ANG UNANG PAGTATAGPO

914 Words
Mapayapang ninanamnam ni Nathan ang sariwang hangin mula sa karagatan habang nililibot ng kanyang paningin ang malawak na dagat ng probinsiya ng Surigao mula sa kanilang rest house na nasa tuktok ng resort na pag-aari ng mga magulang. Ito ang paboritong lugar na pinupuntahan ng mag-asawa tuwing maisipan nilang magpahinga muna sa kanilang mga trabaho noon. Di rin biro ang ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat dati bilang mga lider ng kanilang lugar. Ngayong kapwa na nag retiro ang mga magulang sa pulitika ay mas madalas na silang magbakasyon dito hindi lang para makapag relax kundi para din bigyan ng oras ang isa't isa. "Hey son, di ka pa ba maliligo sa dagat?" Tanong ng kanyang ama na katatapos lang din maligo kasama ng kanyang ina."I'm about to go Pa. In-enjoy ko lang muna ang tanawin kasi matagal din akong di nakabalik dito. I'm still familiarizing the place baka maligaw ako sa lawak ng lugar." Sagot niya dito. "Go now iho habang di pa masyadong masakit ang init ng araw. Magkaka sunburn ka niyan pag tumirik na yung araw." Nag-aalalang sabad naman ng kanyang ina. "Hey ma, I'm not a baby anymore. Sunburn lang yan at kaya na ng katawan ko yung hapdi. Di na ako yung dating batang umiiyak pag humahapdi ang balat." Natatawa niyang sagot sa ina. Dati kasi ay takot siyang magka sunburn. It was like a hell to him kasi natural na maputi yung balat niya na minana sa kanyang ina kaya talagang sensitive siya sa init ng araw. Ngunit na overcome na niya yung takot during his stay in US. Wala na kasi yung mama niya na sobrang makapag-pamper sa kanya tuwing nagkaka sunburn siya. He started to learn how to fight his own battle independently. Naging magaling na swimmer at surfer pa siya doon sa ibang bansa kaya marami talaga ang humahanga sa kanya sa taglay niyang talino at talents. "Hay naku sige na at alam kong ipipilit mo pa rin yang gusto mo. But still I'm reminding you to be extra careful when you're going to swim or surf. Alam mo namang ikaw lang ang unico hijo namin kaya kaligtasan mo lagi ang aming iniisip." Mababakas parin ang pag-aalala sa tinig ng kanyang ina. "Yes ma I will take extra care for myself. Ayaw ko rin naman kayong mag-alala. Thanks for your care and love ma." Niyakap pa njya ito bilang assurance na walang mangyayaring masama sa kanya. "I'll go now ma and pa." Paalam niya at tinanguan naman siya ng mga ito bilang sagot. "Anak, di ka pa ba aahon diyan?" Pasigaw na tawag ng ina ni Mari mula sa kanilang cottage na di naman masyadong malayo sa kanyang kinaroroonan. "Maya-maya lang po nay. Masarap pa pong magtampisaw sa dagat." Pasigaw din niyang sagot upang marinig siya nito at nakita niya namang tumango ito bilang tugon sa kanya. Sobrang nakaka relax talaga ang tubig at na miss niya din talaga ang tubig-dagat dahil simula ng mag-aral siya sa Cebu ay natigil na din ang mga gala niya o outing sa mga beach. Kahit di naman siya bihasang lumangoy ay nai-enjoy pa din niya ang pagtatampisaw sa mababaw na parte ng dagat. Dahil malinaw ang tubig at maputi ang buhangin, naisip niyang sumisid mula sa hanggang balikat na level ng tubig hanggang sa may leeg na niya ang lalim. Gusto lang din naman niyang i-imagine na para siyang sirena at lumalangoy sa pinakamalalim na parte ng tubig. Dahil sa naaaliw siya sa ginagawa at panay ang sisid sa ilalim ay di niya namamalayang medyo napapalayo na siya sa kanyang pwesto mula sa tapat ng kanilang cottage. Mga ilang minuto din ang kanyang pagsisid hanggang sa maramdaman niyang di na sumasayad ang kanyang mga paa sa buhangin ng maisipan niyang tumayo dahil medyo kinapos na siya sa paghinga. Naalarma siyang bigla sapagkat di naman talaga siya marunong lumangoy. Sinubukan niyang ikampay ang mga kamay at pilit tinatanaw ang mga magulang para makahingi ng saklolo ngunit di na niya makita ang mga ito. Wala din siyang makitang tao malapit sa kanya para hingan ng tulong. Gusto niyang sumigaw ngunit tuluyan na siyang lumulubog sa tubig. 'Lord, Kayo na po ang bahala sa akin. Sana ay patawarin Nyo ako sa aking mga nagawang kasalanan at huwag Nyo pong pabayaan sina inay at itay.' Taimtim nalang niyang dasal habang unti-unti ay nawawalan na siya ng malay. Habang nasa ilalim ng tubig si Nathan at nawiwiling minamasdan ang maliliit at makukulay na mga isda sa kanyang paligid na para bang nasa loob lang siya ng aquarium ay bigla niyang napansin sa di kalayuan ang pigura ng isang babae na lumulubog sa tubig at tila nalulunod dahil di naman gumagalaw ang mga paa at kamay nito kung ito man ay nag da-dive sa ilalim ng tubig. Dali-dali siyang lumangoy palapit dito, niyakap niya ang mga balikat nito at hinila patungong ibabaw. Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang pangko na niya ito upang maiahon sa dalampasigan. Nang maibaba niya ito sa buhangin ay ginawan niya ito ng CPR. Ngunit di pa rin ito gumagalaw kaya inulit niya ang pag CPR. Nakahinga siya ng maluwag ng unti-unti ay gumalaw ito at bumuga ng tubig-dagat. Nakapikit pa ang mga mata nito at naghahabol pa ng hininga. Naaawa siyang pagmasdan ito na parang maiiyak. Siguro ay dahil sa takot o pagka trauma naisip niya. Unti-unti ay bumuka ang mga mata nito ng medyo normal na ang paghinga nito at tumitig sa kanya na parang nagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD