KAPALAGAYANG LOOB

757 Words
Bago umuwi sa kanilang bahay ay sumadya muna sila Mari sa isang private clinic sa kanilang lugar upang matiyak nga na walang masamg epekto ang muntikan na niyang pagkalunod ng araw na yun. Laking pasasalamat ng kanyang mga magulang at maging siya dahil ayun sa doktor ay okay naman daw ang kanyang lagay at kailangan niya lang ipagpahinga ang sarii. "Anak doon ka na muna sa kwarto mo at tatawagin nalang kita pag nakapagluto na ako ng hapunan natin." Sabi ng ina. "Ang inay naman ginawa naman akong PWD. Di ba nga sabi ng doktor okay naman ako kaya tutulong parin ako sa mga gawain dito." "Oo nga pero kailangan mo paring magpahinga. I relax mo muna yang katawan mo kahit ngayong gabi lang." "Ako na tutulong sa inay mo anak sa kusina para naman may katuwang siya sa pagluluto." Pagpipresenta ng kanyang ama. "Sige ho kayo ang masusunod." Sabi niya nalang sa mga ito at nagtungo na sa kanyang kwarto. Nang makaligo siya at makapagpalit ng damit ay nahiga na siya sa kanyang kama upang umidlip saglit. Alas-singko pa din naman at maaga pa para matulog ngunit sabi nga ng mga magulang ay kailangan niyang magpahinga kaya susundin niya ang mga ito. Bigla niyang naalala uli ang lalaking sumagip sa kanyang buhay ng araw na iyon. Napaka maalalahanin nito at napakagwapo pa. 'Ayan ka na naman Mari, umiral na naman ang pagpapantasya mo sa lalaking yun.' Saway niya sa sarili. Ewan ba niya ngunit parang na love-at-first sight siya dito. Di siya mapakali kapag magkalapit sila lalo na kung magkadilkit ang kanilang katawan. Nag flash back din sa isip niya ang mainit nitong bibig na nagbigay buhay sa kanya. Ramdan niya uli ang kiliting hatid noon sa kanyang katawan. Alam niyang walang malisya sa lalaki ang lahat ng binigay nitong pag-alalay sa kanya dahil yun naman talaga ang nararapat nitong gawin sa panahong mahina pa ang katawan niya. Ipinikit niyang mariin ang mga mata at pilit itinataboy ang lalaking nagsusumiksik hindi lang sa isip pati na rin sa kanyang puso ngunit lalo lamang itong nagkakahugis sa karimlan. Babangon na lamang sana siya upang lumabas at puntahan ang mga magulang ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Biglang kumabog ang kanyang dibdib ng makita ang pangalan ng tumatawag. Medyo nanginginig pa ang kamay ng damputin niya ang cp at sagutin ang tawag. "Hello?" Kabado uli siya. "Hi Mari. Naistorbo ba kita?' "Hindi naman." Tipid niyang sagot. Natatameme kasi siya pag kausap ito. "I sent you a message earlier and just asking if nakauwi kayo safely." "Pasensya na ha di ko napansin kasi nagtungo pa kami sa clinic before kami umuwi dito. Nakapag check-up na ako and so far okay naman daw ako sabi ng doktor." Paliwanag niya dito. "Thanks God you're totally fine. Makakahinga na ako ng maluwag." He really sighed in relief. "Salamat talaga sayo ha. Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagkakaligtas mo sa akin." "Huwag mo ng isipin yung utang na loob Mari. Masaya ako na makatulong sa aking kapwa at napakasaya ko din na ako yung andun para maligtas ka." Sinsero nitong sabi. "Totoo talaga ang sabi ni inay na napakabait mong tao." "Ang sarap naman pakinggan lalo na at galing sayo Mari. Nakakataba ng puso." Pinamulahan na naman siya ng mukha. Kinilig ang kanyang puso na na-appreciate nito ang kanyang papuri. Buti nalang at wala ito sa kanyang tabi at nakakahiyang makita na naman nito ang pagba-blush niya. "Totoo naman talaga na mabait ka at matulungin pa." Papuri niya uli dito. "Well...di na ako kokontra sa sinasabi mo coz' you said it twice na he he. So, should I deserve a reward now?" Biro nito. "Ha? Anong reward ba?" Sakay niya sa biro nito. "Anything basta galing sayo na may kasamang pagmamahal." Patuloy nitong biro sa kanya. Di kaagad siya nakasagot dito. Para kasing di na ito nagbibiro. "Mari, are you still there?" "Ha? Ah oo." Mabilis niyang sagot dito. " Sige tawag ulit ako sayo maybe tomorrow. Masyado na ata kitang nadisturbo." "Okay lang naman Nathan. Anytime pwede mo akong tawagan basta free ako sasagutin ko kaagad ang tawag mo." Parang galing sa puso na niya ang pagtugon dito. "Thank you so much Mari. Masaya ako na makausap ka palagi dahil palagay ang loob ko sayo." "Ako man din Nathan ay magaan ang loob sayo dahil may mabuti kang puso." " My pleasure Mari. Sige tawag ako ulit tomorrow ha. Pahinga ka ng maaga." "Okay Nathan. Salamat sa tawag. Bye." "Bye Mari. Call you tomorrow." Masayang paalam nila sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD