NATHAN'S PRIORITIES

793 Words
"How's your day iho?" Bungad ng ina ni Nathan ng makauwi siya sa kanilang resthouse pagkatapos niyang maihatid si Mari sa bahay nito. "It's a great day Ma!" Masaya niyang tugon at lumapit dito upang humalik sa pingi ng ina. Mag-isa lang itong nakaupo sa sofa kaya nagtataka siya kung nasaan ang ama. "Where's Papa?" Tanong niya dito. "Kaninang hapon din yun umalis dahil niyaya ng dating kaibigan na bumisita sa kanila." Parang lumambong ang mukha nitong tugon. "Why you didn't go out with him? You should not be alone here." Nagtataka parin siya dahil lagi namang magkasama noon ang mga magulang sa lakad ng bawat isa simula ng bumitiw na ang mga ito sa pulitika. "Don't worry son, I'm fine here. Uuwi din naman ang papa mo later. Samahan mo na ako sa dining room ng makapag-hapunan na tayo at ikwento mo sa akin ang pagkikita niyo ng iyong kaibigan." Pag-iiba nito ng usapan at lalo niyang ipinagtaka na hindi nila makakasabay ang ama sa hapunan. "Okay Ma." Ang nasabi na lang niya at iginiya na ang ina papunta sa hapag-kainan na naihanda na ng mga katulong nila. Maraming tanong ang kanyang ina hinggil sa pagbisita niya sa dalaga habang sila'y kumakain na masigla naman niyang sinagot lahat. Alam na nito ang tunay niyang saloobin sa dalaga dahil open naman siya sa mga magulang sa mga bagay-bagay na dapat nilang malaman tungkol sa kanya. Wala siyang itinatago sa mga ito dahil sa pagkakaalam niya wala ding sekreto ang mga magulang niya sa kanya kahit pa hindi sila nagkasama ng mahabang panahon. "By the way Ma, anong oras po ba uuwi si Papa?" Ungkat niya uli dito dahil parang ayaw pag-usapan ng kanyang ina ang paglabas ng kanyang ama ng araw na iyon. "Not really sure iho kasi di pa siya tumatawag or nagti-text sa akin." Malungkot nitong sabi. "Is there something wrong Ma? Kanina ko pa napapansin na parang malungkot kayo." "Maybe I'm just tired iho. Kailangan ko lang sigurong matulog ng maaga. Bweno, maiwan na muna kita dito." Paalam nito. "Okay Ma, Have a good night." Sabi nalang niya at humalik uli sa pisngi nito. Napaisip uli siya kung ano kayang pinagdadaanan ng ina at mukhang matamlay ito ng gabing iyon na para bang pinipilit lang nitong maging mukhang masaya sa harap niya kahit halata naman na hindi talaga ito okay. Umakyat na din siya sa kanyang kwarto upang maligo habang palaisipan pa din ang matamlay na mukha ng kanyang ina kanina. 'I should ask her again tomorrow baka nga pagod lang talaga siya ngayon.' Sa isip na sabi niya and trying to convince himself that his mom is really fine. Pagkatapos makapagpalit ng damit ay agad niyang tinawagan ang dalaga upang kumustahin ito at makipagkwentuhan na rin dahil na miss na agad niya ito. "Hi love!" Bati niya sa dalaga. "Hello love! Safe ka bang nakauwi sa inyo?" "Of course love! Mas lalo akong mag-iingat palagi para sayo." Malambing niyang tugon dito. "Naks naman! Nagiging corny na kana love ha! He! He!" Tawa ito ng tawa. "Seriously love, mas naging inspired ako sa buhay at pag-iigihan ko pa lalo na matupad lahat ng mga pangarap ko kasi andyan kana na pag-aalayan ko ng lahat ng meron ako ngayon." "Teka lang love mukhang mahabang usapan yata iyan kasi for the future na iyang mga sinasabi mo. But anyways, masaya ako na bahagi na ako ng mga pangarap mo ngayon at sana ay tuloy-tuloy lang palagi ang masaya nating pagsasama. Iyan lang naman ang nais ko sa ngayon love, ang makasama at makita ka palagi kasi bakasyon pa natin pareho pero after that may mga ibang priorities pa yato na dapat asikasuhin." "Right love. After my vacation here, I'll start putting up my business na and I need to have a full time focus on that. But still, our communication should continue during our free time kasi of all my priorities ikaw parin ang top one sa akin. That's how important you are to me love." "Thank you so much for your thoughtfulness love. Na miss kaagad kita dahil iyan." Naglalambing na sabi ng dalaga. "And I miss you more love. Sunduin kita diyan bukas ha. Pasyal ka dito sa amin at ng maipakilala kita sa parents ko." Tugon niya. "Ha? Parang nakakahiya sa kanila love kasi ang bilis ng relasyon natin." "It doesn't matter love kung gaano bilis o tagal ng pagsagot mo sa akin. Ang importante we truly love and care each other, right?" "Oo naman. Oh sige na pahinga na tayo ng maaga at ng di ako magmukhang puyat sa mga magulang mo bukas." "Yes love. Rest well and dream of me. I love you. Mwahhh!" "I love you too Nathan. Sweet dreams. Mwah!" Paalam nila sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD