TIME WITH FAMILY

660 Words
Pagdating sa Quezon Province ay unti-unting bumabalik sa alaala ni Nathan ang masasayang panahon na kapiling ang mga magulang. Though they were so busy with their careers as politicians but still they managed to gave their free time to him and always took care of his needs. Siguro nga dahil sa nakita niyang pagiging abala ng mga ito palagi dahil sa kanilang mga tungkulin sa bayan at kaunti nalang ang naibibigay sa kanyang panahon at kalinga kaya it imprinted to his mind na never niyang papangarapin na sumunod sa yapak ng mga ito. But somehow na realize niya na masaya at fulfilled naman ang mga ito kung ano man ang kanilang nagawa dati sa kanilang lugar bilang mga pulitiko at dapat ay hindi siya naging selfish para isiping mas naging mahalaga ang kanilang mga trabaho kesa sa kanya na anak nila. 'I'm really so sorry Ma and Pa.' Tahimik niyang nasabi habang nakatingin sa masayang mukha ng mga ito at iginigiya siya papasok sa kanilang mansyon. Wala namang malaking pagbabago sa kanilang tahanan. May mga nadagdag lang na mga gamit partikular sa mga frames and figurines. It's her mom's collections for sure. Ang kanilang mga kasambahay ay ganun pa din. Katulad niya nagka edad na rin ang mga ito. Yung hardinero nila na si Mang Sopring ay lagpas saisyenta na pero maliksi at naninilbihan pa rin sa kanila. Ang mayordoma naman na si Aling Soling ay matanda na din at kinupkop na ng kanyang mga magulang sapagkat nag-iisa na ito sa buhay. Masaya siyang binati ng mga ito at nagpapasalamat naman siya sa mga ito sa patuloy nilang paglilingkod sa kanyang pamilya. Pagkatapos ng walang humpay na kumustahan ay masaganang kumain ang lahat sa loob ng mansyon ng mga San Diego dahil buo na uli ang kanilang pamilya. Hindi na muna ipinaalam ng kanyang mga magulang ang kanyang pagdating sa kanilang malapit na kamag-anak at mga kaibigan sapagkat gusto muna nilang masolo ang kanyang oras at atensyon ng araw na iyon. 'No wonder I have this selfish attitude may pinagmanahan pala talaga ako.'He amusedly told to himself. Bukod sa malalapit na mga kamag-anak ay nag-iisa nalang ang abuela niya. Ito ang ina ng kanyang ama na si Donya Emma. Nasa pangangalaga na ito ngayon ng kapatid na babae ng kanyang ama na si Carolina dahil maysakit ito bunga ng katandaan. Mas may panahon kasi ito na alagaan ang ina dahil isa na din itong biyuda at wala din namang anak kaya ito na ang kusang nagboluntaryo na samahan ang ina sa bahay mismo ng mga magulang. Dumadalaw naman sila noon sa lola niya kapag may panahon ang mga ito at ang Tito Bernie niya kapag nakakauwi ng Pilipinas kasama ng pamilya nito. He promised to himself to spend a couple of days sa lola niya dahil miss na rin niya ito. Alam niyang miss na din siya nito sa tagal ng panahon na hindi sila nagkita. Ang kanyang ina naman ay ulilang lubos na sa matagal na panahon dahil sanggol pa lang siya ng mamatay ang mga ito sa isang car accident. Hindi rin makwento ang kanyang ina tungkol sa mga magulang nito at nalaman nalang niya mula sa kanyang ama na hindi talaga malapit ang loob ng ina sa mga ito ngunit sobrang nasaktan ito sa pagkawala ng mga magulang kaya sobrang naghinagpis ito dahil hindi nito naiparamdam ang pagmamahal noong buhay pa ang mga magulang. Dahil sa mga alaalang nanumbalik sa kanyang isipan ay ipinangako niyang punan ang kanyang pagkukulang sa sariling mga magulang. Alam niyang hindi siya naging perpektong anak sa mga ito ngunit hindi pa naman huli ang lahat upang bumawi siya sa mga ito. May ngiti sa mga labi na pinagmasdan niya ang mukha ng mga ito habang masaya silang nakikipag-usap sa mga tauhan sa kanilang hapag-kainan. 'I love you so much Pa and Ma and I'm so sorry again for being a brat son before.' Usal niya sa isip habang nakatingin sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD