PUSONG PINAG-ISA

442 Words
Masaya pa ring nagkwentuhan ang mag-irog sa sala ng lumabas ng kwarto sina Mang Emil at Aling Lita. Mukhang komportable na sila sa isa't isa at di na masyadong naiilang ang dalaga sa presensya ng binata. "Iho pasensya ka na at napasarap ang pahinga namin nitong si Emil." Hinging-paumanhin ng ginang sa binata at umupo ang mga ito sa katapat na silya. "Wala ho kayong dapat ipag-alala. Masaya naman pong kasama itong si Mari. Ang dami narin po naming napag-usapan." Nakangiting tugon ng binata at tunay namang masaya siya na nagkasarilinan sila ng dalaga. Kung maaari nga lang na buong buhay na niyang kasama ang dalaga ngunit alam niyang may mga bagay pa silang dapat unahin muna. "Teka lang at maghahanda ako ng masarap meryenda." Sabi ni Aling Lita. "Tutulangan na kita Lita." Sabi ni Mang Emil sa asawa nito at tumayo na ang mga ito upang magtungo sa kusina. "Ang sweet at napaka thoughtful ng parents mo. Gusto ko ganun din tayo." Lambing na sabi niya at umusad ng upo palapit sa dalaga. "Ooppss...social distancing muna tayo sa ngayon dahil di pa tayo legal para sa kanila." At umusad din ang dalaga palayo sa kanya. Lumungkot naman ang mukha niya at tumingin sa dalaga na parang nagpapaawa. "Naku Nathan artistahin ka din pala pero di ko bibilhin yang drama mo. Umayos ka nga!" Nag galit-galitan nitong saway dito. "Just kidding my love. Ang seryoso mo naman. Smile naman dyan oh!" At kiniliti na niya ito ng ayaw nitong ngumiti. Pinipigilan ni Mari na mapahagikgik ng malakas dahil sa kakulitan niya. Bigla silang umayos ng upo ng papalapit na ang mga magulang ng dalaga dala ang kanilang meryenda. Tumayo narin sila upang tulungan ang mga ito sa mga dala-dalang pagkain. "Mapapadalas na po ata ang pagpunta ko dito sa inyo. Nakapaka hospitable niyo po at ang gaan sa loob na makasama kayo" Masaya niyang sabi sa mga ito. Siyempre pa at gusto niya talagang makita palagi ang dalaga. "Naku iho wala ito sa laki ng utang na loob namin sa iyo dahil sa ginawa mo kay Mari." Tugon naman ni Mang Emil. "Sana ho ay huwag niyo na isipin yung utang na loob niyo sa akin. Kailanman ay di ho ako maniningil. Kusa ho talaga ang pagpunta ko dito at sana ay di ako makaabala sa inyo." "Bukas naman ang bahay namin kahit sa sino mang gustong bumisita sa amin iho basta may malinis na intensyon. At ikaw ay mabuting tao kaya welcome ka palagi dito." Sabi naman ni Aling Lita. Nakangiting nagkatinginan ang magsing-irog at pinagpatuloy na nila ang naudlot na kwentuhan kasama ang mag-asawa habang kumakain ng masarap na meryenda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD