Story By Avrin Keziah
author-avatar

Avrin Keziah

ABOUTquote
Love reading. Kilig and heartwarming novels inspires me to be a writer as well. Hope I can make you happy with my stories. fb: Avrin Keziah Please do follow me...thank you❤️
bc
The Revenge Of A Good Wife
Updated at Nov 28, 2023, 15:52
Isang babaeng puno ng pangarap at pag- asa si Claire. Sa edad na labing siyam ay mapusok na umibig dahilan upang maaga siyang mabuntis. Itinakwil man ng pamilya dahil sa nangyari ay pinakasalan naman siya ni Nathaniel, ang lalaking labis nyang iniibig. Ang buong akala niya ay magiging maayos ang kanyang buhay sa piling nito. Ngunit nagkakamali pala siya. Malupit at hayagan ang pagkadisgusto sa kanya ng nanay ni Nathaniel. Hindi siya nito tanggap ngunit dahil sa pakiusap ng asawa ay kailangan niya itong pagtiisan. Para sa kanya ay okay lang ang lahat basta kasama niya ang kanyang anak at asawa, masayang namumuhay at nagmamahalan. Hanggang sa nagkasakit at namatay ang anak nila ni Nathaniel. Ang masayang pamilyang nais niya ay unti-unting maglalaho. Manlalamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ngunit hindi ito susukuan ni Claire. Hanggang sa mahuli niya na may kabit ang asawa niya. Ang masaklap pa ay nagdadalang-tao ito at si Nathaniel ang ama. Hanggang saan ang itatagal ng puso niyang matiisin upang ipaglaban ang kaligayahang nararapat ay sa kanya? Hanggang saan ang itatagal ng puso niyang mapagpatawad makamit lamang ang lubos na karapatan sa pagmamahal at respetong inaasam? Hanggang kailan mananatili ang kanyang pagiging mabuting asawa sa kabila ng hirap at dusang pagdadaanan? O paghihiganti nga ba ang sagot upang mapawi ang lahat ng sakit?
like
bc
Redeeming Elora
Updated at Oct 29, 2023, 06:28
Elora and Marcus are lovers. Pero nagkaroon ng kumplikasyon sa kanilang relasyon dulot ng malaking problema sa pamilya ni Elora. She was forced to broke up with Marcus. But Marcus won’t easily say no. Kung kaya’t sinaktan niya ito ng labis at pinukol ng masasakit na salita, sapat upang layuan siya nito at kamuhian. They both continue on their own different paths. Ngunit isang suliranin ang muling darating kay Elora na magdadala sa kanya sa hindi kanais-nais na sitwasyon. At ang solusyon dito ay mauuwi sa muli nilang pagtatagpo ni Marcus. His a ruthless and cold-hearted billionaire now while she is a damsel in distress in need for wealth and power to be save. Sa pagkakataong ito, ang lalaking kanyang labis na sinaktan sa nakalipas ang siyang magsasalba sa kanya sa alanganing sitwasyon. Pero kapalit nito ay ang pagpapaalipin niya sa bawat init ng halik at haplos nito. But everytime their body collides, the spark that has long been buried in their hearts will ignite. Maari pa bang maitama sa ngayon ang pagkakamali sa nakalipas upang paghilumin ang sugat ng kahapon? Sapat na ba ang darang na sandali upang amuhin ang pusong patuloy na namumuhi? Will her love ever be redeemed from all the deep sorrows and dark secrets of the past? Pero paano kung ang taong labis mong pinahahalagahan ang maging hadlang sa pag-ibig na inaasam? What will she choose? Leave and let go? Or stay and fight for it?
like
bc
BEDROOM SECRETS SERIES 2: Adrianna, The Heartbreaker Temptress Book 1 Completed
Updated at Jan 23, 2023, 04:39
Mula sa isang kilalang angkan ng mga abogado, si Atty. Adrianna Oliveira. Blessed with good looks and riches. Oozing with sex appeal and charms that is hard to resist. A cold hearted lawyer that every man will want to have. Isang eskandalo ang nagdulot ng napakalaking pagbabago sa buhay niya bago pa man siya naging isang abogada. Matapos ng mahabang panahon na pamumuhay sa ibang bansa ay napilitan siyang umuwi ng Pilipinas dahil na rin sa kagustuhan ng magulang. Ngunit sa isang kasong hahawakan niya ay muling mauungkat ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. At masasangkot dito ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Joaquin Zacharius Allegro, ang lalaking muling bubuo sa pagtitiwalang minsan ng nawala sa kanya. But will her darkest secret get in the way of her loving him? Will his love for her be enough to lit up the fire inside her ice cold heart that was long buried because of a traumatic experience? Or will she continue to be a heartbreaker temptress?
like
bc
Kung Maging Tayo ( Completed)
Updated at Jan 4, 2023, 00:41
Marsha Lorraine Gatchalian. Mula pagkabata ay isinapuso na niya ang pagiging mapagbigay para sa pamilya. Panganay sa limang magkakapatid. Tandang-tanda pa niya ang paulit-ulit na paalala sa kanya ng kanilang yumaong ina ng mga panahong nabubuhay pa ito. “Kapatid muna bago ang sarili. Tandaan mo ikaw ang panganay.” Na siya niyang ginawa. Kaya ngayon sa edad na trenta y uno ay N.B.S.B pa din si Marsha. As in no boyfriend since birth. Lagi na nga lang siyang laman ng kantiyawan ng mga kaibigan. Pangarap din naman niya na makahanap ng lalaking pakaiibigin siya. Na magkaroon ng sariling pamilya balang araw. Hanggang sa makilala niya si Ian, isang bagong pasok na inhinyero sa kumpanyang kung saan siya nagtatrabahaho. Magpipilit itong paibigin ang puso niyang walang karanasang magmahal. Magagawa nitong paamuin ang puso niyang mailap sa pag-ibig. Pareho silang nahulog at umibig sa isat isa. Ang tahimik niyang mundo na umiikot lamang sa kanyang pamilya, unti-unti ay magkakaroon ng kakaibang sigla. Ngunit ng inaakala ni Marsha na abot-kamay na niya ang minimithi sa mga piling ng lalaking minamahal ay saka naman darating ang isang malaking problemang susubok sa katatagan niya pati na rin ng kanyang pusong mapagsakripisyo. Makakamit pa kaya niya ang pag-ibig na inaasam? O mananatiling pangarap na lamang ang lahat?
like
bc
Somebody To Love
Updated at May 15, 2022, 02:55
All her life she feels alone. She was only seven years old when her mother died in an accident.Di rin naman nakilala pa ang tatay niya na tinabukhan ang nanay niya ng mabuntis ito sa kanya. Ulila at mag-isa, naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin. Naging maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya at pinag aral pa siya.Kaya lang nagbago ito ng makapagasawa. Bukod sa lasenggero na ay sugarol pa ang nakatuluyan nito. Pag hindi pa nito nasusunod ang bisyo ay binubugbog pa nito ang tyahin niya. Ilang ulit rin niyang kinumbinsi ang tiyahin niya na hiwalayan ito pero hindi ito pumapayag. Mahal niya raw ito at di kayang mabuhay kung wala ito. Hanggang isang araw pinagtangkaan si Allie na halayin ng tiyuhin kaya nagpasiyang umalis at lumayo. Sinabi niya ito sa kanyang tiyahin ngunit di siya pinaniwalaan. Sa halip ay mas pinili pa rin nito ang asawa at magbulag-bulagan. Labag man sa kalooban ay mas pinili niya ang magpakalayo. Ngunit sinumpa niya sa sarili niya na hinding-hindi siya tutulad sa ina at tiyahin na nagpakabulag sa pag-ibig. Hinding hindi siya magmamahal. Pinapangako niya sa sarili na hinding-hindi siya iibig. Hinding hindi niya sisirain ang sarili para lamang magpakababa para sa pagmamahal. Pero lahat ata ng pangako niya sa sarili ay mababali lalo ng makilala niya si James Xandrix De Agassi. Isang mayamang businessman. A certified playboy and known womanizer. Paano nga ba niya matutupad ang pangako sa sarili kung sa bawat halik at haplos nito ay nawawala siya sa katinuan? Paano nga ba niya mapapanindigan ang pagtanggi dito kung ang puso't kaluluwa niya ay nagsusumamo ng pagmamahal mula rito?
like
bc
Ours
Updated at Feb 14, 2022, 23:51
Asther always believe in true love. Nakita niya kung paano magmahalan ang kanyang magulang. Pangarap niya na magkaroon ng wagas na pag-ibig na gaya sa kanyang magulang. Then he met Grey. Ang lalaking nagpatibok ng puso niya. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita ay naging maayos naman ang samahan nila. Sa tuwing makakasama niya ito ay mas lalong sumisidhi ang pamamahal na nararamdaman niya para dito. Handa na sana niyang ipagtapat ang nilalaman ng kanyang puso. Ngunit isang malaking pagsubok ang ikiharap ng kanyang pamilya. Kinailangan niyang mangibang bansa. Labag man sa kalooban ay kinailangan niyang iwan ito. Dinamdama pala ni Grey ang kanyang paglisan ng walan man lang paalam. Mamumuhi ito sa kanya. At sa muli nilang pagkikita , ipaparamdam sa kanya ni Grey ay sakit na dinanas nito. Ngunit umaasa pa rin si Asther na sa muli nilang pagkikita ay maipagpapatuloy na nila ang kanilang unsyaming pag-iibigan. Pero si Grey ay nakatakda ng ikasal sa iba. Muli kaya niyang mapalambot ang puso ng binata para sa kanya?At huli na nga ba ang lahat para sa kanilang pagmamahalan?
like