A SAVIOR, A HERO

916 Words
Naramdaman niyang my lumapat na malambot at mainit na bagay sa kanyang mga labi. It was her first experience to have that tingling sensation. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang dugo na nagpainit din sa kanyang katawan. Pilit niyang ibinubuka ang mga mata sapagkat ang huling pagkakaalala niya ay nalulunod siya at tinatanaw kung nasaan na ang kanyang mga magulang. 'Diyos ko! Nasa langit naba ako?' Di niya mapigilang maitanong ng pagdilat niya ay maamong mukha ng lalaki ang kanyang nabungaran. 'Siya ba ang anghel na sumundo sa akin?' Naitanong niya uli sa sarili. Nakatitig lang siya sa lalaki na abalang nagmo-monitor ng kanyang vital signs hanggang sa ito ay tumigil at tumingin din sa kanyang mga mata. "Finally you're conscious now. Matagal ka ring nawalan ng malay. I just checked again if you're body is stable now." Paliwanag nito sa kanya sa nagtatanong niyang mga mata. "Nasaan ako?" Yun lang ang kanyang tanging nasambit dahil gusto niyang masigurong nasa mundo pa siya ng mga tao. "You're still in the beach lady". Natatawa nitong sagot. Alam na siguro nito ang kanyang iniisip. Pinamulahan siya ng mukha dahil nga ang tanga niya naman talaga para isiping nasa langit na siya. May anghel ba naman kasing naka swimming trunks at sobrang perfect ng abs? Kahit di pa siya nagkaka-boyfriend ay marunong din naman siyang kumilatis ng katawan ng lalaki. Marami nga siyang idolo na mga celebrity hunks. Ngunit ang makakita mismo sa harap niya ang hinahangaang katawan ng isang lalaki ay sobrang nakakakaba pala. It's her first time too to see a half-naked body in real. At sa mismong harap pa niya. Ang tatay niya kasi ay di naman naghuhubad ng t-shirt kahit nasa loob ng kanilang bahay. Yung mga idolo niyang male celebrities ay hanggang TV o magazines niya lang nakikita. Nadagdagan pa ata ang listahan ng mga lalaking kanyang hinahangaan. At ang lalaking nasa harap niya ngayon ay top one para sa kanya dahil hindi lang ito hunk kundi ito rin ang kanyang knight in shining armor. Nang maalala niyang ginawan siya nito ng mouth-to-mouth resuscitation ay namula uli ang kanyang mukha. Alam niya namang yun ang dapat nitong gawin para mailigtas siya ngunit di parin niya mapigilang mahiya dahil iba ang kanyang naramdaman ng dumampi ang bibig nito sa kanya. 'Mari, maghunus-dili ka nga!' Saway niya sa sarili. "Are you okay?" Tanong nito ng may pag-aalala ng makita nitong di siya mapalagay. Hinawakan pa nito ang kanyang mga balikat para tulungan siya ng pilit niyang itinatayo ang sarili. "Kaya ko na. Maraming salamat talaga sa tulong mo." Sabi niya rito na pilit dumidistansiya sapagkat umiinit ang kanyang pakiramdam sa tuwing nagdidikit ang kanilang mga balat. Manipis na sleeveless blouse at shorts lang kasi ang suot niya samantalng ito ay pang-ibabang saplot lang din ang suot. Sobrang awkward sa kanyang pakiramdam dahil never pa siyang dumikit sa mga lalaki kahit sa mga crushes niya noon. At sa isang estranghero pa talaga niya naranasan ang pakiramdam kung paano magkadikit ang katawan ng isang babae at lalaki. "Namumula na ang balat mo, ihahatid na kita sa inyo or sa family mo just to make sure you're safe." Sabi nito. Buti nalang at di nito nahalatang namumula siya dahil sa malakas na epekto nito sa kanya. "By the way, I'm Nathan." Pagpapakilala nito sa sarili. "Ah, I'm Mari. Huwag mo na akong ihatid malapit lang naman yung cottage na nirentahan namin ng family ko." Pagpapakilala niya rin pero tumanggi na siya sa alok nito dahil sobrang nahihiya na siya sa panggagambala dito. "I insist. Nag-aalala parin ako dahil sa nangyari sayo. You still need some medications I guess." May concern sa tinig nito na ewan at nagpakilig uli sa kanya. "Are you a doctor? Kasi ako nag-aaral pa ng nursing and so far pakiramdam ko okay na talaga ako.A big thanks to you again." Pilit pa rin niyang tanggi dito. "I'm not a doctor Mari but it's just my instinct to give you a medical advice. You were almost dead ng sagipin ko. Mas mabuti ng makasigurong you're body is totally okay." Sagot nito at ang sarap pakinggan mula sa labi nito ang kanyang pangalan. "Okay sir. Utang ko sayo ang buhay ko kaya ikaw ang masusunod." Mahina niyang sabi dahil nahihiya pa rin siya dito. "Silly lady, just call me Nathan, okay?" Natatawa nitong sabi at lalo pa itong naging gwapo sa kanyang paningin ng ito ay ngumiti. 'Kalma Mari at sobrang nakakahiya ka na!' Saway niya uli sa sarili. Di niya kasi talaga mapigilang kiligin dito dahil sobrang gwapo na ay sobrang bait pa. "Wait for a moment. Kukunin ko lang yung damit ko sa may bangka." Paalam nito saglit. Di naman kalayuan ang bangkang binanggit nito at nakita niyang isinuot nito ang puting t-shirt at maong na short at lumakad na pabalik sa kanya. "Let's go?" Untag nito sa kanyang pagkatulala sapagkat di niya namalayang andito na uli ito sa harap niya. 'Oh my nakakahiya na talaga!' Bulong niya sa sarili. Na starstruck na naman kasi siya sa kakisigin at kagwapuhan nito. Mahinang tango lang ang sagot niya dito dahil di na siya makapagsalita pa. Lumakad na siya patungo sa kanilang cottage habang ito ay masuyo lang na nakaalalay sa kanya at di niya maiwasang pamulahan uli ng mukha. 'Lord, maraming salamat sa pangalawang buhay at maraming salamat din sa taong ipinadala Mo para ako ay mailigtas sa kamatayan.' Mahina niyang dasal habang kinakalma ang sarili sapagkat magkadikit uli ang katawan nila ng lalaking kanyang tagapagligtas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD