Chapter 1

1335 Words
“Aurelia!” sigaw ni mama sa akin. Agad akong umalis sa may lababo para puntahan siya. “Ano ito? Anong mga kalat na naman ito ha!” sigaw niya sa akin. Tinignan ko naman ang mga kalat na sina sabi niya. Ito ang mga kalat na iniwan ng kapatid kong si Carlo. “Hindi po ako ang nag kalat niyan mama, si Carlo po,” sagot ko sakanya at sinimulan ko nang ligpitin ang mga kalat sa sahig. “Kahit na! ikaw ang ate, bakit hindi ka man lang mag kusang mag linis na bahay na ito ha” sambit niya sa akin. Agad naman akong napa ngiwi sa sinabi. Nag bi biro ba siya? Kaninang umaga pa ako nag li linis ng bahay. “Nag hu hugas po ako ng mga plato mama, kanina pa rin po ako nag linis dito, sadyang nag kalat lang po si Carlo,” sagot ko sakanya. “Talagang suma sagot ka pa?!” galit na tanong niya sa akin. Umiling naman ako sakanya. “Hindi po, nagpapa liwanag lang po ako,” sagot ko naman sakanya. “Ligpitin mo na ‘yan ha, kapag ‘yan dinatnan ko pa, ipapa lamon ko sa’yo lahat ng kalat na ‘yan!” sigaw niya sa akin. Bumuntong hininga ako sa sinabi niya at umiling nalang. Wala akong nag awa kung hindi unahin ang kalat na iniwan ng kapatid ko rito sa sala. Palagi nalang ganito ang nagiging sitwasyon sa loob ng bahay, para akong ka tulong, lahat ng Gawain sa bahay ay sa akin pinapa gawa, pina tigil na rin ako sap ag aaral dahil hindi na raw nila kaya na suportahan ang dalawang anak sa pag aaral. Bakit pa ba sila nag anak kung isa lang pala kaya nilang suportahan nila. “Ate” tawag sa akin ni Carlo. “Pumasok ka nalang sa kwarto mo, Carlo. Nili ligpit ko pa ang mga kinalat mo rito sa bahay,” sagot ko sakanya nang hindi ko siya tini tignan. “Bakit ayaw mo akong kalaro?” tanong niya sa akin. “Sa dami ng ginagawa ko rito sa bahay, kung hindi ka pa nag ka kalat, ma bilis sana akong mata tapos at makaka laro mo ako,” sumbat ko sakanya. Ngumiwi naman ito sa sinabi ko. “Edi mamaya mo na ‘yan gawin, tapos makipag laro ka sa akin,” sagot niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin dahil lalo lang akong mata tagalan kapag sinagot ko pa siya. “Ano ate? Laro tayo, dali na!” sabit niya sa akin pero umiling ako saknaya. “Carlo sinabi ko na sa iyo, hindi ako makakapag laro, ang kulit mo naman!” sagot ko sakanya at iniwan siya sa sala at pumasok ako sa kusina para ituloy na ang mga platong hinu hugasan ko. “Isusumbong kita kay mama!”’ sigaw niya sa akin kaya napa ngiwi ako agad sa sinabi niya. Puro naman siya ganyan, puro sumbong kay mama o kay papa, hindi na nag sawa sa araw araw nalang. “Mag sumbong ka!” sigaw ko sakanya pa balik at itinuloy na ang hinu hugasan ko. Pagka tapos na pagka tapos ko ay bigla namang lumitaw sa kusina si mama galit na galit. “Ano na naman ba mama?” pagod na tanong ko sakanya. “Bakit mo na naman pinapa iyak ang kapatid mo ha! Araw araw nalang Aurelia, hindi ba kayo nag sasawang mag away mag kapatid ha!” galit na tanong niya sa akin. “Sana tinanong mo muna mama kung totoong inaway ko ‘yang si Carlo,” panga ngatwiran ko sakanya. Palagi nalang ganito, isang sumbong ni Carlo ako na agad ang may kasalanan, habang siya naman ang biktima, siya na naman ang kawawa. “Suma sagot kana talaga! Ayan ba ang nakukuha mo sa kaka barkada mo sa labas ha!” sigaw niya sa akin at hinampas niya ako sa braso. “Hindi nga ako luma labas ng bahay dahil palaging sa akin ang gawaing bahay, hindi nan ga po ako nasisilayahn ng araw dahil sa dami ng ginagawa rito sa bahay,” sumbat ko sakanya. Sa bata kong edadm halos banat na banat na ang buto ko dahil sa mga pinapa gawa nila sa aking mga gawaing bahay. “Ayan ang responsibilidad mo bilang anak dto sa bahay, ikaw ang panganay dito, babae ka, natural lang na alam mo ang mga gawaing bahay dito,” sambit niya sa akin. Ngumiwi naman ako sa sinabi niya. “Sa bata kong ‘to mama, tina tawag mo pa bang responsibilidad iyon?” tanong ko sakanya. “Oo! Anak lang kita kaya sumunod ka sa mg aini uutos ko sa’yo!” sagot niya sa akin. Ngumiti naman ako sakanya at bumuntong hininga. “Sige po, ma su sunod po,” sagot ko sakanya at iniwan na silang mag nanay sa loob ng kusina. Pagod na pagod akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama, agad akong nak atulog dahil maaga palang ay guma gawa na ako ng mga gawaing bahay. Hindi pa man tuma tagal ang tulog ko nang biglang may kumatok sa may kwarto ko, tumayo ako at binuksan ko ang pintuan, bumungad sa akin si papa na kasama si Carlo. “A alis kami, mai iwan ka rito sa bahay,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sakanila. “Isa sama natin si Aurelia,” sambit ni mama sa akin. Agad namang sumaya ang kalooban ko dahil sa sinabi ni mama. Agad akong nag bihis ng ibang damit para hindi sila mag hintay ng matagal sa akin. Pagka tapos kong mag bihis ay inaya na kami ni papa na lumabas ng bahay, sumakay kami sa sasakyan at nag punta kami sa bayan na hindi ako pamilyar. “Tara na,” sambit ni mama at inalalayan si Carlo pa baba, habang ako naman ay mag isang bumaba ng sasakyan kahit na mahirap, muntik pa akong ma dapa. May na daanan kaming stall ng mga pagkain, binilhan nila ako ng pagkain kaya masaya ko itong tinanggap. “Aurelia, paki bilhan mo naman ang kapatid mo ng cotton candy, gusto mo rin ba?” tanong ni mama sa akin. “Oo mama,” sagot ko sakanya. Tumango siya at binigyan niya ako ng isang libong buo,. “Ang laki naman nito mama, baka wala silang panukli rito,” sambit ko sakanya. Umiling naman siya sa akin. “Meron silang panukli diyan sige na, marami pa tayong bibilhing pagkain,” sambit niya sa akin. Tumango ako sakanya at masaya akong bumili ng cotton candy, pinalitan naman ni manong ang pera ko. Nang pa balik ako kung saan sila bumi bili ng pagkain kanina ay na wala an sila roon. Blanko kong tinignan ang pwesto kung saan sila naka tayo kanina. Unti unti kong napag tanto kung bakit bigla silang bumait sa akin, kung bakit nila ako sinama, kung bakit ako binilhan ng pagkain, kung bakit nila ako binigyan ng isang libo, dahil iiwan nila akong mag isa rito. “Hindi ko kayo mahal mama,” naka ngiting sambit ko sa hangin habang blanko pa rin ang tingin ko sa kawalan. Hindi ko na sila hinanap pa dahil ayoko nang pagurin ang sarili ko. Ang pag tira sa lansangan at ang pag tira sa bahay na iyon ay wala naman ding halos pinag kaiba, mas magaan pa ng ana tumira rito sa lansangan kasya tumira sa sa bahay na walang ginawa kung hindi mag sigawan. Walang ginawa kung hindi pagurin ang bata kong katawan, hindi nga naman nila ako sina saktan nang pisikal pero ang mga nararanasan kong trabaho sa may bahay ay para na ring sing bigat ng bawat hampas at suntok na pwedeng matanggap ng katawan ko. Kinuha ko ang dalawang cotton candy na binili ko kanina at ang pagkain ko at nag simula nang kumain na ma bigat ang loob ko pero wala man lang akong ma ramdaman na kahit anong luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD