Prologue
“ You need to come home, Adrianna,” maawtoridad na utos ng aking ina sa kabilang linya. Mapakla akong ngumiti. Home? London is my home now. For the past twelve years that I’ve been living here alone, this is the only place that I can literally call home.
“We need you in the firm,” dagdag pa ni Mommy. Marahan kong itinaas ang kopitang hawak at sumimsim ng alak. Napapikit ako ng humagod ang init nito sa aking lalamunan.
“ Yeah right. You need me that’s why you want me to go back,” I answered coldly, full of disgust.
“ Oh! Come on Addie. It’s been years. You should be mature enough by now. You have to come home. You know what your father is capable of. He won't be please if you don’t obey. Your flight has already been arranged. My secretary has already send the details in your e-mail. We are expecting to see you in three days,” then her mother hung up.
Nagpupuyos ang kaloobang naibato ko ang hawak na cellphone. Tumama ‘yon sa pader at nagkapira-piraso. f*****g twelve years of being away from my parents and yet, they still have their control over me. Miles and miles away but with just one phone call they can get in the way of how I want my life would be.
Fuck! f**k! f**k! I cursed so many times to ease my tension.
Napasandal ako sa kinauupuang sofa at napapikit ng mata. Bigla ang buhos ng alaala sa aking isip. Alaala ng nakalipas na labindalawang taon na pilit kong ibinabaon sa limot.
Twelve years ago...
“ What the hell?" I cursed when I saw an F on my exam paper.
" Joke ba 'to? How the f**k did I failed on this subject?" nanggagalaiting tanong ko sa aking kaklaseng nag-abot nito sa akin.
" H-hindi ko alam, Addie. N-napag-utusan lang ako ni Sir na ibalik 'tong mga test papers. Sabi ni Sir kung may magrereklamo pumunta na lang sa opisina niya," nanginginig na sa takot na sagot nito sa akin.
" Ano bang nirereklamo mo diyan, Addie? Para 'yan lang ang ingay-ingay mo na!" singit ni Cons na nakaupo sa tabi ko.
" Oo nga! First time mong bumagsak? 'Yaan mo, sa una lang masakit. Masasanay ka rin!" segunda naman ni Brie na sigeng suklay ng buhok niya.
" Wag kang mag-alala Addie, next time tulungan kitang mag-review." Si Aya na inayos pa ang salamin sa mata habang nagsasalita.
Pairap ko silang tinignan.
" I can't afford to get an F. Not now! Not ever!" lalo na ngayon. Malapit na ang graduation. This is our final exam. Masisira ang
class record ko. Baka ang pagiging class valedictorian ay mawala pa sa akin. At hindi pwedeng mangyari 'yon!
" Oy! Sasama ka ba sa 'min sa tambayan," si Cons na abala sa kakanguya ng bubble gum sa bibig niya.
" Pass muna ako. Puntahan ko muna si Sir sa office niya. Irereklamo ko 'tong grade ko," sagot ko sabay tayo. " Huwag 'nyo na rin akong hintayin. Uwi na ako pagkatapos," paalam ko sa mga ito.
It's Friday. At pag ganitong araw ay nagpapagabi kami sa paborito naming tambayan na isang tindahan malapit dito sa school. My time with my friends is the only time that I can be truely happy. Pero ang tanging oras ko na 'yon ay mawawala pa dahil lang sa isang bagsak na marka.
I came from a family of lawyers. My dad was a half-Filipino and half-British civil rights lawyer. While my mom is a respected corporate lawyer. Ang pamilya namin ang nagmamay-ari ng isa sa pinakakilalang law firm sa bansa na siyang dahilan kung bakit ubod ng yaman ang magulang ko. Being the only daughter and heiress, I was expected to follow my parents footstep and take over our company someday. But I hate that idea so much.
I don't want to be a lawyer. I want to be a fashion designer. But my parents won't allow me to.
Sayang lang daw ang talino ko kung isang walang kwentang kurso lang ang pag-aaralan ko. Ibig sabihin walang kwenta ang isang bagay na gustong-gusto ko at maaaring magpasaya sa akin. I sighed.
Matalino? Totoo 'yon. Si Aya, laging subsob sa pag-aaral makakuha lamang ng mataas na grades. Samantalang ako, isang basa ko lang 'ata ng libro kabisado ko na ang laman no'n. Hindi din ako palaaral. Natural lang na lumalabas ang katalinuhan ko. It runs in my blood, I guess. Ikaw ba naman may magulang at ninunong mga abogado. Kinuhaan pa ako ng tutor ng mommy para lang masigurong nag-aaral ako ng mabuti. Nakailang palit na ba ako ng tutor? Marami na rin. Kung hindi kasi mukhang hindi magaling magturo ay mukhang magkakagusto sa akin ang tutor ko. Puro kasi lalaki kinukuha ni mommy para magturo. Paniwala kasi ni mommy baka maintimidate ko lang pag babae naging tutor ko. Hindi ko naman kasi talaga kailangan. Sila lang ang mapilit. Pero itong bagsak kong marka ay hindi talaga katanggap-tanggap. This is the first time that this had happened to me. Baka lalo lang akong ikulong nito sa bahay nila mommy at daddy. Kaya kailangang maayos ko 'to.
Mangilan-ngilan na lang ang mga estudyanteng nadadaanan ko. Siguro dahil tapos na ang klase ng karamihan. Pagliko ko sa pasilyo ay nakasalubong ko si Britney. Kunot noong tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala sa ayos ang buhok nito at bukas ang ilang butones ng blusa. Napahinto ito sa harap ko ng mapansin ako.
" Hi Addie!" tila nang-uuyam na bati nito sa akin. " Bumagsak ka raw sa exam kanina. "Finally, siguradong ako na ang valedictorian sa darating na graduation," nang-iinis pang dugtong nito.
" In your dreams, Britney," nanunuyang sagot ko. Hahakbang na sana ako palayo ng hawakan niya ako sa aking braso.
" I am not dreaming, Adrianna. It will happen, I'm sure of it."
Naiiritang hinila ko ang brasong hawak nito. Isang matalim na pukol ang ibinato ko dito bago muling humakbang palayo.
Nasa dulong bahagi ng campus ang office ni Sir Teodoro, ang subject teacher namin for our Physics class. Medyo dumidilim na ang langit dahil sa papalubog na araw. Tinignan ko ang aking pambisig na relo. It's quarter to six. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng aking bag. Tinext ko ang driver na susundo sa akin na hintayin ako sa labas ng gate ng eskwelahan.
I knocked three times on the door when I reached the office. Walang sumagot kaya pinihit ko ang seradura. Saktong pagbukas ko ng pinto ay siya namang labas ni Sir Teodoro mula sa banyo na naroroon mismo sa silid.
" Good evening Sir," magalang na bati ko.
" Oh! Miss Oliveira, come in." Iminuwestra nito sa akin na maupo sa mahabang sofa na naroroon.
" Anong atin at naparito ka? Gabi na ah! May kasama ka ba?" tanong nito sa akin habang nauupo sa pang-isahang sofa.
" Actually Sir, may itatanong po sana ako about sa result ng exams. Wala po akong kasama pero naghihintay po 'yong driver ko sa labas," sagot ko sabay abot dito ng exam paper ko.
Tinapunan lamang nito iyon ng isang mabilis na tingin bago bumaling sa akin.
" Bagsak ang nakuha mong marka. Di ba running for valedictorian ka?" komento nito.
" Yon na nga po, Sir. Nakakapagtaka lang po kasi. Bakit po ako babagsak samantalang ako lagi ang nakakakuha ng high score sa mga exams sa mga subject 'nyo?" Kunot-noong tanong ko.
Niluwagan nito ang pagkakasuot ng necktie at tuluyang hinubad 'yon. Matapos itupi ay ipinatong sa side table sa tabi nito.
" Alam mo, Miss Oliveira, pag ang isang estudyante ay hindi nag-aaral ng mabuti bumabagsak talaga sa exam. Pero madali lang namang gawan ng paraan 'yan, hija," sagot nito. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa tinuran nito.
" A-ano po bang paraan ang tinutukoy 'nyo, Sir?" kinakabahang tanong ko. Mula sa kinauupuan nito ay lumipat ito ng upo sa tabi ko. Tinangka nito akong hawakan sa aking braso pero umusod ako palayo.
" Isang gabi lang, Adrianna. Hayaang mong tikman kita kahit isang beses lang at ibibigay ko sa'yo ang pinakamataas na marka."
Nanlalaki ang matang bigla akong napatayo dahil sa sinabi nito. Ngunit bigla ako nitong hinila sa aking braso. Pahigang natumba ako sa mahabang sofa. Pagbagsak ko ay agad ako nitong kinubabawan.
" H'wag ka ng pumalag, Adrianna. Mabilis lang 'to! Alam mo ba 'yong kaklase mong si Britney? Noong una, aayaw-ayaw rin 'yon. Pero ngayon, lagi na naming ginagawa 'to. Nag-eenjoy 'yon kaya siguradong mag-eenjoy ka rin sa gagawin natin," tila asong ulol na gigil sa nakitang kapirasong karne ang mababanaag sa mukha ng guro. Nahihintakutan ako sa mga pinagsasabi nito.
Sinubukan kong lumaban. Ngunit masyado siyang malakas. Nahawakan nito ang aking uniporme sa bandang dibdib. Hinila nito iyon ng malakas. Nagtalsikan ang butones nito at nahantad ang aking dibdib na natatakpan na lamang ngayon ng aking itim na bra.
Mas nadagdagan ang takot ko kung kaya't itinaas ko ang binti at tinuhod siya. Namimilipit na umalis siya sa ibabaw ko
Sinamantala ko naman. Mabilis akong tumayo at tumungo sa pinto. Ngunit nagawa niya akong hablutin sa aking buhok at marahas na naitulak sa lamesa nito. Napaigik ako sa sakit dulot ng paghablot niya sa buhok ko. Parang matatanggal ang anit ko sa sakit. Pilit niyang itinutulak ang kalahati ng aking katawan padapa sa ibabaw ng lamesa habang itinataas ang palda ko.
" Huwag ka ng lumaban Miss Oliveira! Masasaktan ka lang. Sumunod ka na lang para parehas tayong masasarapan," nakakahilakbot na bulong nito sa aking tainga. Kinakain na ng labis na takot ang aking buong sistema. Konti na lang at magtatagumpay na ito sa masamang hangarin sa akin.
Help! Please! Somebody help me please! Piping usal ko. I'm so scared. Fear is taking control that I can't even open my mouth to scream for help. Ni hindi ko magawang umiyak sa labis na takot na nararamdaman.
Ngunit tila imposibeng may tulong na darating kaya kailangang ako mismo ay may gawin para mailigtas ang sarili.
" Bitiwan mo ako! Hayop! Walanghiya! Let go of me!" Nagpipigil na sigaw ko habang pilit ko siyang sinisiko at sinisipa. May vase sa ibabaw ng mesa nito. Inabot ko 'yon at inihampas ko sa kanya. Ngunit hindi ito tumama kung kaya't nahulog sa sahig. Lumikha ito ng malakas na ingay.
Gayon na lang ang pagsinghap ko ng biglang bumukas ang pinto.
" Anong nangyayari dito?" malakas at gulat na gulat na tanong ng pumasok na babaeng guro.
Nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib pagkakita sa kanya. Natigilan si Sir Teodoro sa ginagawa at napatuwid ng tayo.
Agad akong lumapit sa babaeng guro. Niyakap ko ang sarili upang matakpan ang nakahantad na dibdib. I felt relieve after seeing her. I'm safe now. 'Tska lamang sunod-sunod na pumatak ang aking luha.