FAMILY IS LOVE

713 Words
Tumuloy ang mga magulang ng binata sa may veranda ng bahay at sumunod naman sila sa mga ito. Napamangha ang dalaga sa ganda ng tanawin sa bumungad sa kanya at dahil uphill ang lugar ay kita ang halos buong white sand resort mula sa kinatatayuan nila. "Did you like the view love?" Untag ng binata. "Yes love ang ganda dito at sobrang nakakarelax sa pakiramdam." Totoo sa loob niyang sagot dahil sa paghanga ng napakagandang tanawin. "Yeah so beautiful..." Sabi naman ng ama ng binata na napatingin sa kanya habang siya ay nawiwili na nakatingin sa paligid. Tumikhim ang ginang upang mabaling dito ang atensyon ng asawa na tila ay nawiwili din na nakatitig sa kanya. "I mean you're right iha. This place is like a paradise to us. Kaya ito ang napiling lugar na pagtayuan ng aming mga magulang ng bahay-bakasyunan para iregalo sa amin after our wedding." Sabi nito ng makabawi sa pagtitig sa kanya. "Wow! Napaka thoughtful at generous naman po ng mga magulang niyo." Sobrang namangha siya sa sinabi nito. "We're glad that you like this place and you feel comfortable here iha." Nasabi lang ng ginang. "Opo talagang masarap sa pakiramdam pag ganito ka presko yung lugar. Sariwa ang hangin at saka parang napakalapit lang natin sa kalikasan." Sabi niya dito. "Well, just feel free and enjoy the view iha. I hope you'll like the food too." Sabi ng ginang ng magsimula na itong kumain ng inihandang meryenda ng mga katulong. "Yes po thank you po." Sagot niya dito at talagang natakam siya sa pagkaing nakahain sa kanila. Minsan lang siya makakita ng ganitong mga pagkain at malimit ay sa mga palabas lang sa TV ng mayayamang pamilya. "What do you want to eat love?" Masuyong tanong ng binata sa kanya na handang ipaghain siya sa naisin niyang kainin. "Kahit ano love. Ako nalang kukuha." Sabi niya agad dito dahil nahihiya siyang pagsilbihan siya ng binata sa harap ng mga magulang nito kahit likas naman talaga dito ang pagiging maasikaso at malambing. "You're so lucky to have our son, iha. He's such a thoughtful and loving person at alam kong aalagaan ka niya." Parang may inggit na wika ng ginang. "How about me hon? You're lucky to have me too, di ba?" Naglalambing na tanong ng ama ng binata sa kanyang kabiyak. Ngumiti lang ang ginang dito at tahimik na itinuloy ang pagkain. Kumuha na din siya ng pagkain at nakaalalay lang ang binata sa kanya. Sinubuan pa siya nito na di niya matanggihan kahit nahihiya pa rin siya sa harap ng mga magulang nito. "By the way, iha, naikwento na ni Nathan ang reason ng inyong first meeting and also some details of your personal life. So now, can you tell us about your parents and what they do for a living?" Tanong ng ginang. "Yes po ma'am." Sagot niya dito at inihanda ang sarili sa pagsagot sa katanungan ng ginang. "Ang tatay ko po ay si Emil at Lita naman po ang pangalan ng nanay ko. Kung hindi po ako nagkakamali ay magkasing-edad lang po nila kayo. May maliit po kaming palayan na siyang pinagkukunan ng kabuhayan ng aming pamilya. Bata palang po ako ay pagsasaka na ang kinagisnan kong hanap-buhay ng aking mga magulang." Patuloy niyang sabi habang nakangiti sa ginang. Biglang nawalan ng gana ang ina ng binata pagkarinig ng kwento ng dalaga at hindi na ito kumibo pa. "How's the food iha? Do you like the taste?" Pag-iiba ng usapan ng ginoo kahit ito man din ay nabigla sa isinalaysay ng dalaga. "Sobrang sarap po. Paborito ko talaga itong mga seafood lalo na at napakasarap ng pagkakaluto dahil sa mga sangkap na bihira ko lang po matikman." Kimi niyang tugon dito. "These are my son's favorite food too. Kung kayo man ang magkatuluyan, just make sure that you'll know how to cook it." Malumanay ngunit prangkang sabi ng ginang. "Ma, of course Mari can easily learn how to cook this kind of food because she's a good cook and I'm sure na kami naman talaga ang magkakatuluyan, di ba love?" Pagpapagaan ng loob na sabi ng binata dahil ramdam ata ito na nati-tense na siya sa mga pahayag ng ina nito. "Yes love." Maikling sagot niya dahil wala na ata siyang masabi pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD