MARI'S BONDING WITH FAMILY

540 Words
Excited na naghahanda ng mga gamit na dadalhin ng pamilya sa pupuntahang beach si Mari. Napagkasunduan kasi nilang mag-outing para naman makapag relax pagkatapos ng nakakapagod na trabaho sa palayan. Nagdala din siya ng pang swimming dahil alam niya mai-enggyanyo siyang maligo dahil napakaganda ng beach na kanilang pupuntahan. Ito ay ang tinatawag nilang white beach na sakop lang din sa kanilang probinsya ng Mindanao. Mga 10-20 minutes lang ang byahe mula sa kanilang lugar. Sabi ng ilang turista na nakapunta doon para daw itong 'small Boracay ' dahil na din sa maputing buhangin nito. Pinili din ni Mari na doon nalang sila mag-bonding ng pamilya para hindi na mahirapan ang mga magulang sa mahabang byahe. "Oh anak kumpleto na ba lahat ng dadalhin natin?" Tanong ni Aling Lita."Opo Nay." Tugon naman niya."Oh siya halika na at tatawagin ko lang ang itay mo sa baba. Na check na rin naman niya siguro ang kanyang tricycle. " Sabi ng kanyang ina. May sarili silang tricycle na ginagamit ng kanyang magulang sa tuwing pupunta ang mga ito sa sakahan. At kapag hindi masyadong abala ang kanyang Itay sa palayan pumapasada din ito para may extra income din ang pamilya. Sobrang sipag talaga ang mga ito ngunit dahil tumatanda na rin ang mga magulang kaya nais niyang siya naman ang magtrabaho para sa mga ito. "Anak ang layo naman ata ng iniisip mo." Untag ni Mang Emil sa kanya. "Ho?" Napasulyap siya dito na nagmamaneho ng tricycle at medyo malayo na pala ang kanilang narating. "Ang tahimik mo kasi anak." Sabi naman ng kanyang."Di kami sanay sa pagiging tahimik mo." Patuloy pa nito."Eh nay...tay, masaya lang po ako at ninanamnam ang moment na ito na kasama kayo." Pagkakaila niya sa tunay niyang iniisip ngunit totoong naman sa kanyang damdamin na masaya siyang kapiling na uli ang mga ito kahit iilang araw lang. Ayaw niyang mag-alala ang kaniyang mga magulang at ang tanging gusto niya lang ay masaya ang mga ito sa kabila ng simpleng buhay mayroon sila ngayon. Nakarating sila sa white beach ng matiwasay dahil na rin sa magandang panahon. Talagang nakikiuyon ang kalikasan sa sayang nararamdaman niya. Medyo marami na din ang mga tao sa beach at parang turista ang karamihan sa mga ito. May nakuha pa naman silang cottage na pinakamaliit ata sa lahat ngunit sakto din lamang sa kanilang tatlo. Inayos niya ang mga dalang pagkain at gamit sa lamesang nasa gitna. Parang nagutom agad siya ng buksan ang mga lutong ulam ng kanyang ina na talagang maagang gumising para maihanda ang mga paborito niyang pagkain. May adobong manok, sinangag na hipon, pritong lumpia at salad na talong. The best talaga ang kanyang ina sa pagluluto dahil alam niyang may sangkap na pagmamahal yun para sa kanila ng kanyang ama."Kumain na muna tayo bago ka maligo Mari. Tiyak kong na miss mo na magtampisaw sa tubig-dagat." Sabi ng Aling Lita."Naku Nay mas na miss ko po itong mga luto niyo kaya mas uunahin ko po talagang kumain muna bago ang paliligo." masaya niyang tugon dito at nagtawanan ang kaniyang mga mga magulang sa sinabi niya. Magana silang kumain habang nagkukwentuhan at pagkatapos ay naligo na din sa dagat na magkasama dahil di matapos tapos ang masaya nilang kwentuhang magpamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD