SWEET LOVE

742 Words
Ang sarap pala talaga ng feeling pag inlove ka lalo pa at may katugon ang pagmamahal mo sa taong mahal mo. Iyon ang pakiramdam ng dalaga habang yakap parin siya ng mahigpit ng binata. Ninanamnam parin niya sa isip ang tamis ng unang halik at di siya nagsisisi na sa binata niya Iyon unang pinagkaloob. Tunay na mahal na niya talaga si Nathan kahit di pa niya kilala ito ng lubusan. May sapat na panahon pa naman para kilalanin nila ang Isa't isa. Dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap ng binata at tumingin dito ng buong pagmamahal. Muli na namang nag-init ang kanyang katawan sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. "You're so enchanting Mari. I can't take my eyes off to you." Sabi nito at hinaplos pa ang mukha niya. "Maupo ka nalang muna diyan Nathan at ako na ang maghuhugas." Pagtataboy niya rito dahil baka kung saan na naman hahantong ang tinginan nila. "Tutulongan na kita Mari. Or else ikaw nalang ang maupo at ako na ang tatapos nito." Mungkahi nito. "No Nathan. Nakakahiya sa iyo at bisita ka namin dito." "Not from now on Mari. I'm part of your family now kasi girlfriend na kita. Isa pa sanay ako sa gawaing bahay dahil matagal din akong mag-isa sa buhay when I went abroad." "Oh sige pagtulungan nalang natin ito at baka magising na sila inay at wala pang ayos itong kusina." Natatawa siya sa kakulitan ng binata. "Yes my love." Malambing nitong sabi at kinindatan pa siya. "Magkwento ka nalang sa naging buhay mo doon sa states." Pag-iiba niya ng topic dahil mukhang nanunukso na naman ang binata sa kanya. "Ano bang gusto mong malaman sa naging buhay ko doon? Mahaba din kasing kwentuhan kung isasalaysay ko sayo ang buong detalye ng mga naging karanasan ko doon." Sabi nito. "Hmm...ilan ba ang naging girlfriends mo doon?" Iyon kaagad ang una niyang naitanong dahil iyon naman talaga ang gusto niyang malaman mula sa binata. "Will it make you jealous if I say I had ten girlfriends there?" Tanong nito at hindi niya mawari kung seryoso o nagbibiro lang ito. "Seryoso ka? Naku napakababaero mo pala Nathan!" Gulat na sabi niya habang nakanguso dahil hindi siya masaya sa narinig. "Hey, I was just asking if it will make you jealous but I didn't say I really had that ten girlfriends." Pag-aalo nito ngunit hindi parin gumaan ang loob niya. "Bakit hindi mo nalang kasi sagutin ng deritso ang tanong ko." Pagmamaktol pa niya at may kasamang dabog na ang paraan ng paghugas niya ng mga kubyertos. "Oh my Mari at nagseselos ka na nga. Please calm down. For your peace of mind, I'll tell you honestly that I had three past relationships. I tried to be a good boyfriend as much as I could pero hindi talaga nag work out. Maybe because we were not really meant to be. Please love hindi naman ako womanizer katulad ng iniisip mo ngayon." Pagpapakalma nito sa kanya dahil sa totoo lang selos na selos parin siya kahit pa sabihin nitong ex na nito ang mga iyon. Naramdaman na lamang niyang nakayakap na ito mula sa likod niya. "Please love always remember na ikaw ang mahal ko sa ngayon at ikaw ang gusto kong mahalin sa habambuhay. I hope you will accept whatever or whoever I am now and even my past. Ang importante kung anong meron tayo ngayon at sa darating nating bukas." Mahinang bulong nito sa kanya habang yakap-yakap siya. Kumalma naman siya kaagad dahil sa naramdaman niyang sinserong mga pahayag nito. "Pasensya na at ang dali kung magselos. Nabigla lang din ako sa aking naramdaman. Ang lakas ng epekto noon sa akin pagkarinig pa lamang na may mga babaeng dumaan na sa buhay mo bago ako." Humarap na siya dito at tiningnan ang binata ng may pagsusumamo. "I don't take woman for granted love. I only give my heart to a person whom I really love kaya hindi ako nagkaroon ng karelasyon ng ganun kadami. Rest assured ikaw lang ang mahal ko sa ngayon at pakamamahalin magpakailanman sa abot ng aking makakaya." Pangako nito habang titig na titig sa kanya. Niyakap niya naman ito at kinantilan ng mabilis na halik sa pisngi. "I believe and trust you now love." Matamis na ang kanyang mga ngiti sa labi ng tumugon dito. At patuloy na isinalaysay pa ng binata ang naging buhay nito sa ibang bansa habang magkatulong na silang naghugas ng mga pinagkainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD