Sunod- sunod na ring sa aking telepono ang nagpagising sa aking urirat kinabukasan. Ngunit bago ko pa masagot ang tawag ay huminto na ito sa pag-iingay. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Tulalang napatitig ako sa puting kisame ng aking silid. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hikab at nag-inat bago bumangon. Naupo ako sa gilid ng aking kama. Sinipat ko ang alarm clock sa ibabaw ng aking bedside table. Fifteen minutes past eight ang oras. Usually, I am sitting infront of my table in my office while sipping on my coffee at this time of the day. Nakaharap sa laptop at gumagawa ng presentation o kaya naman ay chinecheck ang mga proposals ng aking mga kasamahan sa trabaho. This has been my routine for the past years of working in that company. And I just can't believe tha

