**** MIYA POV ***
Nandito kami ngayon sa Dorm namin ni Young Lady At nandito din sina Young master sa Totoo Lang bawal sana sila dito e pero Alam nyo na May mga dugong Samurai kaya hindi sila napapansin kapag papasok sila dito sa amin ..
Naka upo Lang si Young Master Sean at Zach habang nakatingin ng Seryoso kay young Lady
Huhu Nakakatakot na dito.
"Seriously Kiana? Hinayaan mong manalo ang Thompson? "- hindi maka paniwalang sabi ni Young master Zach
Tahimik parin si Young Lady
" Ito pa Lang ang kauna-unahang natalo tayong mga Devon?! Akala namin dahil kasama ka namin mas magiging madali ang laban!"- hindi parin na makapaniwalang sabi ni young master Zach
Kinuha ko ang Libro At nag kunyaring nag aaral habang nakikinig sa kanila sa ganitong mainit ang ulo nila kailangan dumistansya
"Ano ba talaga ang nangyari? Bakit na agaw sayo ang Logo ? "- Tanong ni young master Sean
Oo ngano ? Isang malaking kaisipan talaga kung papaano At bakit naagaw kay young Lady ang Logo ? Kilalang kilala ko si young lady hindi Ito basta basta nag papatalo.. sa bilis nyang kumilos mahihirapan ang kalaban sa kanya ..
Huminga ng malalim si Young Lady
" Sa tingin nyo ba ginusto ko ang matalo? Isang besis pa Lang kayo natalo samantala ako ?!! Future husband ko ang nakasalalay sa larong yun !!! Haist!!! "-galit na sabi ni young lady sabay tayo
Binaba ko kunti ang libro para matingnan sila ..
"Anong Futurehusband! Hindi ! Bawal ka umibig sa mga Thompson! " - galit na sabi ni young master Zach
Oo takot sina young master kay young lady pero devon parin sila hindi parin maiwasan na magalit sila lalo na si young master Zach dahil kapag galit ! Galit ! Talaga sya
Tinaasan sya ng kilay ni Young Lady
" At sinong May sabi ?!!! Si Mama ka ba ?!!! "-Galit din na sabi ni young lady
Nako patay na
"Gagawin ko ang lahat wag lang makaapak ang mga Thompson na yan sa isla ko !! "- galit na sabi ulit ni Young master
Parang uusok na sa galit si Young Lady !
Huhu gusto ko nang umalis
Tiningnan ni Young Lady si Young Master ng Seryoso bago nag salita
" At gagawin ko lahat ng makakaya ko upang tumandang binata ka !!! Susunugin ko ang babaeng pakakasalan mo !!! "- seryosong sabi ni young lady
Nanlaki ang mga mata ni young master at parang napa lunok.
Biglang natahamik ang lahat
"Saan ka pupunta?! "- Tanong ni Young master Zach kay young lady
" Susunugin ko ang nguso ng babaeng dahilan ng lahat ng to !! "- galit na sabi ni young lady at sabay alis
Ha? Ano raw?
**** MARVIC POV ****
Kami na yata ang pinaka masayang tao dito ! Sa wakas natalo na din namin ang mga Devon!
Sabi na e effective ang plano namin.
"Diba sabi ko sa inyo mananalo tayo "- pagmamayabang ko
"Oo na pinsan inaamin ko na isa kang henyo "-sabi naman ni jeric sabay akbay sa akin
Napatingin kami kay logan na kanina pa tahimik
" Ano na Logan ? Bye bye Ms.Devon na ba ? " - sabi ko sa kanya
Ngumiti naman sya ..
Ayoooooon ngumiti din!!!
Ganito kasi ang nangyari
^FLASHBACK
Nandito na kami ngayon sa field naghahanda na sa laro.
Tsk siguradong Devon nanaman ang mananalo sa bilis ba naman nila At balita ko mas mabilis at malakas si Ms.Devon sa kanila .
Napatingin ako kay ms.Devon dahil kanina pa sya nakatingin ng masama kay logan At Seah haha nag seselos yata..
Teka??? Hmmmm ..
Tinawag ko si jeric At logan
" Ito masakit man sabihin pero kahit kakampi pa natin ang angkan ni Seah matatalo parin tayo ng mga Devon alam natin kung gaano sila ka bilis"- sabi ko sa kanila
Tumango naman si Jeric samantala dumilim naman ang muka ni logan
Haha Natawa ako .
" Pero dahil sa gwapo ako At matalino May naisip akong paraan "- sabi ko habang nakangiti ng nakakaloko.
Masaya to !!!!
Binulong ko sa kanila ang plano ko ...
"WHAT!!!!! Noooooooo!!! "- galit na pag tanggi ni Logan
"Isipin mo mananalo nanaman ang mga Devon another sampal nanaman sa isla natin! Bilang susunod na tagapag mana ng Isla ng mga Thompson hahayan mo nalang ba na apak apakan ang Isla natin??? Handa ka bang e sacrifice ang labi mo ?? "" - Seryoso sabi ko
Natahimik sya At huminga ng malalim
"Tsk ..Ok Fine! " napipilitan na sabi nya
Yeah baby!!!!!
Nag umpisa na ang laro At sabay sabay kaming tumakbo papasok sa gubat
Simple Lang ang gagawin namin yun ay ang hintayin ang pag daan ni Ms.Devon...
Sigurado ako na sa kanya ipapasa ang Logo dahil sya ang mas mabilis
Nakatago kami ngayon sa likod ng mga puno
Inaabangan ang aming target.
*evil Smile
Napatingin ako kay logan habang kausap ang isa sa mga taohan ng mga Thompson.
Isinandal nya ito sa puno At akmang hahalikan pero bago pa mag lapat ang kanilang labi may biglang bumaba sa puno
Ayoooon!!! Target Spotted!!
Napangiti si Logan kaya mas nilapit nya pa ang mukha nya sa taohan pero hindi parin nakalapat ang kanilang labi
Naka tayo Lang si Ms .Devon habang galit na galit ang kanyang mga mata...
Ito na ang tamang panahon para agawin ang Logo ..tiningnan ko si Jeric sa kabilang puno
Tumango sya At mabilis na tumakbo papunta kay Ms.Devon sabay agaw ng logo at tumakbo papalabas ng Gubat akala ko nga hahabolin nya pipigilan ko sana sya kaso hindi dahan dahan syang lumapit kina logan
Bigla nyang inalis si logan sa harap ng Taohan At mabilis At malakas na sinampal ang taohan dahilan upang ito ay mapahiga
"He's mine!"- galit na sabi nya sa taohan
At mabilis nyang pinunasan ang labi ni logan
"You're mine!"-sabi nya kay Logan At mabilis itong hinalikan sa labi
At sabay lakad alis.
Nanlaki ang mga mata ko ..
Hinalikan nya si Logan???
Bumalik Lang ako sa katinoan ko ng marinig ko ang aming pagka panalo..
Yeeeeeeees!!!!!!
^FlASHBACk END .
Bigla akong napangiti At sabay tingin kay Logan
" Masarap ba humalik si Ms.Devon? " -pang aasar ko kay logan
Tiningnan nya ako ng masama.
*GULP
Sabi ko nga bawal syang asarin.
Nanlaki ang mata ni Jeric.
" Ano ?!!! Hinalikan ka ni Ms.Devon???" -Jeric
Tiningnan din sya ng masama ni Logan.
" Nako baka mamaya mapikot ka nyan ha baka bigla kang ayain ulit ng kasal dahil nag lapat na ang labi nyo " - sabi ko
Kinuha nya ang libro sa gilid nya sabay tapon sa akin..
" Yan ang hindi mangyayari "-seryoso sabi nya sabay lakad paalis .
Sus..
****KIANA POV ******
Nakahiga Lang ako dito sa kama ko !! Nakakainis Lang dahil gusto ko sanang sunugin ng buhay ang babaeng yun kaso naalala ko ulit ang sinabi ni mama bawal akong gumawa ng g**o dito!!!!
Sino sya para angkinin ang mga bagay na nakalaan para sa akin!!!!
Arrghh!!!
Mababaliw ako !!!
Bigla akong napa upo sabay hawak sa labi ko .
Ang lambot ng mga labi nya At ang bango ng hininga nya .
Napangiti ako ...kahit papaano ok Lang pala ang matalo...
Bigla ko ulit na alala ang magkalapit nilang mukha ng babaeng yun..
Kinuha ko ang wet tissue sa gilid ko sabay punas sa labi ko ..
Wala nanaman laman!!!
"Miya !!! " - tawag ko sa kanya
"Bakit nanaman po ?"- nakasimangot na sabi nya
"Kuha mo ako ulit ng wet tissue!!" - Utos ko
"Nanaman?!!! Pang limang wet tissue na yan e ! Ano ba ang nangyayari sa inyo Young lady ! Hahawakan nyo ang labi nyo tapos ngingiti kayo tapos magagalit nanaman ang mukha nyo tapos pupunasan nyo nanaman ang labi nyo tapos hahawakan nyo ulit ang labi nyo tapos ngingiti nanaman tapos pupunasan nanaman tapos pa ulit ulit nanaman! Ano po ba problema nyo ?"- miya
Tiningnan ko sya ng masama
"Kukuha ka o kukuha ? "-seryoso sabi ko
Padabog syang lumakad paalis para kumuha ulit ng wet tissue
Haist!!!
Problema ko ? !!! Si logan!!
****
-KINABUKASAN -
Pumasok ako sa room namin at pag pasok ko lahat sila nakatingin sa akin kaya tiningnan Ko sila ng masama.
Huminto ako sa gitna hindi ko alam kung tatabi pa ba ako kay Logan o Tatabi na ako sa mga kapatid ko .
Syempri hindi ko na kailangan pumili dahil tatabi parin ako kay Logan..
Nakatingin sya sa akin ng Seryoso.
Tsk.Halikan kita dyan e .
"Bakit ka nandito? Diba may usapan tayo na hindi mo na ako gugulohin pag nanalo kami? ! Don ka !" - pagtataboy nya sa akin .
Tinaasan ko sya ng kilay..
" Ginugulo ba kita? Dito na ako naka upo kaya Wala ka ng magagawa ko !kung ayaw mo akong katabi ayon tabihan mo ang mga kuya ko " - sabi ko sa kanya
Napatingin naman dito sina kuya At nakatingin ng masama kay Logan.
Tsk.
"Haist "- logan
Napatingin ako sa isang pinsan ni Logan dahil kanina pa tingin tingin sa akin tapos ngingiti na parang ewan..
Sinipa ko ang upoan nya kaya napa ayos sya ng upo At diritsong nakatingin sa harap nya .
Ano nga ulit pangalan nito??
Marvic?
"Kamusta naman ang talonan na tulad nyo ? " - nang aasar na sabi nya Habang hindi nakatingin sa akin
Akala ko ba wag ko syang gulohin pero sya tung nag uumpisa e !!
" Sa dami ng napanalonan ng Angkan namin yabang na yabang kana sa unang besis na panalo nyo ? Paalala ko Lang ha hindi pa kayo nakakalahati "- pang aasar ko din
Ito pala ang gusto mo ha !
Tiningnan nya ako ng masama
" Sa susunod na laban kami nanaman ang mananalo "-sabi nya
Ngumiti ako ng nakakaloko
"Ok . Gusto mo ba e Congratulate kiss in advance na ba kita "- sabi ko habang nakangiti ng nakakaluko
Narinig ko nanaman tawa ng dalawang pinsan nya sa harap namin kaya sabay naming sinipa ang upoan nila
"Sarap na sarap ka ba sa nakaw na halik mo sa akin ?"-sabi nya
Talaga namang!!!! Hinahamon nya talaga ako sa laban ng asaran ha!
" Oo naman babe first kiss kaya natin yun "-sabi ko
Ang sama nanaman ng tingin nya sa akin
"look princess! Hinding hindi ako papatol sayo "- Seryoso sabi nya
Aray ko po !!! Parang gusto ko nalang yata mabaril !!
Pero Hindi ! Hindi ako papaapekto sa lalaking magiging akin din sa huli!
" Paano ba yan My Prince Patol na patol ako sayo " sabi ko sabay kindat sa kanya
Magiging akin ka din Logan pag gusto ko gusto ko !!
" Ganyan ba ka desperada ang mga babae sa isla nyo ? Kahit alam nyong ayaw sa inyo ng lalaki pero pinipilit nyo parin ang sarili nyo "- sabi nya habang nakatingin sa akin ng Seryoso
Tiningan ko sya ng mabuti.
" Sa Isla namin hindi pero Ako ? Oo, Lahat na kukuha ko sa ayaw mo o sa gusto " sabi ko
Ngumiti sya ng nakakaloko
" Pwes ,Young Lady ibahin mo ako " - sabi nya
Magsasalita na sana ako kaso dumating na prof namin .
Tsk!
Bakit ba ang hirap mong makuha!!
Natapos na ang klase At tulad nga ng napag usapan namin ni logan hindi ko na sya ginugulo kapag kinakausap nya ako tsaka ko Lang din sya kakausapin. Pero ang usapan namin hindi ko sya gugulohin sa room yun ang intindi ko kaya bahala sya .
Naglakad ako papunta sa Dorm
Nakaramdam ako na parang May nakasunod sa akin .
Hmmmm ?
Ano nanaman kaya ang kailangan nila ..huminto ako At hinintay ang gagawin nila sa akin..
Tinakpan nila ng panyo ang ilong ko dahilan upang mawalan ako ng Malay ...
Nagising ako ng May bumuhos ng tubig sa mukha ko .
Pag dilat ng mga mata ko nasa Gubat ko At nakatali sa puno..
Napatingin ako sa harap ko ...
" Kamusta Magandang Binibini?" -sabi ng pangit na lalaki
Napatingin ako sa paligid .
Bakit ang dami nila ?
" Anong kailangan nyo ?"-I coldly said
Tumawa muna sya bago nag salita
" Syempri ikaw ang kailangan ko "-sabi nya habang hinawakan ang pisnge ko
Sigurado ako bugbug aabotin mo sa akin mamaya..
Pasalamat ka hindi kita pwedi patayin dito.
" Hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko " - sabi Nya habang Inaayos ang sarili nya
" Wag ka nang mag pakilala wala din naman akong pake e " - walang ganang sabi ko
Lumapit sya sa akin At sinampal ang mukha
Ko ...
My precious face !!! Paaano na ako magugustohan ni Logan nito!!! Bwesit na lalaki to!!!
" So Ano to? Sasaktan nyo ako habang nakatali ako ? Sa dami nyong yan? Hiyang hiya naman ako sa inyo mga boys!!! " -pang aasar ko sa kanila
"Nang dahil sayo humina ang angkan namin!!! Dahil sayo nasunog ang isla namin!!!! Dahil sa kagustohan mong makuha ang Oso namin!!"-galit na sabi nya sabay suntok sa mukha ko
Nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko
Teka? Oso?
Naalala ko na sa kanilang isla pala yun? Gusto ko Lang naman bilhin ang Oso nila pero anong ginawa nila ? Binastos nila ako kaya nararapat Lang sa kanila yun
" Buti nga sa inyo " - nakangiting sabi ko .
Bigla nya nanaman akong sinampal ng malakas.
Nakakarami nato sa akin ha ..
" Hoooy Ikaw ! Higpitan mo nga ang pagkakatali mo sa akin ! Naku pag ako nakawala dito! ...... Magsisi kayo "-sabi ko sa isang lalaki.
Lumapit naman sya At hinigpitan ang pagkakatali sa akin..
"Pag to nalaman ng mga kapatid ko sigurado hindi na kayo sisikatan ng araw kaya kung ako sa inyo bilisan nyo na para maka uwi na tayo " - sabi ko
Dala kaya ni miya yung mga gamot ko para mabilis mawala ang pasa ko
" Sino May sabing makakauwi ka ? Pakikinabangan muna namin yang katawan mo bago ka itapon sa dagat " sabi nya habang humuhubad ng short..
Tama kanilang Isla nga yun Isla ng mga manyakis..
Pinikit ko ang mga mata ko pag to humawak ulit sa akin huling araw na nila to ...
"Anong nangyayari dito?? " -
Napadilat ang mga mata ko dahil sa pamilyar na boses .
Sh*t Anong Ginagawa nya dito?
Ano nalang ang sasabihin nya sa mukha kong to ?
"Hoooy Logan wag ka ngang makialam !" - sabi ko habang naka yuko
Baka makita nya tong mga sugat ko
Edi lalo syang hindi magkaka gusto sa akin.
" Kiana? Ikaw ba yan ? " -
"Oo ako to ! Sige na nag uusap kami dito " - sabi ko habang naka yuko parin
"Pero bakit naka tali ka ? " - sabi nya
Chismoso!!!
"Wag ka nang makialam dito!"- sigaw ng lalaki
Naramdaman ko ang paglapit ni logan sa akin
Inangat nya ang mukha ko
Nagulat sya ng makita nya ang mukha ko
Sabi kasing umalis na e !!!
Nang dilim ang mukha nya tiningnan nya ng masama ang kalaban ..
Mabilis pa sa kabayo pinag sisipa nya ang mga kalaban
Sinuntok nya ang mga lalaki
Ang bilis nyang kumilos
Yaaan ang lalaking mapapangasawa ko !!!
Nakahiga na ang mga lalaki pero May mga kasamahan parin silang dumadating
Pero si logan parang hindi napapagod galit na galit parin ang kanyang mukha parang gusto nyang pataying ang kanyang kalaban... nakakatakot sya ...
" Araaaaay! Bwesit na langgam to! " sabi ko
Malakas na tinanggal ko ang tali sa kamay ko sabi ko naman kasi higpitan e
Kinamot ko ang kinagat ng langgam...nakakinis naman bakit kasi may langgam dito!
Napatingin ulit ako kay logan na kanina pa pala nakatingin sa akin ng masama habang hingal na hingal napagod siguro sa pakikipag laban
Habang nanlalaki naman ang mga mata ng kalaban habang nakatingin sa akin at mabilis na nagsi takbohan...
Lumapit si Logan sa akin at tiningnan ako ng masama
" Kaya mo naman palang tanggalin ang tali bakit hinayaan mo silang Saktan ka "- malamig na pag kakasabi nya
Hindi ako agad nakapag salita..
" Gamotin mo ang sugat mo "- seryosong sabi nya
At nag lakad paalis ..