" Damn it Drix! Ginulat mo ako! Kanina ka pa ba riyan?" singhal ko. Napakalakas ng t***k ng puso ko. Nabitawan ko ang hawak na panloob. Padabog na pinulot ko iyon at nameywang sa kanyang harapan. " Your not answering my calls. I got worried so I rushed here. Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka lumalabas kaya pumasok na ako," sagot nito pero ang mga mata ay nakadikit sa akin. " Paano ka nakapasok? Sigurado akong nilock ko ang pinto bago ako umakyat," sagot ko. " I got a duplicate of your keys." " You what? manghang tanong ko. Oo nga pala, pinapalitan niya ang mga doorknob at kandado ng mga pinto kaya hindi malabong mangyaring magkaroon ito ng duplicate ng mga susi. " Your invading my privacy," masungit na bigkas ko. Tinalikuran ko ito at ipinagpatuloy ang naudlot na pagsusuot ko

