REAL HAPPINESS IS IMMEASURABLE

715 Words
"I like when you blush. You look so cute." He said and pause for a moment while taking Mari's hand. Bigla namang napahinto si Mari dahil hawak na ni Nathan ang isa niyang kamay na kanyang ipinagtataka. Hindi parin siya makatingin ng deritso dito ng bumitiw siya mula sa pagkakahawak nito. 'Bakit naman kasi napaka sensitibo ng balat niya kapag ito ang kasama niya?' Tanong niya sa sarili. "Look at me Mari. Nahihiya ka parin ba sa akin? I'm your friend now, remember? Sabi mo magaan naman ang loob mo sa akin." "Oo naman kaibigan kita. Siguro di pa lang ako sanay dahil bago lang tayong magkakilala." "That's why I'm here for us to know each other very well. Sana maging komportable ka na kasama ako ngayon." "Oo naman. Pasensya na at nag-aadjust pa lang ako sayo. Matagal na rin kasi akong di gumagala kasama ang mga kaibigan. Puro pag-aaral nalang inaatupag ko. Ngayon nga lang din ako nakapagbakasyon uli. At sina inay at itay lang ang palagi kong kasama." Mahaba niyang paliwanag dito. "Hayaan mo at mapapadalas ang dalaw ko sayo para naman maging at ease ka sa akin." "Naku baka ang dami mo ng naiwan na trabaho dahil sa akin." "Nope. I'm still on my vacation kaya free ako anytime this year." "Ikaw ang bahala. Halika na sa loob." At pinapasok na niya ang binata sa loob ng kanilang bahay. "Andun pa nga pala sina itay at inay sa palengke. Maya-maya darating na ang mga iyon. Maupo ka muna at kukuha lang ako ng maiinom mo." Alok niya dito sa pandalawang upuan sa sala habang siya ay umupo narin sa tapat nito pagkatapos niyang ibigay ang calamansi juice dito. "Thanks Mari. Ang sipag parin pala ng mga magulang mo kahit nagkaka-edad na." "Kaya nga ang swerte ko sa kanila dahil ibinibigay nila lahat ng aking pangangailangan hindi lang mga materyal na bagay kundi pagmamahal at kalinga na pinakamahalaga sa lahat." "Yeah right. Me too I'm so blessed to have a loving and understanding parents. Ang swerte natin sa pagkakaroon ng mga magulang na katulad nila." "Masaya ako at mababait din pala mga magulang mo. Sana ma-meet ko din sila someday." "Of course. Actually, they're eager to see you soon on my birthday." "Naku kinakabahan uli tuloy ako." "Wala kang dapat ikatakot Mari. They'll be happy to see you and I'll be by your side to guide you at di ako mawawala sa tabi mo." "Hindi naman pwede yun. Tiyak marami kang bisitang aasikasuhin at napaka demanding ko naman pag gagawin kitang parang chaperone ko. "For you I'll do everything." "Naku binobola mo na yata ako." "Nope. Never pa akong nambola Mari. I'm honest to goodness. That's what friends are for, right?" Akala niya may pinapahiwatig ang binata. "Sige na panalo kana. Tutal birthday mo on that day kaya pagbibigyan kita. Teka, saan nga pala ang venue?" "Here, dala ko talaga ang invitation para maibigay ko sayo personally." Maganda ang pagkakagawa ng invitation letter at napakabango pa. Kasing-bango ng binata. 'Itigil mo na ang pagpapantasya Mari! Magkaibigan lang kayo di ba?' Saway niya sa sarili. "Sa white beach din pala ang venue. So malapit lang bahay niyo dun?" "Yes may resort ang parents ko dun at isang resthouse where we're staying now." "Wow! May kaibigan na pala akong big time!" Tudyo niya rito. "Hindi naman. It's my parents' property anyway." Nakangiting sagot nito. "Kung resthouse ang tinutuluyan niyo ngayon, ibig sabihin nagbabakasyon lang din kayo?" "Yeah. We're from Quezon Province. Pero madalas ang parents ko dito sa Mindanao dahil paborito nilang pahingahan yung resthouse sa white beach." "Ang layo pala ng pinanggalingan niyo." Mangha niyang nasabi. "Not really that far because it will just take more than an hour to fly on a plane." "Well sa eroplano oo pero pag bus naman sinakyan mo ang layo talaga." "Right but you have the choice kung alin ang gusto mong sakyan. For me, I prefer plane para di masyadong pagod sa biyahe." "Diba dapat doon ka magsi-celebrate ng birthday mo sa Quezon kasi andun yung mga kamag-anak at mga kaibigan mo?" Nagtataka niyang tanong dito. "Well yeah but I prefer here too." "Bakit naman?" Kulit pa niya. "Because you're here." Mabilis nitong sagot na ikinabigla niya at parang bumilis na naman ang t***k ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD