GETTING TO KNOW EACH OTHER

1013 Words
Nang makabalik ang kanyang mga magulang sa cottage na kanilang kinaroroonan ay agad siyang niyakap ng mga ito dahil sa sobrang pag-aalala sa bigla niyang pagkawala. "Anak naman huwag muna uuliting lumangoy palayo sa mula sa mababaw na tubig at alam mo namang di ka marunong lumangoy." Di mapigilang sermon parin ng kanyang ina ng kumalas na ang mga ito sa pagkakayakap sa kanya. "Masyado mo kaming pinakaba." Patuloy nito. "Huwag mo na siyang pagalitan Lita. Ang importante ligtas ang anak natin." Sabad naman ng kanyang ama. "Magpasalamat din tayo sa nagligtas sa anak natin." Patuloy nitong sabi at nilingon ang binatang katabi niya na tahimik lang na nakamasid sa kanyang pamilya. "Iho, utang namin sayo ang buhay ng anak namin. Nag-iisa lang namin siyang anak kaya di ko alam ang gagawin ko pag nawala itong si Mari. Siya lang ang tanging yaman meron kami. Kaya maraming salamat talaga sayo. Hulog ka ng langit sa pagliligtas mo sa anak namin." Madamdaming pahayag ng kanyang ina. "Wala pong anuman. Kahit naman po sino ay handang tumulong sa kapwa lalo na at nasa bingit ito ng kamatayan. Ako man din po ay nagpapasalamat sa Diyos at ako ang ginawa niyang instrumento para mailigtas si Mari." Sagot naman ng binata dito. "Nay, tay, patawad po uli. Sobrang pinag-alala ko kayo. Promise po mag-iingat na talaga ako." Naikwento na kasi ni Mari ang buong pangyayari nung kausap niya ang mga magulang sa cellphone mula sa muntik na niyang pagkalunod hanggang sa pagsagip ni Nathan sa kanya. "Iho maaari ba naming malaman ang pangalan mo at ng mabigyan ka man lang namin ng kahit na kaunting pabuya mula sa pagliligtas mo sa anak ko." Wika ng kanyang ama. "Nathan ho ang pangalan ko." Sabay lahad ng kamay ng binata sa kanyang ama at gayundin sa kanyang ina. Lihim siyang napangiti sa napakapormal nitong pagpapakilalala ng sarili sa kanyang mga magulang. "Ikinagagalak ka naming makilala iho. Ako. naman si Lita at si Emil ang asawa ko. Sana tanggapin mo ang aming munting pasasalamat sa iyo. Nais sana naming malaman ang address mo at ng maihatid namin yun." Mainit na pagtanggap ng kanyang ina at balak nilang mag-asawa na magbigay ng kaunting halaga mula sa naipon nilang pera bilang pasasalamat sa ikalawang buhay niya. "Nice meeting din po sa inyo. By the way, huwag na ho kayong mag-abala. Kusa ho ang pagtulong ko at di ho ako tumatanggap ng kapalit. Ang hiling ko lang sana ay magpatingin parin sa doktor si Mari para masigurong okay talaga siya." "Napakabait mo naman iho. Hayaan mo at gagawin talaga namin yun." Sabi ng ina. "Iho, saluhan mo muna kami sa natira naming pagkain bago ka man lang umalis. Tanghalian na din at baka gutom kana." Anyaya ng kanyang ama dito. "Anak pagsilbihan mo muna si Nathan. Pagpasensyahan mo na iho itong handa naming pagkain ha. Kumain na kasi kami kaninang pagdating namin at ngayon medyo malamig na ang mga ulam." Sabi naman ng kanyang ina. "Wala hong problema sa akin. Di naman ako mapili sa pagkain and I love all filipino dishes." Nakangiting sagot ng binata at tumingin ito sa kanya. "Hmm...ito nga pala ang plato at kutsara. Pili ka lang ha kung ano ang gusto mong kainin." Nahihiya pa din niyang alok dito. "Sure Mari. Mukhang masarap lahat ng pagkain niyo. I miss these food when I was in US." Pagbabahagi pa ng binata sa kanya. 'So galing pa pala siya ng ibang bansa.' Nasabi niya sa sarili. Halata din namang parang foreigner ito kung magsalita. 'Siguro may lahing banyaga din ito?' Napaisip siyang bigla. "Ah Mari, pwede mo ba akong tabihan sa upuan?" Untag nito sa kanyang pagguni-guni. "S-sige.." Nauutal niyang sagot dito dahil kinakabahan talaga siya tuwing magkalapit sila. Nakita niyang abala ang kanyang mga magulang sa pagkukuwentuhan habang kumakain din ang mga ito at parang hinahayaan din silang makapagsolo ng binata. "Mari, are you okay?" Tanong ng binata. "O-oo naman." Nauutal parin niyang sagot dito. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit ang lakas ng epekto ng presensya ng lalaki sa kanya? "I just wanna make sure if you're okay. Maybe nagka trauma ka sa nangyari. Just tell me about what you feel for the moment baka makatulong ako." May concern na naman sa tinig nito. "I'm totally okay. Kumain kana huwag mo na akong alalahanin." Pangungumbinse niya dito at pilit ding pinapakalma ang sarili. "You told me you're still studying nursing. So what year kana ngayon?" Tanong nito habang nag-uumpisa ng kumain. "4th year college na ako sa susunod na pasukan dun sa University of Cebu." Tipid niyang tugon dito "Oh, so you must be nineteen or twenty now." "Nineteen na ako nung August 31." "You're still so young." Parang nanghihinayang nitong sabi. "Eh ikaw, ilang taon kana?" Kahit nahihiya ay nakagaanan na rin niyang makipagkwentuhan dito. "Running twenty-seven this coming November 12." Nakangiti na naman ito sa kanya. Parang naa-amuse ito na panatag na ang loob niyang makipagkwentuhan dito. "Malapit na pala next month na yun." "Yeah and you're invited to my birthday and also your family." "Naku nakakahiya. Kami nga ang dapat mag-imbita sayo para naman pormal kaming makapagpasalamat sayo." "Don't mention it. As I said it was an honor for me to help you or somebody else na nangangailangan ng tulong. Ang pagpapaunlak mo nalang sa imbistasyon ko ang paraan para pasalamatan ako. Just give me your address and I'll send to you my invitation." "Sige..." Di na siya nakatanggi pa sa sinabi nito. "So, can I have your number? Para ma text mo sa akin ang address mo." At sinabi niya dito ang numero niya. Agad naman itong nag missed call sa kanya at sinabing i-save niya ang number nito. Na send na rin niya dito ang address nila sa bahay. Masaya pa silang nagkwentuhan bago nagpaalam ang binata na aalis na dahil tumawag ang ina nito at pinapauwi na din sa kanila. Nagbilin pa din itong muli na kailangan niyang magpa check-up sa doktor para narin makasiguro sa kondisyon niya at di niya mapigilang kiligin uli dahil sa sobrang concern nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD