CHAPTER 2

1402 Words
**** MIYA POV ***** Lahat kami halos mahimatay sa ginawa ni young Lady.huhu! t!!! Ang lalaking kanyang natitipuhan ay si Logan Thompson!!! Ang tagapag mana ng kanilang Isla!! Isang maharlika!!! Napaka lakas ng kanilang angkan pantay sa lakas ng mga devon! Ubod din ito ng gwapo!!macho!!! At sikat ang kanilang lahi!!!! At ang dalawa nyang kasama ay ang kanyang mga pinsan na ubod din ng gwapo!!! Hoooo! Nakakatulo laway!!!! " Gaano ka naman ka sigurado na pakakasalan kita? " masungit na sabi ng Logan! Napatingin ako kay young Lady kiana na tulala parin. Lumapit ako sa kanya. "Young Lady! Umayos po kayo "-bulong ko sa kanya Napatingin sya sa akin.. "Tawagan mo sina mama sabihin mo ikakasal na ako "- seryoso na sabi nya Na ikinalaki ng mga mata ni young master Logan na ikinatawa ng mga pinsan nya.. " So paano ba yan malapit kana palang ikasal logan "- sabi ng isa nyang pinsan Hindi sya pinansin ng logan sa halip ay nag lakad nalang ito papunta sa counter. Tiningnan ko ulit si young lady habang sinusundan nya ng tingin si Logan. Ngumiti sya ng nakakaluko... Panibagong g**o nanaman po itoooooo!!!!! " Tayo na miya! Umalis na tayo dito baka hindi ko mapigilan ang sarili ko At baka ma-itanan ko sya "- seryoso na pagkakasabi nya Nanlaki ang mga mata ko!!! Seryoso nga sya!!!!!!! Unang araw palang to!!!! Paano nalang ang susunod pa na mga araw.. * **KIANA POV*** Nandito na kami sa Dorm ni miya at mabuti nalang talaga dahil malaki ang dorm nya kaya ok nalang din. May dalawang higaaan May malaking TV At May mini Sala pa.. " Sabihin nyo Lang po Young Lady kung gusto nyong lumipat madami pa naman pong bakanti na kwarto na mas malaki pa po dito " sabi ni miya habang gumagawa ng assignment nya ...sus! "Ayaw mo bang nandito ako?" Seryoso na pagkakasabi ko. Bigla syang napatingin sa akin " Hindi naman po sa ganun "-nakangiting sabi nya At ngumingiti ka pa!! Haist...Pasalamat ka dahil best friend kita ! Hindi ko nalang sya pinansin sa halip ay humiga ako sa kama At sabay pikit ng aking mga mata. Napaka gwapo nya talaga!napaka tangos ng kanyang ilong! Ang Cool nya !!! Ang sarap nyang i-uwi sa bahay!!! Saan kaya ang dorm nya? Malapit din ba dito? Puntahan ko kaya? Hmm? Matawagan nga si mama *CALLING MAMA. [ Hello? Kiana? ] -mama [Ma. Malapit na akong ikasal] [Ha? !!!Anong pinag—————-] *END CALL. "What? ?"- takang tanong ko kay miya dahil tinitingnan nya ako na para bang hindi sya makapaniwala Ngumiti ako sa kanya.... *Evil Smile. Makatulog na nga kikitain ko pa ang Future husband ko. **** Mas maaga akong nagising dahil gusto ko munang mag jogging..para malibot ko din ang academy !! Masyado talagang malaki!mahihirapan talaga akong sunugin.!!! Nilibot ko ang aking paningin baka kasi makita ko sya ulit. "Magandang umaga young lady " bati sa akin ng mga taohan namin Tumango lang ako. Pero agad na nag liwanag ang mga mata ko dahil nakita ko ang gusto kong makita.. Binilisan ko ang aking pagtakbo para makasabay ko sya.. Magkasabay na kaming nag jogging pero parang wala syang paki alam kaya pumunta ako sa harap nya habang tumatakbo patalikod.. Napatingin sya sa akin at Nagulat sya. "Ikaw nanaman!?" Sabi nya Ngumiti ako sa kanya na ikinagulat nya. "Nang aasar ka ba?" - sabi nya Bigla akong nag seryoso. "Nag papa-cute ako!"- seryoso na sabi ko ! Nakakapikon sya! . Tiningnan nya din ako ng seryoso " Umalis ka sa harapan ko " seryoso na pag kakasabi nya. Pero hindi ko sya pinansin sa halip ay tinitingnan ko lang sya. Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko At sabay ikot sa akin papunta sa likod nya. "May bato! Baka yan pa ang ika pilay mo " -sabi nya sabay iwan sa akin. Napatingin ako sa bato... "Maraming salamat dahil sayo nahawakan nya ang kamay ko " - sabi ko sa bato Napatingin ako ulit sa kanya habang tumatakbo " PAKASAL NA KAYA TAYO " - sigaw ko "IN YOUR DREAMS!" -sigaw nya din Napangiti ako...*Evil Smile Lalo tuloy kitang gusto I-uwi sa Isla namin.. Dumiritso na ako sa pag-takbo pabalik ng Dorm kailangan ko pang mag ayos para ma masyal ,bukas na ako papasok nakakatamad, **** MIYA POV *** Nasaan na kaya si young Lady kiana! Kanina pa sya hinihintay nina young master Si Young Master Sean ang panganay na kakambal nina young Lady sya ang susunod na tagapag mana ng Isla ng mga Devon.. Si Young Master Zach ang sumunod kay Young master Sean.,sya naman ang susunod na tagapag mana ng mga Samurai. Napaka seryoso nitong dalawa nakakatakot sila mabuti nalang talaga At close kamai ni young lady kaya nakakalapit ako sa kanila wala silang kinakatakutan maliban kay Young Lady . Oo Tama kayo! takot sila kay young Lady si young lady kasi masyadong mysterious kahit matagal na kaming magkaibigan hindi ko parin masyadong alam ang takbo ng isip nya... At si young Lady ang tipo na babae na hindi mo gugustuhin na kalabanin. Napatingin kami sa pinto ng bigla bumukas At pumasok si young lady na may ngiti sa kanyang labi.. Napatingin sya sa amin. " O mga kuya? Na miss nyo ko " sabi nya sa mga kuya nya " Kamusta ang unang araw mo dito?" Tanong ni young Master Zach " Nakaka in-Love " sagot naman ni young lady Kaya napa kunot noo ang mga kuya nya. " May nagusgustohan kana dito!?"-hindi makapaniwalang sabi ni young master Sean Tumango naman si young lady " Ikakasal na nga kami e " sabi nya Nagulat ang mga kuya nya "WHAT!!!!!!" -sabay na sabi nila young master " Anong pinag sasabi mo!? Wag kang gagawa ng g**o dito!?"- master Sean Tiningnan nya ng seryoso si master sean Bigla namang namutla si master Sean "Hehe.Kailan ba ang kasal bunso? "- nakangiting sabi ni master Sean Ngumiti ulit si Young Lady. "Kung papayag sya kahit sa susunod na buwan agad e "- nakangiting sabi naman ni young lady "Ano!!!! Napaka bata mo pa!! Hindi mo pa nga alam kung anong klasing tao yun!!"Galit na sabi ni master Zach Biglang lumamig ang paligid kaya napatingin ako kay young lady na seryosong tinitingnan si Master Zach. "Pero pwedi din naman bukas ha ? Bukas nalang kaya kayo mag pakasal o kung hindi kayo busy bakit hindi nalang mamaya?" -sabi agad ni young master Zach. Ngumiti nanaman ulit si young lady.. " Sino ba yang lalaki na yan?"Tanong ni Young master Sean " Si Logan Thompson po " Sagot ko Nanlaki ang mga mata nila "Si Logan!!!!!!! bakit sa kanya pa!!!!? Alam mo bang kaaway namin yan dito! ! " -galit na sabi ulit ni young master Zach Tiningnan ulit sya ni young lady ng masama Kaya agad na nag peace sign si young master. Haist.. " Hindi mo sya agad makukuha hindi sya pangkaraniwang tao lang isa rin syang maharlika kaya mahihirapan ka " - seryosong sabi ni young master Sean Ngumiti si Young Lady " Kaya nga mas exciting e " -sabi nya habang ngumingiti ng nakakaluko.. ****** Nandito ako ngayon sa hall way nag lalakad papunta sa room ng mag isa dahil si young Lady mamamasyal raw muna! Naku!!! Unang araw absent! Napatingin ako sa relo ko! Naku patay!! Late na ako!!! Kaya mabilis akong tumakbo... Sa subrang bilis ko may nabangga ako "Aray!!!!" Daing nya Napatingin ako sa kanya! At nanlaki ang aking mga mata. Si Young Lady Seah!!! Agad akong lumuhod "Patawad po " sabi ko habang naka yuko.. Lumapit sya sa akin at inangat ang mukha ko.. "Wag kang lampa!"-seryoso At galit na sabi nya "Tingnan mo ang uniform ko! Ang dumi na!!!!kung wala lang tayo sa academy kanina pa kita pinatay!"Galit na galit na sabi nya Nanatili akong seryoso.anong laban ko dito! Isa itong maharlika!! Bigla akong nagulat dahil bigla nya akong sinampal ng malakas!na syang ikina putok ng aking labi..napahawak ako sa labi ko At may dugo na ito.. Ang sakit!!!!ang sakit mag pigil ng galit. Napapikit ako dahil mukhang sasampalin nanaman ako.. Ha? Bakit wala akong naramdaman. Binuksan ko ang mga mata ko.. Nanlaki ang mga mata ko dahil hawak na ni young lady kiana ang kamay ni Seah bruha.. At mabilis nya itong sinampal ng malakas.. "Sino ka para saktan!ang isa sa mga sinasakupan ko!"-mahinahon At seryoso na pagkakasabi ni Young Lady... Oh Nooooooooo!!!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD