STRANGE FEELINGS WITH EACH OTHER

524 Words
The moment he saved the girl from being drowned, he has this sudden strange feeling that he wanted to protect her all the time. Di niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang masigurong ligtas itong makakauwi sa kanyang pamilya. Habang inaalalayan niya itong lumakad papunta sa sinasabi nitong cottage ay di niya mapigilang sulyapan ito sa mukha na nakatungo at tila ay nahihiya parin sa kanya. Her face looks so innocent at nakakahalinang pagmasdan. Ito ang mukhang hindi niya pagsasawahang tingnan kailanman. 'Are you longing for a woman now boy?' Naitanong niya sa sarili. Medyo matagal na din siyang walang karelasyon. When he was in States mga babae na mismo ang hayagang nagpaparamdan ng kanilang pagtatangi sa kanya. Even there, he was quite popular because of his looks, intelligence and skills. Ngunit hindi naman siya ang tipo ng lalaking nagti-take advantage kahit mais na ang lumalapit sa palay wika nga ng mga nakatatanda. He had three past relationships na di nag work out dahil di maintindihan ng mga ito na kailangan niya ng mas malaking oras sa pag-aaral at trabaho. Ito rin ang dahilan ng paghihiwalay nila ng mga naging ex niya. They were so demanding and possessive at nasasakal siya. Mas pinili nalang niyang mag focus sa trabaho after those failed relationships para may mapatunayan siya sa kanyang mga magulang in the future. Bigo man sa pag-ibig ay doble-doble naman ang kanyang tagumpay sa larangan ng kanyang karera. At ngayong dala niya sa sarili ang lahat ng karanasan at dunong mula sa kilalang bansa ay di na siya nangangambang humarap sa kanyang mga magulang at ipagmalaki sa mga ito that he's more than capable of handling a company of his own at di na kailangan pang sumabak sa pulitika para lang makatulong sa kapwa. Everything was already set on his mind. Umuwi ng Pilipinas, be with his parents again and build his own company. Pero ngayon ay parang may nais siyang ibang gawin. May nais siyang bigyan din ng oras. Napabuntung-hininga nalang siya sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isip at muling sinulyapan ang kasamang magandang babae na biglang tumigil sa paglalakad at nahihiya pa ring tumingin sa kanya. "Andyan na ang cottage namin." Turo nito at dahan-dahang humiwalay sa kanya. "Can I meet your family Mari?" Tanong niya dito sapagkat ayaw niya muna talagang humiwalay dito. "Sige. Halika." Paanyaya nito at nakita niyang medyo kumunot ang noo nito dahil wala kaming makitang tao sa loob ng cottage. "Nay, tay, Asan kayo?" Tawag nito. "May cellphone ba sila?" Tanong ko dito at ng matawagan namin dahil baka umalis ang mga iyon sa paghahanap kay Mari. "Oo." Sagot nito at mabilis na kinuha ang sariling cellphone na nakalagay sa loob bag nito at tinawagan ang numero ng magulang. Nakahinga siya ng maluwag ng ilang saglit ay nakausap na nito ang ina at ama. He really doesn't want to see sadness in Mari's eyes. All he wanted is to make her happy and safe. 'Oh man, tinamaan na yata uli ako ni Kupido.' Bulong niya sa sarili at palihim na sinulyapan uli ang dalaga na masaya ng kausap sa cellphone ang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD