**** KIANA POV *****
Nandito parin ako sa gubat ..
Naka upo ako habang naka sandal sa puno
Haist !!! Paano ako papasok nito bukas ng ganito ang mukha !!! Bakit ba kasi sa dinami daming tao pweding dumaan dito bakit kasi si Logan pa !!
Alam ko na pweding mangyari to sa akin hinayaan ko silang gawin to dahil gusto ko sanang mahimasmasan ! Kaya ko naman ang sarili ko e !!
Naiinis ako tuwing nakikita ko si logan !!! Nakakainis dahil ang hirap nyang makuha !!
Gusto ko sya !!!!!! Gustong gusto ko sya !!!
Tumayo ako
At napa daing ako dahil sa sakit ng aking katawan lalo na ng mukha ko !
Naglakad ako papunta sa dorm siguradong magtataka nanaman si miya !
Pagdating ko sa Dorm sinalubong agad ako ni miya
Nanlaki ang kanyang mga mata pagka kita nya sa akin
"Young—La—dy?! Anong nangyari sa inyo !!! Sino ang May gawa nito !!!"-nag-aalala/Galit na pagkakatanong nya
" Nadapa Lang "-sabi ko sabay higa sa kama
Huhu .sakit talaga ng katawan ko
"Nadapa?? Sinong madapapa ng ganyan? Putok ang labi ? Halos naka pikit na ang isang mata ? Halos masira ang napaka ganda nyong mukha!!!! Tapos na dapa Lang !!! Sinong niloko nyo !"-galit parin sya
Tingnan mo to !! Imbis na gamotin ang Sugat ko !!! Ang dami pang sinasabi
Ang sarap kaya sa feeling ng mabugbug minsan parang kasing nagigising ka sa kahibangan mo ..... pero sa lagay kong to ?? Ang himbing parin ng tulog ng kahibangan ko dahil gusto ko parin makuha si Logan!!
Hindi kaya kulang pa to ??? Baka kailangan ko pang ma hampas sa ulo????
Napatingin ako kay miya dahil napaka seryoso nya ..
"Sino ang May gawa nito??kailangan nilang mapugotan ng ulo!!! "- galit na sabi nya
"mula sa Isla ng mga Oso "- simpleng sagot ko
" Yung mga maniac na yun!!!! Pag babayaran nila ang ginawa nila sayo!!"- sabi nya habang nag aapoy sa galit ang kanyang mga mata
Tsk..
"Oo na !! Pwedi ba gamotin mo na tong sugat ko ! "-inis na sabi ko
Tumango naman sya
Parang matatagalan yata ang pag galing ng sugat ko At matagal ko hindi makikita ang logan ko !!!!!
***MIYA POV ***
Naka simangot ako habang ginagamot ang sugat ni young lady .. TSS !! Nakakainis!!! Hindi ko parin talaga sya maintindihan bakit kasi kailangan nya pang hayaan na saktan sya !
Ganyan si Young lady Kiana pag tinutopak nag hahanap ng away tapos mag papabugbug tsaka nya gagantihan kapag satisfied na sya !
Napaka!!!! Nakooooo!! Napakaaaaaaaaaa!!!! Hoooooo! Ang hirap mag salita !!
"Araaaaay!!! Dahan dahan naman !!! "- daing ni Young lady
Napa diin ko yata ng malakas
"Sorry po ha akala ko po kasi hindi na kayo nasasaktan e ! Hayaan ba naman na bugbugin kayo "- sarcastic na pagkakasabi ko
Hindi Naman sya nagsalita ! Paano nga naman magsasalita e putok nga ang labi !
Pag to nalaman ni Lady Sandy lagot kaming dalawa!!! Huhu
Dapat hindi to malaman nila Young master dahil double Kill ako ay mali !!! Triple Kill pala ! Malalagot ako kina Young master malalagot ako kina Mama At Papa At malalagot ako kina Lady Sandy!!!!!!
"Araaaay Miya Ano ba !! ". - Daing ni young Lady habang nakatingin sa akin ng masama
Sus . Akala mo naman hindi din putok ang mata halos nakapikit na nga ang isang mata mo May gana kapang tumingin ng masama !
"Hehe Sorry " - sabi ko with fake smile
Huhu naiinis talaga ako kapag May nanakit kay Young Lady ! Handa akong kumitil ng buhay para Lang sa kanya!! Ganyan ako ka seryoso bilang kanang kamay /Bestfriend nya
"Nakikilala mo ba ang May gawa nito sayo? "- Tanong ko
Tumango sya
" Dito din sila nag aaral " - sabi nya
Ngumiti ako ng nakakaloko
Mapapadali yata ang pag ganti ko sa kanila tatadtadin ko ng Suntok ang mga mukha nila!!!
" Hayaan muna natin sila wag na wag mo silang gagalawin dito sa Campus baka mapa aga ang uwi ko ng Isla "- sabi ni Young Lady sabay higa na sa kama
Haist !!!
Ano kaya ang sasabihin ko kina Young master pag hinanap nila si Young Lady ?? Huhu !!!
Young Lady naman kasi e !!!
**** JERIC POV ****
Nandito kami sa Sala habang nanonood ng Palabas ng biglang dumating si Logan na puro pasa ang Mukha ..
Sabay kaming napatayo ni Marvic
"Anong nangyari sayo?"- Nagtatakang tanong ko sa kanya
" Sinong nakaaway mo ?! "- Tanong din ni Marvic
"May tinulongan Lang na ULOL na Aso " -nakasimangot na sagot nya
Ha ?? Kailan pa nagkaron ng aso dito ???
"Bakit mo Tinulongan! Paano kong kagatin tayo nun ! Dapat pinatay mo ! " -sabi ni Marvic
Tsk .. Sinong niloko mo Logan ..Siguradong napa away talaga to...
Humarap ako kay Marvic
"Bakit ULOL ka din Naman ah ! Pinatay ka ba namin!? "- pang aasar ko
" Matutulog na ako ! Ayaw ko ng maingay!"- sabi ni Logan sabay pasok sa kanyang kwarto
Napatingin ako kay Marvic dahil ang sama parin ng Tingin sa akin
Dahan dahan akong lumakad At mabilis na Tumakbo papasok sa kwarto ko sabay Lock ..
" Hooooy!! Lumabas ka dyan !!! ULOL pala ha !!"- malakas na pag katok nya sa pinto ko
Katok sya ng katok sa pinto !
Gusto nya yatang sirain ang pinto ko e .
"Hooooooy labas ! Tingnan natin kung sino sa atin ang ULOL!!! Labas ka dyan ! " - sabi nya habang kumakatok sa pinto ko ng malakas
Hindi nag tagal narinig ko ang pag bukas ng pinto ng kwarto ni Logan
Biglang tumahimik si Marvic sa labas At narinig ko ang mabilis na yapak na parang tumatakbo At kasabay non ang malakas na pag Sara ng pinto na mula sa kwarto ni Marvic..
Yan tuloy sabing was maingay e :, haha
****
Nandito na kami ngayon sa Room hinihintay ang prof namin
Napatingin ako sa likod ko
Hmmm ? Himala At wala si Ms. Devon
Napatingin ako kay logan na kanina pa natutulog.
Diba maaga to natulog kagabi ? Bat puyat nanaman to ?
"Pssst. Bakit wala pa si Ms. Devon ? " - Tanong ni Marvic sa akin
Tsk.
"Aba Malay ko "- sagot ko naman
Napatingin ako sa dalawang Devon na kanina pa patingin tingin sa pinto kahit sila parang nag taka din kung Bakit hindi pa dumadating si Ms.Devon
Umayos ako ng upo ng dumating na si Prof .. agad din Naman Ginising ni Marvic si Logan
At natapos nalang ang aming klase na hindi parin dumating si ms .devon
? hmmmm?
Tumayo na kami upang lumabas ng Room
Halos patakbong umalis ang Devon Brothers palabas ng Room..
" Napaka Boring naman ng araw nato " - Marvic
" Bakit kaya hindi pumasok si Ms .Devon ngayon ? Natakot na ba sayo logan ? " - Tanong ulit ni Marvic
Tiningnan sya ng masama ni Logan
" Sana nga At sana umuwi na sya sa kanilang Isla "- sagot ni Logan At na unang umalis
Napahinto si Logan ng Dumaan ang Mga Taohan ng Isla ng mga Oso ..
Tiningnan nila ng masama si Logan
"Anong problema nyo ha !"- matapang na sabi ko sa kanila
Hindi sila sumagot sa halip ay dumiritso na sila ng alis .
Mga Duwag !!!
"Anong problema nila ? Anong karapatan nilang tingnan ng masama ang tagapag mana ng Isla ng mga Thompson!!!"- galit na sabi ni Marvic
Oo nga !!!!
Pinapainit nila ang Ulo ko !
" Sila ba ang naka away mo kagabi? ". - Tanong ko
"Oo "- sagot nya At tuloyan ng umalis
Ha ? Pero bakit ? At mula pa talaga sa isla ng Uso .Tsk kilala ang isla ng mga Oso dahil sa daming Oso na kanilang inaalagaan At maliban pa don mahirap silang kalabanin dahil hindi sila tumutigil makaganti Lang sa kanilang kaaway... Babalik balikan ka nila ..
Tsk .. Siguradong away nanaman to .
" Sila pala yun ?? Alam mo ba na humuhina na ang Isla ng mga Oso At Balita ko dahil daw yun sa Isla ng mga Devon kinalaban Lang naman nila ang isa sa pinaka malakas na Isla .Tsk kawawang nilalang " - sabi ni Marvic
Isla ng Mga Devon ? Siguradong babalik balikan nila ang mga Devon Pero bakit naka away ni Logan ang mga yun ???sa pagka kilala ko kay logan hindi sya basta basta nakikipag away at walang May lakas ng Loob upang kalabanin sya maliban nalang sa mga Devon at walang ginawa si Logan para kalabanin sya ng mga Taohan ng Isla ng mga Oso ..
May kinalaman ba ang mga Devon dito???
Napatingin ako kay Marvic ng hampasin nya ako !
Arraaay!
" Hoooy !!! Ano ba ang inisip mo ha ! Kanina pa kita kinakausap ! Sabi ko alis na tayo !!! " - Marvic
Tiningnan ko sya ng masama At iniwan sya
****** MIYA POV ******
Binilisan ko ang takbo
Kailangan hindi nila ako maabotan halos madapa na ako sa sobrang bilis dahil alam ko na napaka bilis nila .
Kailangan maunahan ko sila
Pumasok ako ng Dorm namin ni Young Lady At mabilis na isinara ang pinto
Napatingin sa akin si Young lady
"Anong nangyari sayo ?"-nagtatakang tanong nya
" Parating na sila Young Lady! Anong gagawin natin?"-halos natatarantang sabi ko
Nanlaki ang kanyang mga mata
"Hindi dapat nila makita ang aking mukha!"-natataranta rin na sabi ni young Lady
Huhu .Parating na Sina Young Master !!!!!
Malalagot ako huhuhu
"Umuwi po muna kayo ng Isla " sabi ko
Tinaasan nya ako ng kilay
" Gusto mo bang pareho tayong malagot kay mama ?"- sabi nya
Naku!!! Oo nga pala
" Young Lady Anong gagawin natin!!!! Malapit na sila !!!! " - mahalos mahimatay na pagkakasabi ko
Bigla syang ngumiti
At talagang May gana ka pang ngumiti sa ganitong sitwasyon!!
Hindi sya nag salita basta nya Lang binuksan ang bintana ang sabay talon.
Nanlaki ang mga mata ko
"Young Lady !!!!! " - Sigaw ko
Pag tingin nasa puno na sya meron kasing mga puno malapit sa bintana nya ..
Ngmuti sya sabay kaway ....
At umalis..
Nagulat ako dahil sa lakas ng katok sa aming pinto ...
Sina Young mAster !!!!
Teka hindi sinabi sa akin ni young lady kung ano ang sasabihin ko kina young master !!!!
Dahan dahan na binuksan ko ang pinto
" Young master " - sabi ko sabay Yuko
" Nasan si Kiana ?"- seryosong tanong ni Young master Sean
"Bakit hindi sya pumasok kanina?"- seryosong tanong din ni young master Zach
Huhu .
" Baka May pinuntahan Lang po alam nyo naman po yun umaalis ng walang paalam "- sabi ko sabay ngiti
Jusko! Sana hindi nila mahala ang pagsisinungaling ko
Tiningnan nila ako ng seryoso
" Sabihin mo sa kanya Uuwi muna kami ng Isla pinapatawag kami ni papa " - sabi ni young master Zach
What??? Huhu bakit?
" Masusunod po Young master " - magalang na sabi ko
Yeeeeees!!!
***** KIANA POV ****
Nandito ako ngayon sa dalampasigan nakahiga sa buhangin .
Ang Sarap talaga dito At sigurado akong hindi ako mahahanap ng mga kakambal ko dito dahil tanging kami Lang na Logan my loves ko ang nakakaalam dito ..
Hindi ko namalayan ang oras mag gagabi na pala naka tulog ako ng mahimbing
Bakit parang ang init ngayon
Hmmm makaligo nga muna ..
Gabi naman e At hindi naman Wednesday at Sunday ngayon kaya hindi dadating si logan ngayon.
Hinubad ko ang damit ko
At nag umpisang maligo sa dagat
*****LOGAN POV******
Naglalakad ako papuntang dalampasigan ngayon ..
Kailangan ko mapag isa napaka ingay sa dorm pag don ako nag pahinga
Nag salubong ang mga kilay ko ng may nakita akong mga damit na nakakalat ..
Ano to ????
Bakit May b*a dito? Dinampot ko ang b*a At tiningnan ng mabuti ..
Bakit May b*a dito ?
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko si Kiana..
Napatingin ako sa paligid ko .
" Pwedi bang ibaba mo yan ? "- seryosong sabi nya
Napatingin ako sa kanya
nasa dagat sya
Nakatingin sya sa akin ng Seryoso
Tapos biglang ngumiti
" Pakasalan mo muna ako bago mo makita ang katawan ko" - sabi nya sa akin
Tsk ...
Tumalikod ako
" Bakit ka naliligo dito ng ganyan Lang Paano kung May ibang taong makadiskubri dito At nakita kang nakaganyan Lang At hindi pa magaling ang iyong mga sugat niligo mo na sa dagat?? " - hindi makapaniwalang sabi ko
Ganyan ba ang mga babae sa Isla nila ? Masyadong kakaiba.
" Mainit e " - Bulong nya sa tenga ko
Tumalikod parin ako
" Mag suot ka ng damit mo !"- seryosong sabi ko
Hindi lahat ng lalaki kasing bait ko
" Paano ako magbibihis kung hawak mo pa ang b*a ko " - sabi nya
Agad ko namang inabot sa kanya habang hindi parin tumitingin..
"Tapos na " -sabi nya
Agad naman akong humarap sa kanya
" Sa susunod wag kang maliligo dito ng walang Saplot !! Dahil hindi Lang Ikaw ang nakakaalam dito " - sabi ko
Tinaasan nya ako ng kilay
" Diba sabi mo pwedi akong pumunta dito wag lang Wednesday at Sunday " - sabi nya
Anong araw ba ngayon?
" Kahit na!!! wag ka parin maliligo ng naka ganon Lang ! " - inis na sabi ko tsaka nag lakad na paalis
Nakakainis talaga !!!
Iniwan ko na sya don ... kailan ba sya uuwi sa Isla nila !!!
Hooo! Bakit parang umiinit yata ang panahon ngayon ..
***** KIANA POV ****
Sumasakit ang tyan ko ngayon dahil sa kakatawa..
Yung mukha ni logan !!! Namumula !
Ang cute Lang ..
Ang sarap nya talagang e uwi sa Isla !!
Hindi ko naman alam na pupunta sya dito e ..
Hahaha!
Humiga ulit ako
30 minutes yata ako nakahiga dito simula ng umalis si Logan
Parang na miss ko yata sya ngayon
Inayos ko ang sarili ko At sinundan sya
Nandito na ako ngayon sa harap ng DORM NIla
Napangiti ako dahil bukas ang Bintana ng kwarto nya At mas lalo akong napangiti dahil
May malapit na puno sa bintana nya ..
Hmmmm ...
Mabilis akong umakyat sa puno At sabay talon papasok sa bintana..
Wow ..Napaka Linis ng kwarto nya
Pero bakit walang tao ? Nasan si Logan
Napatingin ako sa isang pinto .
Baka nasa Loob ng CR .
Hehe ..
Humiga ako sa kama nya ..
Waaaaa Bakit mas malambot to sa kama ko !!!!!
Napa upo ako ng bumukas ang pintoan ng CR nya
" Anong Ginagawa mo dito??" - gulat na gulat na tanong nya
Habang ako nakatulala sa aking nakikita
Agad syang napatingin sa sarili nya At agad nyang tinakpan yung Ano nya yuuuung Ano yuuuuuuung kanyang MANOK NA PULA....
Diba dapat naka tuwalya sya ????
My Virgin Eyes !!!!!
Tiningnan ko sya sa kanyang mga mata
" Pananagutan kita "- seryosong sabi ko