Akala ko wala ng isasaya ang buhay ko. Siguro nadamay lang talaga ako na palaging mag-isa. Pero ngayon, sa bawat araw na dumadaan ay walang pagsidlan ang kaligayahan na nadarama ng puso ko. Drix always makes my day special. Palagi niyang sinisiguro na naipaparamdam niya ang pagmamahal niya sa akin. He never forgets to send me flowers. Hindi na nga lang tulad ng unang beses na halos mapuno ang aking opisina dahil pinagsabihan ko siya tungkol doon. Hindi na ako kinukulit ng mga kasamahan ko sa trabaho tungkol sa mga bulaklak dahil nanatiling tikom ang bibig ko tungkol doon. At ang araw-araw na pagdating ng mga bulaklak ay kinasanayan na nila. Hindi ko na rin halos nagagamit ang kotse. Dahil araw-araw ay walang palya si Drix sa paghatid at pagsundo sa akin. " Doon ka na matulog sa condo

