Jake's life tragedy (tagalog)

1969 Words
-Maxfein- "Anak, Maxfein gising na, maaga tayo ngayon sa school mo" gising ni mama sa akin habang inaayos ang kurtina ng bintana sa kwarto ko ng nakabihis at parang ako na lang ang hihintayin. "Oo ma, ito na po babangon na ko" naghihikab pang sabi ko habang binabanat ko ang aking mga braso na parang nangalay sa masarap na pagkakatulog. "bilisan mo, maligo ka na at kumain, anong oras na oh" sabi ni mama na tumuturo sa orasan. Agad na akong naligo at kumain pagkatapos ay nagtungo ako sa harap ng salamin para mag ayos ng aking muka at habang nagsusuklay ako napansin kong may isang tigyawat sa aking noo kaya pinisil ko ito "araaaaay" napangiwi ako sa sakit. "Oh Max, wag ka nang magpakatagal sa salamin at maganda ka na" pabirong sabi ni mama habang nagsasakbit ng bag sa kanyang balikat. Kaya napangiti akong bahagya, kinuha ko ang nakasabit na payong na nasa harapan ko bago kame tuluyang lumabas ng bahay. Habang nag aabang kame ng jeep sa labas. "Anong sabi ni Jake, nung nalaman na aalis na tayo dito?" tanong ni mama sa akin. "wala, wala naman syang magagawa diba, syempre sobrang nalungkot na halos iiyak na" nakasimangot na sagot ko. "Uso naman yung tinatawag na LDR, meron na ding video call makikita nyo parin ang isa't isa" pang aalo naman sa akin ni mama na parang gustong pawiin ang aking kalungkutan. Hanggang sa may tumigil nang jeep at sumakay na kame ni mama. Nasa may pinto ako ng jeep habang si mama ay nasa gitna ng harapan ng upuan na kinauupuan ko. "bayad po" sabi ni mama sabay abot ng kanyang kamay sa babaeng nasa unahan. -@Saint Stephen's High School- "asan na kaya yon? sabi nya papunta na sila ni tita" sabi ni Blythe kay Mica habang hinihintay si Maxfein. "ano ka ba, kalma lang girl, dadating yon" sabi naman ni Mica habang nakangiti na nag cecellphone at tila may kalandian sa chat. Hanggang maya maya ay nakarating na nga sina Maxfein at ang kaniyang ina pagbaba nila ng jeep ay nakita agad nila sina Blythe at Mica. "Hi, tita Grace" agad na bati ng dalawa sa nanay ni Maxfein "Hello, musta kayong dalawa?" nakangiting tanong ng ina ni Maxfein "Ayos naman po, magaganda paren, char" pabirong sagot ni Blythe habang sila ay naglalakad papuntang room nila upang makapagpaalam din si Maxfein sa iba pa nilang kaklase. Habang ang nanay niya ay mag aasikaso ng mga kailangan sa paglipat ni Maxfein. "Magbabait na kayong dalawa ha, kapag umalis ako" pabirong totoong sabi ni Maxfein sa dalawa niyang kaibigan. Nang makarating sila sa kanilang class room ay agad na lumapit si Jen ang kaklase nila na laging bida bida at dito asar na asar si Blythe at Mica. "oy, Max totoo lilipat ka na ng school? nakaka sad naman" sabi ni Jen sa pagka maarteng boses. Kaya naman nag tinginan si Blythe at Mica na parang may ibigsabihin "oo e" maikling sagot naman ni Maxfein "Hoy Jen, lumayas ka dyan sa unahan may kinokopya ako!" sigaw ni Jomel na ginagaya pala yung poster na SpongeBob na nakadikit sa harap ng teacher's table. Kaya naman parang napahiya si Jen at bumalik sa upuan nya. Maya maya ay nakita nilang paparating na ang kanilang teacher kasama ang nanay ni Maxfein. "oy limutin yung papel sa harap mo Ricky, yari ka kay mam" pag uutos ni Paulo kay Ricky na katabi nya. Nang tuluyang makarating ang kanilang guro kasama ang nanay ni Maxfein ay parang good mood naman ang kanilang teacher. ibinaba nito ang kanyang bag table at muling hinarap ang nanay ni Maxfein. Lumingon ang guro at agad na tinukoy ng mata ang studyante nyang si Maxfein, na noon ay katabi ang kanyang dalawang kaibigan na si Blythe at Mica. "Aalis na pala si Maxfein, mawawalan na ako ng mabait na studyante" sabi ng guro nilang si Mrs. Deguzman. Dahilan ng pag ngiti ni Maxfein. Pagkatapos noon ay tuluyan nang nagpaalam si Maxfein sa kanila. lumabas na siya ng class room kasama ang kaniyang ina at nag babye sa dalawa niyang kaibigan. "Ma, silipin naten si Jake sa room nya" pag yaya ni Maxfein sa kaniyang ina. At nagtungo na sa room ni Jake pasilip silip na dumadaan ang mag ina sa mga class room. at nakita nilang nagkaklase na ang mga ito habang sila ay pasimpleng sumisilip napatingin sa kanila ang isang studyante na kaklase ni Jake kaya tinawag nito si Jake upang ipaalam na nandoon ang kaniyang girl friend. "Sabihin mo kay Jake, nasa labas si Maxfein" pabulong na sabi nito kaya naman lumingon si Jake sa labas at nakita si Max at ang nanay nito. "Hi tita" ito ang pasigaw na bulong si Jake habang kumakaway kaya naman ngumiti sina Maxfein at tumuro sa daan upang sumenyas kay Jake na uuwe na sila. -@Maxfein ?- Pagka uwe namin sa bahay nakita naming naka garahe ang sasakyan ni papa, nangangahulugan na umuwe siya mula sa kanyang pamamasada. Pagpasok namin ng pinto ay andun nga si papa nanonood ng tv habang kumakain. "Oh, kamusta ang lakad nyo? kumain na kayo may binili akong ulam dyan" sabi ni papa sa amin habang patuloy na kumakain. Naupo naman si mama sa sopa katabi ni papa habang ako ay nagtungo sa kwarto ko upang magpalit ng damit pambahay. "kanina ka pa, Hon? dinig kong tanong ni mama kay papa. "oo, tanghali na e, anong nagyare sa lakad nyo?" pag uusisa naman ni papa "ok naman, nakapagpaalam na din si Max sa iba nyang kaklase, pwede na tayong makaalis bukas" dinig kong sagot ni mama kay papa habang ako ay palabas ng kwarto upang magtungo sa kusina para kumain. "Siguradong mamimiss ni Max si Jake, dapat nakakayakap na yan ng mahigpit bago umalis" pambibiro naman sa akin ni papa nang ako ay makita sabay tawa nilang dalawa ni mama. "Sa pag aaral na lang muna mag focus, at kung kayo talaga ang para sa isa't isa kahit saang planeta ka pa pumunta." pahabol na sabi ni mama habang papalapit sa mesa para kumain din. "Bakit hindi mo papuntahin dito si Jake mamaya pagkatapos ng klase nya, last visit ika nga" patuloy na pang aasar ni papa habang kumukuha ng tubig sa ref upang uminom. "Pupunta nga po sya dito mamaya, sabi ko na dito na sya mag dinner" medyo nahihiya namang sagot ko. At nakangiting nagkatinginan si Mama at Papa na parang may laman ang mga ngiti nila. "Lah sina papa,bat ganyan mga ngiti nyo?" tanong ko sa kanila sabay alis sa mesa upang sa sala ituloy ang aking pagkain. -@School- "Oy pre sama ka samen? gala muna tayo bago umuwe" pagyayakag ng kaklase ni Jake na si Kyle "Pass muna pre, may pupuntahan pa kase ako" pag tanggi naman ni Jake "sensya na" pahabol pa niya. Bigla namang dumating sina Xander at Gelo "Jake sama ka?" agad na tanong ni Xander kay Jake sabay tapik sa balikat nito. "dinga daw sasama pre, may lakad ata" paawang sagot ni Kyle na parang nangongonsensya pa. "Hindi ako makakasama ngayon pre, paalis na kase gf ko bukas, pupunta ako sa kanila ngayon" malamyang pag tanggi ni Jake sa kanyang mga kaklase. "You Mean, Max? aalis na sya?" pang uusisa pa ni Xander. "oo, yun lang naman gf ni Jake diba" pabirong sagot naman ni Gelo sabay ngisi nito. "Oo pre, lilipat na sila sa Cebu, kaya sige na pre, mauna na ako sa inyo. sa sunod na lang" pamamaalam ni Jake sabay talikod sa tatlong kaklase. Nagkatinginan si Xander at Gelo na parang may ibigsabihin sapagkat nalaman nila na aalis na ang girlgriend ni Jake at agad nagchat si Xander kay Mia upang ibalita ang siguradong magandang balita para kay Mia. Sa wakas ay mawawala na sa landas niya si Maxfein na kaagaw niya kay Jake. "laro na lang tayo ng basketball sa inyo pre" pagyayakag ni Kyle kina Xander at Gelo. "Sige pre tawagan ko na din sina Bryan" sagot naman ni Xander. Habang naglalakad si Jake papuntang sakayan ay napadaan siya sa isang flower shop agad niyang naalala si Maxfein napatingin sya sa mga rose na nandun kaya napakapa sya sa kanyang bulsa bago tuluyang bumili ng tatlong rosas para kay Maxfein. Masaya siyang naglalakad habang inaamoy ang nga rosas na ibibigay kay Maxfein iniisip niya na matutuwa ito sa kanya. Sapagkat alam niya na naaappreciate agad ng kanyang girlfriend ang lahat ng bagay na ginagawa at naibibigay niya para dito. Nang makarating sya sa sakayan ay agad syang sumakay sa jeep dahil madaming pasahero iniingatan niyang huwag masagi o masira ang dala niyang bulaklak. -@Maxfein ?- Abala kame ni mama magluto ng ulam para ngayong gabe sapagkat magiging special to dahil muli naming makakasabay kumain si Jake. Nirequest ko kay mama na iluto nya ang paboritong ulam ni Jake na Adobo at dahil ako ang nakakaalam ng timplang gusto ni Jake ay ako na ang nagluto gusto nya ay may anghang, hindi madami ang sabaw at nuot sa karne ang lasa. "mukang masarap ang niluluto mo Max, pwede na mag asawa" pambibiro ni Mama sa akin habang nakasulyap sa niluluto ko. Siguradong kung andito si papa ay magtutulong yung dalawa para asarin ako. Pumunta si Mama sa sala para buhayin ang tv pagkatapos ay isinara niya ang mga bintana at inayos ang kurtina para hindi makapasok ang mga insekto sa labas at saka siya naupo at nanood. Pagkatapos kong magluto ay naupo din ako sa sopa habang hinihintay si Papa at si Jake. Maya maya ay may kumatok na at tumatawag ng "tao po" at syempre alam na namin na si Jake yon kaya dali dali kong binuksan ang pinto. At sya nga. Dumating na ang gwapo kong boyfriend nasa likod ang dalawa niyang kamay at parang may itinatago sa likod niya kaya medyo na eexcite ako na ewan kase alam kong may something sa likod nya " pasok ka" sabi ko sa kanya. "Good eve po tita" nakangiting bati niya kay mama, pagkatapos ay pumasok nga siya at ibinigay sa akin ang bulaklak. Tatlong mababangong rosas. na touch ako sa boyfriend ko "thank youuuu babe" masayang sabi ko sa kanya at diko napigilang yakapin sya ng mahigpit na para bang wala si mama sa harapan namin. "ehem" sinasadyang tighim ni mama na syang dahilan ng aking pagbitaw sa pagkakayakap kay jake. Naupo kame ni Jake sa sopa na parang nahihiya. "wala pa po si Tito Dan?" tanong ni Jake kay mama Maya maya ay biglang narinig nila ang sasakyan, nangangahulugan na andyan na si papa. "Yan andyan na, saktong tanong mo ah" masayang sabi ni mama. Mayamaya ay pumasok na nga si papa kaya sinalubong ko sya "papa" bati ko sa kanya. "aba may bisita pala tayo" nakangiting sabi ni papa sabay deretso sa kusina upang uminom. "Hon, Maglinis ka na at kakain na tayo, masarap ang niluto ni Max" utos naman ni mama sabay nagtungo sa kusina upang maghain na. Pagkatapos ay tinawag na kame ni mama upang kumain na. Habang nasa hapag kainan ay inaasar ako ni mama "Nako Jake, dapat madami ang makain mo ha, sinarapan ni Max ang luto sa Adobo para sayo" pagbibiro ni mama "Mama naman" pagpapatigil ko sa kanya "masarap nga po tita" sabi naman ni Jake sabay tingin saken nang nakangiti. Kaya medyo kinilig ako at napangiti din. "Mukang ako ang mapapadami sa pagkain ah" sabi naman ni papa sabay sandok sa kanin na noon ay pangalawang kuha na niya. Kaya napa ngiti na lang kame at kumain na. -@Jake ?- "My God! Garry! anong nangyare? manang! manang! bilisan mo!" naghihikahos na tawag ng nanay ni Jake sa kanilang kasambahay. kaya mabilis na nagtungo ang kasambahay sa kwarto ng mag asawa. upang alamin ang nangyayare "Ba-bakit po? anong nangyare?" natatarantang tanong ng kasambahay "I don't know! pero wala na syang heart beat!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD