bc

Ours

book_age18+
1.8K
FOLLOW
10.1K
READ
possessive
family
fated
second chance
friends to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Asther always believe in true love. Nakita niya kung paano magmahalan ang kanyang magulang. Pangarap niya na magkaroon ng wagas na pag-ibig na gaya sa kanyang magulang. Then he met Grey. Ang lalaking nagpatibok ng puso niya. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita ay naging maayos naman ang samahan nila. Sa tuwing makakasama niya ito ay mas lalong sumisidhi ang pamamahal na nararamdaman niya para dito. Handa na sana niyang ipagtapat ang nilalaman ng kanyang puso. Ngunit isang malaking pagsubok ang ikiharap ng kanyang pamilya. Kinailangan niyang mangibang bansa. Labag man sa kalooban ay kinailangan niyang iwan ito. Dinamdama pala ni Grey ang kanyang paglisan ng walan man lang paalam. Mamumuhi ito sa kanya. At sa muli nilang pagkikita , ipaparamdam sa kanya ni Grey ay sakit na dinanas nito. Ngunit umaasa pa rin si Asther na sa muli nilang pagkikita ay maipagpapatuloy na nila ang kanilang unsyaming pag-iibigan. Pero si Grey ay nakatakda ng ikasal sa iba. Muli kaya niyang mapalambot ang puso ng binata para sa kanya?At huli na nga ba ang lahat para sa kanilang pagmamahalan?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Asther! Asther! Anak gising na aalis na ako papuntang palengke at baka tanghaliin ako. Wala na akong mabibiling paninda nito." Marahang katok ni Nanay ang nagpagising sa akin. Pupungas-pungas akong nag-inat habang pinipilit imulat ang mata. Anong oras na nga ba ako natulog kagabi at parang antok na antok pa ako? Oo nga pala, hatinggabi na din at tinapos ko pa ang pagrereview para sa final exam namin mamaya. Graduating senior high student ako. Hindi man ako ang pinakamatalino sa klase namin pero nasa listahan naman ako ng honor students. Pinag-iigihan ko ang aking pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon naman ako ng pagkakataong makapasok sa unibersidad na gusto. Target ko ang makakuha ng scholarship. Para naman ‘di na masyadong mamroblema sila nanay at tatay sa pantustos sa pag-aaral ko. "Lalabas na po 'nay." Pabalik kong sagot kay Nanay na patuloy pa rin sa pagkatok sa pinto. Tumayo na ako para pagbuksan ng tuluyan si Nanay. “Aalis na kami ng tatay mo, ikaw ng bahala sa mga kapatid mo." "Opo 'nay, mag-iingat po kayo ni tatay,” sagot ko at humalik pa sa pisngi nito. Dali-dali ng bumaba at lumabas ng bahay si nanay . Agad sumakay sa nag-aabang na traysikel ni Tatay. Pagtitinda ng barbecue at kung anu-ano pang inihaw na pagkain ang pinagkakakitaan ng pamilya namin. Ito ang naisip na maliit na negosyong itayo ng magulang ko. Dahil sa hindi sapat ang kinikita ng tatay mula sa pamamasada ng traysikel. Ilang buwan na lang din at magkokolehiyo na ako. Panganay ako sa aming tatlong magkakapatid. Hindi man nagsasabi sila nanay at tatay pero ramdam ko ang labis na kagustuhan nila na mapagtapos kaming magkakapatid sa pag-aaral. Pagkatapos mag-inat ay inayos ko na ang aking kama at ginayak ang mga uniporme naming magkakapatid. Plinantsa ko iyon isa-isa at maingat na isinabit malapit sa bintana. Tumungo na ako sa kusina at tinignan kung ano ang pwedeng iluto para sa almusal. Sinalang ko ang kawali sa kalan. Habang hinihintay itong uminit ay binati ko na din ang itlog, pinitpit ang bawang at dinurog ang kanin na tira kagabi. Sasamahan ko na din ng tuyo at bibili ng pansit sa tindahan sa kanto. Matapos magluto ay tumungo na ako sa kwarto ng mga kapatid ko. “Arjan! Arwan! Bangon na at tanghali na. Bumaba na kayo at ng makapag-almusal na. Lalabas muna ako para bumili ng pandesal at pansit kay Aling Nimfa.” "Inaantok pa ako ate!” Medyo padabog at pasimangot na sagot ni Arjan. "Ate pwede five minutes pa?" hirit naman ni Arwann sabay talukbong ng kumot sa mukha. "Haynaku! Anong oras na? Bumangon na kayo diyan at baka pati ako malate ng dahil sa inyong dalawa!” Sabay hila sa kumot ng kambal. "Ateeee!”sabay nilang sigaw. Tatawa- tawa naman akong humiga sa kama at pabirong yumakap sa kambal. "Ah five minutes pala ha! Sige five minutes ko din kayong dadaganan habang kinikiliti." Naghagikgikan kaming tatlo habang ang kambal ay nagpapadyak ng paa sa kama. "Ate talaga, kahit kelan ang k.j. mo!” Tumayo na ako at sabay na hinila ang kamay nila. Sabay-sabay na kaming bumaba at tinungo ang hapag-kainan. “Mauna na kayong kumain. Bibili muna ako ng pansit at pandesal." Sinuklay ko ng kamay ang buhok kong medyo may kahabaan na. Wavy na may kulot- kulot sa dulo idagdag pa ang natural na pagka-darkbrown na kulay. Isang dangkal na lang at aabot na ito sa aking puwitan. Kumuha ako ng buong singkwenta pesos sa perang iniwan ni nanay na nakapatong sa ibabaw ng telebisyon. Matapos ay hinayon na ang palabas ng bahay. Di ko mapigilang mapatingin sa gilid ng kalsada habang tinatanaw ang kabundukan sa gawi niyon. Alas singko y medya pa lang ng umaga kaya medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam ng sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti lalo ng liparin ng banayad na simoy ng hangin ang aking buhok. Hinawi ko iyon at inipit sa gilid ng aking tainga. Sandali kong nakalimutan na nagmamadali nga pala ako at baka mahuli pa ako sa klase ko nito. "Aling Nimfa dalawang order po ng pansit at bente pesos po na pandesal.” Sabay abot ng bayad ko. "Hi Asther! Good morning" Di ko napigilang mapangiwi ng paglingon ko ang mukha ng kilalang lasenggero at tambay sa kanto ang mabungaran ko. "Ito na order mo Asther. Hoy! Naldo ang aga-aga tigilan mo si Ashther!” Singhal ni Aling Nimfa sa lalaking mukhang di naliligo sa gilid ko. Dali-dali kong inabot ang supot ng binili ko at nagpasalamat na dito. Patalikod na ako ng natigilan ako ng hawakan ako nito sa braso ko. Nanlalaki ang mata na napatingin ako dito. "Hatid na kita sa bahay nyo?” Anyaya nito sabay ngisi na nagpalabas sa ngipin nitong pagkadilaw-dilaw at bungal pa. Kinilabutan ako kaya dagli kong winasiwas ang brasong hinawakan nito. Walang lingon likod na napatakbo ako. Nang maramdaman ko na malayo-layo na ako sa tindahan ‘tsaka lamang ako lumingon sa pinanggalingan ko. Lumalagabog ang puso ko sa pinaghalong hingal at kaba ng ‘di ko mapansin ang bato sa nilalakaran ko at matisod. "Ay palakang kabayong bungal!" Sigaw ko at napapikit ng bigla akong mawalan ng balanse sa pag-aakalang tuluyan na akong madadapa. "What?!" natigilan ako ng may marinig akong nagsalita. Nagsasalita na ba ngayon ang lupa? Nalilito na dahan-dahang minulat ko ang nakapikit kong mata. Napasinghap ako ng tuluyang mapamulat. Isang pares ng kulay abong mata ang bumungad sa akin. Shocks! Ang sarap tignan ng mga mata nito. ‘Di ko napigilang iikot ang paningin sa kabuan ng mukha ng taong nasa harap ko. Ang malamlam niyang mga mata ay naaadornohan ng mahaba at mapilantik na pilikmata. May kakapalan ang kanyang kilay na bumagay sa kanyang nakakaakit na mata. Matangos na ilong at pangahan na mukha. Napalunok ako. Ang labi niyang natural na mamula-mula na parang kay lambot-lambot. Samakatuwid, ang gwapo naman ng lalaking 'to. Papasa siyang modelo sa isang magazine. Base sa hitsura nito ay mukhang may dugong banyaga na taglay. At ang labi. Haayyy! Ang sarap sigurong halikan ng mga labi nito.. Bahagya akong napailing sa naisip. Kalma self! bulong ko sa sarili. Anlayo na ng nilalakbay ng isip ko na hindi dapat. "Miss are you okay?” Aniya at marahan akong tinapik sa pisngi ko. Matangkad na ako kung tutuusin sa height kong five feet at six inches. Pero napatingala pa din ako sa lalaking nasa harap. Di hamak naman kasing mas matangkad ito sa akin. Siguro six footer ‘to ang tangkad eh! Wala sa loob na napatakip ako sa bibig ng mapagtanto ko kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko pa ang bahagyang pagdampi ng hininga nito sa ilong ko. Napakabango! Ang sarap amuyin. Hala! ‘Di pa pala ako nakakapag toothbrush. Naku! Baka maamoy niya hininga ko, dyahe! Nahihiya at tila napapasong napaayos ako ng tayo at bahagyang lumayo dito. "H-ha? Nauutal na sagot ko. "Sabi ko okay ka lang ba? Para ka kasing hinahabol ng sampung kabayo." Kunot-noong sagot nito sa kanya. "N-naku po! Sorry! Pasensiya na po!” Nahihiyang paumanhin ko. "O-okay l-lang ako" nauutal na sagot ko. "Next time watch where you going. Be careful baby.” Tugon nito. Hinawi pa nito ang mumunting buhok na tumabing sa aking mukha. " Pero kung ako naman ang makakasalo sa'yo kada madadapa ka, ayos lang!" Anito na may nakapaskil na ngiti sa labi. Bahagya pang humigpit ang pagkakahapit nito sa aking beywang. Ang muscles sa mga braso ay litaw sa suot nitong muscle tee shirt. Namumula ang pisngi na napatingala ako dito. Ano daw? Ako? Baby? Ang presko naman ‘ata ng taong ito para tawagin ako ng ganun. At isa pa eighteen na ako. Hindi man masyadong nahahalata dahil sa edad kong ito ay maganda na ang hubog ng katawan ko. Bilugan na ang dibdib, mahubog na ang balakang at balingkinitan ang beywang. Malaking bulas nga palagi ang puna ng iba sa akin. Madalas din na mapagkamalan akong mas matanda kesa sa tunay kong edad. Wala sa loob na napahigpit ang hawak ko sa aking bitbit. Bahagya ko siyang itinulak sa kanyang braso. Humakbang ako ng bahagya ng makakawala sa pagkakahawak niya. "P- pasensya. Hindi ko sinasadyang mabunggo kita." Sinalo nga ako sa muntik ko ng pagkakadapa, mukhang tsatsansingan naman ako! Naku! Gwapo nga kaso mukhang manyakis. Tinalikuran ko siya at dahan-dahang humakbang papalayo. "Hey! Wait!" Habol pa nito sa akin. Agad ko itong nilingon sabay habol ng irap. Mukhang balak pa 'ata ako nitong habulin kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Lakad-takbo na ang ginawa ko. Naririnig ko pa ang pagtawag niya sa akin. Pero hindi ko na pinansin. Nang alam kong malayo na siya at hindi na makakahabol pa sa akin ay nilingon ko siya. Nasurpresa pa ako ng makitang pinagmamasdan pa din niya ako mula sa kanyang kinatatayuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook