MARI'S MEETING WITH NATHAN'S PARENTS

1065 Words
Maagang gumising si Mari kinabukasan upang tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay at para na din makapagpaalam sa mga ito na susunduin siya ng binata ng araw na iyon upang makapamasyal sa bahay ng mga ito. "Na-miss ka na ata agad ni Nathan ah!" Tudyo ng ina. "Siya ba ay nanliligaw na sa iyo anak?" Segunda naman ng ama. "Ho?" Parang di niya ata alam ang sasabihin dahil di niya ugaling magsinungaling sa mga ito. "Oh siya wala naman kaming tutol kung sakaling manligaw ang binatang yun sa iyo kasi alam naming mapagkakatiwalaan siyang tao." Nakangiting sabi ng ina. "Oo anak, nararamdaman naming may pagtatangi si Nathan sa iyo. At parang ikaw din." Ang ama niya naman ngayon ang nanunukso sa kanya. Pinamulahan bigla siya ng mukha dahil sa tahasang tukso ng mgq magulang. Hindi rin niya magawang salungatin ang sinasabi ng mga ito dahil totoo din naman. Hahanap lang talaga siya ng tamang panahon upang masabi niya sa mga ito na nobyo na niya ang binata. "Kumain na tayo ng maaga at ng makapaghanda kana bago kapa sunduin dito ni Nathan anak." Mukhang mas excited pa ata ang ina niya kesa sa kanya. "Opo Nay at salamat po sa pagpayag niyo ni itay na makasama ko uli ngayon si Nathan." Masaya niyang sabi sa mga ito. "Walang anuman anak. Masaya kami na masaya kang kasama ang bago mong kaibigan." Tugon naman ng ina. Bandang alas-otso ng dumating ang binata at saktong nakagayak na si Mari. Nakapag-almusal na din ang binata bago siya nito sinundo kaya ilang sagllit lang umalis na din sila pagkatapos makapagpaalam ng pormal ng binata sa kanyang mga magulang. "I'm so happy again to see your pretty face love."Sulyap ng binata sa kanya habang nagmamaneho ito. "Me too love." Tipid niyang sagot dito ng may matamis na ngiti sa labi. Hinagilap ng isang kamay ng binata ang kanyang kamay at masuyo itong hinalikan habang nakatutok ang mga mata sa daan. Hinayaan na lamang niyang hawak nito ang kanyang kamay dahil panatag siyang maingat parin ito sa pagmamaneho. "Love, andiyan ba ang parents mo?" Tanong niya ng malapit na sila sa resort. "Yes love. I can't wait to let them see you in person para naman may basbas na tayo sa kanila and they are excited to meet you too." Masiglang tugon nito. "Ako man din ay gustong makilala sila kahit kinakabahan ako love. Sana ay di ako maging kahiya-hiya para ipakilalang girlfriend mo." May kunting agam-agam parin siyang nararamdaman sa unang pagkikita nilang iyon ng mga magulang ng binata. "Love you're the most beautiful and lovable woman I ever met and I'm so proud of you as my girlfriend. Kaya no need to be nervous, okay?" Mas lalo pang hinigpitan ng binata ang pagkakahawak sa kanyang kamay na para bang binibigyan siya ng lakas ng loob nito. "Pasensya na love ha. Hayaan mo I'll do my best para maging karapat-dapat ako sayo." Pangako niya dito. "Just be yourself love. Yun lang sapat na sa akin." Masuyong tugon nito. "Thank you so much love for your understanding. Hayaan mo next time ako naman ang gagawa ng paraan para pormal kitang maipakilala kina inay at itay bilang nobyo ko." Sabi niya na may kasigurohan. "Really? I'm looking forward on that day love." Excited naman ang binata. "Yes love. Para naman pareho na tayong may blessings sa mga magulang natin." At humilig siya sa balikat nito na may ngiti sa mga labi. Nang papasok na ang sasakyan ng binata sa isang malaking gate ay umayos na ng upo si Mari at tila kumakalabog uli ang kanyang dibdib sa kaba. "Here we are love. Ready?" Masuyong tanong ng binata. Tumango lang ang dalaga at pilit pinapakalma sandali ang sarili. Umibis ang binata sa sasakyan at inalalayan ang dalaga palabas ng sasakyan. Nang makita ng binata na alumpihit siyang lumakad ay inakbayan siya nito at ginawaran ng masuyong halik sa labi. "Love, baka may makakita sa atin." Mahina niyang saway sa ginawa nitong halik. "Just to give you energy love." Pilyong sagot nito at inakay na siya nito papasok ng rest house at wala na siyang nagawa pa kundi sumunod dito. Isang napakagandang ginang at isang makisig na ginoo ang nakatayo sa bungad ng pintuan na wari ay hinihintay ang kanilang pagdating. 'Sila na ata ang mga magulang ni Nathan.' Nasabi niya sa sarili habang papalit sila sa mga ito. "Oh finally you're here! Nice to see you iha. Mari, right?" Bati ng ginang sa kanya na kusang yumakap at humalik sa kanyang pisngi ng tuluyang makalapit siya dito. Nang kumalas ang ginang sa pagkakayakap sa kanya ay saglit itong napakunot-uno habang nakatitig sa kanya. "Yes po. Nice meeting to you too po Ma'am." Mahinhing niyang sabi dito at medyo nagtaka dahil matiim ang pagkakatitig ng ginang sa kanya. "You can call me tita, iha." Sabi ng ginang at tumango nalang siya dito bilang pagsang-ayon. "I'm glad to meet you also iha and please just call me tita" Magiliw na sabi ng ama ni Nathan at ito man ay titig na titig sa kanya na wari ay sinusuri ang buo niyang mukha. "Masaya din po ako at nakilala kayo tito." Kahit naaasiwa ay pinilit parin niyang tumugon sa mga ito. Sa tingin niya ay magkasing-edad lang ang mga magulang niya sa mga ito dapatwa't mas lalong bata tingnan ang mga ito dahil siguro mas alaga nila ang kanilang katawan at di masyadong batak ang mga buto sa trabaho. "Ma, are you okay? I know Mari is so beautiful pero baka matunaw na ang girlfriend ko sa sobrang titig nyo." Medyo nagtataka din ang binata pero dinaan na lang nito sa biro. "I'm sorry if it makes you feel uncomfortable iha. What my son said is so true. You're really so beautiful kaya di nakapagtatakang nabihag mo ang pihikan niyang puso." Ang nasabi ng ginang ng makabawi mula sa ilang segundong pagkatitig sa kanya. "Maraming salamat po sa papuri tita. Kayo man din po ay napakaganda." Nahihiya niyang tugon dito. "Thank you for the compliment too iha. Oh siya pumasok na tayo sa loob at ng makipagkwentuhan pa tayo. Nagpahanda ako ng masarap na meryenda at dito ka narin mananghalian iha." Nakangiting aya ng mama ni Nathan. Tumango naman siya dito at unti-unti ay napalagay na din ang loob niya sa mga ito. "Let's go love." Yaya ng binata at inakbayan siya nito papasok ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD