yan. " She said as she checks her new nail polish.
"Btw, nakapagready ka na ba para sa monologue mo? Una ka pa naman," pang-iiba ko ng topic. Gusto kong tanggalin na sa isipan ang naging panaginip dahil kung hindi ko gagawin, baka buong araw akong hindi makausap.
"Kakanta ako sa intro," gulat naman akong napatitig sa kanya.
"Grabe naman ang entra mo teh, una pa lang mataas na agad," I laugh, then I stop since she looks like she's not paying attention.
"Kung nakikinig ka last time, you already got an idea about my monologue." She looks at me then sighs.
"But then, you were spacing out that time well always naman, okay the point is you're busy overthinking about such dream na alam naman nating wala lang ambag sa buhay mo." Lumapit sya at marahang niyugyog ang balikat ko.
"Jae, wag mong i-stress and sarili mo sa mga bagay na hindi natin sigurado okay?" I just nod at her.
"Good! Now go chat your man!" S'ya na mismo ang naglabas ng phone ko at inilagay sa kamay ko.
"He's not my man," pagcocorrect ko.
"Yet, HAHAHHha dun din naman ang punta n'yan! Ang cute n'yong match kapag naging kayo I swear! You match each other." Hindi ko mapigilang ngumiti sa sinabi n'ya.
"Hindi pa nga kami nagkikitang dalawa personally then you're saying na cute kaming couple? Saan kami magdadate? Sa video call?" Malakas ang naging pagtawa ni Hestia kaya nakuha n'ya atensyon ng mga kapitbahay nila sa baba.
"Girl HAHAHAH ang legit ang witty mo sa part na yan." Hindi pa rin s'ya matigil sa pagtawa kaya kinurot ko s'ya. Ang tawa n'ya ay napalitan nang pagsigaw dahil sa pagkabigla.
"Aray naman, tumatawa lang eh!" Hinimas himas n'ya ang namumulang braso.
Magsasalita pa sana s'ya nang tinawag s'ya ng kapatid.
"Ata baba ka raw muba sabi ni mama, tulungan mo raw po s'ya sa tanghalian natin," mahinang saad ng kanyang bunsong kapatid.
"Sige sige tapos kuha tayo panyo punasan natin bibig natin hmm?" pabatang pakikipag-usap ni Hestia habang papalapit sa bata.
"Baba lang ako saglit teh ah?" Tumango lang ako. Binuksan ko ang phone ko at nagtingin sa convo namin. Hindi pa pala ako nakakapagreply simula umaga dahil nga sa I don't have the energy.
Haru:
Rise and shine Rei!
Hey are you there?
I think you're still sleeping
Rei?
Okay after your class na lang!
Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko. Basta na lang ako nagdecide na hindi magrespond habang may naghihintay sa akin.
I typed then erase it after. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at saan magsisimula. Sa huli, naiwan ako sa simpleng "hi"
Jae:
Hi
Haru:
Rei! Nasa school ka na?
Jae:
Nah, I'm here sa bahay nina Hestia. I'm really sorry for just responding now. Wala kasi akong gana sa lahat ngayong araw
Haru:
Oh and you couldn't tell me? Hmm naintindihan ko, you're just being careful since hindi pa talaga nating gaanong kakilala ang isa't isa
Gusto ko sanang sabihin na hindi dahil doon pero pinigilan ko ang sarili dahil tama naman s'ya. We couldn't just tell things or personal things until we fully know each other.
Jae:
Hindi naman sa ganoon but thank you for understanding
Haru:
It's really okay and I want you to know na you're free to share your thoughts or problem to me, I'll be happy to help and if you can't naman then I'll be just here for you so you won't feel that you're alone
Kahit sinong makaalam sa mga sinasabi n'ya ngayon ay siguradong mahahabag. Others will rant and let their anger consumed them kapag hindi sila nirereplyan but he said otherwise.
And I really hope na ganito talaga s'ya in real life at hindi lang pagbabalat-kayo ang lahat
Jae:
Thank you! And I'm sorry again
Haru:
Don't mention it, btw akala ko you're in the school early kaya ka talaga hindi nakareply. What are you doing there?
Jae:
Well, Hestia's my best friend and s'ya lang as of the moment ang makakahelp sa akin tungkol sa iniisip ko and guess what? She actually did
"Jae tara na kakain na raw tayo sabi ni mommy," pag-aaya sa akin ni Hestia.
"Susunod na lang ako teh saglit lang," naramdaman ko naman ang pagbaba n'yang muli.
Haru:
She's really a good friend noh?
Jae:
Yep, talk to you later na lang ha? Kakain na raw kami
Haru:
Okay okay, eatwell Rei! Pakabusog ka
"So you're still on the honor list right? Ano average mo?" tanong ni tita habang kumakain kami.
Hindi namin inaasahang sasabay sa amin ang nanay ni Hestia sa pagkain dahil madalas na kaming dalawa lang naman ang nasa hapagkainan sa tuwing pumpunta ako dito sa kanila.
"Yes po, 93.5 po ang nakuha ko," nahihiya kong sagot.
"That's good! Ipagpatuloy mo lang yan," nakangiting paputi ni tita. Awkward naman akong ngumiti at nagsabi nang pasasalamat.
"Ayan Hes, gayahin mo itong si Raelyn consistent sa grades." Nakita ko ang paghigpit nang hawak ni Hestia sa mga kubyertos. Hindi s'ya natutuwa sa naririnig, kahit din naman ako every time na ipinapagkumpara ako ni Mama sa iba.
I don't understand why do they have to do that? Hindi sapat yung dahilan na para gawing motivation para mas pagbutihin pa. Hindi ba nila alam na every time they're saying things like that, nagccreate na sila ng distance between them and their children.
Every people has their own capability of their own. Maaaring kaya ng isa gawin ito pero ang iba hindi and vice versa so it's really not necessarily to compare one another. It'll just create a line, isang linya na maghihiwalay sa pagkakabuklod ng mga tao dahil ang magiging paniniwala nila ay ang makipagkumpetensya sa isa't isa para malaman kung sino ang magaling.
"Opo," napipilitang sagot ni Hestia. Naunang natapos sa pagkain si tita at kami na lang dalawa ang naiwan sa lamesa.
"I'm sorry"
"I'm sorry about that," sabay pa naming sabi sa isa't isa.
"I know you don't like that and I'm sorry dahil sinabi sayo yun ni tita. No one deserves to be compare to anyone else." Nauna na akong magsalita para malinaw ang pangyayari sa aming dalawa na wala kami sa isang competition lara labanan ang isa't isa.
"I'm sorry din kasi narinig in mo pa yun, nakakahiya," she chuckles then cleared her throat. "No need to say sorry, immune naman na ako sa mga salita ni mama. Araw araw mo ba naman naririnig."
Tumayo na s'ya saka kinuha ang plato ko at nilagay sa kusina nila.
"Anong oras na pala, wait mo na lang ako here maliligo lang ako, open mo na lang din yung TV at baka mabored ja kasi," I just wave my phone para sabihing magcecellphone na lang ako. She nodded then proceed to their bathroom.
Jae:
I'm done na po
Haru:
WOW MAY PO, YOU'RE SO BAIT NAMAN
Kumunot ang noo ko sa nakita. Why he's typing in all caps?
Jae:
I hope that's true, na mabait me HAHAHAHHA
Haru:
Paano yung you're not?
Jae:
Hindi naman kasi HAHAHHAHA neutral lang
Naglagay ako ng panibagonh tubig sa baso at uminom. It's February but you can already feel the summer heat kaya kailangan talagang uminom palagi ng tubig to avoid dehydration.
Haru:
ANG CUTE NAMAN NG NEUTRAL HAHAHAHAH
Naka all caps na naman ang message n'ya. Really, what's with the all caps?
Jae:
Gigil ka naman yata sa paggamit ng capslock HAHHAHAHA
Haru:
Because I'm not Hayes girl, it's Art!
Art? Like yung Art na naglibig ng teddy bear na sana ay ibibigay kay Szaniah pero hindi natuloy? That Art?
Jae:
Oh hi!
Haru:
HE'S DRIVING THAT'S WHY HE'S DICTATING HIS REPLY HAHAHAHA MAMAYA NA KAYO MAG-USAP, MAGLALARO AKO
Jae:
Okay sige, ingat sa inyo!
Hindi na s'ya nagreply at mukhang naglalaro na.
"Jae tara na?" Nakabihis na si Hestia kaya inayos ko na ang mga gamit ko at sabay kaming pumasok ng school.