Prologue
I will never love a man. I will never let love ruin me. Pangako niya sa sarili. Hinding-hindi niya hahayaang masira siya ng pag-ibig. Nasa loob siya ng sementeryo. Malungkot na nakatitig sa dalawang lapida na nasa harap niya. Pitong taong gulang siya ng namatay ang kanyang ina. Kung kaya’t naiwan siya sa pangangalaga ng kapatid nito. Ang kanyang tiyahin na pumanaw na din may isang taon ng nakalillipas. Ang nag-iisang kapamilyang meron siya ay nawala rin sa kanya. At sinisisi niya ang pagmamahal nito sa walang kwenta nitong asawa kung bakit maaga itong namatay.
Ang lahat ng nangyari sa nakalipas na taon ay buhay na buhay pa din sa kanyang alaala.
" Tiyang maniwala ka sa akin! Muntik akong pagsamantalahan ni tiyong!" nagmamakaawang sumbong niya dito. Isang gabing umuwi itong lasing ay pinasok siya nito sa kwarto niya. Pinagtangkaan siyang halayin. Nagkataon pang wala sa bahay ng mga oras na iyon ang kanyang tiyahin. Mabuti na lang at nakapanglaban siya. Nakatakbo siya palabas ng bahay at nakahingi ng tulong sa kapitbahay. Agad itong dinampot ng mga tanod sa barangay. At ngayon nga ay nasa loob sila ng barangay hall. Pinipilit siya ng kanyang Tiyang Thelma na huwag ng ituloy ang reklamo.
" Hindi magagawa ni Henry ang sinasabi mo. Nagsisinungaling ka!” mariin nitong tutol sa sinabi niya.
"Bakit ba ayaw nyo akong paniwalaan?! Mas pinipili nyo siya kesa sa akin na kadugo mo? Tiyang naman!" naiiyak na sigaw niya dito." Paniwalaan mo naman ako! Tiyang Thelma naman." Humahagulhol na pagsusumamo niya dito.
Pero naging matigas ang kanyang tiyahin. Mas pinili nitong kampihan ang babaero, lasinggero at sugarol nitong asawa. Alam din niyang sinasaktan at binubugbog nito ang tiyahin niya. Kahit hindi nito sabihin iyon sa kanya ay naririnig niya ang palagiang pag-aaway ng mga ito. Pruweba pa ang pasa nito kinabukasan. Nauna siyang umuwi sa mga ito at nag-empake ng mga gamit niya. Aalis siya! At hinding-hindi na siya babalik sa lugar na 'yon. Dahil sa hibang na pagmamahal ng kanyang tiyahin sa asawa nito ay tinalikuran siya nito ng ganun ganun na lang! Kaya ng gabing iyon ay lumayas siya. Hindi na siya kailanman bumalik pa sa lugar na iyon. Maging komunikasyon sa tiyahin ay pinutol niya. Nagsumikap siyang maghanap ng disenteng trabaho at mamuhay ng mag-isa. Hanggang isang araw ay may natanggap siyang balita tungkol dito. Dali-dali niya itong pinuntahan. Inabutan niya itong naghihingalo at halos malagutan na ng hininga sa isang ospital.
"P-patawarin mo ako Rosallie. A-ang l-laki n-ng naging k-kasalanan k-ko s-sayo. S-sna m-mapatawad mo a-ako..." Hinging paumanhin pa nito sa kanya.
May malalang karamdaman na pala ito. Hindi na kayang agapan ng kahit na anong medisina. Tumanggi na rin itong magpagamot. Iniwan na din ito at tinalikuran ng asawa. Makaraan ang isang linggong pagkakaratay ay tuluyan na itong iginupo ng karamdaman. Ang hinayupak nitong asawa ay hindi na talaga nagpakita pa. Maski sa araw ng libing nito ay wala kahit anino. She loved her aunt so much. Itinuring niya ito bilang isang tunay na ina. Kung sana ay nakinig ito sa kanya noon. Kung sana hindi ito nagmahal ng ganoong klaseng lalaki. Kung sana mas maaga niyang nalaman ang tungkol sa karamdaman nito. Kung sana hindi niya ito iniwan at tinalikuran kahit pa nga ito ang unang tumalikod sa kanya. Ang daming sana. Pero sa ngayon, ang tanging magagawa na lamang niya ay bigyan ito ng maayos na ilibing sa tabi ng himlayan ng kanyang ina.
Napakurap-kurap siya sa alaala ng kahapon. Napatingala siya sa kalangitan sa pagpipigil ng mga nagbabadyang luha. Huminga siya ng malalim at muling yumuko sa mga lapidang nasa harapan niya. Nang dahil sa pag-ibig, nawala ang dalawang importanteng tao sa buhay niya. Nang dahil sa pag-ibig, naiwan siyang nag-iisa. Nagbulag-bulagan ang mga ito sa pagmamahal ng maling tao. Pinunasan niya ng likod ng palad ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Hindi ako kailanman tutulad sa kanila. Hinding-hindi ako magpapadaig sa pag-ibig. Hinding-hindi! Mas gugustuhin ko pang maging mag-isa habang buhay. Matigas na usal ng utak niya. Napatingala siyang muli sa kalangitan na namumutok na sa liwanag dulot ng papasikat na araw. Huminga siya ng malalim at ibinuga sa hangin ang kalungkutang nararamdaman. Yumuko siya bago umusal, “ Hanggang sa muli nating pagkikita ‘ma, tiyang. Please guide me always.” Matapos ay tumalikod na siya. Tinungo ang nakaparadang sasakyan at nilisan ang lugar na.
------------
“Oo, nasa biyahe na ako. May dinaanan lang ako sandali. Malapit na ako,” usal niya sa kausap sa telepono.
Ang katrabahong si Jackquelyn ang kausap. Nagpatawag ng biglaang meeting ang head ng marketing department. She looked at her wristwatch. Kung tutuusin ay maaga siya ngayon kumpara sa karaniwang pasok sa opisina. Pero dahil sa biglaang pagpapatawag ng boss nila ng meeting ay kailangan na niyang magmadali.
Sa isang malaking advertising company siya nagtatrabaho. Kahit wala pa siyang masyadong experience sa ganoong klaseng trabaho ay maswerteng natanggap siya sa kumpanya. At ngayon ay isa siya sa pinakabatang junior marketing executive dito. Isa ang team niya sa humahawak ng mga malalaking kumpanya na nagpapagawa ng ad campaign. At pag ganitong emergency at early meetings, malamang ay big account na naman iyon na kailangan nilang ihandle. Nasa loob na siya ng building at naghahanap ng mapaparadahan ng kotse. She was about to park her car ng biglang may sumingit na isa pang sasakyan. Inunahan siya sa bakanteng pwestong nakita. Bigla tuloy siyang napaapak sa preno at muntik ng mapasubsob sa manibela.
"Jerk!” at sunod-sunod niyang binusinahan ang kung sino mang hudyo na nasa loob ng kotseng ‘yon. Di pa nakuntento ay binaba niya ang salamin ng bintana sa tabi ng driver's seat. Inilabas ang isang kamay at nagdirty finger pa dito. Nanggagalaiting pinaandar niyang muli ang sasakyan. Nagpaikot-ikot pa siyang muli sa parking lot bago nakakita ng bakanteng pwesto. Nagmamadaling tinungo niya ang elevator pagkababa ng sasakyan. Kakahanap ng mapaparkingan ay inabot siya ng kinse minutos. Now she's running late. At ito pa ang unang beses na nangyari ito. Inayos niya ang suot. She was wearing a sleeveless black body contour dress na pantay tuhod ang haba na pinatungan niya ng cream color at long sleeves na blazer. Tinernuhan niya iyon ng black strappy stiletto heels. Ang itim at mahabang buhok ay nakapusod sa kanyang likuran.
"Oh my god Allie! Dumating ka rin sa wakas!" Eksaheradang bati sa kanya ni Jacquelyn paglabas niya ng elevator. Mukhang kanina pa siya nito inaabangan. "Nasa conference room na ang lahat. Tayo na lang ang hinihintay,” dagdag pa nito. Mabibilis na hakbang na sumunod siya dito patungo sa conference room.
"I'm sorry we're late” bati niya kay Therese pagbungad nila sa pinto. Si Therese ang head ng marketing department nila. Nasa late fifties na ito. Bali-balita sa opisina ang nalalapit nitong pagbibitaw sa trabaho dahil gusto na ng mga anak at asawa nito na magmigrate na sa Amerika. At ang iiwan nitong posisyon ang gusto niyang makamit.
"It's okay. Kakaumpisa pa lang naman namin. Take your seats,” at minuwestra nito sa kanila na maupo na.
"Now, balik tayo sa agenda ng meeting na ‘to. De Agassi Group of companies are planning to have an anniversary special ad campaign. And of all the other advertising companies, ang kumpanya natin ang napili nila na gumawa nito para sa kanila. At gusto nila na may maiprisinta tayo within two weeks.”
Napatingin silang lahat dito.
"Ambilis naman! Masyado naman ‘ata silang nagmamadali” aniya.
Humarap sa kanya si Therese bago nagsalita" Oo, dahil gusto nila na sa mismong anniversary party gagawin ang launching ng ad campaign. " Natahimik silang lahat at nahulog sa malalim na pag-iisip.
"At siyempre, bilang pampagana sa inyong lahat, meron tayong papremyo!” interesanteng tumigil siya sa pagte-take down notes. Isinubo niya ang dulo ng ballpen at marahang kinagat ‘yon. It's one of her mannerism. "Alam ko namang aware kayong lahat na magreretiro na ako. Ngayon, ang sinumang makakapagsarado ng deal sa De Agassi ang makakakuha ng promotion as the new marketing head at magiging kapalit ko. So mark your calendars. Hihintayin ko ang mga proposal ‘nyo within thirteen days.. Goodluck and may the best team wins. Meeting adjourn!" Matapos ay lumabas na si Therese ng silid.
"I'm pretty sure that will be me. Georgina Agustin, marketing head. Sarap ‘di ba? Kaya huwag ka ng magpakapagod pa Allie. Para di na masayang ang effort mo at ‘di ka umuwing luhaan." Nakangiti at plastikadang sabi sa kanya ni Georgina.
Nang-uuyam na ngumiti siya dito ng hilaw at tumayo mula sa kinauupuan. Itinukod ang dalawang kamay sa lamesa bago nagsalita" Oh! Are you referring to yourself as the 'uuwing luhaan?"
" Napakafil-am mo talaga Georgina. As in feelingerang ambisyosa! Segunda naman ni Jacquelyn sa kanya.
“Hmp!” Nakaismid at padabog na itong nagmartsa palabas ng silid. Halatang napikon sa sinabi nila.
" Antipatikang Georgina 'to! Kung di lang talaga exotic ang pagmumukha nun matagal ko ng hinambalos nguso niya!‘Kala mo kung sinong magaling hindi naman kagandahan!" nangagalaiting sentimyento sa kanya ni Jacquelyn na nakatayo na sa gilid niya. Napabunghalit siya ng tawa dito.
Si Georgina ay isa sa mga junior marketing personnel sa company. Di tulad niya na napadali ang naging pag-angat sa kumpanya, ito naman ay halos five years na at hanggang ngayon ay di pa rin napopromote sa pagiging senior marketing personnel na kagaya niya. Simula ng mag-umpisa siya sa kumpanya ay mainit na talaga ang dugo nito sa kanya. Kahit pa nga mas mataas ang posisyon niya dito ay pilit pa rin itong nakikipagkompetensiya sa kanya.
"Yaan mo na siya Jack! Be kind to animals!” At sabay silang tumatawang lumabas ng silid.