AFFECTION OF TWO PEOPLE

590 Words
"Simula ng dumating ka dito galing sa dagat ay di na mabura yang ngiti sa iyong mga labi iho." Pansin ng kanyang ina. Nasa veranda siya at nagpapahangin at katatapos lang din niyang makausap si Mari sa phone. "Tell me, is that because of a woman?" Panunukso nito. "Ma, stop. Masaya lang po ako." Natatawang pigil niya sa panunukso nito. "Well, who's the lucky girl?" Sabad naman ng kanyang ama na di kumbinsido sa dahilan niya. "You're just like me when I was at your age. Denial king ako pagdating sa pag-ibig. But anyway ipapakilala mo din naman siya sa amin sooner or later, right hon?" Baling nito sa asawa. "You're right hon. Huwag mo ng patagalin iho ha at kami ng papa mo ay gusto naring makita ang aming magiging apo." Excited na sambit nito. "Gezz, apo ho talaga agad? Di ko pa nga siya naliligawan." "See umamin ka din! Ha ha!" Tuwang-tuwa na sambit ng kanyang ina. "Alam niyo talaga kung paano ako mapapaamin." Medyo nahiya siya sa mga ito. "Of course because you're our only son. Kahit di ka pa umamin alam na namin ang sikreto mo iho." Natutuwa paring saad ng kanyang ina. "Make double time anak para mapasagot mo na siya. We're expecting to meet her next month on your birthday." Sabi ng ama bago magpaalam ang mga ito upang magtungo na sa kanilang kwarto. May plano naman talaga siyang ligawan si Mari ngunit di niya nais magmadali. Kakakilala lang nila kahapon and the woman is still so young for him. Isa pa nag-aaral pa ito. Ayaw niyang mabigla ito kung sakaling magpahayag siya ng nararamdaman para dito. Kahit di pa niya natanong ito kung may boyfriend ito o wala, sigurado naman siyang wala pa itong karelasyon base sa mga reaksyon nito kanina habang magkalapit sila. Madali itong mag blush at tila hindi komportable sa presensya ng ibang lalaki maliban sa ama nito. 'My sweet and innocent Mari, sana ay may nararamdaman ka din para sa akin.' Mahina niyang nasabi. Ini-imagine niya ang maamong mukha nito habang nakapikit. Bumalik sa alaala niya ng dumampi ang kanyang bibig sa bibig nito noong kailangan niyang bumuga ng hangin dito. He felt the softness of her lips at parang gusto niyang magtagal pa ang pagkakahugpong ng kanilang mga bibig ngunit kailangan niyang pigilan ang nararamdamang attraction sa dalaga sapagkat nasa peligro itong kalagayan at kailangan niyang mag focus sa ginagawang first aid dito. He's expert in doing first aid because he attended some trainings back in his highschool years and even in US during his college life . He was an athlete kaya kailangan niya rin malamin kung paano iligtas ang sarili maging ang mga kalaro sa oras ng kapahamakan. 'How I wish that I would be always by your side Mari, para palagi kitang maprotektahan sa anumang uri ng kapahamakan.' At parang nangangarap siyang kasama ang dalaga sa tabi niya ngayon. Dinampot niya ang phone sa mesa at tinext ang dalaga. Miss niya kaagad ito kahit kakausap lang nila. 'Tulog kana?' Tanong niya dito. 'Hindi pa naman. Katatapos lang naming maghapunan nina itay at inay. Ikaw kumain ka naba?' 'Yes. Nagpapahangin lang ako sa veranda at maya-maya ay matutulog na din.' 'Ah sige. Bukas uli. Good night na sayo.' 'Good night din sayo Mari. Dream of me.' 'Sige hehe.' Akala siguro ng dalaga ay nagbibiro siya pero sa totoong loob niya ay gusto niya talagang maging laman siya ng panaginip nito. Hihintayin na lamang niya ang tamang oras at pagkakataon upang maipahayag niya ang nararamdaman para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD