SIGAW NG MGA PUSO

880 Words
Naumid bigla ang kanyang dila at wala siyang maapuhap na sasabihin sa binata. His words were like an explosion to her ears. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o seryoso sa mga sinasabi dahil mukhang pormal naman ito ng sabihin yun. "Mari, I hope you don't mind if I'm being so straightforward. Alam kong sobrang bilis ng mga pangyayari at kahapon lang din tayo nagkakilala. But to tell you honestly, I do like you the moment I saw you." Wala ng paligoy-ligoy nitong pagtatapat with a very sincere look from his eyes. Sasagot na sana siya sa binata ng biglang marinig niya ang boses ng kanyang ina sa labas ng kanilang bahay. "Anak, kanino ba sasakyan itong nasa labas?" Tanong nito at napatayo siyang bigla upang pagbuksan ito ng pinto. Ang itay naman niya ay ipinarada pa ang tricycle sa loob ng kanilang munting garahe at bumaba lumabas na siya upang tulungan ang mga ito sa mga pinamiling lulutuin sa tanghalian. "Nanay Lita, sa akin po ang sasakyan na iyan. Magandang umaga po pala sa inyo ni tatay Emil" Sagot ng binata na di niya namalayang nakasunod na pala sa kanya at talagang parang sanay na itong tawaging nanay at tatay ang kaniyang mga magulang. "Aba'y naunahan mo pa kaming dumating iho." Natutuwa namang sabi ng kanyang ina dito. "Tulungan ko na ho kayo diyan sa mga pinamili niyo." At mabilis nitong kinuha ang dalawang bayong bago pa niya ito mahawakan. "Nakakahiya naman sayo iho. Panauhin ka pa naman namin." Sabi ng ina habang papasok na sila uli sa loob ng bahay. "Ang swerte naman ng babaeng nakatakda para sa iyo iho. Bukod sa gwapo na, mabait at matulungin pa." Papuri naman ng ama. "Parang kayo lang po. Ang swerte ni Nanay Lita sa inyo. Gayundin naman po kayo dahil maganda at mabait din si Nanay Lita. Alam kong may nakatakda ring lalaking gwapo at mabait para kay Mari." Agad tumingin naman ang binata sa kanya at nahuli siyang nakatingin din dito. Palihim itong kumindat sa kanya habang naghagikhikan ang mag-asawa na parang kinikilig sa isa't isa dahil sa sinabi ng biinata. Siya ay pinamulahan na naman ng mukha dahil alam niyang may laman ang mga sinabi nito. "Mari doon muna kayo ni Nathan sa sala at ikaw na ang bahalang umasikaso sa kanya. Kami na ng itay mo ang maghahanda para sa tanghalian." Pagtataboy na naman ng ina sa kanya. Nagustuhan naman ng binata ang sinabi ng kanyang ina dahil tumingin uli ito sa kanya at ngumiti ng ubod tamis. Gustong-gusto talaga nitong mapagsolo sila at alam niyang nabitin ito sa kanilang pag-uusap kanina at siya man din ay parang lumulutang pa sa alapaap matapos magpahiwatig ng binata sa kanyang naramdaman. "Sige ho inay." At nagpatiuna na siyang lumakad at sumunod na rin ang binata. Bumalik na naman ang kanyang pagkabalisa ng muling magkaharap silang umupo ng binata sa sala. Hindi niya parin alam ang kanyang sasabihin dito. Kumbinsido naman siya sa sariling may nararamdaman din siya para dito ngunit talagang hindi niya alam ang gagawin sapagkat bago sa kanya ang karanasang ito. "I'm sorry Mari at nabigla kita sa sinabi ko kanina. Don't you worry, isasantabi ko muna itong nararamdaman ko at ng di ka mailang sa akin. We can just start as good friends na muna kung iyon ang gusto mo." Hinging-paumanhin nito. "Pasensya na din Nathan ha. Alam kong namang naging totoo ka lang sa nararamdaman mo. Nakakapanibago lang din para sa akin ang ganitong bagay. Humuhugot lang ako ng lakas ng loob upang magsabi din sayo ng nararamdaman ko." Mahina niyang sabi at nagliwanag ang mukha ng binata dahil sa narinig na parang umaasa na may katugon ang pagtatangi nito sa kanya. "I'm willing to wait Mari. Ayokong magiging uncomfortable ka sa akin. A successful and long lasting relationship will take a process. Di kita minamadali na tugunin ang nararamdaman ko. Maghihintay ako ng tamang panahon dito at kung kelan handa ka narin." Sabi nito na pinapagaan ang loob niya. "Mabuti kang tao Nathan. Hindi ka naman mahirap magustuhan dahil sa mga katangiang meron ka. Sigurado akong maraming babae diyan ang nagkakandarapa sayo." "Nagseselos ka ba Mari?" Tudyo nito. "Sinabi ko ba?" Defensive niyang sagot kahit alam niya sa sariling di niya gusto kung may ibang babaeng aaligid sa binata. "I'm telling you this Mari na hindi ako tumitingin sa iba once may itinibok na ang puso ko at para sa isang babae lang iyon." Sinsero nitong sabi. Natuwa naman siya sa sinabi nito at matamis niyang nginitian ang binata. "Lalo tuloy akong ma-iinlove niyan sayo. You're so beautiful and so precious to me Mari. Hayaan mo lang ako na iparamdam sayo na mahalaga ka sa akin." Hindi parin mapigilan ng binatang ipahayag ang nararamdaman. "I like you too Nathan. Pero sana bigyan mo pa ako ng tamang oras para mas maintindihan ko ang damdamin ko para sayo." Nasabi rin niya sa wakas ang hinaing ng puso. "Masaya ako Mari at may pagtatangi ka rin sa akin. Kagaya ng sinabi ko handa akong maghintay ng tamang oras. Just take your time and be comfortable to me." Tugon nito na may ngiti sa mga labi na katulad din niya ay masaya ng mga oras na iyon dahil naipahayag nila ang kanilang pagtatangi sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD