bc

Until Again

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Sa paglipat ni Maxfein at ng kanyang pamilya sa Cebu ay nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan ganon din ng nagugustuhan. Pero hindi niya hinahayaang mahulog at makapasok ito sa puso niya sapagkat naranasan na niya ang maging heart broken simula noon inakala na niya na walang totoo sa Love.

chap-preview
Free preview
The Curiousity (tagalog)
"Babe may dumi ka sa muka, wag kang malikot aalisin ko" sabi ni Jake mula sa pinakamalambing na tono ng boses niya at marahan nyang inalis ang sauce sa pisngi ng kaniyang pinakamamahal na girlfriend na si Maxfein. "thank you babe" nakangiting sambit ni Maxfein sabay muling kagat sa kanyang burger. Halos 2 years na silang mag on at hanggang ngayon ay hindi kumukupas ang pagmamahalan nila para sa isa't isa. Si Jake ang first love ni Maxfein at inaasahan niya na siya na din ang last, sapagkat madalas nilang napapag usapan ang lahat ng plano at pangarap nila para sa kanilang future kahit sila ay Grade 10 pa lamang at dahil nga matagal na sila magkasintahan legal na sila sa family nila both side. "babe I need to go, maaga dumating si Mam, baka ma late ako" pagpapaalam ni Maxfein kay Jake, "Osige babe, hatid na kita sa room mo" sabay bitbit niya ng bag ni Maxfein. Habang naglalakad ang dalawa papuntang class room ni Maxfein ay mag nakasalubong silang mga babae na nagbubulungan at tila hindi ito pansin ni Jake kung kaya't si Maxfein lang ang nakakakita, pansin niya na habang nagbubulungan ay sa boyfriend nya ito nakatingin, Patuloy lang silang naglalakad habang hndi niya inaalis ang kanyang tingin sa mga babaeng dumaan at hinabol pa nya ito ng lingon ng makalagpas ang mga ito sa kanila. Hindi ni Maxfein maiwasan mapaisip kaya napatingin lang sya sa kanyang boyfriend habang may nakasalpak na headset sa tenga nito at nakikinig ng music kaya ng mapatingin sa kanya si Jake ay napatanong ito at inakala na may gustong sabihin sa kanya si Maxfein. "Oh, bakit babe?" agad na tanong ni Jake. "Wala babe, you look so handsome" tugon naman ni Maxfein at binigyan ng matamis na ngiti ang boyfriend. Hanggang sa nakarating na sila sa room sumalubong agad sa kanila si Blythe at Mica dalawang bestfriend ni Maxfein. "Oh pano babe, alis na ako, puntahan na lang kita ulet mamayang uwian" pamamaalam niya kay Maxfein sabay abot ng bag. "ok babe, thanks" nakangiting sabi ni Maxfein. Pagtalikod ng kanyang boyfriend ay nagbago ang kanyang hitsura para bang nagkaroon bigla ng kakaibang pakiramdam sa kanya at napansin agad ito ng dalawa niyang kaibigan. nung uupo na sila ay napatong si Blythe "Oy Max, anyare sa muka mo?" patakang tanong niya kay Maxfein. kaya naman pinaupo niya ang dalawa niyang kaibigan at ikinwento ang nangyare at saka tinanong ang dalawa niyang kaibigan. " kung kayo tatanongin ko,ano yung pinagbubulungan nila?" curious na curious talaga tong si Maxfein kaya napatanong siya sa dalawa niyang kaibigan. "Baka na gugwapohan sa boyfriend mo, tas pinagbabalakan nilang makuha sayo" pabirong sagot naman ni Mica sabay sabing "Charizz!" sabay tawa. "Hay nako wag mo na isipin yan Maxfein, normal lang naman nangyayare yan" sabi naman ni Blythe upang wag na mag isip pa ng kung ano ano ang kanyang kaibigan. "Normal nga na tumingin, pero yung habol tingin tas bumubulong bulong, normal ba yon?" pahabol pang Tanong ni Maxfein hanggang sa dumating na ang kanilang guro kaya naman dali dali nang bumalik sa kanilang upuan sina Blythe at Mica. "Good afternoon, Ms Cruz" sabay sabay nilang bati. POV: Uwian na sila ngunit hindi niya makita si Jake. "Oy Max, pano? uuwi na ako sasabay na ako sa mga pinsan ko, mahirap makasakay ngayon" Pamamalaam ni Mica sabay kiss nito kay Maxfein at Blythe "Sige bye, ingat kayoo" pahabol pang sigaw ni Blythe kina Mica "Bakit antagal ni Jake? tas nung pumunta tayo sa room nila, wala din sya dun" pag uusisa ni Blythe na halatang naiinip na at gusto na ding umuwi. "Wait lang,mamaya andyan na yon" malamyang sagot ni Maxfein habang kaliwa't kanan ang lingon. Hanggang sa maya maya ay nakita na nilang palapit sa kanila si Jake kaya naman nabuhayan ng dugo ang magkaibigan at pareho na silang makakauwi. "Babe, bakit ngayon ka lang?" agad na tanong ni Maxfein sa kanyang boyfriend. "Sorry babe, napili kase akong...." hindi pa natatapos ang sasabihin ni Jake ay "maiwan ko na kayong dalawa, uuwi na ako Max, andyan na naman si Jake eh" pamamaalam naman ni Blythe sabay halik kay Maxfein. "Sige bye, ingat ka" sabay na sagot ni Maxfein at Jake. Naglakad lakad na ang dalawa papuntang terminal "babe ano nga pala yung sabi mo kanina? napili ka...?" pag uungkat muli ni Maxfein "Ah, oo babe napili ako ni sir sa klase namen kanina maging player ng basketball, kaya nag meeting kami kanina sa Gym, sorry di kita na text or chat, na busy na kase kanina" paliwanag ni Jake kay Maxfein. "Ah ganon ba" malumbay na sagot ni Maxfein. "oh bakit parang nakungkot ka? ayaw mo ba non makikita mo ulet lumaro sa Intramurals ang boyfriend mo" payabang na biro ni Jake Kay Maxfein sabay akbay niya dito. Nang makarating na sila sa sakayan "Bye babe, sakay na ako, ingat ka pag uwe mo" paalam ni Maxfein kay Jake at agad na sumakay ito sa jeep na nagkataong paalis na din. -@Maxfein's Home- "Mama, Papa, andito na po ako" sigaw ni Maxfein habang nag aalis ng sapatos at patungo sa kaniyang kwarto. Ibinaba niya ang kanyang mga gamit at naghubad ng kaniyang uniform naupo siya sa kama at nag stretching "Max, anak, andyan ka na?" sigaw naman ng kanyang nanay na galing pala sa likod ng bahay nila para magpinaw ng mga damit. "Opo mama" sigaw naman ni Maxfein mula sa kaniyang silid. Pagkatapos ay lumabas siya para hintayin ang kaniyang papa. "Max, itupi mo muna itong mga damit at nagluluto ako ng ulam naten, pumasok ka dito at mamaya ay padating na ang papa mo" utos ng kaniyang ina. habang abala sa pagluluto ng kanilang hapunan. Agad naman na sinunod ni Max ang utos ng kanyang ina at habang nagtutupi sya ng mga damit naisip niyang mag chat kay Jake. (Convo) Maxfein: Babe nakauwe ka na ba? Jake (seen) Maxfein: babe kain ka na mamaya ha Maxfein: Pahinga ka muna mwuah (kiss) Jake: (seen) Maxfein: Iloveyou (heart) Jake: (seen) Hindi ni Maxfein maintindihan ang kaniyang mararamdaman dahil sa tagal na nila ni Jake ay hindi naman ito nang siseen at kung mang seen man ito hindi din gaano magtatagal ay magrereply din agad. Kaya sinubukan nya gumawa ng sariling dahilan sa sarili nya kung bakit hindi nakakareply si Jake sa Mga chat nya. "Siguro naiwan nyang bukas messenger nya" pabulong niyang sabi sa sarili at nagpatuloy sa pagtutupi ng mga damit. Pagkatapos ay narinig niya ang sasakyan ng kanyang ama. kaya tumayo sya at sinilip ang kanyang ama habang ipinapark ang sasakyan, Isang taxi driver ang ama ni Maxfein at ugali na niya na sinasalubong ito sa pag uwe "Papa" bati niya sa kanyang ama pagpasok pa lang ng pinto kaya naman hinawakan siya nito sa ulo bilang paglalambing din. "Tamang tama, luto na ang paborito ninyong ulam" masayang bungad ng kaniyang ina sa kanyang ama na halatang pagod. "Hon, maglinis ka na at pagkatapos ay kakain na tayo" sambit ng kanyang ina habang nag hahanda ng mesa "ikaw ang maglinis saken Hon" pabirong sabi naman ng kaniyang ama at sabay halakhak Habang nakaupo si Maxfein at nakikinig sa tawanan ng kaniyang ama at ina naisip nya si Jake kaya Tiningnan niya ang kanyang cellphone kung nagreply na ito sa mga chat nya. Ngunit wala parin. Kaya naman naisip niyang magchat sa mama ni Jake Maxfein: Good eve tita, nakauwe na po ba si Jake? Tita Camilla: Wala pa sya dito, akala ko nga magkasama kayo. Maxfein: hindi po tita, kanina pa po akong nasa bahay, try ko po ichat mga tropa nya. Tita Camilla: Sige neng, dahil siguradong mapapagalitan yan ng papa nya. "Max, kumain ka na dito, halika na kakain na tayo" tawag sa kanya ng kanyang ina at ama na naghihintay na sa mesa. -@Mia's house- "Hoy pare kanina pa tumutunog phone ni Jake, baka yung gf nya yan" Bulong ni Xander kay Gelo. Habang si Jake ay nakayapos na sa sopa sa sobrang kalasingan. Nang marinig naman ni Mia ang sinabi ni Xander agad niyang hinagip ang cellphone ni Jake para tingnan ang nga message o calls ngunit may password ito kaya hindi niya ito nabuksan, inihagis niya ang cellphone sa sopa. "ihatid nyo na nga yan, gabe na mapapagalitan na yan sa kanila" padagos na utos ni Mia kina Xander at Gelo. "Nababadtrip ka na naman ata Mia dahil hindi mo makuha kuha tong si Jake kay Maxfein no?" sabi ni Gelo na halatang lasing na lasing na din sabay ngiti nito ng paalangan. "Tumigil ka nga! ihatid nyo na yan" mainit sa sambit ni Mia na para bang kumukulo na ang dugo. Matagal na ni Mia gusto si Jake naging magkaibigan sila nito dati ngunit ng naging magkasintahan si Maxfein at Jake kusang lumayo sa kanya si Jake at napalayo na din ang loob kaya nagkaroon lalo ng Galit si Mia kay Maxfein. " bilisan nyo naaaa! mamaya dadating na sina daddy malalagot ako" iritang pagtataboy pa niya. Ipinagbukas ni Mia ng gate ang mga ito habang si Xander ay pinapa start ang motor isinakay nila si Jake sa gitna at si Gelo ay sa hulihan. -@Jake's House- ibinaba ng dalawa si Jake at kumatok sa pinto "nako Jake!, My God! bat ka nagpakalasing ng ganyan!" inis na sabi ng ina. "katuwaan lang po, sensya na" tugon naman ni Gelo na parang wala sa wisyo "Sige po alis na kame" sabi naman ni Xander sabay sakay nila sa motor. "Jake, bat ka nag inom ng ganyan? nakakainis ka" paulit ulit na sabi ng ina at halatang nanggigigil sa kalokohan ng anak. Inihiga si Jake sa kame, inalis ang sapatos at pinunasan ang katawan. Pagkatapos ay tumawag siya kay Maxfein. In call: Hello, Max andito na si Jake, hinatid sya nung mga kaklase nya ata yon Max: Ah ganon po ba, bakit po sya hinatid? at bakit po sya ginabe? Hyst hindi ko din alam sa batang to, lasing na lasing tapos sa motor lang sila nakasakay mukang mga nakainom din yung dalawang naghatid, Malilintikan to saken bukas. Max: San po kaya sila nag inom? Hindi ko na natanong dun sa dalawang naghatid, bukas ko to tatanungin. Max: Sige po tita, buti po at andyan na sya. Pasabi na lang po na may mga chat ako sa kanya kapag nagising sya Osige neng, bye. Pagkatapos ng usapan ay niligpit ng ina ang mga gamit at saka lumabas ng silid ni Jake. Krrrrrnnggg krrrngggg krrrrnggg .. isang mataginting na tunog ang gumising kay Jake noong umaga mula sa kanyang alarm clock kaya naman pinatay nya ito. Pagmulat nya masakit ang kanyang ulo ganon din ang kanyang mga katawan na para bang may ginawa siyang mabigat na trabaho mabigat ang kanyang katawan at halos ayaw bumangon. Maya maya ay pumasok ang kanyang ina sa kwarto. "gising ka na pala, bakit ka naglasing kagabe?!" inis na sabi ng ina sabay hampas sa balikat at braso nito. "Aray ko! ma! magpapaliwanag po ako" "Nagchat po saken si Mia nagpapatulong sya sa project nya pag punta ko sa bahay nila andun yung dalawa kong kaklase si Xander at Gelo tas nagkayayaan na uminom" mahinahong paliwanag ni Jake sa ina. "Anong dahilan yan ha! nakakainis ka, ang sabi ko sa papa mo maaga ka umuwe para hindi ka mapagalitan! hindi ko din binanggit sa kanya na umuwi kang lasing! ang daming chat sayo ni Max!" gigil na gigil na tugon ng ina napakamot naman si Jake at napahawak sa kanyang noo na parang naiinis sa sarili nyang ginawa. "Ayusin mo sarili mo ha! wag kang puro katarantaduhan!" pahabol pa ng ina bago tuluyang lumabas ng kwarto. Binuksan ni Jake ang kanyang cellphone at agad tiningnan ang messenger napailing na lamang sya ng makita ang tadtad na chat sa kanya ni Maxfein Nakaramdam sya ng guilt dahil sa kanyang ginawa at alam niyang nag alala sa kanya ng lubos ang kanyang girlfriend. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang kaniyang paliwanag hanggang sa may dumating na bagong chat mula kay Max Max: Good morning, May kailangan tayong pag usapan babe. Jake: Good morning din babe, ano yon? Max: Basta, gusto ko pag usapan naten ng personal, meet tayo sa Park mamayang 10am Jake: Ok sige babe. Pagkatapos nun ay napaisip na si Jake kung ano kaya ang pag uusapan nila ni Max at parang seryosohang pag uusap ang mangyayare. Kaya naman nag intindi na sya ng sarili at kumain. At pagsapit ng napag usapang oras ay umalis na sya sa kanila. -@Park- Habang nakaupo sya at naghihintay napansin nyang ang ganda ng mga ulap kaya naman napatitig siya sa mga ito ng sandali. "Babe, bakit titig na titig ka sa mga ulap?" biglang salita ni Max na ikinagulat ni Jake. "Babe, andyan ka na pala, wala nagandahan lang ako sa mga ulap" sagot niya sabay ngiti niya kay Max. Biglang niyakap ni Max si Jake ng mahigpit na para bang iyon na ang huling pagkikita nila, Kaya nagtaka si Jake sapagkat niyayakap naman sya ng girlfriend nya ay hindi naman ganoon ka higpit at katagal at ramdam nya talaga na may kakaiba sa yakap ni Max kaya tinanong niya kung ano ang kanilang pag uusapan. "Babe kung sakali na maging magkalayo tayo,kaya mo ba?" malungkot na tanong ni Max "Bakit babe? mangyayare ba yon?" tanong naman ni Jake sabay pisil sa ilong ni Max "Babe, hindi na kame dito titira, sa Cebu na kame titira, dun na din ako mag aaral" naluluhang sabi ni Maxfein "babe, joke ba yan? seryoso ba yan babe?" hindi makapaniwalang tanong ni Jake sabay yakap muli nito ng mahigpit kay Max. "Oo babe, nabigla din ako. Gusto kase ng lolo ko na dun na kame tumira sa kanila tutal ay matanda na sya at walang tatao sa bahay, gusto nya na kame ang tumira doon at wag na daw kame umupa ng bahay dito" naluluhang sabi ni Max "babe pano tayo? kelan kayo babalik dito?" umiiyak na tanong ni Jake habang nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ni Max. "hindi ko alam babe,basta ako alam ko na magiging matatag paren ako para sa relasyon naten, kaya please maging matatag ka din para saken" humahagulgol na sabi ni Max "Hindi na ba talaga mababago yan babe? ayokong magkalayo tayo, sana naman magbago pa" pagmamakaawa ni Jake "final decision na to nina Papa, sa Monday pupunta kame sa school ni mama para ayusin ang mga papel ko sa paglipat ng school" "Babe namaaan, ganon kabilis? parang kagabe lang kayo nagdesisyon tas agad agad na yon?" "may sakit kase si lolo babe, anytime pwede na sya kunin samen ni God ayaw naman namen na kung kelan patay na sya saka kame magpakita dun" Hanggang sa wala nang iba pang nasabi at nagawa si Jake kaya niyakap na lang nya si Max habang umiiyak, Madahan namang pinispis ni Max ang likod ng kanyang boyfriend. "Tara na lang mag videoke? magsaya tayo, tutal sabado naman ngayon" yakag ni Jake kay Max. "Osige, chat ko na din si Blythe at Mica, niyayaya din nila ako lumabas e, nalungkot din yung mga yon nung nalaman na aalis na ako" pag sang ayon naman ni Max habang pinapahid ang pisngi na tila nabasa ng luha. Sandaling nagkatitigan ang dalawa na halata sa kanilang mga muka ang lungkot. Pagkatapos ay hinawakan ni Jake ang kamay ni Max at naglakad lakad upang sumakay papuntang mall at doon na hintayin sina Blythe at Mica.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook