INIT NG PAGMAMAHAL

832 Words
WARNING ⚠️ : RATED SPG Hindi akalain ni Mari na sa kanyang pagbabakasyon na iyon ay matatagpuan niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso at sa napakaikling panahon ay nagkaunawaan kaagad ang kanilang mga puso. Gustohin man nilang ipaalam na sa kanilang mga magulang ang relasyon ay minabuti nilang ilihim muna ayon na rin sa kanyang kahilingan sa binata sapagkat ayaw niyang mabigla ang ama't ina at baka rin isipin ng mga ito na nagti-take advantage ang binata. Sumang-ayon din naman ito at napagkasunduan nilang maghintay nalang ng tamang panahon. Sa ngayon ay masaya silang malaman na pareho sila ng nararamdaman at malaya silang maipahayag ang damdamin sa isa't isa. "Tay Emil, nay Lita gusto ko po sanang ipagpaalam muna saglit si Mari upang mamasyal dito sa inyong lugar. Kailangan ko din ng tour guide at baka ako ay maligaw." Sabi ng binata pagkatapos nilang makapag-meryenda. "Aba'y oo naman iho. Hindi pa nga nakagala yang bata na yan simula ng umuwi dito kasama ng mga kaibigan. Ewan ko ba at parang takot mawalay sa amin." Sagot naman ng kanyang ina. "Mas mabuting humayo na kayo at maaga pa." Sabi naman ng ama. "Salamat po sa pagpayag niyo. Huwag ho kayong mag-alala at iuuwi ko ng safe si Mari." At inihatid pa sila ng mga magulang palabas ng kanilang bahay. Pinagbuksan at inalalayan pa siya ng binata papasok sa magarang sasakyan nito. 'A real gentleman.' Kinikilig na sambit niya sa isip habang nakangiti. "Are you ready love?" Nakangiting tanong ng binata. Tumango lang siya dahil parang lutang pa ang kanyang isip sa daloy ng pangyayari ng araw na iyon. At pinaandar na nga ng binata ang sasakyan nito. "Anything in your mind where is the best place for us to go?" Sulyap nito sa kanya at maharang ginagap ang kanyang kamay na nakapatong sa kanyang kandungan. Wala talaga siyang idea at biglang naisipan ng binatang ipagpaalam siya nito sa mga magulang. Sabagay alas-tres pa naman ng hapon at masaya naman siyang makasama parin ang binata. "Hey love, nag-day dreaming ka na ata sa akin. Would you like to share it with me?" Tukso nito ng hindi niya tinugon ang tanong nito at nakangiti lang na nakatingin dito. "Ano nga pala yung tanong mo? Nahiya tuloy siya dahil halatang lutang na naman siya sa prrsensya nito. "Saan mo gustong mamasyal? Just guide me at sana sa romantic na place love kasi gusto kong i treasure yung moment na kasama ka." Paglalambing na naman nito at kinabig pa siya palapit dito gamit ang isang kamay nito. Napasandal naman siya sa balikat nito at naamoy na naman niya ang manly scent nito at parang tukso na namang naalala niya ang naganap sa kanila kanina sa kusina. Bumagal ang pagmamaneho nito at saglit pa ay ipinarada nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Iihi ka" Tanong niya dito. "No love." Tawang sagot nito. Wala naman kasi siyang maisip na dahilan kung bakit huminto ito bigla sa pagmamaneho. "I just can't concentrate on driving. So better to stop for a moment. And to answer your question, dahil yun sayo love." At muli ay kinulong nito ang kanyang mga kamay sa malaki nitong mga palad. Muli ay naramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan. Malakas talaga ang epekto ng katawan ng binata sa kanyang katawan. Ilang sagllit pa ay nakalipat na ang binata sa tabi niya at hinawakan nito ang kanyang beywang upang mailipat siya ng pagkakaupo sa mismong kandungan nito. "Nathan, baka may makakita sa atin". Naalarmang sabi. "Please call me love kapag tayong dalawa lang. Masarap pakinggan if you use that endearment to me too love and don't worry tinted itong sasakyan. Hindi tayo makikita sa loob." At pilyong kumindat pa ito sa kanya. "L-love...nakakailang pa din itong posisyon natin." Nauutal na sabi niya dahil ramdam niya ang init ng katawan ng bawat isa sa kanilang pagkakadikit lalo na ang maumbok na bagay sa harap nito na nakadikit sa harap din niya. "That's why I want us to feel comfortable love. Dapat sanayin natin ang ating katawan upang hindi na tayo mailang sa isa't isa. Your presence is also affecting me and I can't control it." "Paano?" At lihim din siyang nanabik sa gustong mangyari ng binata. "Just like what we did back in your kitchen love." Namaos ang tinig ng binata at nakita din niya ang kasabikan sa mga mata nito. "Will you let me do it again love? Tanong nito. "Y-yes love..." Nanginginig na niyang sagot dito dahil sa init na nararamdaman niya sa loob ng kanyang katawan. Nakita niyang dahan-dahang lumalapit ang gwapong mukha ng binata kaya kusang pumikit ang kanyang mga mata at bumuka ang kanyang mga labi upang salubungin ang halik ng binata. Hindi naman siya binigo ng binata at nalasap na naman niya ang matamis nitong halik. Marubdob ang paraan ng pagkakahalik nito na pilit naman niyang sinasabayan. "Oohh...Mari..my love...you make me crazy in love with you. " Mahinang ungol nito nang saglit na magbitiw ang kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD