SEEING EACH OTHER AGAIN

841 Words
'Good morning Mari.' Yun kaagad ang nakita niyang message sa phone pagkagising niya. Nang i check niya ang oras ng pagbati ng binata ay alas-sais pa ng umaga at ngayon ay alas-otso na. Napasarap pala ang tulog niya. Napanaginipan niya kasi ito. Isang magandang panaginip na tila ay totoong-totoo. 'Maaga din pala siyang gumigising.' At nagreply na din siya dito. 'Good morning too.' Text niya sa binata at tumunog kaagad ang kanyang phone sa tawag nito. "Hello Nathan." Mahina niyang sabi dito at nako-concious pa siya sa sarili dahil kakagising niya lang at para bang kaharap niya ang binata. "Rise and shine Mari. Kumusta ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos?" Masiglang bungad nito. Lihim siyang natawa sa sunod-sunod nitong tanong. "Mahimbing ang tulog ko Nathan. Sa katunayan kakagising ko lang." "I'm glad that you rested well. Napanaginipan mo ba ako?" Tila nagbibiro na naman nitong tanong. "Yes." Kimi niyang sagot. "Oh really? I hope it was a good dream and not a nightmare." Masaya nitong tugon. "Isang magandang panaginip actually." Nahihiya na naman niyang sabi dito. "Wow you should tell me your dream then but I want to hear it from you in real." "Ha?" Parang di niya kaagad makuha ang sinasabi nito. "What I mean is magkita tayo uli. Para bisitahin ka at ang mga magulang mo. Marami pa tayong dapat mapagkwentuhan as new friends." "Kailan?" Parang na excite na kaagad siya knowing that they will see each other again. "Ngayong araw na ito sana kung di ako makakagambala sa inyo ng inay at itay mo." "Sige sasabihin ko sa kanila na paparito ka. Tiyak matutuwa sina inay at itay dahil welcome ka naman dito sa amin. Alam mo na naman ang address ko. Text o tawag ka nalang if maligaw ka." "Yes I got your address. Thank you Mari for letting me to visit you today." "Naku ako nga dapat ang magpasalamat sayo dahil nagbibigay ka ng oras para madalaw kami dito." "It is always a pleasure to me Mari. I'll call you then pag malapit na ako okay? Don't forget to eat your breakfast dahil alas-otso na. Hindi magandang malipasan ng gutom." Paalala nito. "Yes Nathan. Ingat sa byahe papunta dito." Paalam na niya dito. Na touch na naman siya sa pagiging maalalahanin nito. "Bye Mari. Good morning again." Paalam na rin nito. Lumabas na rin siya ng kanyang silid matapos ang pag-uusap nila ng binata upang masabihan ang mga magulang na darating si Nathan ng araw na iyon. "Oh anak, gising ka na pala. Halika ka na at kumain dito." Yaya ng kanyang ina na nagliligpit sa kusina kasama ang kanyang itay. "Good morning ho sa inyo." Bati niya sa mga ito. "Hindi ka na namin ginising anak para mapatagal naman ang tulog mo." Sabi naman ng kanyang itay. "Oho napasarap talaga ang tulog ko. Siguro dahil din sa pagod kahapon. Siyanga po pala tumawag si Nathan at sinabing pupunta siya dito ngayong araw na ito." "Mabuti naman at ng mas makilala natin ang batang yun. Mga anong oras daw paparito?" Tanong ng kanyang ama. "Ngayong umaga din po ata." "Abay kailangan nating maghanda anak. Pupunta lang ako sa palengke at ng makabili ng masarap na uulamin mamayang tanghali." Excited na sambit naman ng ina. "Tutulongan ko na po kayo inay sa pamamalengke." "Naku hindi na anak. Kami nalang ng itay mo. Antayin mo nalang ang pagdating ni Nathan at ihanda ang mga gagamiting kubyertos mamayang tanghalian." Tumango na lamang siya at nag-umpisa ng kumain ng agahan. Umalis na din ang kanyang mga magulang para magtungo sa palengke habang siya ay naligo kaagad pagkatapos kumain at nag-umpisang maghanda para sa pagdating ng bisita. Inayos niya ang mga kubyertos sa mesa para sa tanghalian na siyang bilin ng ina. Habang abala sa pag-aayos ng mga gamit ay tumunog ang kanyang phone na nakalagay sa bulsa ng kanyang bestida. Nakita niyang ang binata na ang tumatawag kaya sinagot niya ito. "Hello Nathan." "Hi Mari. Andito na nga pala ako sa labas ng bahay niyo." "Ha?" Bigla siyang nataranta sapagkat akala niya ay tatawag lang ito pag malapit na o di kaya ay kung maligaw ito. Nang sumilip siya sa bintana ay andun na nga ang binata sa harap ng tarangkahan nila. Nakasandal ito sa magarang sasakyan. 'Bakit hindi ko man lang narinig na may humintong sasakyan sa harap ng bahay namin?' Nagtatakang tanong niya sa sarili. Agad siyang bumaba ng bahay at pinagbuksan ng gate ang binata dahil nakakahiyang pinag-aantay niya ito. "Mas lalo kang gumanda sa suot mo Mari." Papuri kaagad nito sa kanya sapagkat suot niya ang paborito niyang bulaklaking bestada na fit sa katawan niya at lagpas tuhod ang haba. "Salamat. Halika na sa loob at matutunaw ako niyan sa papuri mo." Nahiya na naman siya dahil namumula ang kanyang mukha sa munting papuri nito. Ngumiti ito ng ubod tamis sa kanya at parang lalo siyang natutunaw dahil mas lalong lumutang ang kagwapuhan nito. Iginiya na niya ito papasok sa bahay nila at di na tumingin pa dito para maikubli ang pamumula ng mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD