***KIANA POV***
Naglilibot ako dito sa campus..
Hmmmm..
Ok naman sya ..
Napaka daming puno..
Mapapagod yata akong sunugin ang lugar nato.
Lahat ng tao napatingin sa akin.pero syempri hindi ko sila pinapansin.
Seryoso parin ako naglalakad..
Napatingin ako sa bandang dulo ang daming tao naka palibot dun.:
Tsk.
" May bago nanaman yatang mapapahamak kay Seah "- Girl 1
"Shhhh..Wag kang maingay baka marinig ka ng mga taohan niya dito..."-Girl2
" Ano naman!! Nakakainis na kasi e ! Tsaka hindi ko naman sya lady e ! Kaya wala akong paki alam "-Girl1
" Shhhh!!! Sabing hinaan mo boses mo e!! Mapapahamak tayo!! "-Girl2
"Sabagay haha....Pero Rinig ko sa isang student dito.Taohan raw ng Devon ang mapapahamak ngayon "-Girl1
" Talaga??? Balita ko din dito na daw mag aaral ang princess ng mga devon so parang may kahati na ng spotlight si Seah....Tayo na nga! Wala tayong paki alam sa kanila "-Girl2 sabay lakad pa alis
Nanatili akong naka tayo dito habang nakikinig sa kanila...
Hindi ko sana sila papansinin kanina kaso naring ko ang pangalang Devon,
Tsk.
Naglakad ako papunta sa mga taong nakapalibot .
Syempri Taohan parin namin yun gusto ko Lang maka siguro na walang mamatay na taohan ko dito sa campus na to..
Syempri maharlika ang Seah na yun kaya malaya syang gawin ang gusto nya .
Medyo madami na ang taong nanunuod kaya naki siksik ako .
Nakita ko na naka luhod ang taohan namin.
Parang pamilyar sya sa akin..
Nanlaki ang mga mata ko dahil kilalang kilala ko ang Taohan na to..
Miya?!!!
"Tabi!"-seryosong pagkakasabi ko
Napatingin naman ang mga tao sa akin
Yung iba nag taka yung iba naman nagulat ng makita ako taohan siguro to mga devon tumango naman sila at agad na itinabi ang mga ibang tao para maka daan ako..
Dahan dahan akong naglakad papunta kay miya habang seryoso nakatingin sa kanya
Hindi yata ako napansin ng Seah nato.
Mukang sasampalin nya sana ulit si miya pero pinigilan ko sya At sinampal ng malakas
Na ikinagulat ng lahat..
"Sino ka para saktan ang isa sa mga sinasakupan ko!!!"-mahinahon pero seryoso na pagkakasabi ko.
****MIYA POV ****
Nagulat ako sa ginawa ni Young Lady.huhu g**o nanaman to..
Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni young lady.
Napatingin si Seah kay young lady habang hawak ang kanyang pisnge..
" who the heck are you!! " -Galit na sigaw nya
Biglang lumapit ang mga taohan ni Seah sa kanya tapos tiningnan kami ng masama..
"Ok Lang po ba kayo Young Lady Seah?"- Tanong ng isang taohan nya
Lumapit si Seah kay young Lady At sabay sampal sana sa kanya pero mabilis na hinawakan ni Young Lady ang kanyang kamay..
" Wag mong subukan baka magsisi ka" -seryosong pagkakasabi ni young Lady
Ngumiti Lang ng nakakaloko si seah sasampalin nya sana si young lady gamit ang kanyang isang kamay pero agad na pinigilan ko.
" Isang bakat Lang ng kamay mo ay katumbas ng dugo dyan sa mga labi mo kung ayaw nyo ng g**o ngayon wag mo nang ituloy " seryoso na sabi ko .
Bigla akong nagulat ng tinapik ng isang taohan nya ang kamay ko.
" Sino ka para hawakan ang kamay ni Young Lady Seah! " galit na sabi nya
Dahan dahan na lumapit ang mga taohan ng mga devon At nakahanda na sa posibleng mangyari..
Napatingin si Seah kay young lady
" So isa ka palang maharlika? Kaya naman pala ang lakas ng loob mong kalabanin ako !! Anong Isla ka ba?!"-mataray na tanong nya.
Hindi sumagot si young lady kaya ako nalang ang sumagot
" Isla ng mga Devon"-proud na pagkakasabi ko
Duh!
Bigla silang nagulat.
" Hindi Lang pala basta basta ang isla mo kaya pag bibigyan kita ngayong araw... Sisingilin kita sa tamang Panahon " -nakangiting sabi nya
Ngumiti ng nakakaluko si Young Lady..
" Baka sunog kana sa araw na yun " -sagot ni young lady
Napalunok ako.
Ngumiti Lang ang seah At naglakad paalis.
At Bigla namang nag ring ang bell hudyat na para pumasok sa room
Lumapit si Young Lady sa akin at tiningan ang putok na labi ko
"Tsk! Ayusin mo ang sarili mo"-seryosong sabi nya
Tumango naman ako
Agad namang nalakad si Young Lady
" Saan ka po pupunta?" -nagtatakang tanong ko
Huminto sya pero hindi nya sya lumingon..
"Papasok "-simpleng sagot nya
Napakunot ang Noo ko
Papasok?? Akala ko ba hindi sya papasok nyayon
Magsasalita pa sana ako kaso nawala na sya sa paningin ko..
Teka?!!! Papasok sya na walang dalang gamit???!!!!!!!!!!
Sisigaw pa sana ako kaso napahawak ako sa labi ko..
Awwww.. punyetang Seah na yun!
Huhu. Pero si young lady papasok ng walang gamit!!!!
Ang sakit mo talaga sa ulo young lady!!!!
****MARVIC POV****
Aheeem.Hi Girls *wink ako nga pala Si Marvic Thompson nag mula sa isla ng mga Thompson pangalawang pinsan ni Logan Thompson
Nandito kami ngayon sa class room
Ng Biglang dumating si Jeric pinsan namin ni Logan sya ang unang pinsan ni logan na una kasi sya pinanganak sa akin! Pero mas gwapo ako ng limang paligo sa kanya..
" Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko " -sabi nya
" edi wag mo nang sabihin! Hindi naman pala kami maniniwala e ! "-sabi ko At sabay tingin sa magazine
Woah..Ang sexy ...
" Naalala mo ba yung babaeng nag aluk ng kasal kay logan??" - tanong nya
" O tapos ? "-sabi ko pero wala akong paki alam
Ang Ganda ng tiningnan ko e ..
" Pare kapatid ay hindi Kakambal pala yun ng Devon Brothers ". -sabi nya
Nagulat ako ..
" Talaga???? Alam ko na maharlika sya dahil ang daming nag bigay respeto sa kanya kahapon pero isang Devon??? Woah.." -nakamangha sabi ko
Isa sa mga angkan ng malalakas na Isla
" Tapos inaya ng kasal si Logan?! Haha Isang sampal yun sa devon brothers hahaha " -
Nakitawa narin ako...
Hindi kasi magkasundo si Logan at ang mga Devon Brothers .
Matapang ako ha kaya kong makipag laban kahit kanino maliban kay logan At sa Devon Brothers
Astig! Makipag laban ang mga yan! ..
Salute!!!!!
" At ito pa ! Alam mo bang sinampal nya si Seah kanina!!! Pare exciting to!!!! Dalawang prinsesa nag mula sa malalakas na Isla !! Excited na ako sa mangyayari "- nakingiting sabi nya
Mukang magiging exciting nga ang taon nato.
"Diba Inlove na inlove tung Seah nato kay logan? Tapos itong devon lady naman inalok ng kasal si logan kahapon??? Mukang maiipit ang isla ng mga Thompson nito!!?"- sabi ko
Napa seryoso naman sya
" Oo nga no?? ....Wooo mas exciting " -sabi nya
Ngumiti nalang ako ..
Baliw!!!
Napatingin ako sa likod ko kung saan naka upo si Logan .
Tsk.. Natutulog nanaman..
Biglang pumasok ang Prof namin kaya agad kaming tumayo At nag bigay galang..
Syempri kailangan namin mag bigay galang sa kanila kahit maharlika kami..
Magkaiba ang Room namin sa room ng mga normal na taohan Lang kaming maharlika ay pinag isa pero nahahati to sa limang Section..
Na sabi ko na ba na mag kaklase kami ng Devon Brothers..?
Yeep! Mag kakalase kami
" So kamusta naman ang araw nyo mga prinsepe At prinsesa? ...ngayon palang sinasabi ko sa inyo wag nyong sagarin ang pasensya ko .oo maharlika kayo pero nandito kayo sa academy nato!! ilabas nyo ang tapang nyo sa isla nyo!! Naintindihan nyo!!!!!!!! "- prof
Tapos tulad ng dati walang May pumansin
Umiling nalang si prof...
Haha..
Napatingin kami sa pinto ng biglang May pumasok..
" At sino ka ?" - mataray na tanong ni prof
Itinaas nya ang papel nya na nag sasabi na dito sya .
" So ikaw si Ms.Devon?"-
Tumango naman sya..
"Sige humanap ka ng upoan mo " sabi ni prof..
Tinaas naman ni Zach devon ang kanyang kamay sabay turo ng upoan sa kanilang likod
Tumango si Ms. Devon sabay lakad papunta don.
" Mr.Logan Thompson!!! Oras na ng klase!!"- galit na sabi ni prof
Napahinto naman sa paglakad si Ms.Devon sabay tingin sa natutulog na Logan..
Napakunot ang Noo namin ng bigla syang lumakad papunta sa amin At napasinghap kami ng bigla syang umopo katabi sa upoan ni logan..
Napatingin ako sa kanya.
Tinaasan ako ng kilay kaya agad akong tumingin sa harap..
Bigla namang napatayo si Zach pero agad naman pina upo ni Sean ..
Nakatulala Lang kaming lahat..
Napatingin ulit ako sa likod ng biglang gumalaw ang mesa ni logan mukang Gising na sya ..
Nanlaki ang kanyang mata ng nakita nyang katabi nya na si Ms .Devon
Rinig ko naman ang mahinang tawa ni jeric sa tabi ko..
" Psst. Nang aasar ka ba ! Bakit ka nandito " -bulong ni Logan sa katabi nya
Hindi nya pinansin si Logan
Huminga nalang ng malalim si logan..
Bigla syang tumayo At binuhat ang upoan nya papunta sa dulo..
Napatingin ng masama ang devon Brothers para kasing napahiya ang kanilang kapatid..
Bigla akong napa lunok.
Nanlaki ulit ang mga mata ko ng bigla din tumayo si ms.Devon at sabay buhat ng upoan nya sabay punta din sa dulo At tumabi ulit kay logan.
At rinig na rinig ko naman ang tawa ni Jeric..
"That's it!!! "-galit na sabi ni logan habang nakatingin ng masama kay Ms.Devon
"Mr.Thompson ! Ms.Devon ! Wag nyong dalhin sa klase ko ang away nyong mag syota!"- sabi ni prof
"WHAT???"-hindi makapaniwalang sabi ni logan kay prof
"Sorry Maam.. Balik na tayo dun Babe?" -sabi naman ni ms.Devon sabay turo sa pwesto nila kanina.
"Anong Baa———"- naputol ang sasabihin ni logan ng nag salita ulit si prof
"Mr.Thompson !!!!! " -
Biglang nag seryoso ang mukha ni logan At binuhat ulit ang upoan At bumalik sa pwesto nya At ganon din si Ms.Devon
"Ms.Devon .Hindi mo pa pala napapakilala ang iyong sarili sa klase ..tumayo ka muna At pumunta sa harapan upang ipakilala ang iyong sarili..." -
Tumayo naman sya pero hindi pumunta sa harapan.
" Ashandra kiana Devon " -sabi nya sabay upo
seryoso At napaka cool na pagkakasabi nya
Wow..IDOL! Ang Cool
Napailing nalang si maam..
Magiging exciting nga ang taon nato
****LOGAN POV*****
So ito nga ako si Logan Thompson ang tagapag mana ng Isla ng mga Thompson..
Bali lima kaming anak na lalaki pero ako Lang ang anak sa Legal ni papa..
Yun lang!!!
Napatingin ako sa katabi ko..
Haist.Bakit kasi nandito to..
Alam ko na isa syang Devon minsan ko na syang nakita sa Isla nila nung dumalo kami sa birthday ng Lolo nila nasa tabi sya nun ng kanyang mga kapatid.
Hindi ko akalain na makikita ko sya ulit dito at mukang ito pa ang sisira sa araw ko..
Kung pwedi ko Lang to itapon sa dagat! Ginawa ko na ..ngunit isa itong maharlika At isa pang Devon...
" May Ball pen ka ba ? "-bulong nya sa akin
Kita mo!!! Pati ball pen wala!!!
Para matahimik na pinahiram ko nalang .
"Thanks Babe "-bulong nya ulit
Suntukin ko kaya to ng isang beses??
Rinig ko naman ang pag tawa ni jeric kaya sinipa ko ang upoan nya
" May Papel ka ba? "- bulong nya ulit
Puchaaaaa naman o!!!!
" kinakapos na ba kayong mga Devon? Pati ballpen At papel walang pangbili?!"-inis na bulong ko
Pero binigyan ko ulit para manahimik na ..
"Pakasal na tayo?"-bulong nya ulit
Halatang inaasar ako e!!
" Kung wala kang magawa sa buhay mo pakamatay ka nalang " - seryosong sabi ko
Ngumiti sya
Puchaaaang!ngitiiiiiii yan?!!!
Hindi na sya nag salita..
Napatingin ako sa mga kapatid nya kasi kanina pa tingin ng tingin dito tiningnan nila ako ng masama kaya tiningnan ko din sila ng masama...
Nakaka sama talaga ng araw ang mga Devon..
————-////
Sa wakas! Natapos na din ang klase!! Makakahinga narin ako!
Agad akong tumayo At na una nang lumabas
Dumiritso kami sa cafeteria lahat ng mga taohan ng mga Thompson agad na tumayo At nag bigay galang..
Tsk. Hindi ko sila pinansin! Nakaka gutom na .
****JERIC THOMPSON POV ***
Sa wakas!! Ako na ba ?? Ok .Eheeeeeem.
Ako nga pala si Jeric Thompson ang unang pinsan ni Logan.
Kanina pa sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa
Ang Cool Lang kasi ni Ms.Devon e .haha
Sya palang talaga ang nakakagawa nun kay logan ,Swerti nya Lang dahil Devon sya
Kahit na mag kaaway si logan At ang Devon Brothers hindi nya pweding galawin si Ms.Devon dahil ibang usapan na yan..
At Balita ko takot sina Sean sa kapatid nila kaya malamang sa malamang mas malakas to sa kanila..kaya mas lalo nakaka excite e ..
Nandito kami ngayon sa Cafeteria At syempri mayron tagapag silbing nag hahatid sa amin ng pag kain..
Biglang pumasok si Seah..Isa pa to ... matagal natong May gusto kay Logan pero syempri wala din paki alam si Logan sa kanya..
Agad namang tumayo ang mga Taohan nya At sabay yuko..
Dumiritso sya nang lakad At umupo sa tabi ng Mesa namin..
Tumingin sya kay Logan At ngumiti
Tulad ng nakasanayan hindi sya pinansin..
Haha.
Sa totoo Lang mahilig naman tung si Logan sa mga babae e pero yung laro laro Lang yung gusto nya hindi sumagi sa isip nya ang makipag relasyon dahil ang lagi nyang sinasabi ang mga magulang nya raw ang pipili sa kanyang mapapangasawa kaya wala Lang din kapag nakipag relasyon sya.
Napatingin ako kay Seah dahil bigla sya umupo sa harap ni Logan..
Iba din tung Logan na to e napaka Gwapo ha?!! Ibang klase mula pa talaga sa malalakas na Isla ang nagkaka gusto sa kanya..
Wala bang papatol sa akin dyan?!
"Logan tikman mo to o gawa to mula sa Isla namin "- mahinhin na pagkakasabi nya
Tumango naman si Logan pero wala man lang imik
Ngumiti naman lalo si Seah.:
Sus.
Napatingin nanaman kaming lahat ng biglang pumasok ang mga Devon
Ang Astig ng pagkaka pasok ah ..
Agad na Tumayo At yumuko ang kanilang mga Taohan.
Na unang nag lakad Si Ms.Devon at kasunod naman nya ang kanyang mga kapatid At sa likod nila ang kanilang mga kanang kamay..
" Tsk.That Woman!"-inis na pagkaka sabi ni Seah
Oo nga pala na sampal pala to kanina.haha
Napatingin sa amin si Ms.Devon at biglang napa kunot ang Noo nya ng makita nya si Seah..
Ano na? Selos na ba yan?
Akala ko dito din sya uupo pero dumiritso Lang sila At dun umupo sa dulo..
Wow.Nagulat ako dun ha?
Napaangat naman ng tingin si Logan
"Buti naman ".- bulong ni Logan
Biglang tumayo si Ms.Devon sabay lakad papunta sa Glass window at parang May kausap sa phone nya ..
Napatingin kami kay Seah ng Kinuha nya ang mansanas..
Ngumiti muna sya Bago nya tinapon ng malakas ang mansanas papunta sa nakatalikod na Ms.Devon
Napangiwi kami ni Marvic
Pero agad namang humarap si Ms.Devon at mabalis na sinalo ang Mansanas
Napatingin sya sa gawi namin at agad na napatingin kay Logan At sabay na kinagatan ang mansanas sabay kindat At tumalikod ulit At nakipag usap sa phone nya habang kinakain ang mansanas..
"Tsk "- Logan
" Gusto ka ba din nya??"-seryoso na tanong nya kay logan
Hindi ulit pinansin ni logan si Seah..
" Ako Lang ang pweding magka gusto sayo dito logan " seryoso na sabi nya
Tiningnan sya ng masama ni Logan..
" Sinasayang mo Lang ang oras mo " -seryoso na sabi ni logan
" Gagawin ko ang lahat mapasakin ka Lang " -sabi nya sabay walk out
Haist.paulit ulit ko nang narinig yan sa kanya.
Pag-ibig nga naman.
Ang dami nang nag si tayuan padami narin kasi ang pumapasok na maharlika.. minsan napapa isip ako e ang swerte ko nga talaga sa mga magulang ko dahil kung hindi malamang tulad din ako ng mga taohan Nayan halos hindi na maka kain panay bigay respeto e...kung ako sa kanila hindi ako kakain sa cafeteria..
" Anong oras basketball natin mamaya? " -tanong ni Marvic
Oo nga pala May basketball mamaya At kalaban namin ang mga Devon Brothers..Tsk
Matatalo nanaman ba kami nito?? Kaya galit na galit si logan sa kanila lagi nalang kasi kaming natatalo..
" Siguro mga After class na baka nga gabi na e ".-sagot ko naman
Madami nanaman ang manunuod nito.Tsk
Kaya kailangan ko nang mag ayos dahil mas ok nang matalo at least gwapo .. Nakz naman...
****KIANA POV******
Nandito kami ngayon sa cafeteria at kausap ko si mama ngayon kaya medyo lumayo muna ako kina kuya
"Kamusta ang unang klase mo anak ?"-Mama
"Ok .Naman "-Sagot ko
"KIANA ha!! Wag kang gagawa ng g**o dyan ha !! Ayaw ko na mabalitaan na nakikipag away ka nanaman dyan kung pweding iwasan!iwasan mo muna! Pag nalaman ko na sangkot ka sa g**o dyan !ako mismo ang susundo sayo!Naintindihan mo! "-Mama
Haist.!
Bago pa ako makapag salit parang May naramdaman akong papalapit sa akin kaya naman mabilis ako humarap At mabilis na sinalo ang mansanas!
Napatingin ako kung saan galing to
Tsk. Seah!
Nabaling ang tingin ko kay Logan nakatingin kasi sya sa akin
Kinagatan ko muna ang Mansanas sabay kindat sa kanya.
At tumalikod agad para kausapin si mama
"Yeah "-Me
"Good..mag iingat kayo lagi dyan wag nyong pababayaan ang mga sarili nyo...I love you Anak "- Mama
Ayan nanaman..hooooo!
"Yeah...I love you too Mom "-Me
Hooooo! Tulad nga nang sinabi ni mama mag papakabait muna ako dito..
*Evil Smile
Bumalik ako kina kuya
"O anong sabi "- tanong ni kuya Zach
"Same "-sagot ko
Tumawa naman sila.
"Bakit hindi ka tumabi sa akin kanina!!"-Galit na sabi ni kuya Zach
Syempri gusto ko katabi si Logan
" Logan "-sagot ko
"Haist.Hindi mo talaga titigilan ang mga bagay pag gusto mo no? "-inis na sabi nya naman
Oo naman! Pag gusto ko kailangan mapa sa akin ma hayop!bagay!o Tao pa yan!
Hindi ko pa naman sya mahal talaga parang gusto ko Lang sya Alam ko naman ang kaibahan ng mahal sa Gusto e .
Humarap ako kay kuya At ngumiti Lang
" Paalala Lang baka iyan pa ang ika bagsak mo bunso . Isa syang Thompson " -seryosong sabi ni kuya Sean na kanina pa tahamik kanina
So what kung Thompson sya ??
"Hayaan nyo muna ako .Gusto ko munang makipag laro "-nakangiting sabi ko
Umiling naman sila.
"Mag iingat ka sa kanya "-pahabol nya pa
Baka sya ang mag ingat sa akin.
"May laro kaming basketball mamaya gusto mo bang manuod? "-Tanong ni kuya Zach
Tsk.
"No "-simpleng sagot ko
"Kahit nandon si Logan??"-
Wala ako sa mood mamaya makipag laro sa kanya
"Yeah.... Gusto ko munang makapag relax "-sagot ko
Tiningnan nila ako ng seryoso
"Pag sinabi mong mag re-relax iba ang ibig sabihin nyan"- sabi ni kuya Sean habang nakatingin sa akin sa seryoso
"Saan ka naman pupunta?!"-sabay sabay na tanong nila
?
Bakit kasi alam na alam nila ..
Ngumingiti Lang ako At kumain
E enjoy ko ang mga araw ko dito..
*Evil Smile
*****MIYA POV***
Nandito kmi ngayon sa Basketball court napakalaking basketball court
Manunuod kasi ako ng laro nila Young master laban sa mga Thompson.
Magaling naman makipag laro ang mga Thompson e kaso mas magaling Lang talaga ang mga Devon
Nag umpisa na ang laro
Napatingin si Young master Sean sa gawi ko
Para bang hinahanap nya si Young Lady kiana
Umiling Lang ako kasi wala
Napa iling nalang sya
Wooooo!!! Ang gwapo talaga nya!! I mean ang gagwapo ng mga Devon!!!
Napatingin ako sa gawi ng mga Thompson.
Hmmm..Hindi ko din pala masisi si Young Lady napaka gwapo naman talaga kasi ni Logan e ....Napaka seryso ng mukha...Tsk..bakit ganyan kasi kayo mga maharlika kahit seryoso ng mukha nyo napaka Cool nyo parin tingnan..
Nag start na ang laro kaya tudo hiyaw kaming lahat..sa kabilang side Lahat puro taohan ng Thompson At dito naman sa side ko Syempri taohan ng mga Devon ..
Napahawak ako sa labi ko ng biglang kumurot..haist!
Ang gagaling nilang lahat..
Napatayo kaming lahat dahil PANALO NANAMAN KAMI!!!!!
Isang point Lang ang lamang At tulad ng dati hindi nanaman naka bawi ang Thompson dahil tapos na ang oras..
Wala nang kamay kamay basta basta nalang umalis ang magka bilang Groupo
Yeeeeey!!
Teka??? Masyado akong nag concentrate sa laro nato !!!
Nasaan nga pala si Young Lady!!!
****KIANA POV***
Ang sarap talaga sa pakiramdam...
Nandito ako ngayon sa dalampasigan At naka higa sa buhangin nakatingin sa buwan At pinapakiramdaman ang Alon ng Dagat
Walang mga tao kaya napaka Sarap sa pakiramdam napaka peaceful.
Naglibot libot kasi ako dito At napadpad ako sa gubat ng Isla At sa bandang dulo merong Dalampasigan hindi sya basta basta mahahanap dahil masyadong madaming halaman at mga puno.. At walang CCTV
Now This is Paradise!!
Makatulog nga muna...
Napa kunot ang Noo ko dahil parang May paparating pinakiramdaman ko ang mga yapak ng kanyang paa..
Mabuti naman at Mag isa Lang sya ..
Pero bakit sya nandito!! Nakakainis
Sinisira nya ang araw ko!!!!!
Bigla ko minulat ang aking mga mata
At nagulat ako dahil nagsalubong ang aming mga mata..
Puro pawis ang mukha nya pero ang bango At gwapo nya parin.. parang nasisinagan ang mukha nya ng buwan ang Seryoso nya
Bali naka yuko sya sa akin
Para akong natulala
"Bakit ka nandito?"-Seryoso At malamig na pagkaka tanong nya,