SO LUCKY TO HAVE EACH OTHER

465 Words
Marahang tumayo ang binata mula sa pagkakadagan sa kanya na ipinagtataka niya at inalalayan pa siya nito ng aktong babangon din siya at inayos din nito uli ang nagusot niyang bestida. Parang bumalik uli yung nagyari kanina na naunsyami nilang intimate moments. "Love, bakit?" Tanong niya dito na nakayuko pa na parang kinakalma ang sarili. "I'm sorry again love at nagpadala na naman ako sa init ng aking katawan. You're just so irresistible at ang hirap magpigil." Sabi nito at hinawakan pa ang kanyang kamay habang humihingi ng depensa. "Ako naman ang gumawa ng moves love. Akala ko kasi makakatulong sa iyo. At gusto ko din naman yung ginagawa natin." Pag-aalo niya dito. "You're still so young and innocent love. I know your concern about my needs and I know you have your needs too. But this is not really the right time for us to do it. I still don't want to break my promise to you and your parents. I respect your family so much and I respect you too." Mahaba nitong paliwanag. "I understand you love and pasensya na din if ako pa yata ang ang nagtulak sayo para di matupad yung pangako mo. I really thought I'm helping you." "Don't worry love I'll be fine. Init ng katawan lang ito at madaling mapawi but my love for you will always stay. How about you, are you okay?" "Yes I'm okay as long as you're okay too." Matamis pa niya itong nginitian. "Thank you so much for showing your love and care for me. I'm so happy and grateful to have you now in my life Mari." Sinsero nitong sabi. "And I'm so lucky to have you Nathan, my love. You're a real gentleman." Tugon niya dito at niyakap siya ng mahigpit ng binata. "Hmm...I think I should drive you home now at malapit ng magtakip-silim. Baka mag-alala na sina Tatay Emil at Nanay Lita sayo." Sabi nito at tumango ang dalaga. Iginiya siya ng binata palabas sa likurang bahagi ng sasakyan at pinagbuksan pa siya nito ng pinto sa may passenger's seat sa unahan. May ngiti sa kanilang mga labi habang binabagtas na nila ang daan pauwi sa kanilang bahay. Tunay na masaya ang dalaga at nakasama niya ang binata ng araw na iyon at muli ay naalala niya ang mga bagong karanasan na ipinadama nito sa kanya. Sobrang hanga niya sa pagkakaroon nito ng self-control sa sarili na bihira lang talagang magawa ng mga lalaki sa panahon ngayon. Nang tingnan niya ang binata ay siyang lingon naman nito sa kanya na may ngiti parin sa mga labi kaya ngumiti rin siya dito at humilig sa balikat nito at payapa ang kalooban na ipinikit ang mga mata habang ninanamnam ang mga sandali bago maghiwalay sila ng binata ng araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD