KALIGAYAHAN NG ISA'T ISA

1006 Words
Masayang nagsalo-salo ng tanghalian kasama ng pamilya ni Mari si Nathan. Pakiramdam niya at home talaga siya. Kahit simpleng pamilya lang meron ang dalaga ay masaya naman at puno ng pagmamahal. Ito talaga ang pinangarap niyang buhay iyong tahimik lang at hindi masyadong expose sa media katulad ng naging buhay niya noon kasama ang mga magulang. Public figure kasi sila kaya lahat ng tagabalita nakasunod sa kanila. Mabuti nalang talaga at retired na ang parents niya sa pagiging pulitiko at least may peace of mind na siya. "Iho, kain ka lang ng kain ha huwag kang mahihiya. Mari, bigyan mo pa ng sugpo si Nathan at ubos na sa plato niya." Wika ni Aling Lita. Nilagyan naman kaagad ng dalaga ng sugpo ang plato niya at nagpasalamat siya dito dahil sa pag-aasikaso nito sa kanya. "Tataba ho ako agad nito Nanay Lita pag ganito palagi kasarap ang nakahain sa akin. Sana ay ganito din kasarap magluto ang mapapangasawa ko." At sinulyapan niya si Mari upang tingnan kung anong magiging reaksyon nito. Tumingin lang din ito sa kanya na parang pinipigilan siyang magsalita at baka may mahimigan ang mga itong kakaiba sa kanila. "Ikaw ba ay may nobya na iho?" Tanong ni Mang Emil. "Sa ngayon po ay may tinatangi na ang puso ko." Sagot niya dito. "Aba'y napakaswerte naman ng iniirog mo. Alam kong mamahalin ka nun at pagsisilbihan dahil mabait ka din naman." Sabi naman ni Aling Lita. "Oho maasikaso naman talaga siya. Alam kong bubusugin niya ako palagi ng pagmamahal." At sumulyap siya uli sa dalaga na namumula na naman ang mukha dahil alam nitong pinaparinggan niya ito. Nais kasi ng dalagang ilihim muna sa mga magulang nito ang kanilang pagkakaunawaan at baka hindi sasang-ayon ang mga ito dahil sa napakaaga pa nilang pagpapahayag ng mga damdamin. Gusto na muna ng dalaga ang sapat na panahon na makilala siya ng lubusan ng mga ito at gayundin ang kanyang pamilya. Tama din naman ito at masaya na rin siya na alam niyang may malaki siyang pag-asa sa dalaga kahit hindi pa pormal ang kanyang panliligaw dito. 'In the right time, I can tell the whole world how much I care for you Mari.' Tahimk na sigaw ng puso niya dito. Pagkatapos kumain ay nagboluntaryo siyang tulungan si Mari sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila dahil sinabi nitong magpahinga na muna ang mga magulang at ito na ang mag-aayos sa kusina. Hindi pa sana ito papayag ngunit nagpumilit siya dahil gusto pa niyang makasama ito. "Iho maiwan ka na muna namin ha at kami ay magpapahinga na muna. Anak ikaw na muna ang bahala sa bisita natin. Feel at home lang iho." Bilin ni Aling Lita bago nagtungo ang mag-asawa sa kanilang kwarto. "Maraming salamat ho sa inyo." Tugon niya naman sa mga ito. Tahimik lang din ang dalaga na nagliligpit sa mesa habang tinutulungan niya ito. Parang naaasiwa na naman ito sa kanya. "Are you okay Mari?" Tanong niya dito ng magsimula na itong maghugas ng mga plato. Tinabihan niya ito sa lababo at parang nakuryente na naman ito ng magkadikit ang kanilang mga katawan. "Y-Yes I'm okay. Umupo ka nalang muna at ako ng bahala dito sa paghuhugas." Mukhang kabado na naman ito sa pagkakalapit nila. Mas lalo lang siyang dumikit dito at hinuli ang mga kamay nitong may sabon pa at ikinulong iyon sa kanyang malalaking palad. "Nathan baka mahuli tayo nila inay at itay." Mahinang saway nito. "I just want you to feel relax Mari. Mukhang tense ka naman eh. Look at me. Di naman ako nangangat ng tao. Gusto kong maging komportable ka sa akin, okay?" Pang-aalo niya dito upang payapain ang kaba nito sa dibdib. "Hindi naman ako takot sayo Nathan. Hindi ko lang talaga makontrol ang kaba ko tuwing magkasama tayo." Di parin ito makatingin ng tuwid sa mga mata niya. "I think I know how to make you feel comfortable." May kapilyuhan siyang naisip. "Paano?" Inosenting tanong ng dalaga. Binanlawan niya muna ang may sabon nitong mga kamay. Parang nag-iinit na din siya sa pagkakahawak pa lang niya sa malambot nitong mga kamay. Iba talaga ang epekto sa kanya ng dalaga. Alam niyang pareho sila ng nararamdaman tuwing magkakadaiti ang kanilang mga balat at pilit niya lang kinokontrol ang sarili. "Just close your eyes and relax your mind." At sinunod naman siya ng dalaga. Hinawakan niya ang mga balikat nito at iniharap sa kanya. "Nathan baka lumabas sila inay at makita itong ginagawa natin." May takot na namang sabi nito. "Just relax your mind Mari. Wala kang dapat ikatakot, okay?" Tumango nalang din ito. Pinagmasdan niya ang mukhang nito habang nakapikit. Nakakahalina talaga ang ganda nito. Mula sa balikat nito na hawak niya ay tumaas ang mga kamay niya sa mukha nito at ikinulong iyon sa kanyang mga palad. "N-nathan..." Anas nito na parang na tense na naman. "Sshh..just calm down my love." At dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya dito. Masuyo niyang dinampian ng halik ang labi nito. Nagulat man ay di naman umimik si Mari sa kanyang ginawa. Nang dumilat ito ay magkadikit parin ang kanilang mukha. "Tell me Mari, nagustuhan mo ba?" Gusto niyang arukin ang damdamin nito sa kanya. "Oo Nathan gusto ko." Kahit nahihiya ay nasambit nito. At muli niyang tinawid ang labi nitong naghihintay sa mga labi niya. Wala na siyang ibang nasaisip kundi ang maramdaman ang pagmamahal din ng dalaga sa kanya. Gusto niyang pawiin lahat ng kabang meron ito sa dibdib at palitan ng kakaibang kaligayahan. Lumalim pa ang halik na binigay niya sa dalaga at mahina itong umungol sa sensayong idinulot ng halikan nila. Alam niyang hindi pa ito marunong humalik kaya gusto niyang sanayin ito at buong puso namang tumutugon ang dalaga sa mga halik niya. Kapwa habol nila ang paghinga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Niyakap niya kaagad ng mahigpit ang dalaga at ramdan niya ang init ng sa katawan ng bawat isa. "I love you so much Mari." Bulong niya dito. "I love you too Nathan." Mahinang tugon nito na parang musika sa kanyang pandinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD