KABANATA 17 NOSGEL ( POV ) ARAW NG LINNGO KAYA MAGSISIMBA AKO NGAYUN. Hindi na kasi ako nakakapagsimba dahil busy ako sa trabaho. Mabuti na lang ay tumapat ng linggo ang day off ko kaya makakapagsimba ako ngayun. Naghahanda na ako ng almusal ko bago ako magsimba. Hindi kasi ako sanay na umalis ng bahay na walang kain o laman ng tiyan ko kaya kakain muna ako. Nang makapaghanda ng almusal ay kumain agad ako para makaligo na ako. Kaya lang sa bagal kung kumain ay umabot ako ng isang oras. Mas marami kasi ang tulala kesa ang sumubo ng pagkain. Paano ang lungkot kumain mag-isa. Ang laki ng mesa pero ako lang ang kumakain. Namimiss ko tuloy sina mama at papa. Mga panahon na masaya kami habang kumakain dito sa mesa. Masaya ako no'n kasi kasama ko sina mama at papa. Akala ko nga ay hindi na kam

