KABANATA 16 ROCKEY MARTINEZ ( POV ) PAG-UWE KO SA BAHAY AY PARANG MALUNGKOT ANG MGA PAMANGKIN KO. Kasama ko ngayun si Karen kaya sumama agad ang mukha ni lola. Sumama sakin si Karen dahil ayaw niya muna umuwe sa kanila kaya pumayag na ako dahil magkaibigan naman kami. " Bakit malungkot ang mga pamangkin ko?" Tanong ko sa dalawa habang nasa hapagkainan sila at magsisimula ng kumain. Sakto naman na nakauwe na ako at may dala pa akong ulam dahil libre ni Karen. Tinanggap kona dahil sayang naman kung tatanggihan ko ang grasya. " Hindi na naman po dumating si ate Nosgel, tito." Sagot agad ni Shin sakin. Agad naman sumama ang mukha ko sa narinig. Naiinis ako sa tuwing nababanggit nila ang pangalan ni Nosgel. Naiinis ako dahil paasa ang babaeng 'yun at palaging pinapaasa ang pamilya ko tapos

